Chapter 50

Chapter 50
"Bakit ba tinititigan mo lagi 'yan bago maligo?"
Nakatayo ako sa harap ng salamin sa loob ng banyo at tanging undergarments lang ang suot. Echo was behind me, pulling the garter of his boxer shorts down while staring at me.
"I just find this scar beautiful," I answered while caressing the three inches long suture on my bottom left abdomen.
Echo settled himself behind me as he crawled his arm around my waist. Hinawi niya ang buhok ko at inipon sa kanang balikat bago niya ipinatong ang baba sa kaliwa kong balikat nang hindi hinihiwalay ang mga matang mapupungay ang tingin sa akin.
"I don't like seeing it, though, because it reminds me of how I was incapable of preventing it to happen," napapaos niyang bulong at hinalikan ang aking leeg.
Hinawakan ko ang kamay niya na nasa tiyan ko at ang isa ay dinala ko sa kanyang buhok. I smiled and ruffled his already messy hair.
"Kung ayaw mong makita, e 'di hindi ko na ipakikita sa 'yo ang katawan ko-"
"Joke lang pala," bawi niya agad. "Eona, nakikita mo ba 'yang babae sa harapan mo ngayon?"
I arched my brow. "Hindi pa naman ako bulag para hindi makita ang sarili kong repleksyon."
"Mahal ko 'yan," he said and his lips curved for a heartwarming smile.
I smirked. Alam ko. Patay na patay ka naman lagi sa akin, Kliff Jericho Rivera.
"Magiging asawa ko na 'yan. Mula anit hanggang kalyo niya sa paa, mahal ko sa kanya. Mula gilagid, lamang loob, kaluluwa, espiritu at ang kaibuturan ng pagkatao niya, mahal na mahal ko. Ang daming hirap ang pinagdaanan niya pero nalampasan ng babaeng 'yan. Sobrang proud ako sa kanya... kami ng mga anak niya."
Uminit ang pisngi ko sa hiya kaya inirapan ko siya. I tried to unclasp his arm around my waist but he held me tightly. Kailan ba ako masasanay sa matatamis na salita ng lalaking 'to?
"Teka, hindi pa ako tapos. Huwag ka munang kiligin diyan. Gusto ko na ring maligo dahil nag-iinit na ako pero gusto ko munang malaman mo na hindi lang ang magagandang katangian mo ang mahal ko." He chuckled.
Nag-usok ang ilong ko kaya hinila ko nang bahagya ang buhok niya. Sumimangot tuloy siya.
"Ayan... Ang ganda-ganda ng mukha at katawan pero ang sungit lagi sa akin tapos nananakit pa. Ikaw lang din talaga ang nagustuhan kong tumitirik agad ang mata lagi sa akin kahit wala pa namang nangyayari sa atin."
Suminghap ako. "Sinong hindi iirap sa 'yo, e, ang babaero mo noong unang kita ko pa lang sa 'yo? At sino ba naman kasing nagsabi sa 'yo na magustuhan mo ako?"
"Wala," he replied quickly. "At wala ka pang sinasabi sa akin noon, nagustuhan na kita. Badtrip kasi 'yang mata mo saka 'yang freckles mo sa mukha, inakit ako kahit picture mo lang ang nakita ko. Ang unfair!"
"Crush mo ako dahil sa picture pero 'yong kapatid ko na nauna mong nakita sa personal at kamukhang-kamukha ko, hindi mo nagustuhan?"
"Iyon nga, e. Ewan ko ba. Siguro dahil mabait 'yong kapatid mo? Ayaw ko sa mga sobrang mababait, e. Hindi ko kailangang mandamay ng inosente sa kagaguhan ko."
"So sinasabi mong masama ang ugali ko at ayos lang na madamay ako sa kagaguhan mo?"
"Masungit ka pero hindi ko sinasabing masama na ang ugali mo. Magkaiba 'yon. Nagtataray ka lang naman para itago ang tunay mong nararamdaman. Para magmukha kang matapang na hindi kayang tapakan. Pero ang totoo, malambot din ang puso mo pagdating sa ibang tao at lalo na sa pamilya mo. Ayos lang na ikaw ang masaktan at magmukhang masama, maprotektahan lang sila."
Napalunok at iniwasan ang malalalim na tingin niya mula sa salamin.
"Isa ako sa mga nagpadumi sa isip mo at pagkatao mo. Ang gago, 'di ba? Mahal kita pero nagawa ko pang saktan ka. Kaya ngayong nandito ka na ulit..." Isiniksik niya lalo ang mukha sa aking leeg. "Gusto ko lang magpasalamat sa 'yo. Sa pagbabalik, sa pagpapatawad, at sa pananatili. Para sa akin ka lang, Eona. Nabubuhay lang ako para sa 'yo at sa mga anak natin. Kapag wala kayo, wala ako. Sagad na sagad ang pagmamahal ko sa inyo."
Echo is the only person whom I know the most vocal with his feelings and emotions. Tatawa o maiinis ka na lang sa mga kalokohan niya pero kapag nagsalita na siya tungkol sa nararamdaman niya, babaon lahat sa utak mo at mananatili sa puso mo.
Kaya alam kong sa pagkakataon ngayon, siguradong-sigurado na ako na siya lang.
Siya lang ang lalaking mamahalin ko. Sa kanya lang kami lagi uuwi ng mga anak namin. Kung hindi lang si Echo na maloko at sa akin lang nagseryoso, huwag na lang. Si Echo lang hanggang dulo.
"Mama, I think our dogs love Kuya more than me," malungkot na sinabi sa akin ni Mori nang pumasok siya sa kuwarto namin ni Echo.
Tumawa si Echo na nasa kama habang may ginagawa sa kanyang laptop. Sabado ngayon kaya hindi siya pumasok. I shot him a glare and he was quick to swallow his laugh.
Hinawakan ko ang pisngi ni Mori. "Paano mo naman nasabi 'yan, Mori?"
"Kuya's just lying like dead on our couch and the dogs immediately went to him. Si Ariel sa paanan, si Goldie sa gilid, at si Nemo sa uluhan niya tapos dinidilaan pa ang pisngi ni Kuya." She pouted. "I want to be licked, too!"
Hindi ko napigilang mapahagikgik. That's it?
"Your Mama wants to be licked, too," singit ni Echo kaya napatingin ako sa kanya.
What does he mean by that?
Mori's brows tangled. "Eh? But Mama doesn't like to be licked by our dogs po."
The brute smirked and typed on his laptop. "Hindi naman ng aso..."
My hands were itching to smack him. Mabuti na lang at hindi naintindihan ni Mori at mas inalala ulit ang mga aso na mas mahal daw ang kanyang Kuya.
"Halika, tingnan nga natin kung anong ginagawa ng Kuya mo."
Hawak ko siya sa kamay nang lumabas kami sa kuwarto. Natagpuan ko nga si Neri sa posisyong sinabi kanina ni Mori at ganoon din ang mga aso sa kanyang tabi. Nakapatong naman sa kanyang tiyan ang 13x13 Rubik's cube na hindi pa niya nabubuo.
"Neri, you want some shawarma?"
"Mama, he won't speak 'cause he's pretending to be dead and so our dogs would lick him," ani Mori.
"He's just pretending so he'd speak," I told her before crouching a bit to nudge Neri's shoulder. "Neri, bumangon ka riyan. Hindi ka aso para mag-play dead."
His forehead creased. Tumigil sa pagdila si Nemo sa pisngi ni Neri at tinahulan ako habang kumakawag ang kanyang buntot.
"Ariel, Goldie, come here! I'll give you treats!" masiglang tawag ni Mori sa mga aso.
Itinukod ni Neri ang siko sa couch at iniangat ang katawan para bumangon. His eyes were red and drowsy as he looked up at me.
"Sha-war-ma," he uttered syllabically.
Ginulo ko ang kanyang buhok. "Okay. We'll buy shawarma. Ano pang gusto mo?"
Tamad niyang nilingon ang kapatid na tuwang-tuwa na dahil nasa kanya na ulit ang atensiyon ng tatlong aso. She was giving them treats and would pet their heads.
"Mori, what do you want for snacks?"
"Donut! Many donuts!"
Neri's shoulders lifted. "Shawarma and donuts po, Mama." He finally stood up and scratched his head. "I'll ask Lola, too, if she wants anything."
"Alright. Magbibihis lang ako..."
Bumalik ako sa kuwarto namin ni Echo at naabutan siyang may kausap sa phone. He glanced at me and arched his brow.
"Mikay, I'll just call you later..." he said and paused. "Titingnan ko nga mamaya. Busy na ako. Sige..."
He threw his phone mindlessly on the bed as he began marching towards me.
"Neri wants shawarma and donuts for Mori. Busy ka ba? Bibili ako sa labas."
Kumunot ang noo niya. "We can just ask Aloha to buy outside, Eona. Huwag na tayong lumabas."
"Pero gusto kong ako ang bumili," nakasimangot kong sambit. "Mag-grocery na rin tayo."
"Kaka-grocery lang natin last Sunday, babe." He sighed and wreathed his arm on my waist. "Ano bang gusto mo? Ako na lang ang-"
Pinapungay ko ang mga mata at itinaas ang baba para masalubong ang kanyang mga mata. "Gusto ko nga na tayo ang bibili..."
Kumurap-kurap siya. He glided his tongue over his lips and nodded. Ngumiti ako sa kanya at tumingkayad para mahalikan siya sa labi.
Nagpalit lang ako ng shirt at pants bago kami lumabas ng kuwarto. Nag-aalala nga lang siya na baka maipit ang baby sa tiyan ko kahit hindi pa naman iyon kalakihan.
Last Friday noong pumunta kami sa sementeryo dahil kaarawan namin ni Claudia. Nagkaroon lang kami ng family dinner sa labas kasama si Mama Theodora at Kuya Kaius pagkauwi. Echo was so eager to tell the two that I'm pregnant again. While Mama Theodora got so excited, Kuya Kaius appeared rather upset but didn't say anything.
Noong Saturday naman, pumayag nga si Echo na pumunta kami roon sa party pero matapos niya akong ipakilala sa halos lahat ng nandoon, sumama lang ang pakiramdam ko kaya maaga kaming umuwi. Sunday noong nagpa-check up kami sa isang OB-GYNE at nalamang limang linggo na mula nang may nabuo sa sinapupunan ko.
"Kahit ano raw po ang gusto ni Lola, Mama," sabi ni Neri nang nasa sala na kami.
"Puwede po ako sumama, Papa?" si Mori na nakatingala sa kanyang ama.
"Mori, 'wag na. Kami na lang ng Papa mo ang aalis," I replied in behalf of her father.
Ngumuso siya at nakipaglaro na lang ulit sa kanyang mga aso. Neri sat on the couch and got ahold of his Rubik's cube.
"Kapag nabuo mo 'yan pagdating namin, may reward ka sa akin," nakangising hamon ni Echo sa anak. "Bawal baklasin."
"I don't cheat, Papa," Neri retaliated smugly.
"Yabang talaga nitong anak mo, Eona," bulong sa akin ni Echo. "Anak ko nga," dugtong niya agad at humalakhak.
"Papa, are you going to the mall po ba?"
"Yes, baby. Do you want us to buy you something?" malambing na tanong ni Echo at nag-squat sa harapan ni Moriah.
"I want L.O.L."
"L.O.L?" Kumunot ang noo ni Echo. "League of Legends? 'Yong laro? O laugh out loud?"
Mori shook her head. "It's a surprise doll. Para pong medyo malaking egg ang lagayan niya tapos may maliit na doll po sa loob."
"Huh? Ano 'yon?"
HInawakan ko sa balikat si Echo. "I think I know what she's talking about. Baka mayroon sa Toy Kingdom."
Echo seemed to be still clueless what LOL Suprise doll is as we went out. Hindi niya na pinasunod ang mga bodyguard sa amin hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na mall.
Nakaakbay sa akin si Echo at nasa baywang niya naman nakapulupot ang braso ko habang naglalakad kami sa loob ng mall. Bahagya siyang nakayuko habang pinakikinggan ang tanong ko kung ano muna ang dapat naming bilhin.
"Let's buy the doll first... then we go to supermarket for your grocery. Ihuli na natin ang pangmeryenda nila para diretso uwi na..."
Napasimangot ako nang napansin ang ilang tumitingin sa kanya. It must be my pregnancy hormones that I get irritated so easily over minor things.
"Mag-grocery muna tayo."
Kumunot ang noo niya. "Marami ka bang igo-grocery? Mas mahihirapan tayo kapag marami ang dala-"
"Bakit? Pagbubuhatin mo ako?"
"Ano? Siyempre, hindi. Ang punto ko lang-"
"E gusto ko ngang mag-grocery muna tayo!"
Itinaas niya ang libreng kamay na tila ba sumusuko habang nakaparte ang mga labi. Naipasada niya iyon sa buhok nang mapatingin sa paligid.
"Okay, okay. Hindi mo naman kailangang sumigaw," he whispered. "Pasalamat ka talagang buntis ka at mahal kita..."
Inirapan ko siya at tinanggal ang braso sa kanyang baywang pero agad niya iyong kinuha at ibinalik sa dating puwesto.
Nag-grocery nga muna kami. I bought fruits, yogurts, biscuits, candies, and some chips which made him furious. Ibinabalik niya ang mga pinaglalagay ko sa cart na itinutulak niya.
"These are unhealthy for you and our baby," tukoy niya sa mga chichirya. "No chips allowed while you're pregnant."
Kinuha ko ulit ang mga ibinalik niya at pinaghahagis ulit sa cart. Kumuyom ang panga niya at matalim akong tinitigan.
"Hindi ko naman sabay-sabay na kakainin," giit ko. "Saka share naman tayo. Itago na lang natin sa kambal dahil hindi puwede sa kanila-"
"Eona naman." Bumuntong hininga siya.
Ginaya ko ang ginawa niya. "Echo naman."
He looked away with slumped shoulders. "Pasaway naman ng buntis na 'to. Siguraduhin mo lang na kakainin mo lang 'yan kapag kasama ako, a?"
"Yup!" I beamed and turned my back at him.
Nang natapos na ako sa pamimili ay dumiretso na kami sa counter. My lips formed a circle when I noticed Zain on one of the counter lane. Nakapamulsa siya habang nakayuko at hawak ang phone sa isang kamay.
Naka-shirt at maong pants lang ito pero napapatingin pa rin ang ibang babaeng malapit sa kanya lalo na ang mga nasa likuran niya at kabilang linya lang.
Mabilis akong lumapit sa kanya at ngumisi. "Hey, Zain."
He only took a glimpse of me but when he probably realized it was I, he straightened his back and returned his eyes at me.
A smirk played on his face. "Mag-isa ka lang?"
Umiling ako at sasagot na sana nang biglang sumulpot sa gilid ko si Echo. His lips were firmly pressed with thorny visage.
"Mukha ba siyang mag-isa?" iritadong sagot niya kay Zain bago ako nilingon. "Eona, doon tayo sa kabilang linya. Bawal ang cart dito."
Zain gawked at him with amusement in his eyes. "Oh, bakit galit ka agad? Mag-isa siyang lumapit kaya tinanong ko. Iniwan ka lang pala para lapitan ako."
Lalong sumama ang timpla ng mukha ni Echo. "Ano bang gusto mong mangyari?"
I seized his arm to prevent him from advancing towards Zain. His muscle flexed under my palm.
"Echo naman, huwag mo nang awayin si Zain. Pumila ka na roon sa kabila," mahinahon kong sinabi.
"Tara." Hinuli niya ang kamay ko at hinawakan na muli ang handle ng cart.
"Anong tara?"
"Anong 'anong tara', Eona?" asik niya. "Pipila tayo kaya tara na."
Nilingon ko si Zain na umabante na sa pila at nanonood sa amin. "May gagawin ka ba ngayon?"
"Eona," may pagbabanta sa tono ni Echo nang tawagin ako.
"Wala naman," nakangising sagot ni Zain. "Bakit?"
"Gusto mong pumunta sa bahay? Baka lang... gusto mong makita ang kambal."
His favorable answer gave me a buoyant mood. Kaunti lang naman ang binili niya kaya hinintay pa niya kami ni Echo na matapos sa pagbabayad ng pinamili. He went with us along the way to Toy Kingdom to buy the LOL Suprise doll.
"Fuck," Zain uttered beside me with a chuckle. "Baka hindi na ako makauwi kay Odie nang buhay nito."
Tiningnan ko siya nang may pagtataka. Ibinabalot na ng kahera ang binili naming laruan.
"What do you mean?"
He craned his neck to his right and jutted out his lips. Sinundan ko ng tingin iyon at nakita si Echo na tila binabalutan ng itim na aura habang nakatingin sa katabi ko.
"Ayoko na pala pumunta sa inyo. Baka maging kriminal pa 'yang isa diyan..." Nakangisi siyang umiling.
"But... you don't want to see the twins?"
"I'll just visit them next time. May pupuntahan pa ba kayo pagkatapos dito?"
"We'll just buy shawarma and donuts for the kids..." I emitted a sigh. "Ayaw mo talaga sumama sa amin?"
Mas madalang ko nang makita si Zain simula nang nagsama ulit kami ni Echo. I just want to catch up with him now that there's a chance. I feel like just because Echo and I are now back together, I've forgotten about him after everything he had done for us before.
Echo paid for the toy and he walked upfront us holding all the paper bags with him. I was clinging on Zain's arm as we followed my fiance. Inakbayan ako ni Zain at bahagyang yumuko para bumulong.
"You being clingy every time you see me reminds me of those months you were pregnant with Moriah and Neriah." Saglit na bumaba ang tingin niya sa katawan ko. "Buntis ka ba ulit?"
I gazed at him quite longer and my lips stretched for a shy smile.
"Tss..." He smirked and ruffled my hair. "Bawi ka na lang sa kanya." Sabay nguso niya kay Echo na nasa harap namin at ilang metro na ang layo.
"Ba't ako babawi sa kanya?"
"Siguradong masama ang loob niyan kanina pa dahil sa akin. You wouldn't want him to get mad at you, would you?"
"He won't be mad at me, though..."
Umiling siya na para bang dismayado. "Anong mararamdaman mo kapag may babae siyang kinakausap lagi at dinidikitan kahit kasama ka?"
"He don't talk to or entertain any other girls when he's with me unless important."
"But what if he does?" He arched his brow. "What would you feel? Is it okay with you? Isipin mo, may iba siyang inaakbayan at hinahawakan..."
Uminit ang tainga ko dahil sa irita. Echo won't do that, of course!
Inalis niya ang brasong nakapatong sa balikat ko at bahagyang lumayo sa akin.
"It was funny at first to see him irked and jealous but I don't think I'd be happy if I see my own woman clinging on other man when I'm with her."
Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako para tingnan siya.
"Make up with him as soon as now. Mauuna na ako."
I watched him walk away from me without even informing Echo. Nang medyo nakalayo na siya ay hinanap ko si Echo at nakitang naglalakad pa rin siya.
My heart sank and my eyes began to well up. Sobrang layo niya na sa akin. Kahit alam kong hindi niya naman sinasadya at intensiyon na iwanan ako, ang sakit pala na makita ang taong mahal mo na naglalakad palayo sa 'yo.
I was on the verge of crying when he put an end to his strides. He turned around and without further ado, he ran back to me despite of the paper bags he was holding.
Mabilis ang pagtaas-baba ng kanyang balikat at ang kanyang buhok ay humaharang pa sa mukha niya nang tumigil sa harap ko. Lumingon-lingon siya sa paligid, mukhang hinahanap si Zain.
"Umalis na siya mag-isa," mahina kong sinabi at yumuko.
Nakita ko ang sapatos niyang halos dumikit na sa dulo ng sa akin.
"Sorry. I shouldn't have left you behind," aniya at bumuntong hininga.
My teeth imprisoned my bottom lip before my hand reach for his sturdy arm.
"Bili na tayo ng shawarma at donut..."
Pareho kaming tahimik hanggang sa nakabili na ng gusto ng kambal. He bought pizza and burrito in addition to what our kids want before we went back home.
Siya ang nagdala ng lahat ng pinamili namin paakyat sa kanyang penthouse. Kapapasok lang namin sa elevator at nakakapit lang ako sa kanyang braso habang diretso naman ang tingin niya sa pintuan, hindi nagsasalita.
"Galit ka ba sa akin?" I asked sadly. "I'm sorry if I neglected you earlier. I didn't mean to hurt your feelings or anything..."
"Hindi naman ako galit."
Idinikit ko ang aking dibdib sa kanyang braso at tiningala siya. "Gusto mo... kantahan na lang kita mamaya?"
Gumalaw ang panga niyang walang bakas ng balbas. I just shaved it this morning for him.
"Ayoko." Pilit niyang iniwasan ang tingin ko kasabay ng pag-alon ng kanyang lalamunan.
"Hindi ba ako magaling kumanta?"
Tumingin siya sa itaas kung nasaan ang CCTV camera bago tumingin sa akin... at bumaba pa sa dibdib kong naiipit na sa kanyang braso.
"Sinabi ko bang hindi?"
"E, bakit ayaw mo?"
Sumilay ang maliit na ngisi sa kanyang labi. "Ayaw ko ng kanta lang. Gusto ko may kasamang sayaw."
The next few days were just normal not until I often get irritated just by every little things Echo would do. Parang sa paningin ko ay wala na siyang magandang ginawa kahit pa sinusunod lang naman niya ang gusto ko.
"Ang sabi ko, salted caramel. Hindi caramel lang. Paano ko kakainin 'yan, e, hindi ko naman gusto?" nanggagalaiti kong tanong sa kanya.
Ang simple lang naman kasi ng gusto ko. Ice cream na salted caramel ang flavor lang naman ang pinabibili ko, hindi pa magawa.
"Babe, ang sabi mo kanina ay caramel lang, hindi salted-"
"Are you saying that I'm a liar?" I shot back.
Mariin siyang pumikit at tumingala. He then pulled out his phone and after few seconds, a voice record of me telling him to buy a caramel flavored ice cream resounded.
Namilog ang mata ko. "You edited it, 'no?! At bakit mo ako nire-record nang hindi ko alam?"
Nalaglag ang panga niya at halos magdikit na ang kilay. Kumalat ang apoy sa mukha ko hanggang sa tuktok ng ulo ko.
"Eona, hindi ko-"
"Anong nangyayari rito?" si Mama Theodora na kapapasok lang ng kusina.
"Ma..." Echo scratched his nape.
Halos takbuhin ko ang distansiya naming dalawa ni Mama Theodora at agad akong yumakap sa kanya bago itinuro si Echo.
"Mama, si Echo, sinasabihan po akong sinungaling..."
Suminghap si Mama Theodora. "Kempoy, bakit mo naman sinabihan ng sinungaling si Eona?"
"Wala akong sinabing-"
"Kita mo! Ano? Itatatanggi mo pa? E 'di ginagawa mo nga akong sinungaling lalo!" Sinubsob ko ang mukha sa balikat ni Mama Theodora. "Mama..."
"Kempoy, naku ikaw talagang bata ka! Kita mo nang buntis ang asawa mo, pinaiiyak mo pa!" gigil na sambit niya kay Echo habang hinihimas ang likod ko. "Tahan na, hija. Hayaan mo at pagsasabihan ko 'yan mamaya..."
I stuck out my tongue at him as Mama Theodora led me outside the kitchen. Naabutan namin sa sala ang kambal na tahimik na kumakain ng popcorn habang nanonood ng Tangled sa Netflix. Nakahiga sa sahig si Goldie habang ang dalawa naman ay nasa pagitan ng kambal.
Gumawi ang tingin ni Neri sa akin at nangunot ang noo. "Ano pong problema, Mama? Nag-away na naman po kayo ni Papa?"
I didn't answer him.
"Neri, apo, hindi sila nag-aaway, hane? May maliit na pagtatalo lang pero hindi ibig sabihin no'n ay nag-aaway na," ani Mama Theodora.
"Hmm? Saan na po si Papa, Mama?" kuryusong tanong ni Mori habang nakalobo ang pisngi dahil sa popcorn.
Saktong sumunod naman palabas ng kusina si Echo dala ang binili niya at baso't kutsara.
"Tayo na lang kumain nito. Ayaw naman ng Mama niyo," Echo said coldly, pertaining to the ice cream.
"Wow! Ice cream!" Pumalakpak si Mori at halos maghugis puso ang mga mata sa nakita.
Echo sat on the floor in front of the center table. Ginaya naman siya ni Mori na mukhang nag-aabang para sa ice cream.
"Kuya, ice cream!"
"Nakikita ko, Mori."
Moriah pouted. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Echo.
"Mama, sa kuwarto po muna ako. Magpapahinga lang," sabi ko kay Mama Theodora bago ko sila iniwan doon.
Pagdating sa kuwarto ay nagmukmok lang ako sa kama. Itinaklob ko ang kumot sa buo kong katawan habang tinatawagan si Kuya Kaius.
"Hello, Aisa?"
A tear rolled down to my ear. "K-Kuya..."
"Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Bakas na ang pag-aalala sa kanyang boses.
"Si Echo..." I sniffed and licked my lips. "Hindi niya na ako mahal."
Nagsimula akong humikbi habang nagsusumbong sa kanya ng hinanaing ko. Bukod kay Mama Theodora, si Kuya Kaius ang takbuhan ko dahil siya lang naman din ang nakakaintindi sa akin.
Sinubukan kong papuntahin dito si Jennie pero nainis lang ako dahil mas madalas pa siyang kinakausap ni Echo kaysa sa akin. I don't like the view so I never ask her to come here again.
"Siraulo ba 'yan? Gusto mong umalis na diyan? Sama mo na 'yong kambal, iwan niyo na siya."
"Eh... ayoko..." Suminghot ako at kinusot ang mata. "Punta ka rito, please? Dala ka ng pizza... all flavors except Hawaiian. Tapos salted caramel ice cream."
Bumuntong hininga siya sa kabilang linya pero pumayag naman. I ended the call and curled sidewards underneath the comforter.
Pumikit ako agad nang marinig ang pagbukas-sara ng pinto. The pitter-patter of heavy feet echoed until the bed space behind me sank. Narinig ko ang buntong hininga niya.
"Babe, sorry na... bibili na lang ako ulit ng gusto mo. Salted caramel, 'di ba? Sure na ba 'yon? Iyon lang? Baka may gusto ka pa?"
Umiling ako. Naramdaman kong hinawakan niya ang kumot kaya hinigpitan ko ang hawak sa dulo nito para hindi niya maalis sa akin.
"Eona naman... galit ka na lang lagi sa akin. Masama 'yan sa baby natin. Baka lumaki ring masungit."
Tumaas agad ang altapresyon ko sa narinig kaya padarag kong hinawi ang nakataklob sa akin. I was about to reprimand him for saying those provocative words but he was quick to grab and pin down my hands on top of my head before his head drooped on my face to claim my lips. Kusang pumikit ang mata ko at nagparte pa ang mga labi.
Heat surged inside me as he began moving his soft and warm lips against mine. He was effortlessly stimulating me through his hot kisses that my mind went shambolic. Kusang umarko ang likod ko habang sinusuklian ang kanyang malalalim at nagbabagang mga halik.
Hindi pa ako dumidilat nang humiwalay na siya sa akin. Binitiwan niya ang isang kamay ko pero ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking labi at ang marahan niyang pagpunas sa gilid ng mata ko.
"Sorry na..." His voice was raspy and he sounded so tired. "Hindi na ako magkakamali sa bibilhin. Hindi na rin kita kokontrahin. Hindi na ako magrereklamo. Hindi na ako magsisinungaling. Huwag ka lang umiyak ulit..."
Unti-unti kong idinilat ang mga mata. Nahabag ako nang makita ang pagod na pagod niyang mga mata. Sinapo ko ang kanyang pisngi gamit ang libreng kamay at agad siyang humilig doon nang nakapikit, dinadama ang haplos ko.
Pero agad din siyang napadilat nang mariin kong pinisil ang kanyang pisngi.
"Aray!" Mabilis siyang lumayo sa akin at hinimas-himas ang pisngi. "Babe?!"
I sported an angry face. "Ayoko ng puro salita. Bumili ka ulit ng ice cream ko. Salted ice cream, ha? Kapag hindi salted ice cream, salamat na lang sa lahat!"
"Bakit kailangan mo akong saktan?"
"Akala ko ba hindi ka na magrereklamo?"
Bumulong-bulong siya habang nakaiwas ng tingin kaya binato ko ng unan.
"Oo na. Oo na..."
Bumalik ako sa pagkakahiga nang lumabas siya pero wala pa yatang limang minuto nang bumukas ulit ang pinto at sumilip si Neriah.
"Neri, bakit?"
"Gusto pong sumama ni Mori kay Papa. May gusto raw siyang bilhin sa mall. Gusto mo pong sumama?"
"Hindi na, 'nak. Ikaw, kung gusto mong sumama, sige lang."
Tumango siya at nagtagal ang tingin sa akin. "Ayos lang po kayo?"
Ngumiti ako sa kanya. "Yes, Neri. Sumama ka na lang sa kanila para makabili ka rin ng gusto mong bilhin. Mag-ingat kayo."
I always believe that karma is a bitch. May balik sa 'yo ang lahat ng ginagawa mong hindi maganda sa ibang tao. I admit that I have done that intentionally or unintentionally and that I was always ready to taste the upsetting tang of bad karma.
But not this way. Not when I let them go without me and letting myself sleep like a log.
My heart was near to explode any moment as I saw almost 30 missed calls from Kuya Kaius, Kuya Loke, and Fera. Nagising lang ako dahil sa tawag ni Fera na sa wakas ay nasagot ko na.
"E-Eona... si... sina Echo at ang kambal..."
Napahawak ako sa dibdib kong tila tumigil na sa pagtibok. My hands were trembling cold and I couldn't even move from the bed. Hindi ako makapagsalita. Hindi man lang bumubuka ang labi ko para magtanong.
"N-naaksidente sila..."
"H-ha..." My word came out almost like my last breath.
She was sobbing so hard that I feel like we could have both die because of suffocation. Nanginginig lang ang mga kamay ko, ni hindi ako makahinga. Hindi ko magawang huminga. Hindi ako makaiyak.
Anong naaksidente? Saan? Kailan? Paano?! Dahil ba sa hinayaan ko silang umalis kaya nagkaganoon?
Ito na ba ang matindi kong karma? Bakit... bakit hindi sa akin? Handa naman akong tanggapin iyon pero bakit sa kanila ibinigay?
"N-nasaan kayo?" sa wakas ay nakabuo na ako ng salita. "Sila..."
"I'm sorry, Eona..." Lalong lumakas ang hagulgol niya. "We're still in the hospital... but they were all declared dead on arrival..."

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    s******1@gmail.com

    Sobrang ganda basahin nito based sa review. Highly recommended story. worth it sobra. Keep it up author!

    22/06/2022

      3
  • avatar
    Sejirou02

    wow great plot im excited to read this

    09/04/2022

      3
  • avatar
    CastilloClemente

    nice one

    22/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata