logo text

Lara's revenge. Chapter 44

GUSTO niyang bumitaw at palayin na ang dalaga. Para hindi na ito mahihirapan pa pero yung puso niya nagsisigaw na wag mawalan ng pag-asa. Nangangatog ang mga tuhod niyang muling umupo sa waiting area.
" MARCO!" pukaw sa kanya ni Erik ng dumating ito. Kasabay nitong dumating ang ama niya.
Bumabalon ang kanyang mga mata sa luha nilingon ang ama at ang kaibigan. "Hindi ko kakayanin pa, kapag mawala sa'kin si Lara." naiiyak niyang sabi ng makaupo si Francis, sa tabi niya.
Hinawakan nito ang kanyang balikat para iparamdam nito ang supporta. " Magtiwala ka lang sa kanya anak. Alam mong palaban siya hindi iyon basta-basta bibitaw." palakas loob ng ama sa kanya.
" Tol, manalig lang tayo, malalagpasan din ang pagsubok na ito." Segunda ng kaibigan nakaupo sa kabilang gilid.
Nilingon niya ito malinis na ang mukha nito wala na ang dugo at may plaster na sa mga sugat nito, halatang kagagaling lang din nito ng emergency room.
" Mabuti na gamot na ang sugat mo." aniya.
Hindi ito umimik saglit na katahimikan ang namayani sa kanila. Maya-maya pa ay tumikhim ito at muling nagsalita. “ Gusto kung iwan si Abner, pero hindi kaya nang kunsinseya ko.” naka yuko nitong sabi.
Tumingala siya para kalmahin ang sarili ng maramdaman ang pagbangon ng galit para sa dating kaibigan. Ito ang dahilan kung bakit nag-aagaw buhay ngayon ang babaeng minamahal niya.
"Dinala siya ng ambulance sa hospital. P-pero naka usap kuna ang mga pulis at naibigay ko na ang statment ko laban sa kanya. Kung sakali man makaligtas iyon sa kamatayan, deretso na siya sa kulungan." Pagbigay alam ni Erik.
Naikuyom niya ang mga kamay." Mas mabuti pang hindi na lang siya mabuhay sa dinami ng kasalanan niya, wala na siyang puwang sa mundong ito." Alam niyang masama ang maghangad ng masama sa kapwa pero nanaig ang galit niya para rito.
" Mas mainam kung mabubuhay siya, para ramdam niya kung gaano siya kasama. Life sentence niya iyong pagbabayaran. Dahil patong patong na kaso ang maisasampa sa kanya. Magiging imperno ang buhay, niya roon lalo pa at nang gahasa siya." ani Erik.
" Hindi ko inakala na magagawa niya ang mga bagay na ito." naiiling na sabad ng amang si Francis.
Humugot siya ng malalim na hininga." Ayaw ko muna siyang pag-usapan." sabi niyang pinagdaop ang palad.
" Alam naba ni Rosario ang nangyari kay Lara?" pag-iba ni Francis sa paksa nila.
Hindi niya alam kung paano sasabihin da ginang nag-aagaw buhay, ang dalaga. Ipinagbilin nito si Lara, sa kanya pero hindi niya nagawa ng maigi. Napapahamak ito.
" Diko alam pa, kung ano ang sa-" hindi niya naituloy ang sasabihin ng makita ang nurse na lumabas mula sa operating room. Halata sa mukha nito ang pagka taranta. " Doc, yong pasyente." Sabi nito ng makita ang doctor na papalapit.
Nagtatakbo ang mga ito papasok sa loob sumunod na rin sila rito.
"Nagmamakaawa ako sa'yo, lumaban ka." sambit niya ng makitang ginamitan ito ng defibrillation. Gusto niyang sugurin ito ng yakap at iparamdam niya nasa tabi lang siya nito.
" Clear!" anang doctor at inulit nito ang ginagawa.
Hinawakan siya, ng kanyang ama para pigilan wag lumapit roon.
" Wag kang bumitaw, marami pa tayong mga pangarap na tutuparin." Naninikip ang dibdib niya sa labis na pagkabahala. Nangingig ang kalamnan niya na tuluyan nang mawawala sa kanya ang dalaga. " Help her!" sambit niya, nag uunahan sa pagpatak ang mga luha.
" BUMALIK ka, hindi pa tapos ang mission mo, sa mundong ibabaw. May mga bagay kapang dapat gawin at mayroon ka pang dapat na matuklasan." anang boses kay Lara.
Hindi niya nakikita ang mukha nito tanging ang malakas lang na boses ang naririnig niya. "Bumalik ka." paulit-ulit na sabi nito.
Bahagya niyang na imulat ang mga mata, nakita niya ang liwanag na nagmula sa ilaw.
Naririnig niya ang mga boses sa paligid pero hindi niya naunawaan kung ano ang pinag-uusapan ng mga ito. Muli siyang pumikit.
" Doc, tignan niyo po." anang nurse ng mapansin ang kanyang heartbeat mula sa monitor ng unti unti itong bumalik sa normal.
" Thank you Lord!" anas ng doctor. Ipanag ninyo ang kalooban niyo, palaban ang pasyente. Pero o-obserbahan pa rin natin siya." Baling ng doctor sa kanila.
Napayakap siya sa kanyang ama sa subtang tuwa. Kahit papaano nagkakaroon ng chances na ligtas ang dalaga. Giniya siya ng ama pabalik sa waiting area.
" Hangang hanga talaga ako sa tapang niya." bulalas ni Erik." Palaban talaga, walang inuurungan." Nakangiti nitong dagdag.
" Bukas nga pala pupuntahan ko si Monica, sa presinto para mailabas iyon. Kawawa naman ang batang iyon nakulong ng walang kasalanan." Sabi ni Francis.
Siya man ay nakaramdam ng awa. Kahit spoiled brat iyon, pero parang hanggang pagtataray lang ang kayang gawin nun.
" Ang simpleng galit ni Monica kay Lara, ay sinakyan ng kasamaan ni Abner. Hindi talaga maganda ang magtanim nang galit. Dahil kapag naka kita ng pagkakataon si satanas, gagamitin ito laban sayo." Ani Erik.
Tumahimik siya, may punto naman ang kaibigan.
Tumayo si Erik, " tol aalis na ako kinakailangan ko na magpahinga."
" Salamat sa pagpunta tol." aniya.
" Sige, balikan na lang kita rito bukas." Paalam ni Erik.
" Sasama na ako sa kanya anak, balitaan na lang kita bukas pag nailabas na si Monic." sabi ng ama niya at sumabay ito naglakad kay Erik, palabas ng hospital.
" Nurse, ano po ang balita?" baling niya sa babae ng makita itong lumabas ng operating room.
" Natapos na po ang operation niya, ililipat po siya sa recovery room." tugon nito.
Gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi nito. Muling nagliwanag ang kanyang mukha.
Muli siyang umupo at sinandal ang ulo sa dingding. Inisip niya na sana pag gising niya, gising na rin ang dalaga. Na mimiss na niya ito. Pinikit niya ang mga mata ng makaramdam ng pagud hanggang sa tuluyan siyang nakatulog.
Nagising siya ng may maririnig na mga yapag na dumadaan sa harapan niya at may mga nag-uusap. Napatingin siya sa orasan nasa pambisig. Alas singko na ng umaga.
Ilang oras lang ba tulog niya, gusto pa niya sana matulog pero na pawi iyon ng maisip ang dalaga. Tumayo siya at nagpunta sa recovery room.
" Sir, balikan niyo na lang po mga alas syete." anang nurse sa kanya.
Gusto niyang hilahin ang orasan, tila ba kay bagal ng takbo nito. May oras pa siyang hihintayin bago makita ang dalaga.
Minabuti niyang umuwi na muna para makapag ligo para presko sa pagharap niya sa babaeng nagpa kaba sa kanya ng husto.

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    calibosophoebe

    I like it.

    06/11/2025

      0
  • avatar
    Carmz Gallego

    Ganda ng story

    05/03/2025

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.

    28/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata