Kabanata IX

Love obey. Even it'll shattered you into pieces. Because when we love, we just love and nothing else is more valuable.
Pagkatapos niya akong iwanan kanina sa aming room, mag-isa nalang akong nanood ng tv. And just when I thought na mag-isa akong magla-lunch kasi nga alam kong nagpapahinga pa rin yun si Anj, but I was wrong.
They both called me outside kasi nakaready na raw ang food sa may dining area.
This is what I like the most kaya ko napili itong lugar. It has a mini kind of restaurant pero it looks like a real dining area in which all of us were able to order and request some foods that we like to eat. Kaya agad akong naghanda para lumabas na.
When I was about to go to the dining area, Anj called me na nasa malapit sa pool area, sa may grass. I've got excited nung nakita kong may nakalatag na tela with some of my favorite dish kaya mabilis akong lumapit sa kaniya.
"Andrew went there to get some drinks. Kamayan daw kaya wash your hand na. Para pagdating niya, ready na tayo." Anj said na parang kinikilig.
So they prepared it together huh?
"No worry. Siya lang nagprepare nito. Tinawag niya lang din ako para sabay-sabay na tayo." Sabi niya na parang basang-basa ang nasa isip ko kani-kanina lang.
I just rolled my eyes. Nagsisimula nanaman kaasi siyang mang-asar.
"Kainan na. I have some drinks oh. Pinadala ko na rin ang tubig para if in case na magwawater kayo." He said while looking at me.
We started eating but I use spoon and fork.
"Huy cous! Magkamay ka, ang saya kaya oh. Oh" Anj said while demonstrating me how to do it.
I tried it once but I failed. Magkukutsara nalang dapat ulit ako ngunit nabigla ako nung nag-offer si Andrew na subuan ako. Tinitigan ko siya na animo'y nagtatanong what's with his sudden move? But he insisted.
"Nganga na cous. Para subo lang eh." Panggagatong ni Anj.
I gave him a favor but got shocked when I heard Anj's camera. She took a pic. What's with her? Loka-loka talaga.
"Bagay na bagay talaga kayong dalawa. Sana talaga Drew matauhan na 'yang pinsan ko. I can't wait seeing myself as a bridesmaid." Pahiwatig ni Anj na tunog excited. Sinong ikakasal? Kami? Over my dead body.
"Huwag kang mag-alala Anj, ikakasal na yang pinsan mo. Hindi pa nga lang inaalok nung boyfriend diba?" He said while I saw a smirk with his.
Nang-aasar 'to but I can't help not being hurt. Matagal ko na rin kasing inaasahan ang proposal ni Leandro pero feeling ko wala pa rin naman siyang plano so I respect it.
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain and I'm enjoying it because of the place. Nakakabusog. I should at least say thanks.
Anj exited first. Inaantok na rin daw kasi siya kaya she needs to rest.
Andrew and I chose to stay for a while after our meal here sa gilid ng pool. We're both swaying our feet sa tubig silently.
"Thanks for the meal. I enjoyed it." Pasasalamat ko because I know he deserve it at least from me. I'm not that bad.
"Basta ikaw. I can give you everything." Sabi niya habang nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang macurious sa nararamdaman niya sa akin.
"It has been six years, six years na ang lumipas pero bakit ngayon ka lang nagparamdam ulit kung talagang mahal mo ako?" I asked curiously.
"Because it destined to be. The important thing is, I still feel the same way. Right?" Pangungumbinsi niya.
"I don't believe destiny. We make our own destiny. After that auction, why don't you at least pursue me if you really love me?"
"I have my reasons. At hindi kasali sa rason ko ang malaman mo pa 'yun. Ang mahalaga, bumabawi ako ngayon." He said with finality. But it didn't end my questions toward him. Lalo pa tuloy nadagdagan ang mga katanungan sa isip ko.
"Di mo ba naisip na huli ka na? Na I already found him and I do love him. Hindi ka ba nasasaktan?"
"Walang nahuhuli pagdating sa pag-ibig. Saka kung ikaw sigurado na sa kaniya, siya ba ganoon din sayo? Hindi pa, at yan ang kinakapitan ko. I knew how long you would hold on to him pero siya, hindi siya ganun sa iyo." Sabi niya na para bang hindi ako masasaktan sa sinasabi niya.
"Why'd you so sure na hindi niya ako ganoon kamahal? Hindi mo siya kilala. He loves me so much kaya umabot kami hanggang ngayon." Pagtatanggol ko kay Leandro.
"Talaga lang huh? O baka kasi alam niyang paulit-ulit mo siyang pinipili despite the pain?" Ano bang meron sa conviction ng lalaking 'to? Nakakahanga na nakakaasar.
"Parte ng pagmamahal ang masaktan. And I'm not that low when it comes to love. I can do everything para manatili yung pagmamahal." Sagot ko na agad naman niyang binalikan
"You can do everything just for the sake of love or for the sake of your man? Magkaiba 'yan Yana. Magkaibang-magkaiba."
"It's just the same. He's my love kaya gagawin ko lahat..."
"Paano pala kung hindi na love ang tawag diyan?"
"Then what?"
"Craziness."
"Excuse me!"
"Aren't you?"
"No! I'm not! I just love him that way. You won't understand kasi hindi ka pa nagmahal." I said when I saw him making a small laugh.
"I perfectly know how to Yana, believe me I do." He said mysteriously.
Naalala ko naman na matagal na pala ang sinasabi niyang feelings sa akin. I just don't know if it's true. Masiyado siyang misteryoso para sa akin. Hindi ko nga alam kung paano niya kabilis nakuha ang loob ni Anj eh over protective yun when it comes to me.
"You know what? Feeling ko talaga may itinatago ka sa akin. Nakakagulat kasi ang biglaan mong paglitaw sa buhay ko." Hindi ko napigilang sabihin mismo sae kaniya ang aking pagdududa.
"Iba ka talaga, Yana." Na sinundan ng malutong na pagtawa.
Aminado akong gwapo siya lalo kapag tumatawa. It makes him more attractive. Aish. Stop Bree.
"Yung expressive feelings ko, hindi mo nararamdaman at nakikita, pero yung nonexistence na sinasabi mo, napapansin mo." Pagpatuloy niya
"Bakit ba? Ang ganda-ganda ng buhay ko tapos may biglang lilitaw na sisira nito? Tss." Pabiro kong sagot kahit na sinabayan ko nalang ng marahang pagtawa.
"Ang sabihin mo, mas talagang gumanda because I came into your life. Hindi pa kasi aminin eh."
"Ganiyan ba talaga kakapal ang mukha mo?"
"Hindi. Ganito lang talaga ako kagwapo." Asik niya sabay kindat.
"Iw. Kapal!"
"Crush mo na ko niyan?"
"Spell asa, k-a."
Hanggang sa hindi namin namalayang sabay na pala kaming tumatawa. Ibang klase pala talaga ang kakulitan nito. Umabot sa tuktok.
If he have something that I like, yun yung pagiging kalog niya.
Sa kaniya ko nalang kasi ulit nagawang tumawa nang hindi pinipilit. At sapat na yun para kahit kaunti'y pagkatiwalaan ko siya.
Hindi ko na namalayan kung ilang oras pa kaming tumagal sa pool side basta't madilim na rin kaming umahon. Busog pa rin kami parehas dahil na rin sa kung ano-anong request niya sa crew.
Agad na akong naunang naghalf-bath and entered my room to end this day happily.
Ganito na pala ulit ang feeling ng may kaibigan.
Hindi lang sa pinsan kundi sa ibang tao.
Ngayon nalang ulit naramdaman ang ganiti kasaya na pakiramdam.
Yung hindi kailangan matakot kasi baka may Leandrong magalit.
Na baka may Leandrong magsusungit, mang-aaway.
Ganito pala ulit maging malaya.
Andrew came in an unexpected time, pero hindi ko maiwasang hindi magpasalamat.
Masarap pa rin talagang tumawa ng may kasama.
Happiness is indeed a choice. Walang dapat na nakakapigil, kahit ang mga mahahalagang tao pa sayo.
Because when we live, it is our choice how to live and not being dictated by others.
Just like what Leandro always did to me.
But at least, he's happy that way.
Masaya na akong masaya siyang makita ako sa kung paanong paraan niya gusto.
I'll obey. Because I love him. And I really do.

Komento sa Aklat (28)

  • avatar
    Nhez Piddih

    wow

    06/12/2024

      0
  • avatar
    GuilaMakabuat

    That's very good

    19/10/2024

      0
  • avatar
    Regie Luche

    jfugkyiighjgkgkgjfufjgiguigogigfgikg

    15/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata