Lumilipas ang panahon, lahat ng bagay ay magbabago, kahit pa ang nararamdaman ng isang tao. Sa huli, kami pa rin naman dahil kami ang itinakda... siguro. Hindi ako sigurado. Dahil sabi ko nga, lahat ng bagay ay nagbabago, kaya posibleng ang nararamdaman ko sa kaniya ay maglaho rin. Depende pa rin, kung saan kami dadalhin ng mga puso namin. Nakakatawang isipin na nasasabi ko ang mga 'to sa sarili ko ngayon gayong hindi naman ako interesado sa romance simula noon. Siguro ganoon lang talaga, mare-realize mo lang ang isang bagay kapag nalaman mong maaaring mawala ito ano mang oras sa ngayon. Pero hindi naman siya mawawala, mapupunta lang sa iba. At ayon siguro yung nakapagpamulat sa mga mata ko. Lumaki akong siya ang kasama, lumaki akong ako lagi yung priority niya among the others. Kaya naiisip ko pa lang na magkakaroon siya ng iba, parang nagseselos na ko. Hindi naman siguro niya ko makakalimutan pero, hindi na ako ang laging uunahin panigurado at magkakaroon ng limitations. Lagi niya akong inaasar noon kung gusto ko ba siya, pati ang mga magulang namin, pero pilit kong itinatanggi. Kasi sa isip ko, magkaibigan kami at ayaw kong masira 'yon at lalong ayaw kong asarin niya ko. Hindi ko naman inaasahan na yung dine-deny ko ay may laman pala. Ang hirap mang aminin pero may pagtingin nga ata ako sa kaniya. Sa panahon ngayon, ang 10 years old na mga kabataan ay may karelasyon na. Nakakatawang isipin pero ayon ang reyalidad, wala akong magagawa. Kaya nga nakapagtatakang sa mga sumubok na manligaw sa 'kin, wala ni isa akong pinili dahil ang nakabaon sa puso ko ay si Tim lang pala. Omighad, I've never thought that I can be this cheesy. Okay lang 'yan, ako lang naman ang naka-aalam. Tuluyan akong dinala sa reyalidad nang tumunog ang bell ring hudyat na lunch break na. Doon ko lang napagtanto na magkalapat ang aming mga kamay at tila dinadala kami ng aming mga paa sa paraiso. Nakaramdam ako ng kakaibang kuryente mula sa aming mga kamay, tila nagliliyab ang puso kong sabik sa pagmamahal. “Maryanelle Georgianna!” “O-Oh?” Sa isang pitik niya, namulat ako sa kapaligiran. Halos pagtawanan ko ang sarili ko nang mapagtantong nasa harap na kami ng office. Nahagip ng mga mata ko ang mga kaklase namin sa 'di kalayuan dala-dala ang kaniya-kaniyang papel. “Papel mo, ipapasa raw kay Johen,” aniya at pilit na hinigit ang sling bag ko kung saan nakahawak ng mahigpit ang kaliwang kamay ko. “Ah ito, wait.” Ako na ang kumuha niyon sa bag ko at ibinigay sa kaniya. Pinanood ko lamang siyang ipasa 'yon. Halos masapo ko ang sariling noo sa paglipad ng isip ko kanina. Hay, napapadalas ata itong pago-overthink ko. Grabe. “Saan na naman ba lumilipad 'yang isip mo ha. Tulala ka na naman. Mamaya nagma-maladaptive daydreaming ka na, sabihin mo lang dadalhin kita sa psychiatrist.” Aba siraulo 'to ah. “Anong maladaptive, oy grabe hindi ah. Kapal ng mukha mo!” He put his arms around my shoulders as he laugh out loud like a crazy person. Sino nga ulit yung kailangang dalhin sa psychiatrist? Tsk. Dumaan lang kami sa rest room bago dumiretso sa cafeteria. He can't stop from looking at himself in the camera of his phone, fixing his hair and every feature he have. “Ano? Ayos na ba 'tong buhok ko? Ano mas gwapo ba ko ngayon?” Napangiwi na lamang ako at napailing-iling. “Kinakabahan ako, any advice?” “Saan ba punta mo?” “Kay Claire nga.” Oh? Nga naman, kaya nga may pa-gift eh. Chocolate and roses, LOL. Bakit mas maganda pa yung mga nireregalo niya sa 'kin. LOL. Nakaka-proud, wow. I chuckled. “Bakit kilala ka na ba niya? Mamaya pagkamalan kang stalker ha.” “Sa gwapo kong 'to, stalker?” I can't stop myself from rolling my eyes. “Alam mo ba. Hehehe.” 'Yan na naman, yung ngiting aso. “Na?” “Nag-chat kami kagabi hehehe, ble. May kapuyatan na ko, ikaw wala.” Gumuhit ang ngiwi sa mga labi ko. Hindi ko kailangan ng chatmate dahil tamad ako mag-type. At mas lalong hindi ko kailangan ng kapuyatan, mas masarap matulog. “'Buti nireplyan ka?” Para akong sinuntok ah. Kung ganoon, nagsisimula na silang magkakilala... Okay lang, sa huli, sa 'kin pa rin naman siya dahil kakampi ko ang mga magulang namin. Kung noong nakaraan ako ang walang takas, ngayon siya naman. “Anong pinag-usapan n'yo?” Napadaing ako sa pagkotong niya sa 'kin. Ugh, epal. “Kahit kailan chismosa ka eh ano. Basta nag-usap kami ng bagay-bagay tapos sabay raw kami mag-lunch. Yie!” Ang mga ngiti niyang abot tainga kasabay ng pagkinang ng mga mata niya ay madalang kong makita. Nakakawalang gana ang sayang meron siya, hindi ko maiwasan. “Oh talaga? So gagawin n'yo kong third wheel?” “Hindi! Mag-solo ka, magso-solo kami. Sa labas pati kami maglu-lunch hindi rito. Huwag ka mag-alala, hanapan kita ng kasama. Para may ka-date ka rin, kawawa ka naman eh.” I gasped. Ah ganoon? Grabe. Speechless ako. Huh, nakakatawa. “Ano bang gusto mo? Matangkad na payat o matabang pandak?” “Sira! Ayaw ko.” Ayaw ko ng iba, gusto ko ikaw lang. “'Di don't. Anong oras na?” I shook my head and took a glimpse on my watch. “12:06,” I simply answered. He just tapped my shoulder and the smile and spark on his face stayed as what it was earlier. “Sige. Alis na ko. Susunduin ko pa siya sa room niya. Bye, ingat, kain ka marami. Muah.” I just smiled back when he walks away, turning his steps on the other building. I stayed frozen while looking at him who is very motivated and happy today. I met his brown eyes when he lift his head on my side. “Wala ba akong good luck d'yan?” Pinakitaan ko na lang siya ng ngiwi at naglakad na patungo sa cafeteria ng mag-isa. Nakakailang hakbang pa lang ako ay narinig ko na ang reklamo niya na ikinatawa ko ng bahagya. “Kahit kailan walang support.” Kung alam mo lang, sobrang proud ako sa bawat magagandang ginagawa mo. Sinusuportahan kita sa lahat ng bagay kahit pa hindi ko nagagawang ipakita dahil hindi naman ako sweet na tao kagaya mo. Pero sa pagkakataong maaari kang malayo sa 'kin, hindi kita kayang suportahan dahil hindi ko kayang mawala ka sa tabi ko. Ayos lang kung hanggang kaibigan lang ako, pero sana huwag mo akong ipagpalit sa iba dahil sandigan natin ang isa't-isa.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (102)
b******2@chimpad.com
This is one of the teenfic story that you should not missed out
30/07/2022
0
JinKier
I love it😇💜high school setting always mesmerize me
24/05/2022
0
GoddessNiMaster
Wow, this is giving a Jonaxx vibes, Author! With the introduction and the book cover, it's very promising! Let's read everyone! We'll love this story for sure!
This is one of the teenfic story that you should not missed out
30/07/2022
0I love it😇💜high school setting always mesmerize me
24/05/2022
0Wow, this is giving a Jonaxx vibes, Author! With the introduction and the book cover, it's very promising! Let's read everyone! We'll love this story for sure!
23/05/2022
0Tingnan Lahat