NASA kalagitnaan ng paglalagay ng make-up si Lara nang marinig niya ang humihintong sasakyan mula sa labas ng gate. Naglakad siya palapit sa bintana ng kanyang kwarto, at sinilip kung sino ang dumating, na tanaw niya ang itim na sasakyan mula sa driver seat, bumaba si Marco. Muli siyang naglakad pabalik sa harap ng salamin, nginitian niya ang sarili.” Galingan mo.” Sabi niya sa sarili at lumabas na ng silid. Nasa ikalawang palapag pa lang siya ng hagdanan ay napatayo si Marco, ng makita siya. Naglakad ito papunta sa paanan ng hagdanan para salubungin siya. Nakangiti siyang nakipagtitigan rito habang nagpatuloy sa pagbaba ng hagdanan. Hindi niya mapigil ang sarili mapahanga sa binata. Matangkad, matipuno at guwapo sout nito ang formal suit na bumagay naman rito. " Kalaban mo ang kaharap mo Lara." paalala niya sa sarili. Binigay niya rito ang kanyang killer smile, ng matapat siya rito. " Isara mo baka kasi malaglag." biro niyang hinawakan ang baba nito. " I-I'm sorry, nakakatulala kasi ang ganda mo." nakangiti nitong sabi. “ Oh! Lara, andiyan kana pala!” anang ginang, na kagagaling lang sa kusina. Humawak siya sa bisig ng binata bago sinagot ang ginang. "Aalis na kami tita." paalam niya at naglakad papunta sa pinto. “ Have fun guys!” pahabol sa kanila ng ginang bago pa sila tuluyan makalabas ng pintuan. Nilingon niya ang ginang at kinaway ang kamay. " We will tita, thank you!" aniya, at nagtuloy na lumabas. " Ngayon ko lang nalaman may, magandang pamamgkin pala si Mrs Montalbon." Puri ni Marco sa kanya ng nasa loob sila ng sasakyan nito. " Busog na busog na ako sa puri mo." Naka ngiti niyang sabi. " 'yan nga ang gusto ko ang busugin ka palagi." saad nito pina-andar ang sasakyan. Sa isang mamahalin restuarant siya dinala nito. "This is elegant." aniya, ng alalayan siya nito papasok sa loob ng magarang restaurant. " Just like you, elegant." Pinaghila siya nito ng upuan. " Magandang gabi po ma'am and sir, here is the menu." naka ngiti sabi sa kanila ng waitress na nilapag nito sa harapan nila. " Alam mo ba mula ng magkita tayo sa Karatig, hindi kana naalis sa isipan ko?” untag nito sa kanya habang hinintay nila ang kanilang order. Napa ngiti siyang napatingin rito.” nagulo ko naba ang isipan mo? Hindi ba masyadong napaka aga para niyan?” pabiro niyang sabi. “ Oo, ni hindi na ako makapag trabaho ng maayos, kasi gusto kita.” walang alinlangan sabi nito. “ Gusto? gusto para sa pisikal na pangangailangan." sa isip niya. Muli nanumbalik sa kanyang alaala ang mapait na karanasan na ipinaranas nito at ng mga kaibigan. “ Are you okay?” alalang tanong nito sa kanya ng mapansin ang pag iba ng kanyang reaction. “ Y-yes I’m okay.” pilit siyang ngumiti upang hindi nito mapansin ang pagbangon ng galit sa naramdaman niya para rito. Saglit silang natigil ng dumating ang waiter bitbit ang kanilang order. "How often do you come here?" tanong niya rito. Saglit itong tumigil sa pag-subo at kinuha nito ang tissue saka pinahid ang sauce nasa gilid ng kanyang labi." May sauce ka." " Oh, thank you."naka ngiti niyang sabi rito. " Well, I only came if there is an special ocassion, like this." sabi nitong umupo ng tuwid. " Special pala ako sa'yo. I wonder kung ilan na kaming mga babae nasama mo dito." " Only you. Well, aside sa mga birthday party na ipinagdiwang rito." dugtong nito. " Sinungaling! ilan na kaya kami na victima mo." sa kaloob-looban niya. " With your friends?" tanong niya. Saglit siyang tumigil nag-isip ng tamang salita gagamitin para hindi nito mapansin na intresado siya sa mga kaibigan. " Or do you really have a friend? Hindi ko kasi sila nakita kasama mo sa Karatig. I mean para ka kasing, tahimik na tao." Pag iba niya para hindi masyado halata. " Do you think so, tahimik ako?" naka ngiti nitong biro sa kanya. "Mukha lang pero demonyo." sa kaloob-looban niya. Kinuha niya lang ang kanyang juice at sinimsim gamit ang straw. "May mga kaibigan ako, pakilala kita sa kanila mababait ang mga 'yon." sabi nito. Napa ubo siya sa sinabi nito." Are you okay?" alalang tanong nito. " Yes, I am fine na bilaokan lang ako nitong ininom ko." aniya. Nang matapos silang kumain inaya siya ng binata maglakadlakad sa labas ng restaurant. Natutuwa siya ng makita ang garden side nito gusto niya ang ambiance ng area. Naglakad sila palapit sa fountain at umupo sa bench nasa harap nito. “ Lara, bakit hindi kita nakita noon kasama ni mrs Montalbon?" Tinignan niya ito.“ Bago lang kasi ako dumating, dati kasi akong nakatira sa isa namin kamag-anak.” Tugon niya. “ Nasaan ang mga magulang mo?” curious na tanong nito. Saglit siyang yumuko saka humugot ng malalim na hininga.“ W-wala na kasi akong mga magulang." Tumayo siya para iwasan ang mga susunod nitong tanong, ayaw niyang pag-usapan ang personal niyang buhay, lalo pa at kaaway niya ang kaharap. Nayakap niya ang sarili ng makaramdam siya ng ginaw mula sa malamig na simoy ng hangin. Mabilis na tumayo ang binata at hinubad nito ang sout na Jacket, ipinatong sa balikat niya. " S-salamat!" nahihiya niyang sabi. " Umuwi na tayo?" aya niya. Tumango-tango ito bilang pagtugon sa kanya, magka sabay silang naglakad pabalik sasakyan nito. “ Lara salamat ha, pumayag kang lumabas ngayon gabi.” Sabi ni Marco ng makarating sila sa labas ng kanilang gate. Pinagbukas siya nito ng pintuan sasakyan. " Don't mention it." Sabi niya ng makababa. "Paano pasok na ako.” Paalam niya saka tinalikuran ito. “ Lara, 'yong sinabi ko sa'yo na gusto kita, I meant it.” Natigil siya sa paghakbang, humugot muna siya ng malalim na hininga saka humarap sa binata, pinilit niya ang ngumiti at humakbang palapit rito. “ Baka papaiyakin mo lang ako.” aniya, sa mahinang boses at binaba ang tingin. Hinawakan nito ang baba niya at inangat iyon.“ Hindi naman kita lulukuhin. Sa ka tunayan nga hindi lang kita gusto, inlove na talaga ako sayo Lara." sabi nito tinitigan siya sa mata. Napa ngiti siya ng ubod tamis at inilapit niya ang labi sa labi nito na animo'y hahalikan niya. " You're smell so good." anas nito, hinintay ang pagdampi ng kanyang labi sa labi nito. Hinaplos niya ang pisngi ng binata.“ Good night, Marco.” Malambing niyang pagka sabi, saka tinalikuran na ito. Hindi niya mapigil ang mapangiti ng makita ang reaction ng binata ng akalain nitong hahagkan niya." Babaliwin kita riyan sa pagmamahal mo hanggang ikaw na ang magkusa kitilin ang buhay mo." aniya, nagtuloy pumasok ng bahay. Pagka pasok niya ng kanyang silid agad niyang tinungo ang kanyang banyo at hinubad ang sout niya damit. Nandidiri siya mula sa pagkakahawak sa kanya ng binata. Pumailalim siya ng shower. " Inlove?" tumawa siya ng mapakla. " Hindi kalang rapist manloloko kapa." Hinayaan niyang tangayin ng tubig mula sa shower ang kanyang mga iniisip.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (61)
calibosophoebe
I like it.
06/11
0
Carmz Gallego
Ganda ng story
05/03/2025
0
BalquinMilyn
Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
I like it.
06/11
0Ganda ng story
05/03/2025
0Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
28/02/2025
0Tingnan Lahat