HINDI maipaliwanag na kaligayahan, ang naramdaman ni Lara, habang kayakap ang tunay niyang ina. " Mama," sambit niya. Napahigpit ang yakap ni Rosario sa kanya." Ang tagal kung hinintay ang pagkakataon ito mayakap ka anak." Kumalas ito ng yakap, at kinulong ang kanyang mukha sa palad nito. " Parang musica sa pandinig ko anak ang tawagin mo akong mama," maluha-luha nitong sabi. Bigla siyang nalungkot sa isipin hindi niya nasilayan ang kanyang tunay na ama. Isang bahagi naman ng puso niya ang nagsisigaw tungkol sa boses na narinig niya, nong panahon nag-aagaw buhay siya," H-hindi ba siya iyon?" sa kaloob-looban niya. " Hindi na tayo magkakahiwalay pa anak." Muli siyang niyakap nito. "Hindi na mama hindi man kita, kasama sa paglaki ko, sigurado ako masubay-bayan mo ang pagpalaki ng anak ko dahil sa tabi ka lang namin." Ginantihan niya ang mahigpit na yakap nito sa kanya. Napansin niya nawala si Madel, sa kanilang harapan," Si nanay?" tanong niya kay Marco, kakalapit lang galing kusina, kumuha ng tubig para sa kanila. " Dito lang yon, bago ako umalis," tugon nito. Hindi siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Madilim-dilim na sa labas kailangan, mahanap niya ito. Walang mapupuntahan, si Madel." Hanapin natin si nanay." Tumayo siya para sundan ito bago pa makalayo. Naka labas na sila ng subdivision pero hindi pa rin nila nakita si Madel, "Saan natin hahanapin si nanay?" anas niyang puno ng pag-alala. Naaninag ni Marco, ang ginang mula sa ilaw ng poste." Ayon, parang si nanay Madel iyon." Sabay turo nito sa babaeng naka upo sa gilid ng daan naka subsub ang mukha nito sa palad, nakilala nito ang ginang sa kulay ng damit nito. " Nay!" sambit niya. Nagmamadali siyang nilapitan ito at tumabi ng upo. Nilingon siya nito, na walang humpay ang pagluha nakatingin sa kanya. Kumirot ang puso niya sa matinding awa para rito. Sa kabila ng ginawang kasalanan, mayroon pa rin siyang dapat na ipagpasalamat kay Madel, ang tinanggap siya nito ng iwanan siya ng totoong kumuha sa kanya. Hindi man niya ito nakasama nong nagdadalaga pa siya, pero nakakasiguro naman siyang inalagaan siya nong siya'y sanggol pa lamang. " Kung ipapakulong niyo ako, tatanggapin ko," naiiyak nitong sabi, "kung pwedi lang ibalik ang panahon, gagawin ko ang tama," saad nitong punong puno ng pagsisi ang boses. Nayakap niya ito ng mahigpit ang dami na niyang pinagdaanan sa buhay, gusto na niyang maging masaya at magkaroon ng katahimikan, ayaw na niyang punuin ang puso ng sama ng loob at galit. " Nay, kalimutan muna iyon nakaraan. Ang mahalaga naituwid mo pa rin ang pagkakamali mo. Nabigyan mo ako ng pagkakataon makilala ang tunay kong magulang," umiiyak niyang sabi. Hindi man madali ang magpatawad pero hindi rin madali ang magkimkim ng galit sa puso. Dahil hindi mo namamalayan unti-unti na palang inagaw ng galit ang kaligayahan at ang kalayaan mong maging masaya. Natoto na siya sa kanyang mga pinagdaanan sa buhay, kaya ayaw na niyang maulit pa. Inakay niya ang ina pabalik sa bahay, ng kanyang totoong ina si Rosario. " PAANO daw?" tanong ni Marco, sa kausap nito sa kabilang linya. Umupo siya sa katabi nitong inuupuan sofa. " Walang naka alam kung ano ang ikinamatay, ni Abner?" tanong pa rin ng asawa. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa kanyang narinig, napakaikli pa ng panahon pinalagi ni Abner, sa kulungan pero naisip niya rin napakulong man niya ito, nasa kahitaas-taasan pa rin ang final na hatol. " Totoo talaga ang kasabihan, what comes around goes around," sabi ng asawa sa kanya, matapos itong makipag-usap sa kaibigan si Erik. Napakunot-noo siya sa sinabi nito," Ano ang nangyari sa kanya babe?" Humugot muna ng malalim na hininga ang asawa, bago nagsalita," Wala na si Abner, walang naka alam ng tunay na dahilan ang sabi lang ni Erik, inatake daw. Pero nabanggit niya rin, na gahasa ito sa loob ng kulungan." Nabigla siya sa kanyang narinig, " Bumalik nga rito," sa kaloob-looban niya. Hindi niya inakala na pwedi pala iyon mangyari sa lalaki. Hindi niya rin naiwasan isipin ang dahilan ng pagkamatay nito, baka nga sinakal ito sa loob ng walang nakakaalam. " Pero kahit ano paman ang dahilan sa pagkamatay nito, sapat na iyon para mapanatag ang aking kalooban. Hindi man ganun katagal napag bayaran ang kasalanan sa kulungan, naniniwala naman akong, God will do the rest," sa kaloob-looban niya. HINDI man maganda ang ipagbunyi ang pagkamatay ng taong gumawa ng mali. Isang surpresa pa rin ang hinanda ni Marco, para sa kanya. Dito man lang ay maibsan ang lahat ng hinanakit na kanyang pinagdaanan. " Saan ka pupunta babe?" tanong niya sa asawa ng makita itong bumaba ng hagdanan, bihis na bihis. " May pupuntahan lang ako." Tugon nitong naglakad palapit sa kanya. Napa simangot siya," Pupuntahan bakit bihis na bihis ka?" "Basta!" tanging tugon nito. Hinalikan siya sa labi saka nagmamadaling lumabas ng bahay. Hindi siya natinag sa kanyang kinatatayuan, naka sunod pa rin ang mga tingin sa asawa. Nakita niya si Babet, pumasok may kasamang babae at dalawang bakla. Hindi paman ito nakalapit sa kanyang kinatatayuan, pero napapansin niya sa mga kilos nito. " Ate, pumasok na kami bukas kasi ang pintuan eh." Naglakad ito palapit sa kanya. " May kasama pala ako ate, gagawin ka nilang model, sa bagong gawang wedding gown ng isang magazine," saad nito. Napa ngiti siya sa sinabi nito, pero ayaw niya muna sumabak sa ganyan. Lalo pa at buntis siya, kahit hindi pa man masyadong halata. Naka ngiting tinanggihan niya ang alok nito. Pero mapilit si Babet, tila hindi ito nagpapatanggi na kahit na sino, na para bang sanay itong makuha ang gusto. " Sige na ate please, mapapahiya ako sa kanila pagtatanggihan mo, pinagmayabang pa naman kita sa kanila," saad nito Napa buntong hininga siya sa pangungulit, nito may punto din naman ang dalaga, ito nga ang mapapahiya sa mga kasama, kaya pumayag na siya. " The best ate ka talaga!" Bulalas nito, at nayakap siya sa tuwa. Namilog ang kanyang mga mata ng ilabas ng babae, mula sa box ang wedding gown. Sinuri niya ng maigi ng mahawakan. Ball gown and off shoulder at long tail ang style. Gustong-gusto niya ito. Hindi niya tuloy maiwasan mangarap na magsout ng ganito at naglalakad sa gitna ng aisle, habang naghihintay sa kanya si Marco, sa altar. Nilagyan muna siya ng make up ng bakla at inayos ang kanyang mahabang buhok, bago niya sinoot ang gown. " Wow! Ate lalo kang gumanda," bulalas ni Babet, sa tuwa ng makita siya sa kanyang ayos. Natawa siya ng ibigay sa kanya ang silver, na sandal, na may tatlong pulgada ang haba ng takong." Si Babet, po ang nagbigay sa'min ng idea," saad ng babae, ng makitang kasyang kasya sa kanya ang sandal. " Kaya pala kinuha mo ang sizes, ko dahil may balak ka palang ipagmodel ako sa gawa ng kaibigan mo," baling niya sa naka ngiting si Babet. Humarap siya sa malaking salamin, siya man ay napahanga sa kanyang ayos, ng makita ang sarili. Pinatong niya ang corona, gaya sa iniidolo niyang sikat na artista. " Bagay, na bagay talaga sa'yo ang venue ate, kung saan ka kukunan ng letrato!" excited na sabi ni Babet. Nagmamadali silang lumabas ng bahay, bago pa sila mahuli sa photo shot. May lalakarin pa raw ang mga ito, pagkatapos. " Bakit may bridal car?" kunot-noo niyang tanong ng matanaw ang sasakyan sa labas ng kanilang gate. " Kailangan po ma'am para magmukhang totoo po, kukunan ka po namin ng letrato habang sakay po kayo riyan," mabilis na tugon ng babae. Hindi na siya nagtatanong pa sinunod na lamang ang mga instraction na ibinigay nito. Tuwang tuwa siya ng makarating sila sa kilalang hotel, kung saan ang venue sinasabi ng mga ito. Walang humpay na bati sa kanya ng mga taong naka salubong niya ng papasok siya ng hotel. " Nasaan pala si Babet?" Naitanong niya ng mapansin hindi ito kasamang naglakad. " May pinuntahan lang po, susunod din iyon," tugon ng babae. Iginiya siya papunta sa area kung saan siya kukunan. Nagtaka siya ng pinapatayo siya sa likuran ng saradong kurtina. " Ganito ba talaga?" sa kaloob looban niya. Kahit naguguluhan ay nagpatianod na lamang siya. Para matapos na ang pictorial.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (61)
calibosophoebe
I like it.
06/11/2025
0
Carmz Gallego
Ganda ng story
05/03/2025
0
BalquinMilyn
Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
I like it.
06/11/2025
0Ganda ng story
05/03/2025
0Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
28/02/2025
0Tingnan Lahat