logo text

CHAPTER 12(INLOVE)

"LEVI POV"
"Levi okay kalang?" Nagaalalang tanong ni Ford dito sa dorm ko, gusto niya daw kong bisitahin kaya hinayaan ko nalang gabi na rin kasi.
"Iniisip ko parin kasi ang sinabi ni lunatic baka pagalitan ako ni papa, saktan niya na naman ako." At kasabay no'n ang paghagulhol ko.
"Shhhh, don't worry im here okay," Nakangiting sabi ni Ford tumango nalang ako at pinahiran ang luha ko. At may biglang kumatok sa pinto kaya nagkatinginan kami ni Ford, "May inaasahan kabang pupunta dito?" Nakakakunot noong sabi niya, agad naman akong umiling.
"H-hindi ah ikaw lang naman ang kaibigan ko diba," patuloy parin ang katok sa pinto kaya mediyo natakot ako. "Halika puntahan natin," At agad akong hinila ngunit nagpupumiglas ako.
"Bakit?"
"N-natatakot k-kasi ako," Nanginginig na sabi ko bahagya naman siyang tumawa. "Wala ka bang tiwala sa'kin?" Natatawang sabi niya at hinila ako, nararamdaman siguro ng kumakatok na paparating kami ay agad na tumigil ito sa kakakatok.
Binuksan naman ng dahan dahan ni Ford ang pinto ngunit walang tao, tumingin naman siya sa baba at may isang regalo na kulay pula, kanino na naman kaya to?. Tumingin naman sa'kin si Ford.
"H-hindi ko alam kanino 'yan," Pagtatangging sabi ko, kinuha niya naman iyon at sinarado ang pinto at agad na nagtungo sa maliit na sofa dito.
"Galing kay R ulit? Sino kaya ito?" Nagtatakang sabi niya, tumabi naman naman ako sa kanya at dahan dahang Binuksan ang regalo, malay natin baka bomba.
Pagbukas ko ay may isang maliit na Teddy bear na kulay blue bakit parang pamilyar? Ay oo nga pala no'ong pumunta pala kami nila reign sa mall gusto namin itong bilhin ngunit wala kaming pera nahihiya rin kaming magpabili sa kanila kaya hindi namin nabili.
"Sino kaya 'tong secret admirer mo? Kahapon gamot ngayon isang maliit na Teddy bear?" Nagtatakang sabi ni Ford, "
"Akin na nga 'yong sulat," Saad ko at kinuha ang sulat ngunit itinaas niya 'yon. "Ako na mababasa." Nakangiti niyang sabi ayaw ko namang umangal kaya tumango nalang ako.
"Levi sana tanggapin mo 'yan pinagiponan ko 'yan para mabili ko ang Teddy bear na 'yan, alam mo ang saya ko na nabigay ko yan sayo, gusto mo pa naman 'yan, alam mo miss na miss na miss na kita gusto na kitang makasama. Sana balang araw pakinggan mo ang rason ko kung bakit ko nagawa sayo yon, lumaban kana levi lumaban ka dahil sa tuwing nakikita kitang nasasaktan ay nasasaktan rin ako levi, umiiyak ako ng palihim dahil hindi kita maipagtanggol hanggang tingin lang ang ginagawa ko. Sana matuto kang ipaglaban ang sarili mo, I miss you." Mahabang basa ni Ford.
"May kilala ka pa bang ibang studyante dito?" Takang tanong niya, "Wala," Malungkot kong sabi rito, bumuntong hininga muna siya bago tumayo.
"Kailangan ko ng umalis magiingat ka hah." Kasabay non ay hinalikan niya ako sa noo para saan 'yon.
"Bye," Huling sabi niya bago umalis.
Tiningnan ko naman ang Teddy bear hindi ko alam bakit napangiti nalang ako bigla, "Hindi kaya si frain ang nagbigay nito?" Nakangiting sabi ko sa aking isipan.
"Bakit parang namimiss ko ang mga banat ni frain? Bakit parang nalulungkot ako pag diko siya kasama? Mahal ko naba siya?"
"Ibig sabihin siya ang first love ko? Paano kung hindi totoo ang pinapakita niya? Pano na ako? Pero impossible dahil ramdam kong totoo iyon," at masaya kung tinitingnan ang Teddy bear at hinahalikan ito.
Bakit parang kinikilig ako? Galing ba talaga to kay frain? Tama na levi matulog ka na muna gabi na. Nagtungo naman ako sa kwarto at agad na humilata sa kama.
__________
Alas dose na ng gabi ngunit hindi parin ako makatulog, palagi parin kasi sumasagi sa'king isipan si frain, bakit ang lakas ng tama ko sa kanya? Niyayakap ko naman ang Teddy bear at hinahalikan ito bat ako kinikilig pag Iniisip ko na galing ito kay frain?.
Hayyss mahal na talaga kita frain, sasabihin ko na bukas alam ko namang may nararamdaman ka rin sakin hindi sa pagaassume ngunit tingin ko ay may nararamdaman din siya sakin. Ano pala ang pinapakita niya sa'kin? Kung wala siyang nararamdaman sakin?.
Arghhh 1 AM na hindi parin ako makatulog dahil sa excite na sasabihin ko na kay frain ang nararamdaman ko, frain naman bakit ba ang gwapo mo? Hindi ko maalis ang napakagwapo mong mukha?.
"Lakas talaga ng tama ko sayo frain sa mga banat mo lang napamahal mo na ako."Kinikilig na sabi ko bago nilamon ng antok.
____________
"FORD POV"
Hindi padin ako makatulog ngayon dahil kakaisip kung sino ang nagbigay non kay binibini ng regalo, bakit ba ako naaapektuhan? Impossible namang si frain R nga R diba F nagsisimula ang name ni frain impossibleng siya, pero malay natin R lang ang ginamit ni frain arghhhh bakit ko ba iniisip 'yon. Talagang malalate ako bulas nito, its already 1 AM. Pinikit na lang ang mata ko at nilamon na ako ng antok.
_________
"SOMEONE POV"
Nakangiti ako ngayon dito sa kwarto ko dahil bago ako umalis doon ay sinigurado ko monang kukunin niya ang regalo ko, miss na talaga kita levi gusto na kitang makasama ngunit hindi pwede dahil maraming sagabal sana huwag magbago ang paningin mo sakin, sana sa darating na panahon na magpapaliwanag na ako ay papatawarin mo parin ako, napangiti nalang ako dahil iniisip ko ang unang naming pagkikita hanggang sa nasa mall kami, nasanay na akong kasama siya kahit sa maikiling panahon ay napasaya niya ako.
Sinikap kong mabili ang Teddy bear na 'yon para kahit hindi mo alam na sa akin galing ang Teddy bear na yon ay masaya ako dahil parang nandiyan lang ako sa tabi mo, hindi ko namalayan ay umiiyak na pala ako ngumiti na lang ako at pinahiran iyon, sinisisi ko ang sarili ko sa tuwing nakikita kitang binubully nila nangako pa ako na ipagtatanggol kita pati kay papa nangako ako, ngunit hindi iyon alam ni papa na wala na tayong kuminikasyon alam kung magagalit si papa sakin pero magpapaliwanag ako sa tamang oras, sana lang ay patawarin ako ni papa.
"Patawarin mo sana ako levi," Huling sabi ko bago nilamon nang antok.

Komento sa Aklat (199)

  • avatar
    Mary Criz Ramos

    Maganda

    16/10

      0
  • avatar
    John Carlo V. Alban

    good

    16/05/2025

      0
  • avatar
    BasabeWilly

    kinilig Ako then nainis then kinilig tas na excite grabi Ang Ganda na inspire Ako dito nc boss

    10/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata