logo text

Lara's revenge chapter 42

"UMALIS pa talaga ang dalawa. I-iwan na talaga kita Marco, hindi na kita babalikan!" Inis na naglakad papasok sa loob ng bahay.
Napa daan siya sa sala umagaw pansin sa kanya ang sketch plant naka lantad sa ibabaw ng center table. Nilapitan niya ito at umupo sa sofa, napansin niya ang cellphone ng binata naka patong sa ibabaw nito.
Dedmahin niya sana ng bigla itong nag vibrate. Lumantad sa kanyang paningin ang pangalan ni Erik. Na curious siyang buksan iyon. " Bakit hindi niya sinasabi sa'kin nag-uusap pala sila ni Erik?"
Kumakabog ang dibdib niya sa kaba ng mabasa ang mensahi ni Erik." Kaya ba umalis si Marco, para sumunod rito? Imposible naman, narito ang cellphone niya."
Mabilis siyang tumayo at nagpunta sa kanyang kuwarto. Nagpalit siya ng pantalon at simple t-shirt ang sinuot niya. Kinuha niya ang baril at nilagay sa bag. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay at naghanap ng taxi masasakyan.
" Ito naba ang araw na matagal kong inasam-asam na makamit ko ang hustesya?" anas niya. Agad siyang sumakay sa taxi nakaparada sa unahan at nagpahatid sa address na sinasabi ni Erik. Magka halo ang kanyang naramdaman habang bumiyahe.
PAPASOK si Marco, sa loob ng lumang building ng marinig ang boses ni Erik, galit na galit. Agad siyang nagkubli sa gilid ng pader bago pa may maka kita sa kanya.
" Bakit mo ba ito ginagawa Abner? Napaka hay*p mo talaga!" sigaw ni Erik.
Sinilip niya ang pinagmulan ng boses. Nagulat siya ng makita itong nakaupo sa silya, naka gapos ang mga kamay sa likuran ng upuan. Duguan ang mukha at sabog ang labi.
" Ano ang akala mo sa'kin? Nasisiraan ng ulo? Bakit ako susuko Erik, para makulong?" narinig niyang sabi ni Abner, na nagpalakadlakad sa harapan nito.
" Maling mali ang ginawa mo, ginahasa mo si Lara, at kailangan mo iyon pagbayaran. Bakit hindi ka nalang sumuko sasamahan kita." ani Erik.
" Wala ka talagang pagka iba kay Anton."
" Ano ang ibig mong sabihin?" Maang na tanong ni Erik rito.
Nakita niyang hinaplos ni Abner ang mukha nito. " Total mamatay kana rin naman, sasabihin kona ang secreto ko, sa'tin lang dalawa ito." tumawa ito na parang nababaliw.
" Katulad mo rin siya gusto akong pa sukuin dahil gaya mo naduduwag narin. Kaya ayon! pinatulog kuna bago pa ako maisumbong." pagpapatuloy ni Abner.
" I-ikaw ang pumatay kay Anton?" hindi maka paniwalang tanong ni Erik.
" Oo, pero hayaan mo kaya ko iyong pagtakpan. Katulad ng ginawa ko kay Monica. Kawawang Monica, nakulong ng walang kasalanan. " umiling-iling nitong sabi.
" Kung hindi lang sana tanga 'yong inutusan kong kidnapin si Lara hindi sana mapagbintangan yung babaeng iyon.
" Anyway, hindi pa din naman siya ganon ka tanga dahil nailigaw niya ang kalaban." anitong humithit ng sigarilyo.
" Napaka demonyo, mo talaga dahil sinakyan mo ang galit ni Monica." ani Erik.
Hindi siya maka paniwala sa kanyang mga naririnig. Nagawang patayin ang kaibigan para lang matakpan ang kasalanan.
Ngalingali na siyang lumabas sa kanyang pinagtataguan. Pero kailangan niyang mag isip, hindi siya pweding magpadalos-dalos. May hawak na baril si Abner, at naka gapos si Erik, baka isa sa kanila ang mabaril nito.
" Abner, napaka walang kwenta mong kaibigan, paano mo nagawa patayin si Anton, paano nakayanan ng kunsensiya mo patayin ang sarili mong kaibigan?" Sumbat ni Erik.
Napa ngisi si Abner. " Paano niya rin ako nagawang traydorin? Bakit gusto niya akong ilaglag? Pero ma swerte na nga siyang namatay dahil inayakan ko siya. Kung hindi lang siya nakikipag kita kay Lara, buhay pa sana siya hanggang ngayon." sabi nito at humithit ng sigarilyo saka binuga ang usok sa mukha ni Erik.
"Nagtatago kana diba? Pero lumabas kapa at hikayatin akong susuko? Hinahanap mo talaga si Kamatayan."
" Dahil napagud na ako sa pagtatago sa'yo, alam kung ikaw ang nagpapadala ng mga tao umaaligid-aligid sa bahay namin." ani Erik. " Hindi na rin ako magtataka kung may kinalaman ka sa nangyari kay Chesca."
Dagdag ni Erik na halos hindi na makakita ng maayos dahil sa namamaga ang mga mata nito na nagmula sa suntok.
" That brat! Hindi ako ang bumaril sa kanya kundi ang kaibigan niya. Nilagay ko lang naman si Chesca, sa loob ng kotse para turuan si Lara, kung paano ang tamang paghiganti. Biruin mo iyon? pinagbabaril niya." Sinabayan nito ng tawa.
" Nasaan na ang kunsensiya mo, g*g* ka!"
" Wala akong kunsensiya. Ikaw nga isusunod ko, pagkatapos natin mag usap at isusunod ko si Lara, nang mawala ang sagabal sa buhay ko." anito
" Actually, muntikan kuna nga siyang mapatay kung hindi lang nagpaka hero itong si Marco."
Naguguluhan siya sa sinabi ni Abner," Ano ang ibig mong sabihin?" naitanong sa sarili at mataman nakikinig sa sinasabi nito.
" Andon na sana ako eh! masasagasaan kuna sana, kaya lang lumabas ang hero at tinulak ang babaeng iyon. " pagpapatuloy ni Abner.
Hindi na siya nakatiis pa sa pakikinig, lumabas na siya mula sa kanyang pinagkublian. " Napaka hay*p mo g*g* ka!" aniya naglakad palapit rito.
" Oh, tol andiyan ka pala? Kanina kapa ba, naririnig mo ba ang mga sinasabi ko?" anitong naka ngisi ng nakakaluko.
" Come! come! sumali ka sa'min." sabi nitong kinukumpas ang hawak na baril.
" Tinuring kita na parang kapatid. Pero traidor ka!" Singhal niya rito.
Tinutukan siya nito ng baril ng tuluyan siyang makalapit. " Ikaw ang may kasalanan nito. Kung hindi mo dinala sa buhay natin ang babaeng iyon, hindi ako magkakaganito hindi nadadamay ang ibang tao. Ikaw ang may kagagawan nito!" anitong hindi inalis ang pagkatotok ng baril sa kanya.
" Ginasaha niyo si Lara. Dapat lang na makulong ka!" Nang gigil niyang sabi rito.
" Makulong? Mabuti na ngang nandito ka para sabay ko kayong dalawa patayin."
" Itigil muna itong kabaliwan mo Abner, pakawalan muna ako." sabad ni Erik.
" Bakit pa kita binihag kung papakawalan lang din naman kita, nag isip kaba?" anitong binaling ang tingin kay Erik.
Nagkaroon siya ng pagkakataon, patakbo niyang sinugod si Abner, ng suntok sa mukha at pilit niyang agawin ang hawak nitong baril. Muli niya itong sinuntok sa panga at sinundan sa tiyan. Natumba ito agad niyang dinaganan at pilit agawin ang baril hanggang sa tumilapon ito.
Nanlaban si Abner, at ubod lakas siyang itinulak palayo, nalaglag siya sa gilid nito. Tumayo siya at akmang hilahin ito patayo.
Malakas siyang sinipa nito sa tiyan, napaatras siya at nawalan ng balanse napa upo siya. Mabilis naka tayo si Abner at pinulot nito ang baril at itinutok sa kanya.
Tumayo siyang inangat ang dalawang kamay sa ere. " Pag-usapan natin ito ng maayos." aniya rito.
" Paano? Ang ipakulong ako?" Hinigpitan nito ang pagkahawak sa baril.
" Tama na Abner, parang awa muna. Itigil muna 'to! " saway ni Erik.
" Tumigil ka! isa ka rin sa may kasalanan nito. Kung hindi ka lumabas sa pinagtataguan mo, hindi sana tayo mag reunion ngayon araw na ito." ani Abner, hindi inalis ang mata sa kanya.
" Nawawala kana sa katinuan. Ano ba ang nangyari sa'yo at nagka ganyan ka?" nawawalan na siya ng pag-asa.
" Kung hindi ako binabalikan ng babae mo, hindi ako magkakaganito!" anitong nanlisik ang mga mata sa galit.
" Bakit hindi mo nalang pagbayaran ang kasalanan mo Abner, ng matapos na ang gulong ito." aniya.
" Hindi ako umuwi ng pinas para magpakulong mga sira ulo!" Singhal nito sa kanila.
NANGANGATOG ang mga tuhod ni Lara ng makita si Abner, nakatutok ang baril kay Marco. Bumibilis ang tibok ng puso niya sa takot ng maalala ang napaniginipan niya, ganitong ganito iyon.
" Magdasal kana Marco dahil uunahin na kitang patayin. Say hi to Anton for me." ani Abner.
Pagka rinig niyang iyon ay nilabas niya ang baril mula sa kanyang bag.
" Marco!" sigaw niya nagtatakbo palapit rito.
Sabay napalingon ang tatlo lalaki sa kanya. " Lara wag!' sigaw ni Marco. Mabilis niyang itinulak si Marco, at natumba ito.
" Bang!" putok na nagmula kay Abner, natamaan siya sa balikat.
Bago pa siya mabaril nito ulit binaril niya rin ito, at natamaan niya sa tiyan. Saglit na katahimikan ang namayani sa kanila.
Nagkatitigan sila ni Abner at parehong nakatutok ang baril sa isa't isa. Na tila ba pinapakiramdaman ang bawat isa.
Diniinan niya ang paghawak ng gatilyo, hindi niya alintana ang sakit mula sa tama ng bala.
" Ang tagal kung hinintay ang pagkakataon ito makaharap kang muli." aniya.
" Welcome to hell Lara!" pagka bigkas iyon ni Abner, ay ang sabay-sabay ng dalawang putok ang umaalingasaw sa loob ng building.
Nanatili silang nakatayo ni Abner. Ngumiti pa ito bago nagsalita. " Y-you did a great job." ani Abner sa mahinang boses, lumalabas ang dugo mula sa bibig nito.
" N-nakamit mo na ang hustesya," sabi nito at bumagsak sa lupa.
Napa ubo siyang napahawak sa kanyang tiyan, tinignan niya si Marco, naka tulalang nakatingin sa kanya. Pilit siyang ngumiti rito bago bumagsak.
''Lara!"
Ang malakas na sigaw ni Marco, ang kahuli-hulihan niyang narinig bago siya nawalan ng malay.

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    calibosophoebe

    I like it.

    06/11/2025

      0
  • avatar
    Carmz Gallego

    Ganda ng story

    05/03/2025

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.

    28/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata