NAMILOG ang mga mata ni Lara, nang hawiin ng dalawang lalaki ang kurtina at tumambad sa kanyang harapan ang swimming pool. Sa ibabaw nito ay may malapad at mahabang salamin na sadyang nilagay para magsilbing daanan niya. Sa pinakadulo ng pool ay may malaking bilog na arch backdrop, na punong-puno nang mga adornong bulaklak at doon maghihintay sa kanya ang groom. Pinasadahan niya lang ng tingin ang mga nakatayo roon. Dahil mas naagaw ang kanyang pansin sa bildong kanyang lalakaran. Kitang-kita niya roon ang reflection ng mapuputing ulap mula sa asul na kalangitan. " Kahit sa picturial man lang ay nasubukan ko ang maglakad ng ganito ka ganda," anas niya," Sayang nga lang walang Marco maghihintay sa akin," sabi niya sasarili. Nag-angat siya ng tingin nang marinig ang tugtug na " God give me you." Sinabayan niya sa paglakad ang bawat lyrics nito. Natigilan siya nang makita si Marco, nakatayo sa tabi ng arch. Kasama nito nakatayo si Erik at ang dalawang kamag-anak ng asawa. " A-ano ang ginawa niya rito?" naitanong sa sarili at napatingin siya sa paligid. Saka niya lang napansin ang mga nakaupo sa bawat gilid ng pool. Halos mga kamag-anak ni Marco at ang kanilang mismong mga kakilala. Kabilang na ang kanyang matalik na kaibigan si Chesca, sakay ng wheelchair. " Conrats anak!" sigaw ng kanyang ina ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Natutup niya ang kanyang bibig nang marealize, niya na kasal pala niya ang kanyang pinuntahan. Hindi niya mapigil ang mapaiyak sa tuwa, na surprisa siya ng husto. Muli siyang naglakad sa gitna nang aisle, na hindi inalis ang mga tingin kay Marco, na panay punas nang mga luha nito. Hindi niya inasahan na makapaglakad siya sa ibabaw ng tubig habang ang mga naroon ay nakatingala sa kanya. Tila panaginip lang sa kanya ang lahat ng mga nangyayari. Naluluhang natatawa siya ng tuluyan makalapit kay Marco. Gusto niya itong yakapin, ng mahigpit para iparamdam ang sayang hindi niya maipaliwanag ng mga sandaling iyon. " Speechless ako, wala akong mahanap na tamang salita makapag-paliwanag nang aking tunay na naramdaman ngayon," aniya, kay Marco, sabay pahid ng kanyang mga luhang walang tigil sa pagpatak. Nagpahid din ito ng luha," Handa akong gawin ang lahat para sa'yo, mapangiti lang kita, mahal na mahal kita babe. Deserve mo ang maging masaya," malumanay nitong sabi. Humawak siya sa braso nito at sabay silang lumapit sa Pari, na kanina pa nag-aantay sa kanila. " Dearly beloved, we are gathered here today, para saksihan ang pag-iisang dibdib nina Marco, Martinez at Lara Montalbon," pasiuna ng Pari. Ilang saglit lang ang lumipas, ay sinabi na ng Pari ang pagpapalitan ng kanilang wedding vows at na unang magbigay, si Marco. " Babe, nong una palang kitang makilala, nakita ko ang sarili ko bumuo ng isang masayang pamilya, kasama ka. Nangangako ako na maging tapat na asawa at mabuting ama sa magiging anak natin," sabi ni Marco, na nanginginig ang boses, sa kaba. Siya man ay nanginginig sa magkahalong emotion ng mga sandaling iyon. Pasimply niyang pinahid ang mga luha naglandas sa kanyang pisngi at sinalubong ang malalambing na tingin ni Marco, " Proud na proud ako sa'yo dahil binuo mo ang pakatao ko. Nabalot man ang puso ko noon ng poot at galit, pero ang lahat nang iyon ay nawala dahil sa walang sawa mong pagmamahal. " Hindi mo ipinaramdam sa akin na may kulang sa pagkatao ko," saad niya, na hindi mapigil ang boses na mapagaralgal. Hindi napigilan ni Marco, ang sarili na yakapin siya ng mahigpit. " Hindi ako magsasawa, mahalin ka at unawain ka. " Lagi akong nandito sa tabi mo at supportahan ang bawat decision mo. Kahit ano man ang pagsubok na darating hindi ako susuko basta nasa tabi lang kita," saad nito, na lalo pang hinigpitan ang pagyakap sa kanya. Matapos ang madamdamin pagpapalitan ng wedding vows, ay masayang tinapos ng Pari, ang kanilang pag-iisang dibdib. Walang kasing saya ang naramdaman niyang matagumpay, nairaos ang kanilang pormal na kasal. "Mukhang matagal muna pinagplanohan itong pasabog mong suprisa," aniya kay Marco, ng nasa venue na sila na kung saan nakahanda ang maraming pagkain. " Nong sinabi mong buntis ka minadali ko na bago, pa lumaki ang tiyan mo," naka ngiti nitong sabi. "Gusto ko kasing makamit mo ang pangarap na kasal," dagdag nito. Hindi siya nagkakamali sa pagpili ng asawa, simula ng magsama sila, hindi siya pinapabayaan puro kapakanan niya ang iniisip nito. " Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala naisahan ako ni Babet, ang akala ko talaga mag-momodel lang ako," natatawa niyang sabi. Natawa na rin ito sa kanya, malaki rin ang pasalamat ni Marco, sa ama at kay ginang Rosario, tinulungan siya sa preparation ng kasal bago pa lumaki ang tiyan ni Lara. "Isayaw natin ang unang sayaw bilang mag-asawa," naka ngiting sabi ni Marco, sa kanya. Inabot niya ang palad nito at sabay silang naglakad papunta sa gitna. Humawak siya sa balikat nito. Humawak din ito sa baywang niya. Pareho silang titig na titig sa isat-isa. " Kung panaginip man ito, sana hindi na ako magising," malambing niyang sabi. Nilapat nito ang noo sa noo niya at masuyo dinampian nang halik ang dulo ng kanyang ilong. " Hindi ito isang panaginip babe, pangarap natin ito na magkahawak kamay natin naabot," saad nito. Napakayap siya sa leeg nito at masuyong hinagkan ang mga labi ng asawa na tila ba sila lang dalawa ang tao sa venue iyon. MABILIS na lumipas ang panahon ng hindi namamalayan. Dumating ang kabuwanan ni Lara. Kasalukuyan siyang nagwawalis sa kanilang sala ng makaramdam siya ng pananakit ng kanyang tiyan. Nabitawan niya ang walis at napahawak sa tiyan," Marco!" Sigaw niya. “ Ano ang nangyari?” alalang tanong ng asawa nang makita siyang namimilipit sa sakit. Tinigil nito ang pag-gawa nang sketch, ng bahay at mabilis siyang nilapitan. “ Manganganak na yata ako." Balisa itong kinuha ang mga gamit at ang susi ng sasakyan, agad siyang dinala sa hospital. Ngunit nang nasa labas na sila ng hospital ay naramdaman na niyang lalabas na ang bata. " Marco, hindi ko na kayang pigilan," aniya at napa ire na siya. Tulero itong bumaba ng sasakyan at lumapit sa kanya, nakita nito ang ulo ng baby. Sa takot nito na baka mahulog ang bata ay inilapit nito ang dalawang palad sa pwerta niya, na animo'y totoong kumadura. ” Kunti nalang lalabas na siya," excited na sabi ni Marco, na nagnining-ning ang mga mata sa tuwa at the same time kinakabahan. Huminga siya ng malalim at ubod lakas na umire, ” Ah..!" hiyaw, niya. Kasunod ng kanyang hiyaw ay ang mumunting iyak ng sanggol. “ Oh, God!” bulalas ni Marco, na hawak-hawak ang nag-iiyak pa rin na anak. Walang makakapantay sa tuwa ni Marco,“ Welcome to our world anak ko. Habang buhay ko e-cherish itong araw na'to na ako, mismo ang nagpapaanak sa mommy mo," naluluha nitong sabi. Siya man ay naluluhang pinakinggan ang iyak, ng kanyang anak. Nilapitan sila ng mga nurses at dinala sa pribadong silid para matanggal ang pusod ng bata. " Nasaan na ang apo kong, si Gustavo?" excited na tanong ng inang si Rosario, na mabilis nakasunod sa kanila sa hospital. Pinag-uusapan na nilang mag-asawa noon na sundin ang kahilingan ng ginang na ipangalan ang bata sa yumao niyang ama. " Ito na ang mommyla mo, Gustavo." masaya niyang sabi inabot ang anak, kay Rosario. Halos hindi na maawat ang ginang sa kakahalik sa una nitong apo." Nahahati ang mana ng baby. Yong ilong nag mana kay Marco, subrang tangos, at ang mga mata. Iyong labi naman nag mana sayo, anak at ang pisngi," saad nang ginang, na isinasayaw-sayaw ang apo. Tuwang-tuwa siyang nakatingin sa maglola at sa kanyang asawa. Hindi niya mapigil ang maluha ng may kakaibang naramdamang saya, sumisibol sa puso niya. Ang akala niya noon ay nabuo na siya pero hindi pa pala. Dahil sa pagsilang niya nang kanyang anak, ay naramdaman niyang na completo siya. May kakaibang hatid na saya sa puso niya na hindi maipaliwanag ng mga salita lamang. " Ayos, ka lang ba?" basag nang asawa sa kanyang pananahimik. Nginitian niya ito at marahan na tumango," Hindi ko inasahan na ang mapait na karanasan ko noon, ay mapapalitan ng walang katapusan saya. Napuno ang puso ko ng pagmamahal mula sa'yo at ni mama." Marahan na hinaplos ni Marco, ang kanyang pisngi at mabilis na hinagkan ang kanyang mga labi, para pigilan siyang umiyak. " Hindi talaga ako nagkakamali sa pagpili sayo, binigyan mo ako ng gwapong anak, ganap na tayong maging isang masayang pamilya," naka ngiti nitong sabi. Humugot siya ng malalim na hininga, bago muling nagsalita," Kung bibigyan man ako ng pagkakataon para baguhin ang aking nakaraan, sisiguraduhin ko na parehong landas ang aking tatahakin. Kahit paulit-ulit man akong masaktan dahil ang sakit at pait nang aking nakaraan, ay siyang naging daan upang makilala ka at si matagpuan ang totoo kung ina. Ngayon isang anghel ang nabuo natin," saad niya, na puno ng saya at bagong pag-asa. Unti-unting naintindihan ni Lara na ang lahat ng mga nangyayari sa kanya noon ay may dahilan. " Everything happens for a reason," aniya, sa asawa. Wala na siyang ibang mahihiling pa kundi ang magampanan ng maayos ang pagiging ina. Maibigay sa anak ang hindi na ibigay, sa kanya ng pagkakataon na makasama ang mga magulang sa kanyang paglaki. Isa naman ang nasisiguro niya ng mga sandaling iyon ay ang maibigay kay Gustavo, ang sapat na pagmamahal at magabayan ito sa paglaki. kasama ang katuwang niya sa buhay, ang asawang si Marco. The End
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (61)
calibosophoebe
I like it.
06/11/2025
0
Carmz Gallego
Ganda ng story
05/03/2025
0
BalquinMilyn
Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
I like it.
06/11/2025
0Ganda ng story
05/03/2025
0Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
28/02/2025
0Tingnan Lahat