logo text

Lara's revenge. Chapter 35

KINAPA niya ang binata sa kanyang tabi napadilat siya ng mata ng mapansin hindi na niya ito katabi. Baka lumipat ito ng kuwarto ng hindi niya namamalayan. Bumangon siya at umupo sa gilid ng kama.
Napangiti siya mag-isa habang inalala ang nangyari sa kanila kagabi. Bigla siyang nahihiya, ng maalala ang ginawa nito. Nakita na nito ang lahat sa kanya. Naiiling siyang tumayo para mag tungo sa banyo.
“ Good morning.” bungad ng binata sa kanya, bitbit nito ang tray may lamang pagkain at baso may lamang juice.
Mabilis siyang umupo sa kama at agad na tinakip ang kumot sa hubad niyang katawan.
“ Breakfast in bed.” Nilapag nito ang tray sa tabi niya.
“ Ang sweet naman!" Bulalas niya sa tuwa.
Hinagkan siya nito sa labi.“ Syempe! napagud yata kita kagabi, kaya bumawi ako.”
Biglang namula ang magka bilaang pisngi. Lalo pa nitong nilapit ang mukha sa kanya.
Nahihiya siyang magsalita sa ganito ka lapit hindi pa siya naka pag toothbrush.
“ Kain na.”
Tumayo siya at tinakip ang kumot sa katawan naglakad siya papunta sa closet.
" Bak-"
" Don't mention it." mabilis niyang putol sasabihin pa sana nito ng makita niya ang pilyong ngiti nito.
Tinawanan na lamang siya. Mabilis siyang naglakad papunta banyo ng makapag bihis ng maayos.
"Brunch muna ito. Mag alas onse na." sabi nito ng makabalik siya.
" Anong oras nga pala tayo pupunta sa birthday ni Babet?" tanong niyang umupo sa tabi nito at sinaluhan niya itong kumain.
" Mamayang hapon na lang. Sa bahay lang naman ni papa idaraos ang party." tugon nito at sinubuan siya ng longganisa.
" Okay, lang kaya sa iba mong kamag-anak na makita nila akong muli?"
" Wag mo na silang intindihin. Ang mahalaga tayo at ang papa ko." tugon nito.
Naisip niya kung ano man ang maririnig niya mula sa mga kamag-anak nito, siya na ang umunawa. May mga dahilan naman ang mga ito kapag magalit sa kanya.
" ATE LARA, mabuti at sumama ka kay kuya magpunta rito." niyakap siya ng celebrant.
“ Happy birthday Babet. Sana magustohan mo itong regalo ko sa'yo." Sabay abot niya sa bitbit na regalo.
" Sigurado ako ate, magugustohan ko ito, ikaw pa may taste ka kaya sa mga bagay-bagay." naka ngiti nitong sabi.
Hinila ito ng kaklase, kaya napilitan itong iwanan siya. Napa lingon siya kay Marco, nakita niyang kausap nito ang isa sa mga kamag-anak.
Malamang pinapagalitan na ito kung bakit magkasama sila. Nakita niya ang ibang mga kamag-anak na masama ang tingin sa kanya.
Ang iba naman naka ngiting bumati sa kanya kanina ng pumasok sila ni Marco, sa bakuran. Pero hindi na niya ininda pa ang galit na tingin ipinukol sa kanya ng iba, napaghandaan na niya ito kanina bago sila umalis ng bahay.
Mula sa kanyang kinatatayuan natanaw niya si Monica, naglakad papasok mula sa bukas na gate. Inirapan siya nito ng makita siya.
“ Sana matuluyan yang kang babae ka! hindi na mabalik sa ayos ang mata mo.” aniya sasarili.
Natanaw niya si Marco, naglakad papasok sa loob ng malaking bahay, kasama ang tiyuhin nito. Nakita niya rin si Monica pumasok roon.
Narinig niya ang pagtawag ng emcee sa attention ng lahat para sa ika 18 roses ni Babet. Naghanap siya ng mauupuan.
Nakita niya ang mga nag-uumpukan mga kamag-anak nina Marco, malapit sa harapan ng stage. Andun rin ang ginang at ang kaibigan. Hindi na siya lumapit roon minabuti niyang umupo sa likurang bahagi na di kalayuan sa gate.
Naagaw ang pansin niya sa ingay mula sa labas ng gate. Wala sa isip na tumayo siya at lumabas para tignan kung ano ang nangyayari roon.
Lumingon siya sa kaliwang gilid. May auto nakaparada at dalawang van sa dulo.
Sa pinaka unahan ng van natanaw niya ang dalawang batang lalaki. Itinulak ng batang lalaki ang isa pang bata. Sa ayos ng mga pananamit ng dalawa ay sigurado siyang anak ito sa isa sa mga bisita ng ama ni Marco. Naglakad siya palapit sa dalawa para awatin ang mga ito na nag-aaway.
" Mga bata ano ang ginagawa niyo rito? Baka hinahanap na kayo ng mga magulang niyo. Pumasok na kayo sa loob." agaw pansin niya sa mga ito.
Nagsi tigil ang dalawa at nag uunahan sa pagtakbo papasok sa loob ng bakuran.
Sumunod siyang naglakad. Nasa tapat na siya ng ikalawang van ng may mapansin siyang mga yapag mula sa kanyang likuran.
Pumihit siya paharap, nakita niya ang dalawang lalaki. " Sino kayo?"
Isang malakas na suntok sa kanyang tiyan ang sinagot ng lalaki sa kanya.
" Ah!" anas niyang namimilipit sa sakit.
PALABAS na ng bahay si Marco, ng makatanggap ng mensahi galing kay Erik.
Bubuksan sana niya ang mensahi para basahin iyon ngunit mabilis na nakalapit sa kanya si Monica.
“ Hey! ang tagal na natin hindi nagkausap, kumusta kana?” pinulupot nito ang braso sa kanyang leeg.
Binalik niya sa kanyang bulsa ang cellphone at pasimple niyang tinanggal ang braso nito.
“ Mabuti at nakarating ka Monica." sabi niyang naglakad palabas ng bahay.
Hinawakan siya nito sa braso“ Mag kwentuhan naman muna tayo." paglalambing nito.
“ Sa labas nalang tayo mag-uusap nagsisimula na ang party.”
Bigla siya nitong niyakap." Na mimiss na kita."
Inalis niya ang mga kamay nito.“ Monica hindi muna naman ako kailangan pang yakapin.”
" Bakit dahil magagalit si Lara? Namimiss lang naman kita." nagtatampo nitong sabi.
Napalingon siya sa kinaroonan ni Lara ng huli niya itong makita pero wala na ito roon. Kinabahan siya kung nasaan na ito.
Nilingon niya muli si Monica." Sige, hintayin mo ako rito. Kukuha lang ako ng maiinom natin. Namiss din kitang kainuman eh." sabi niya at nagmamadaling naglakad papunta sa kusina. Minabuti niyang dumaan sa back door para hindi siya makita ni Monica.
Hinanap ng mga mata niya si Lara pero hindi niya ito nakita. Nasulyapan niya si ginang Rosario, katabi nito naupo si Chesca.
Nilapitan niya ang dalawa. " Tita si Lara?"
" Natanaw ko 'yun kanina nagpalakadlakad. Akala ko nga nasa loob ng bahay niyo." tugon ng ginang.
Mabilis siyang nagpalaam rito at nilibot ang mga mesa ng mga bisita. Pero bigo siya wala roon ang dalaga. Hindi na niya napansin ang ama sinasayaw ang kanyang kapatid.
" Saan kaba nagpupunta?" Bigla siyang kinukutuban ng masama.
Naglakad siya pabalik sa loob ng bahay baka naroon ito. Baka nagka salisi lang sila dahil sa maraming bisita at maluwang ang kanilang bakuran.
Hindi niya napansin ang babae naka salubong niya nabundol niya ito.
"Op! I'm sorry." hinging umanhin nito.
" Ayos, lang! Nakita mo ba si Lara?"
" Nakita ko 'yon lumabas kanina." tugon nito.
Nagmamadali siyang naglakad papunta sa gate. Ni hindi na niya nakuhang magpasalamat rito.
" Marco!"
Tawag ng isa sa kamag-anak niya pero hindi na niya ito pinansin. Nagtuloy-tuloy siya sa paglakad.

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    calibosophoebe

    I like it.

    06/11

      0
  • avatar
    Carmz Gallego

    Ganda ng story

    05/03/2025

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.

    28/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata