“ LARA, LARA.” Tinig nang katulong ang pumukaw, sa kanyang pagkakahimbing na tulog. Bumangon siya at tinungo ang pintuan, binuksan niya iyon." Bakit manang Biday?” inaantok niyang tanong. “ Alas dos na, nanlalamig na ang pananghalian mo. Hindi karin nakakain ng almusal. ” " Manang Biday, bakit ngayon mo lang po ako ginising? Naku kailangan ko ng maligo mahuhuli ako sa party, namin nakakahiya sa mga kamag-anak ni Marco." " Nakalimutan ko rin eh!" " Sige, po manang Biday, maliligo na ako." Sinara niya ang pinto at nagmamadali hinubad ang kanyang sout na mabulaklakin short at ang sleeveless nakaterno nito. “ Bakit ba kasi ang tagal kung natulog kagabi,” kastigo niya sa sarili habang naliligo. Sa natatandaan niya mag alas tres na ng madaling araw siya nakatulog dahil sa mga bumabagabag sa kanyang isipan. Kaya ngayon mukhang mahuhuli pa siya sa sarili niyang party. Agad niyang sinuot ang bathrobe matapos makapag ligo, saka tinungo ang malaking salamin para maglagay ng make-up. Nang matapos siya sinout niya ang dress na binili pa niya kahapon. Nasa kalagitnaan siya ng pag-susuot ng damit nang muli siyang katukin ng kasambahay. “ Lara andiyan na si Marco, sa ibaba. ” sabi nitong sinabayan ng mga iilang katok sa pintuan. “ Susunod na po ako." Ng matapos siyang makapag bihis nagmamadali siyang lumabas sa kanyang silid. Nakita niya si Marco, naka tayo sa may paanan ng hagdanan, sadyang hinintay siya nito. Muling bumangon ang kakaiba niyang naramdaman para rito na siyang dahilan kung bakit siya napupuyat kagabi sa kakaisip. Humugot siya ng malalim na hininga saka humakbang pababa. Nagmistula siyang si Rose ng tatinic, na naglalakad pababa sa hagdanan habang naghihintay naman sa kanya si Jack, sa ibaba. Hindi niya mapigil ang sarili mapangiti sa isipin iyon. " As always babe, you look so beautiful." puri ni Marco, ng matapat siya rito. " Thank you. Pero kinakabahan ako." " Bakit ka naman kinakabahan?" “ Magugustuhan kaya nila ako babe?” naitanong niya. “ Of course! you are charming.” nakangiti nitong sabi at inalay ang braso sa kanya. Humawak siya rito at sabay na naglalakad palabas ng bahay. MADAMI NA ang tao, sa bahay ng binata ng makarating sila. " Andito na sila!" Bulalas ng kapatid ni Marco, ng makita sila nito. " Nakilala ko rin ang magiging pamangkin ko." masayang sabi ng tita ni Marco, ng makalapit sila rito. " Magandang hapon po." kinuha niya ang kamay nito at nagmano. Magiliw siyang niyakap nito." Kiss nalang sa pisngi hija, sumasakit ang tuhod ko." pabiro nitong sabi sa kanya. Mabilis gumaan ang loob niya sa mga kamag-anak, mainit siyang tinanggap ng mga ito. Hinila siya ni Marco, papunta pa sa ibang kamag-anak. " Diba sabi ko sa'yo?" " They are nice, babe." Naka ngiti niyang sabi at inikot ang mga mata sa kapaligiran, baka sakali makita si Abner. Hindi nga siya nagkakamali nakita niya itong kausap ang tita Rosario niya at daddy ni Marco. " Kapag sini-swerte talaga!" sa kaloob-looban niya. Napatingin siya sa waiter naglakad palapit sa kanila may bitbit na tray may mga naka patong na wine glass. Kumuha siya ng isa. “ Ate Lara!" Sambit ng kapatid ni Marco, mabilis naka lapit sa kanila. " Kuya hihiramin ko lang sandali si ate." paalam nito sa kapatid at hinila siya papunta sa table ng mga kaklase nito. Magiliw siyang nakikipag-usap sa mga bagets, habang panakaw ang tingin kay Abner, na no’y may kausap na babae. “ Guys, excuse muna ako ha?” paalam niya sa mga kausap at naglakad papunta sa isang tabi na kung saan walang makakita sa kanya. Pasimple niyang binuhos sa wine ang hawak niyang lason. Naglakad siya pabalik sa umpukan, at muling kumuha ng isa pang baso ng wine ng mapadaan. Naisipan niyang lapitan si Abner, para kunwari makikipag kumustahan siya rito. " Babe!" Natigil siya sa paghakbang at nilingon ang kasintahan, tumawag sa kanya. Nakita niya itong may kausap na lalaki, Matangkad at maputi, pero hindi niya nakita ang hitsura dahil abala ito sa pakikipag-usap sa isa pang lalaki naka tayo sa tabi nito. Naglakad siya palapit sa kasintahan. " Babe, I want you to meet my friend." naka ngiti sabi ni Marco, ng tuluyan siyang makalapit. Nakangiti tumingin sa kanya, ang kaibigan ni Marco, ngunit ka agad din iyon napawi ng magtama ang kanilang mga mata. Hindi niya maintindihan kung bakit iba itong makatitig, na para bang sinusuri ang buo niyang pagkatao, na pati kaluluwa niya sinusuri nito. " Hi! you must be Erik." nakangiti niyang sabi. “ Ikinagagalak ko'ng makilala ka.” Dugtong niya ng hindi ito natinag sa una niya sinabi. " H-hi! L-Lara right?" nauutal na sabi at nilahad ang kamay ng makabalik sa diwa nito. Nilapag niya sa ibabaw ng mesa ang isang baso hawak niya at magiliw niyang inabot ang kamay nito." Finally, nakilala na rin kita. Ikaw lang ang lagi bukang bibig nitong kaibigan mo eh." “ Diba, pare sabi ko sa’yo maganda ang mapapangasawa ko?" pagmamayabang ma sabad ni Marco. “Kaya nga p're, napa-tulala ako.” nakangiti nitong biro. Inirapan niya ang dalawa “ Pareho talaga kayong magkakaibigan, bulero!” natatawa niyang sabi. Hinawakan ni Marco, ang isa niyang kamay“ Ang tagal kasi namin hindi nagkita. Na miss ko din itong kaibigan ko. ” Sabi nitong sinabayan ng pagtapik sa balikat ni Erik. “ Maiba pala ako p're, nagkausap naba kayo ni Abner?” Tanong ni Marco sa kaibigan. Napa lingon siya sa dating kinaroroonan ni Abner. Saktong naglakad ito palapit sa kanila. " Hindi pa p're, kausapin ko nalang siya mamaya." tugon ni Erik. " Ano ba kasi ang nangyari sa inyong dalawa? Hanggang ngayon, wala pa rin akong alam sa tampuhan niyo." pangungulit ni Marco. Napatingin sa kanya si Erik, bago ito sumagot." Wala! kunting tampuhan lang 'yon." Natigil sila sa pag-uusap ng makalapit sa kanila si Abner. “ Lara, pare aalis na ako. Pasensiya na hindi ako makadalo sa kasal niyo bukas.” Sabi nito. " Sayang naman Abner, kung kailan mahalagang araw namin iyon ni Marco, saka kapa mawawala." mabilis niyang sabad at pasimpleng inabot ang baso ng wine rito. Na tinanggap naman nito. Magkahalo ang kanyang naramdaman, kinakabahan siyang nakatingin rito at pinagpapawisan ang mga palad niya. Andon na rin ang excitement niya, hindi siya makapaghihintay lagukin nito ang inabot niyang wine. " Sige na inumin mo." sa kaloob-looban niya. Inangat nito ang baso palapit sa bibig." Gusto ko sanang dumalo, pero natuon din kasi sa flight ni dad, papunta U.S." sabi nito binitin sa ere ang hawak na baso. " Bakit, pupunta kayo sa U.S?" tanong ni Marco, kay Abner. " Gusto kasi ni daddy sa U.S magpa gamot sa kanyang prostate cancer, at bukas naka schedule ang pag-alis namin." paliwanag nito. " Kaya sana maunawaan mo ako tol." baling nito kay Marco. “ Naiintindihan ko. Ang mahalaga nakapunta ka sa party. Regards mo nalang ako kay tito at paki sabi na rin sa kanya, hangad ko ang pag-galing niya, tol." Sinsero sabi ni Marco. " Tol, kumusta kana?" baling ni Abner kay Erik. Kinamayan ito ni Erik." Okay lang ikaw, kumusta kana rin?" " Ayos lang na miss ka namin dito. Ang tagal mo rin nawala." nakangiting sabi ni Abner. " Masaya ako para sa inyong dalawa okay na kayo." sabad ni Marco. Nagkatitigan ang dalawa sa isa't isa. Saka muling tumingin sa kanya si Erik. Nahihiwagaan na siya sa mga titig nito sa kanya, pero pilit niyang iwaksi iyon sa isipan niya. Ayaw niyang bigyan ito ng kulay. " Wala yon, nakalimutan na namin 'yon tayo, na ngalang ang naiwan magtatampuhan paba tayo?" naka ngiti sabi ni Abner. " Maiba pala ako, may balita naba kung sino ang bumaril kay Anton?" curious na tanong ni Erik. " Wala pa rin, nakibalita ako sa mommy niya, pero wala pa daw." tugon ni Marco. " Paano mauna na ako sa inyo? kailangan ko pa ayusin ang mga gamit ko." paalam ni Abner, sa kanila. Nakita niyang nilapag ni Abner ang baso ng wine sa mesa, dismayado siya ni hindi man lang nito ininom iyon kahit kunti man lang. Gusto niyang damputin ang baso, at ihampas sa ulo nito habang naglalakad palayo sa kanila. Dinampot ni Marco, ang baso na iniwan ni Abner at dinala nito iyon sa bibig. Mabilis niyang nahawakan ang braso nito bago pa nito mainom ang laman. " Babe, sandali!" Saglit itong natigilan." Bakit?" nagtataka ang mga mata nitong naka tingin sa kanya. Kinabahan siya, hindi niya alam kung ano ang sasabihin, para hindi ito magtaka. Hinalikan niya ito sa labi." Ayaw kong uminom ka ngayon gabi." pabulong niyang sabi. " Hindi naman ito nakakalasing." Pasimple niyang kinuha ang baso." Baka pagnatikman mo 'to, gusto mo pang magpadagdag. Ang mangyari niyan, hindi mo ako masipot bukas sa simbahan dahil sa iyong kalasingan."pa biro niyang sabi. " Sige na p're, pagbigyan muna si Lara. Bukas kana maglasing." natatawang sabad ni Erik. " Sige, na nga lang! Sayo nalang ako magpaka lasing." Nahampas niya ito sa balikat." Nakakahiya kay Erik." Tinawanan sila nito." Maiwan ko na nga muna kayo, hahanap din ako ng lalasingin." biro ni Erik sa kanila at naglakad ito palayo. Pasimple niyang binuhos sa sahig ang wine, ng masiguro niyang walang nakakita. Hindi niya maintindahan kung bakit ba bigla niyang pinigilan si Marco, andun na sana. Sumapit ang alas dyes ng gabi, nag-aya na ang ginang na umuwi, na para makatulog sila ng maaga dahil bukas na ang kanilang kasal. Hindi maganda sa bride ang magpupuyat. " Paano uuwi na kami? Hindi daw maganda para sa'kin ang magpupuyat." paalam niya kay Marco. "Dito kana lang matulog." " Sira! hindi pwedi, hayaan mo bukas sayo na ako, isang tulog nalang magkasama na tayo." naka ngiti niyang sabi. " Dapat nga hindi tayo nagkita ngayon gabi, pero ikaw eh! mapilit ka." sisi niya sa binata. " Pamahiin iyon ng matatanda, hindi ko kaya dika makita eh." " Lara, tayo na." tawag ng ginang ang pumutol sa kanilang pag-uusap. " See you tomorrow." excited na sabi nito. Hinatid na siya nito sasakyan ng ginang. Hindi na siya nagpaghatid pa rito sa bahay. " Aalis na kami Marco, matulog kana rin ng maaga. Bukas sayo na itong pamangkin ko. " Sige, po tita see you tomorrow." humalik ang binata sa pisngi ng ginang. Kinawayan niya ito bago tuluyan umalis.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (61)
calibosophoebe
I like it.
06/11
0
Carmz Gallego
Ganda ng story
05/03/2025
0
BalquinMilyn
Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
I like it.
06/11
0Ganda ng story
05/03/2025
0Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.
28/02/2025
0Tingnan Lahat