HINDI maintindihan ni Lara ang naramdaman kasiyahan, habang naglalakad papunta sa sasakyan naka parada. Na excited siyang ipakilala ito kay ginang Rosario dahil kanina lang pinag-uusapan pa nila ang ina. "Ang tagal na pala ng panahon mula nang huli tayong magkita. Ang dami ng nagbago sa'yo. Lalo kang gumanda halos hindi na kita nakilala." Sabi ng kanyang nay Madel habang nasa loob sila ng sasakyan, papunta sa bahay ng ginang. " Sayang lang hindi ko nasubaybayan ang pagpapakasal niyo ni Marco." May halong panghihinayang sa boses nito. Tahimik siyang pinakiramdaman ang ina. " Mukhang maganda narin ang takbo ng buhay mo ngayon, anak mukhang mayaman ang asawa mo." dagdag nito. Kumirot ang puso niya dahil ang nakikita lang nito ay ang katayuan ni Marco. Pero hindi ang pinagmulan niya bago siya nakarating sa kinatatayuan niya ngayon. " Sino ba iyang tita na tinutukoy mo, pupuntahan natin?" tanong nito puno ng pagtataka ang mga mata lumingon sa kanya. Magka tabi sila ng upo sa back seat. “ Siya iyong kumupkop at tumulong sa akin nay." Tugon niya." Siya ang nagpupuno ng mga kakulangan mo bilang ina." Gusto niyang idagdag pero pinigilan niya ang sarili. Ito dapat ang kasa-kasama niya, lumalaban pero wala ito sa tabi niya. Biglang nag-init ang sulok ng kanyang mga mata ng muling naalala ang masasakit na nakaraan. Gusto niya itong sisihin, sa pang iwan sa kanya." Para saan pa? Nakamit ko na ang hustesya." sa kaloob-looban niya. Nalampasan na niya ang hamon sa buhay, kasama ang mga totoong taong nagmahal sa kanya. " Bakit, kahit anong isipin ko hindi pa rin nawawala ang pait at sakit sa puso ko, andon pa rin ang mga katagang, sana. "kasama ko siya sa mga panahon kailangan ko ang yakap ng isang ina, sa tuwing nagising ako mula sa bangongongot ng aking nakaraan." Ang dami niyang sana. Hindi niya tuloy naiwasan magpasalamat ng lihim sa ginang dahil ito ginampanan nito ang hindi kayang gampanan ng ina. " Bakit kayo nagkahiwalay ni tatay nay?" naitanong niya, gusto niya rin marinig kung ano ba talaga ang dahilan ng paglayo nito. Saglit itong natigilan, at biglang nalungkot ang mukha. " Nagluko ang tatay mo, nahuli ko siyang may ibang babae." sabi nito sa mahinang boses. " Kaya po ba umalis kayo, ng hindi nagpapaalam? Paano niyo nakayanan iwanan ako mag-isa? Hindi niyo man lang inisip ang kapakanan ko." hindi na niya napigilan ang sarili sumbatan ang ina. Hindi niya rin napigil ang mapahikbi ng muling maramdaman kung gaano kasakit sa kanya ang pag-alis nito. "Mabuti pa babe, mamaya nalang kayo mag-usap pagdating natin sa bahay." nag-alalang sabad ni Marco, ng mapansin ang pag-iyak niya. Tumahimik siya, alam niyang naramdaman ng asawa ang bigat nasa kanyang dibdib. Ayaw niya itong mag-alala at baka mawala ito sa focus, sa pagmamaneho. " Dito na tayo!" Basag ni Marco, sa panandalian katahimikan namayani sa loob ng sasakyan. Agad nitong pinatay ang makina, at nagmamadali bumaba para pagbuksan sila ng pinto. " Sigurado ako magkakasundo kayo ni tita nay, mabait iyon." Sabi niyang pilit pasiglahin ang boses. Hinintay niyang makababa ang ina at agad siyang humawak sa braso nito inakay, niya papasok sa loob ng bahay. " Lara, nabalik kayo?" Naka-ngiting bungad ng ginang ng makita silang papasok. Naka-upo ito sa sofa, nanood ng palabas sa tv. " Tita, tignan mo kasama ko ang nay, Madel ko." Masaya niyang pakilala sa ginang, at mabilis naglakad palapit rito. Napawi ang mga ngiti sa labi ni Rosario, at napatayo, mataman nakatingin sa babaeng makatayo sa harapan nito." Parang kilala kita." sabi nitong kinikilatis ng maigi ang nay, Madel niya." Madalas kitang nakikita noon sa bahay, tuwing linggo." sabi nitong bigla nag iba ang reaction sa mukha. Naguguluhan siyang pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang ginang habang titig na titig sa isa't isa. " Ma'am Rosario?" hindi makapaniwalang bigkas ni Madel. " Magkakilala kayo?" Natutuwa siyang magkakilala ang dalawa. Agad din napawi ang kanyang mga ngiti ng makita ang galit sa mukha ni ginang Rosario. " Saan niyo dinala ang anak ko?" mangiyak-ngiyak nitong tanong sa natigilang si Madel. Kumakabog ang dibdib niya sa pagka bigla sa tanong ng ginang. " A-ano po ang pinagsasabi mo tita?"Nagtataka niyang tanong. Nakaramdam siya ng takot kung ano ang kinalaman ng ina sa pagnakaw ng anak ni Rosario, " Kaya ba umalis si nanay dahil kinidnap nito ang anak ni tita? Saan dinala ni nanay ang bata?" Mga katanungan naglalaro sa isipan niya. " Magka sabwat kayo ni Anding, ninakaw niyo ang anak ko, ibalik niyo sa akin ang anak ko!" Sigaw nitong umiiyak. " Nay, ano po ba ang nangyayari?" natataranta niyang tanong sa namumutlang ina at naninigas sa kinatatayuan, tila ba hindi nito alam kung paano ipagtanggol ang sarili. Nanlilisik ang mga mata ng ginang at mabilis na hinablot sa magkabilaang balikat si Madel ng hindi ito umimik." Sumagot ka! saan niyo dinala ni Anding ang anak ko?" Hintatakutan siyang pumagitna." Tita, bitawan niyo po si nanay." Gumagaralgal niyang awat sa ginang. Mabilis naman nakalapit si Marco, at inilayo ang nag-iiyak na si Madel kay Rosario. " Ma'am kahit pinsan ko po si Anding, pero wala po akong kinalaman sa pagkidnap niya sa anak niyo, maniwala man po kayo at sa hindi." Nag-iiyak na sabi ni Madel. " N-nasaan ngayon si Anding?" tanong nito sa mahinang boses. Matagal nang alam ni Rosario, ang nangyari sa dating kasambahay, at sa anak niyang tinangay, pero nagbabakasakali pa rin itong mali ang natanggap na information noon. " W-wala na po si Anding, nasama po siya sa na aksidenteng bus." tugon ni Madel, hawak pa rin ni Marco. Nakita niya sa mukha ng ginang ang panlulumo, at parang lantang gulay, napa-upo " Ang anak ko!" sambit nitong nayakap ang sarili. Balisa siyang tumabi rito at niyakap niya ng mahigpit. Alam niya kung gaano kasakit ang mangulila. Kung pwedi lang akuin niya ang sakit ginawa na niya makabawi man lang sa lahat ng nagawa nito para sa kanya. " B-bago po, umalis si Anding, i-iniwan po niya sa'kin ang anak mo." Nauutal na sabi ni Madel, naglakad palapit sa kanila. Napa angat siya ng tingin, tinignan ang ina. Nakaramdam siya ng pag-asa buhay, pa ang anak ng ginang. Napa-kalas nang yakap ang ginang sa kanya at napatingin kay Madel. " B-buhay ang anak ko?"Tanong ni Rosario, nag-landas ang mga luha sa pisngi. Marahan tumango si Madel at napa-sulyap sa kanya " B-binalak ko naman po isauli, ang anak niyo, k-kaya lang po naunahan ako ng takot, na baka mapagbintangan ako gayong wala na si Anding." sabi nitong nanginginig ang boses. Hindi na siya nakatiis, napatayo siyang hinarap ang ina" Saan mo dinala ang bata nay?" Nakaramdam siya ng galit para rito. " Paano niyo nagawang itago ang bata, gayong alam mo ang totoong mga magulang nito?" Naiiyak niyang sumbat sa ina. Hindi niya lubos maisip, nagawang suportahan ng ina ang kasalanan ng pinsan nito. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya." L-Lara patawarin mo ako kung hindi ko sinasabi sa'yo ang totoo." Umiiyak nitong sabi. Napa kunot-noo siya "A-anong totoo nay?" na-uutal niyang tanong. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib, rinig na rinig niya ang bawat pagtibok nito. Nakipag-titigan siya sa ina, hinintay ang sagot nito sa tanong niya. " N-nanay mo si Rosario." mahinang sabi nito. Pahablot niyang binawi ang kamay, mula sa pagkahawak nito hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga sandaling iyon. Nangangapa siya ng makakapitan, pakiramdam niya maduduwal, siya nanlalambot ang kanyang mga tuhod. Hindi siya makapaniwala na siya ang batang ninakaw. Nanlalamig ang buo niyang katawan, wala sa isip napa-upo siya. Gusto niyang magsalita pero walang mga katagang lumalabas sa bibig niya. " Lara, gustong gusto kitang ibalik noon, pero naisip ko na baka dahil sa'yo maayos namin ang pagsasama ng ama mo." paliwanag nito. " Pero tuluyan na niya tayong iniwan, hindi ko alam kung paano kita buhayin mag-isa." Nag-uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha napatingin sa kinikilalang ina. Napaka-selfish ng paliwanag nito. Hindi siya binalik para sa sarili nitong kaligayahan. " K-kaya mo ba ako iniwan mag-isa dahil hindi mo ako anak? D-dahil ba hindi ka nag tagumpay sa pag-gamit sa'kin para mapanatili si tatay sa tabi mo?" Naisubsub niya ang mukha sa dalawang palad sa paghihinagpis. Hinayaan niya ang sarili humahagolhol. " Lara, anak maniwala ka, tinuring kitang parang tunay, kung anak." umiyak nitong sabi. " Singungaling!" Gusto niyang isigaw, pero hindi siya makapagsalita sa subrang sama ng kanyang loob, naninikip ang kanyang dibdib. Sa pagiging maka sarili nito napahamak siya. " Kung hindi mo ako kayang buhayin, sana isinauli mo nalang ako nay." Punong-puno ng hinanakit ang boses niya. " Lara anak." umiiyak na sambit ng ginang na hindi niya namalayan kanina pa ito nakayakap, sa kanya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (61)
calibosophoebe
I like it.
06/11/2025
0
Carmz Gallego
Ganda ng story
05/03/2025
0
BalquinMilyn
Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
I like it.
06/11/2025
0Ganda ng story
05/03/2025
0Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
28/02/2025
0Tingnan Lahat