logo text

Lara's revenge. Chapter 31

MATAGAL sila nagka titigan bago iniwas ng binata ang tingin.
" M-magpahinga kana, sigurado ako pagud na pagud kana rin." Sabi nito at naglakad palabas ng silid. Sinundan niya na lang ito ng tanaw, hanggang sa makalabas ng pintuan.
Napa upo siya sa kama, matagal siyang nakikipag titigan sa pader saka nagpasya, humiga. Dulot ng matinding pagud ay tuluyan na siyang naka tulog.
Umaga na ng magising siya, naabutan niya ang katulong naghahanda ng pagkain para kay Marco.
" Manang kurding, ako na ang magdadala niyan." alok niya.
" Ako na lang po ma'am Lara, kumain na lang kayo, nakahanda na ang agahan niyo sa mesa."
Hindi na lang siya nagpupumilit pa, tahimik siyang umupo at pinagsilbihan ang sarili.
Maya-maya pa nilapitan siya ng katulong." Pinapasabi ni sir, na wag na daw muna siyang isturbuhin gusto niya kasi magpahinga." sabi nito sa kanya.
Muntikan siyang nabilaokan sa kinakain niyang tinapay sa sinabi nito." Bakit isturbo ba ako? Bakit pa ako nandito?" sa kaloob looban niya. Inunawa na lamang niya baka gusto lang din talaga ni Marco, makapag pahinga ng husto para maka bawi ito ng lakas. Tanging tango lang ang naging tugon niya sa katulong.
Ng matapos siyang makapag agahan bumalik na siya sa itaas. Napahinto siya sa paglakad ng matapat sa silid ng binata.
Lumapit siya roon gusto niya iyon buksan para makita ito. Pero agad niya rin naalala ang bilin nito sa katulong. Nagtuloy na lamang siya sa kanyang silid para makapag ligo. Uuwi na lang muna siya sa kanila habang nagpapahinga pa ang binata sa silid nito.
" TITA kanino po iyong sasakyan naka parada sa labas?" bungad niya sa ginang ng madatnan niya ito sa sala.
" Hija, mabuti at na dalaw mo ako." Masayang sabi ng ginang na mabilis naka tayo at hinagkan siya sa pisngi.
" Pupuntahan sana kita sa bahay ni Marco. Para ibigay sayo ang sasakyan na iyon." naka ngiti nitong sabi.
Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig." Para sa'kin ang sasakyan na iyon?" ulit niyang tanong.
Nayakap niya ito sa subrang tuwa ng tumango-tango ito. Hindi na siya mag aabang pa ng taxi dahil mayroon na siyang sariling sasakyan.
Kinuha nito ang susi sa lagyanan. "Second hand na iyan, pero mukha pa rin bago." Sabi nitong inabot sa kanya ang susi.
" Maganda na yan tita. Kung alam mo lang kung gaano ako ka saya." Excited niyang kinuha ang susi mula rito.
" Ano pa hihinintay, mo subukan muna." sabi nito. Nayakap niya ito uli bago lumabas ng bahay para subukan ang bagong sasakyan.
" Dahandahan sa pagmamaneho Lara!" pahabol nito ng makalabas siya ng pintuan.
Madali lang sa kanya ang sasakyan dahil automatic iyon. At mayroon din siyang experience sa pagmamaneho ng minsan siyang tinuroan ng driver ng ginang at manual pa iyon. Agad niyang binuhay ang makina at pinaharorot iyon palayo.
Minabuti niyang e road test iyon mag-isa. Aliw-na aliw siya sa kanyang bago sasakyan hindi na niya namalayan ang oras. Mag takip dilim na ng magpasya siya umuwi sa bahay ng binata. Pagka uwi niya katulong lang ang naabutan niya sa kusina naghahanda ng haponan. Dumeretso na siya sa kanyang silid para du'n mag kulong. Ayaw na niyang mangulit sa katulong hintayin na lang niya ang binata magkusa bumaba.
" ANG SARAP naman nitong niluluto mong hapunan ma'am Lara." Puri ng katulong ng matikman nito ang niluluto niyang pork, guisado.
Natutuwa siya sa puri nito, sana noon pa niya iyon ginawa pero dahil sa naaliw siya sa kanyang bagong sasakyan hindi niya nakuha tumulong sa gawain bahay gaya ng pagluluto para sa binata. Ngayon lang hapon siya nagka interest dahil siguro sa wala siyang magawa. Hindi rin siya maka gala dahil wala si Chesca, gumala ito kasama ang mga pinsan.
" Salamat. Pero sana magustohan ito ni Marco." Sabi niya at kumuha ng plato para lagyan ng pagkain nang maihatid na ng katulong sa silid ng binata.
" Dito na ako kakain sa mesa." agaw pansin sa kanila ni Marco, kakapasok lang sa kusina.
Sandali siyang natigil sa ginawa at tinitigan niya ang binata. Halatang kaliligo lang nito dahil mamasa-masa pa ang buhok. Sout nito ang puting t-shirt at black short.
Napangiti siya ng mapansin ang malinis nitong mukha tinanggal na nito ang mahabang balbas. Bumabalik na ang dating guwapong mukha nito kahit medyo namamayat pa.
Ngumiti ito sa kanya ng mapansin siyang nakatitig rito. Naglakad ito palapit sa kanya.
" Ano ang ulam?" tanong nito at binuksan ang kaldero malapit sa kanyang kinatatayuan. Amoy na amoy niya ang ginamit nitong aftershave lotion.
" Amoy pa lang masarap na." pukaw nito sa kanya ng mapansin nakatulala siyang naka tingin rito.
"U-umupo kana." Saad niya at hinawakan ang upuan para hilahin iyon ngunit mabilis iyon nahila ni Marco.
" Ako na baka mabinat ka niyan." nag-alala niyang sabi.
" Magaling na ako." nakangiti nitong tugon at umupo sa katabi niyang upuan.
Nilagyan nito ng kanin ang plato niya at sinunod ang ulam.
“ Ako dapat ang gagawa niyan para sa'yo dahil ikaw tong may sakit.”
Nilapag nito ang plato sa harap niya“ Ako na hindi naman ako totally injured saka bisita kita kaya dapat pagsilbihan kita. Baka sabihin ni tita ginutom kita rito." sabi nito nagsalin ng ulam sa plato at tinikman iyon.
” Ang sarap nito sino ang nagluto?”
“ Si ma’am Lara po sir.” sabad ng katulong.
Tinignan siya nito." Ang sarap, kahit araw-arawin ko ito, ayos lang." biro nito sa kanya.
Napangiti na lamang siya sa turan nito. Sa kaloob-looban niya nagdiwang ang puso niya kasalo niya ito sa hapunan.
“ Sir kailangan ko pala pumunta sa bahay ng daddy mo mamaya. Ipapasundo niya raw ako sa driver.” sabi ni aling Kurding na kasalo nila sa hapagkainan.
" Bakit daw? Gabi na." Ani Marco.
" May ipapagawa daw po kasi siya. Baka hindi ako matulog rito mamaya."
Hindi niya alam ang maramdaman niya ng mga sandaling iyon. “ Ibig sabihin kami lang dalawa ang matutulog dito sa bahay, ngayon gabi?” Gusto niyang kiligin sa isipin, solo niya ang binata.
Tahimik siyang nakikinig sa mag amo masayang nag ku-kwentohan. Nahihimigan niya ang binata na tila bumabawi ito sa pagsigaw-sigaw noon sa katulong, kaya hinayaan na lamang niya ang dalawa.
Matapos nilang kumain tinulungan niya ang katulong na iligpit ang kanilang pinagkainan.
Siya ang nagbabanlaw sa plato at ang katulong naman ang nagsasabon nito. Sakto natapos sila sa paghuhugas ng dumating ang driver na magsusundo nito. Magkasunod silang tatlo lumabas ng bahay, para ihatid ang katulong sasakyan naghihintay sa labas.
“ Aalis na po ako sir, ma'am Lara." paalam nito sa kanila ng makalabas ng gate.
“ Sige, manang tatawagan na lang kita kapag may kailangan ako.” Tugon ni Marco at isinara ang gate.
“ Pasok na tayo sa loob?” Baling nito sa kanya.
Tumango-tango siya at nauna humakbang rito. Nagulat siya ng biglang hawakan nito ang kanyang kamay, at inakay siya papasok sa loob.
Tumingin ito sa malaking orasan ng nasa sala na sila. " Maaga pa naman para matulog, pwedi mo ba akong samahan manood ng palabas?" malambing na tanong nito sa kanya.
" Sure! hindi pa din naman ako inaantok." tugon niya at umupo sa sofa.
Lumapit ito sa malaking tv, at umupo sa harapan. Kinuha nito ang cd nasa gilid ng tv.
Bago pa nito isinalang ang hawak na cd nilingon muna siya nito. “ Shall we watch, killing me softly?” Sabi nito naka ngiti.
Bigla nag init ang kanyang pisngi, hindi niya naman nakikita ang hitsura sa salamin pero alam niyang namumula iyon sa sinabi ng binata. Hindi niya ma imagine ang sarili kasama si Marco, manuod ng sexy movie baka magaya pa nila ito.
“ Bakit ka nag ba-blush? Biro lang 'yon” natatawa nitong sabi sa kanya ng mapansin ang pamumula niya.
“ Ikaw naman kasi pinakaba mo ako sa sinabi mo eh! ” tinawanan niya rin ito para alisin ang kaba.
Hindi niya namalayan nakalapit na pala ito sa kanya. Umupo ito sa harapan niya, " kahit kailan maganda ka pa rin." sabi nito at dahan dahan nilapit ang labi nito sa labi niya.
Napapikit siya ng muling maramdaman ang malalambot na labi ng binata. Hindi niya mapigil ang sarili gantihan ang bawat halik nito. He put his tongue inside her mouth.
At marahan siyang hiniga nito sa sofa ng maramdaman ang pag ganti niya. Pumaibabaw ito sa kanya hindi pa rin binibitawan ng labi nito ang labi niya.
Naging mapusok ang mga halik nito sa kanya. Parang mawawala na siya sa katinuan at handang handa na siyang ibigay sa binata ang gusto nito. Hinintay niya ang kasunod nitong gagawin. Pero bigla itong tumigil sa ginagawa.
Napadilat siya at napatitig rito. Naka tukod ang dalawang palad nito sa sofa at nakatunghay sa kanya, namumungay ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.
“ W-why did you stop?” naisatinig niya. Gusto niyang bawiin ang kanyang tanong pero huli na siya.
“ Kailangan na natin magpahinga, baka mabinat ako.” tumayo ito at tinulungan siyang makabangon.
“ P-pinaparusahan mo ba ako? That’s why you want me to stay with you?” gusto niyang itanong pero naunahan na siya ng hiya. Ginamit nito sa kanya ang mga tricks niya noon.
“ S-sige mauna na ako, antok na rin ako.” aniya, at mabilis na pumanhik ng hagdanan.
SINUNDAN ng tanaw ni Marco ang paakyat na si Lara. Lihim siyang napangiti sa nakitang reaction nito kanina.
“ I’m teaching you a lesson Lara.” sa kaloob-looban niya.
Nang mawala na si Lara sa paningin niya pumanhik na rin siya sa kanyang silid.
Humiga siya sa kanyang kama hindi sadyang nahigaan niya ang cellphone. Kinuha niya iyon at dineal ang number ni Erik ng maalala hindi niya ito nakita mula ng maksidente siya.
" The number you dial is out of coverage area." tugon ng operator sa kanya.
Napa buntong hininga siya." Ano kaya ang nangyayari du'n hindi man lang nagparamdam."
Muli naglalaro sa isipan niya ang sinabi ni Abner, na hindi raw nito nakita. " Panaginip ko lang ba talaga iyon, nang mabosesan ko sila nag-uusap sa hospital?"
Minabuti niyang tawagan si Abner. Ilang sandali lang ang hinihintay niya ng sagutin ng kaibigan ang tawag niya.
" Tol, tumawag ako para ayain kang sumama sa'kin sa farm. Ayaw kasi sumama ni Lara." bungad niya, sa kabilang linya.
" Pupunta ka sa Boracay? Sayang naman." aniya, sinundan ng pagbuntong hininga.
" Sige, sige tol kita na lang tayo pagbalik mo galing Boracay." sabi niya at pinutol ang linya ng telepono.
Kanina pa natapos ang pag-uusap nila ni Abner, pero hindi maalis sa isipan niya ang dalawang boses. Bigla siyang kinutuban ng masama. " Well see! kung nag Boracay ka talaga."
Pinilit niyang ipikit ang mata para alisin ang mga bagay na bumabagabag sa isipan niya.

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    calibosophoebe

    I like it.

    06/11

      0
  • avatar
    Carmz Gallego

    Ganda ng story

    05/03/2025

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.

    28/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata