TULIRO si Marco, dinaluhan si Lara naka handusay, hindi niya alam ang kanyang gagawin, naunahan siya ng takot habang nakatingin ritong duguan. " Mag concentrate ka Marco, wag kang magpapadala sa nerbyos mo!" Untag ni Erik sa kanya ng makita siyang balisa. Pinilit niyang kalmahin ang sarili at wag magpadala sa magkahalong naramdaman. Nilapitan niya si Erik at hinanap ang cellphone nito at tumawag ng ambulansiya. Nanginginig ang kanyang boses na nagsasalita sa kabilang linya. Mabibilis na kilos ang kanyang ginawa kinalagan si Erik, matapos niyang makatawag ng tulong. Muli niyang binalikan ang dalaga. Hindi siya makapag hintay sa tulong na dumating. Binuhat na niya ito at isinakay sa kanyang sasakyan. Hindi niya matiis titigan itong nag-aagaw buhay, oras ang kalaban niya ngayon. " Lara, kumapit ka!" Nilagay niya sa hazard ang sasakyan at wala siyang tigil sa kakabosena para ipaalam sa lahat ng kasabayan niya sa daan may emergency siya. Labis ang kanyang pagsisi ng maalala ang nangyari sa kanila kagabi, inaway niya ito. Hinding hindi niya mapapatawad ang sarili kapag tuluyan itong mawawala sa kanya. Kung alam niya lang, sana hinayaan niya lang ang dalaga umalis kagabi, siguro hindi ito nakasunod sa kanya. Ang dami naglalaro sa isipan niya ng mga sandaling iyon. Agad niyang ipinarada ang sasakyan sa labas ng nadaanan hospital. " Tulong!" sigaw niya ng makababa at patakbong lumapit sa back seat. Kinarga niya si Lara at dinala sa loob. Tumatakbong sinalubong siya ng mga nurses na may dalang stretcher. Marahan niyang hiniga si Lara," Alam kung matapang ka kaya, alam kung lalaban ka. Lumaban ka para sa'kin dahil hindi ko kakayanin mawala ka sa akin." naiiyak niyang sabi rito habang papasok sila sa emergency room. " Sir, hanggang dito na lang po kayo." anang nurse sa kanya. Mabigat sa kanyang didbib binitawan ang kamay ng dalaga. Masakit sa kanya dahil hindi niya man lang nasabi rito kung gaano niya ito kamahal. Higit sa lahat hindi siya nakahingi ng tawad sa nagawa niyang pagpapaselos nito kaninang umaga. Napa hagolhol siya sa isipin nangyari ito na masama ang loob ng dalaga sa kanya. Napa upo siya sa pahabang upuan naroon at nasabunot ang sariling buhok. Maya-maya pa ay napansin niya ang duguan damit. Muli siyang tumayo at naglakad papunta sa nurse station. " P-pa puntahan niyo ako rito sa hospital. S-si Lara, pa!" napaiyak na siya. Muli siyang bumalik sa emergency room ng matapos niyang makausap ang ama. Naabutan niya ang doctor at kakalabas lang. " Doc, k-kumusta na po si Lara?" nangingig niyang tanong. " Kayo, ba ang kamag-anak niya?" balik nitong tanong sa kanya. Tumango-tango siya bilang pagtugon rito. " Kailangan siyang maoperahan at tanggalin ang dalawang bala nasa katawan niya. Kailangan niya rin ng dugo type o. Nasa critical na condation ang kalagayan niya ngayon, kaya hindi tayo pweding magsasayang ng oras." saad ng doctor. " Gawin niyo po ang lahat ng makakaya niyo doc. I can't afford to lose her, handa akong magbayad na kahit magkaano mailigtas lang siya. " Hindi na siya nahiyang umiyak sa harapan ng doctor. " We will do everything we can mr." tinapik siya nito sa balikat bago tinalikuran. Walang pagsidlan ng kanyang takot sa isipin nasa critical ang condition ng dalaga. Agad siyang naghanap ng dugo at inayos niya rin ang deposito ng hospital, para agad na maasikaso ang dalaga. Matapos niyang maayos ang lahat dinala si Lara, sa operating room. Nagpunta siya ng Chapel, para ipagdasal na malagpasan ng dalaga ang operation nito. Lumuhod siya at taimtim na nag darasal. " Bigyan niyo po kami ng pagkakataon ma ipadama ang pagmamahal namin sa isa't isa ang dami naming pagkakamali at pagkukulang na dapat namin ituwid. " Ibalik mo sa akin si Lara, kailangang kailangan ko siya. " Patawarin mo siya kung na puno ng poot ang puso niya ng dahil lang yun sa naging victima siya ng kawalang kahiyaan ng mga tao naka salamuha niya. Dios ko! dinggin niyo po ako." aniya, at tumayo na para bumalik sa operating room. NAKAPAA naglalakad si Lara sa maiikling damo. Hindi niya alam kung nasaan siya. Nakikita niya lang ang isang malaking puno na hindi niya matukoy kung anong klasing puno iyon, napapaligiran ng maikling damo na parang sinadyang ginugupitan. Napaka gaan ng pakiramdam niyang naglalakad. Saglit siyang huminto ng mapansin ang may nagsisiliparan mapuputi sa kawalan hindi niya matukoy kung nagmula ba ito sa halaman o balahibo. Tumingala siya at hinintay niyang dumampi sa kanyang mukha. Napa singhap siya ng maka amoy ng mababango bulaklak na dala ng hangin. Itinataas niya ang dalawang kamay sa ere at pinikit ang mga mata, ninamnam niya bawat pagdampi ng mga petals sa kanyang pisngi. Napapangiti siyang nagpaikot-ikot. Maya-maya pa muli siyang naglakad hindi magkamaliw ang mga mata niya sa pagka mangha sa bawat na dadaanan. Pakiramdam niya nasa Paraiso siya, sa subrang ganda ng kapaligiran. Sa tanang buhay niya hindi pa siya naka kita ng ganito ka ganda. Malayo na ang kanyang nilakbay, ngunit hindi siya naka ramdam ang pagud ni hindi siya nauuhaw sa kakalakad. Wala siyang ibang naramdaman ng mga sandaling iyon kundi ang tanging kaligayahan, ni hindi niya naisip ang problema at ang sakit mula sa kanyang mga sugat. Sa kakalakad niya napansin niya ang liwanag na nagmula sa kawalan, napahinto siya at napatingala roon. Subrang liwanag nito ngunit hindi nakakasilaw hindi nakaka sakit ng mata. Matagal siyang nakatitig roon na tila ba kinakausap siya nito. KINAKABAHAN si Marco, ng makitang balisa ang doctor mula sa operating room. " Call dr Jam please, we need his help right now before we lose her." narinig niyang sabi ng doctor sa nurse. " Ano ang nangyayari doc?" Nag-alala niyang tanong na sumunod rito. Nilingon siya nito " Mr Martinez, kakausapin ko kayo mamaya." sabi nitong mabibilis ang mga hakbang, palayo sa kanya. Hindi na siya nakatiis pa sa subrang pag-alala, pumasok siya sa loob ng operating room at nilapitan si Lara. " Please follow the light." naiiyak niyang sabi. " Bumalik ka sa'kin, maghihintay ako sa'yo hanggang magising ka. Hindi ako aalis sa tabi mo." pakiusap niya. " Sir, bawal po kayo dito!" saway ng nurse sa kanya. Ayaw niya sa nang lumabas pero pinipilit siya nito. Nangangatog ang mga tuhod na lumabas ng silid. " Ah! Lara!" sigaw niya.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (61)
calibosophoebe
I like it.
06/11/2025
0
Carmz Gallego
Ganda ng story
05/03/2025
0
BalquinMilyn
Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
I like it.
06/11/2025
0Ganda ng story
05/03/2025
0Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
28/02/2025
0Tingnan Lahat