logo text

Lara's revenge. Chapter 11

NABABAGOT si Lara sa bahay, wala ang ginang ng makauwi siya, nasa byahe ito naisipan niyang puntahan si Marco, sa opisina nito.
" Ma'am Lara, napadalaw po kayo?" tanong ng secretary, ni Marco sa kanya ng maka salubong siya nito sa hallway ng opisina.
"May kailangan lang ako kay Marco." tugon niya. " Andiyan ba siya?"
" Yes, po ma'am puntahan niyo na lamang po." tugon nito at nilagpasan na siya.
Sinadya niyang hindi ipaalam sa binata ang pagdating niya, para kunwari'y mahalaga ito sa kanya.
Huminto siya sa paglakad ng matapat sa pintuan ng opisina ng binata, inayos niya muna ang kanyang sout na bestida at kinuha niya ang paboritong pabango mula sa kanyang bag, naglagay siya ng kaunti sa kanyang leeg at sa punong taenga.
Ibinalik niya ito agad sa bag, saka hinawakan ang doorknob, humugot muna siya ng malalim na hininga bago niya ito pinihit pabukas.
" Hi! babe." Naka ngiti niyang bungad sa kasintahan, agad din na pawi ang mga ngiti ng makita ang dalawang lalaking naka-upo sa harapan ng mesa ni Marco. Hindi siya maka galaw sa kanyang kinatatayuan, biglang nanglalambot ang kanyang mga tuhod ng magkatitigan sila ni Anton, ang lalaking nagdala sa kanya sa kapahamakan.
Dumako ang kanyang paningin kay Michael, ang lalaking namulatan niyang nakapatong sa kanya. Nanginginig ang buo niyang katawan pati ang kanyang kalamnan nakikipagtitigan rito.
Dinig na dinig niya ang pagtatambol ng kanyang dibdib sa matinding galit. Matagal na niyang pinaghandaan ito na magtatagpo silang muli pero, hindi niya pa rin maiwasan kabahan at mangamba, makita ang mga taong sumira sa buhay niya.
Naikuyom niya ang mga palad, gusto niya itong sugurin at pagsasaksakin, para iparamdam rito kung gaano ka sakit ang dinanas niya sa mga kamay ng mga demonyo kaharap niya ngayon.
“ Napaka gandang reunion nito pero kulang kayo ng isa. Paano ko ba kayo patayin, pagbabarilin ko kayo pa isa-isa?” Aniya sa sarili.
“ Kailangan kung huminahon, hindi ako pweding magpadala sa galit dahil mauuwi sa wala ang lahat ng pinagpaguran ko.”
Paalala niya sa sarili, bago pa siya makagawa ng ikakasira niya. Hindi siya pwedi magpadalos-dalos ng decision.
Tahimik siyang bumilang hanggang sampu, para kalmahin ang sarili at humugot siya ng malalim na hininga saka ngumiti, pilit labanan ang kanyang nadarama.
" May bisita ka pala babe." aniya, sa kalmang boses.
Napangiti ng matamis si Marco at tumayo.“ Babe, mabuti naman at nadalaw mo ako rito." anitong naglalakad palapit sa kanya.
Nginitian niya rin ito." Gusto ko kasi, surpresahin ka eh!"
Ikinalawit nito ang braso sa baywang niya." Ang sweet talaga ng mahal ko." saad nitong iginiya siya palapit sa mga kaibigan, pareho titig na titig sa kanya.
" Diba, sabi ko sa inyo nakakatulala ang ganda niya?" pukaw ni Marco sa dalawang kaibigan parehong nakatulala.
" H-hi!" nauutal na bati sa kanya ni Anton, ng tuluyan silang makalapit rito.
"I want you to meet my friends.” Ani, Marco sa kanya. “ Si Anton at Michael."
" I already knew them!" gusto niyang isigaw.
Napatikhim siya ng maramdaman na para bang may bumabara sa lalamunan niya.
“ Finally nakita kana rin namin.” Ani Michael, sabay lahad sa palad nito para kamayan siya.
Nanginginig ang kamay niyang hinawakan ang kamay nito inangat ni Michael, ang kamay niya at hinagkan. Diring-diri siya sa ginawa nito pakiramdam niya sinabuyan siya ng malamig na tubig ng muling dumampi ang balat nito sa balat niya, naninindig ang mga balahibo niya sa kanyang batok.
“ Hay*p!” sigaw ng kanyang kalooban at mabilis niyang binawi ang kamay, hindi niya matagalan ang pagkahawak nito sa kanya.
” Totoo nga ang sabi ni Marco, napaka gandang binibini. Kaya pala lagi nalang ikaw ang bukang bibig nitong kaibigan ko.” Sabad naman ni Anton nakatingin sa kanya.
Binaling niyang muli ang tingin rito, pakiramdam niya napapaligiran siya ng apoy at tino-toreture siya habang kaharap si Satanas.
Gusto niyang maiyak sa subrang sakit ng maalala ang una nilang pagtatagpo at sa matinding galit, magkahalong emotion ang naramdaman niya.
“ It is nice to meet you guys!" aniya, pilit pasiglahin ang boses.
" You look familar." Biglang sabi ni Anton sa kanya.
" What is your name again?" curious nitong tanong.
Bigla siyang kinakabahan na baka namukhaan siya nito hindi pweding makilala, siya nagsisimula pa lamang siya.
" Larabelle, but my friend called me Lara they said it suite me very well, but for me I prefare being called Belle." Sabi niya, binago ang kanyang tono sa pagsasalita.
Mariin siyang tinitigan ni Anton, tila ba hindi ito naniniwala sa kanyang sinasabi.
" I'm sorry but you remind me of someone, hindi paba talaga tayo nagkita noon?" nakatitig pa rin ito sa kanya na para bang kinilatis siya nito ng maigi.
“ Yes, ako 'yong babae pinagtutulongan niyo, na walang kalabanlaban mga hay*p kayo!” Gustong-gusto niyang isigaw rito.
Tinaas niya ang isang kilay. ” I dont think so, marami din naman tayo kahawig.” alibi niya.
" Kapangalan niya lang 'yon tol." Sabad ni Michael. "Halata naman wala sa kalingkingan ni Larabelle ang Lara na'yon." dagdag nito.
" Sa bagay! halos buto't balat lang din naman 'yon." pag-sangayon ni Anton.
Lalo siyang nang-gigigil sa mga ito, inip na inip na tuloy siyang maka ganti. Tinignan niya ng mariin si Michael pakiramdam niya hindi siya mahihirapan rito maisagawa ang plano niya dahil mukha itong uto-uto.
" Lubayan niyo na nga ang mahal ko, kung ano-ano nalang pinagsasabi niyo riyan. Nag-iisa lang si Lara dahil walang makapantay sa ganda niya." pagmamayabang ni Marco, at iginiya siya paupo sa ergo chair nito.
“ Ang swerte mo sa nobya mo tol, subrang ganda. Baka naman may kaibigan ka na pwedi mo ipakilala sa akin Larabelle?” Biro ni Michael sa kanya at sinundan pa nito ng tawa.
“ Mayron si Chesca matalik niya 'yon kaibigan, kaya lang kawawa 'yon sa'yo, ma e-stress lang yun sa pagiging babaero mo.” Mabilis na sabad ni Marco, saka pinatong nito ang braso sa balikat niya.
“ Tol naman 'wag mo naman akong ibuking kay Larabelle,” natatawa pa rin nitong sabi.
“ Maiba nga pala ako, ano nga 'yong sadya niyo rito? Para makaalis na kayo.” pabirong taboy ni Marco sa dalawa.
“ Oo, nga pala kaya kami nagpunta dito para sabihin sa'yo darating si Abner, at may pa home coming ang daddy niya.” tugon ni Anton.
Napasinghap siya sa narinig. “ Umalis pala ang isang hay*p.” sa isip niya, " kaya pala hindi kasama ngayon sa reunion ng mga demonyo."
“ Pupunta ka?” tanong ni Michael kay Marco.
“ Syempre, naman! darating ako na miss ko rin kaya 'yong luko na 'yon.” natatawang sabi ni Marco.
“ Si Erik kaya kailan kaya darating 'yon?” malungkot na tanong ng binata sa dalawang kaibigan.
“ Uuwi din 'yon.” ani Anton.
“ Sana nga magiging okay na sila ni Abner, para mabalik sa dati ang samahan natin magkakaibigan.” tugon ni Marco, malungkot ang boses.
" Babalik din tayo sa dati wagka lang mainip." Ani Michael sinabayan ng pagtayo.
" Tol, mauna na kami ng hindi namin kayo ma isturbo.” paalam ni Anton na tumayo na rin.
“ Lara, sana sumama ka sa home coming party. " Ani Anton, sa kanya at naglakad ito papunta sa pintuan.
“ Wag mong kalimutan dalhin ang kaibigan mo Lara!” Bilin ni Michael bago lumabas ng silid.
" Para babuyin niyo, gaya ng ginawa niyo sa'kin?" sa kaloob-looban niya.
" Babe, pasensiyahan muna ang mga kaibigan ko, ganon lang talaga ang mga 'yon." untag ni Marco sa kanyang pananahimik.
Nginitian niya lang ito. “ Babe, sino ba si Abner? Saan ba siya galing?” patay mali niyang tanong
“ Isa namin kaibigan, ipinadala ng ama niya sa ibang bansa dahil laging napapatrouble dito sa pinas."
“ Ah! kaya pala may pa-party." aniya rito
“ Oo, spoiled kasi yun sa daddy niya, pupunta tayo babe para ipakilala kita sa kanya.” masayang sabi ng binata.
" Talagang sasama ako, para maisagawa ko na ang mga plano ko, mukhang exciting ang pagtatagpo natin lahat." sa isipan niya.
"Ano kaya ang pwedi kung gawin, tapunan ko kayo ng bomba? Pagsasabayin ko ba kayo?
“ Pero gusto kung magsuffer kayo 'yong mag mamakaawa kayo sa'kin tulad ng pagmamakaawa ko sa inyo, ng maramdaman niyo rin ang naramdaman ko noon.” Ang daming naglalaro sa isipan niya ng mga sandaling iyon.
“ Oo, ba gusto ko rin makilala ang lahat ng kaibigan mo." Masigla niyang tugon sa kasintahan.
" Kailan pala 'yan para makapag handa ako ng maisusuot?”naitanong niya.
“ Sa makalawa. Hindi mo naman kailangan maghanda dahil maganda ka naman." Puri nito at namumungay ang mga mata nakatitig sa kanya.
“ I really want you.” nakangiti nitong sabi at hinagkan siya sa labi.
Mabilis siyang tumayo at ipinulupot niya ang braso sa baywang nito. ” hmm.." anas niya at pilyang ngumiti.
Hinaplos-haplos niya ang tiyan nito hanggang bumaba ang kamay niya sa senturon nito habang magkalapat ang kanilang mga labi.
Nang maramdaman niyang naging mapusok na ang mga halik nito, inilayo niya ang labi rito. “ Aalis na ako, maypupuntahan pa ako.” nakangiti siyang pumihit patalikod rito.
" Lagi mo akong binibitin sa ere." narinig niyang angal nito.
Pero bago pa siya nakarating sa pinto, mabilis siyang niyakap nito mula sa likuran.“ You always teasing me, but I love the way you do it.” pabulong nitong sabi sa kanya.
Marahan siyang pumihit paharap.” Talaga ba?” Naglalambing niyang tanong.
Natigilan sila ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang secretary ng binata.
" I'm sorry." nahihiya nitong sabi sa kanila ng maabutan silang naglalambingan.
"It's okay Dalia, dala mo ba ang pinabili ko sa'yo?" tanong ni Marco, rito.
" Yes, po sir." tugon nito at pa secreto inabot ang isang bagay, na hindi niya masyado nakita kung ano iyon. Agad naman lumabas ng silid ang babae.
" Babe, pwedi mo ba isara ang pintuan sandali?" suyo sa kanya ni Marco, ng sadyang iwan ito ng secretary bukas.
Naglakad siya palapit roon at isinara niya, muli siyang humarap sa binata. Napa awang ang kanyang mga labi ng makita ang kasintahan nakaluhod sa harapan niya.
“ Will you marry me?” tanong nito.
“ Seryuso ba iyan or ginugood time mo lang ako para maka score ka?" walang pag-alinlangan niyang tanong.
” Yes, I am so serious I want you because I need you.” seryusong sabi nito sa kanya, nanatili nakaluhod.
" Hindi ba napaka aga para niyan? Nagmamadali kaba?" pabiro niyang tanong.
" Matalagal naman akong nanligaw sa'yo at hindi naman basihan kung gaano tayo katagal naging mag-on ang mahalaga sa'kin ay mapatunayan ko sa'yo kung gaano kita ka mahal."
" Baka pagsisihan mong pinakasalan ako, Marco." Dinaan niya sa biro ang gusto niyang ipahiwatig.
" Kahit kailan wala akong pagsisihan Lara, dahil hindi kita bibigyan ng dahilan para iwanan mo ako." Seryusong sabi nitong naka luhod pa rin.
Napangiti siya talagang umayon sa kanya ang panahon.
" Will you marry me?" ulit nitong tanong ng matahimik siya.
Talagang minamadali nito ang buhay sa kanya. " Yes, I will marry you." Masaya niyang tugon rito.
Napatayo ito sa tuwa at nabuhat siya nito." Hindi mo talaga pagsisihan, pumayag kang magiging asawa ko." binaba siya nito at pinasout sa kanya ang diamond ring.
" Sisiguraduhin kong pagsisihan mong nakilala mo ako Marco." bulong niya sa sarili habang pinagmasdan ang kumikislap niyang singsing.

Komento sa Aklat (61)

  • avatar
    calibosophoebe

    I like it.

    06/11/2025

      0
  • avatar
    Carmz Gallego

    Ganda ng story

    05/03/2025

      0
  • avatar
    BalquinMilyn

    Ganda ng story.. Please read also guys. Highly recommended. Thanks author.

    28/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata