Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, gawa sa kahoy and dingding nito pati narin ang bubong. Napabangon ako ng marealize ko na wala ako sa kwarto ko, pero agad din akong napaupo ng muli akong makaramdam ng hilo, napahawak ako sa ulo ko tsaka ito mahinang tinapik. Napadilat ako ng biglang pumasok sa isip ko lahat ng nangyari bago ako mawalan ng malay. Si Lexus! Agad akong tumayo tsaka patakbong lumabas pero agad din akong napahinto ng makita ko si lexus na may dalang pagkain, mukhang papunta na siya saakin. Ngayon ko lang na realize na nasa tree house parin kami, at tama nga ako, kwarto ang nasa likod ng pintuang iyon. "Hey! Bat bumangon ka kaagad" inilapag niya sa maliit na lamesa ang pagkaing hawak niya tsaka lumapit saakin at inilalayan akong umupo. "Anong nararamdaman mo?" Tanong niya, nakaupo na siya sa tabi ko ngayon. Umiling lang ako bilang sagot, hindi na ako nahihilo at hindi na rin masakit ang ulo ko. Pero may isang bagay na bumabagabag saakin, yun ay yung ala alang pumasok sa isip ko bago ako mawalan ng malay. Napatingin ako kay Lexus pero nagaalalang mukha niya ang sumalubong saakin, ngumiti ako sa kanya. "I'm fine" i said Matagal niya muna akong tinitigan bago kinuha ang pagkain. "Kumain ka muna" he said Kukunin ko na sana sa kanya ang pagkain ng bigla niya itong ilayo kaya naman salubong ang kilay kong tumingin sa kanya. "Ako na" sabi niya tsaka kumuha ng isang kutsarang lugaw. "May kamay ako" sabi ko "May sakit ka" sagot niya naman "Nahilo ako hindi naputulan ng kamay" sabi ko tsaka hinablot sakanya ang pagkain. "Tigas talaga ng ulo" dinig kong bulong niya. "Ano?!" Tanong ko "Wala. Sige na kumain kana" Sagot niya Nagsimula na akong kumain ng lugaw. Teka nga? Bat lugaw? Di naman ako bungi ah. "Liv!" Napahinto ako ng bigla ko nanamang marinig ang salitang yun. Natatandaan kong bago ako mawalan ng malay ay narinig ko ang katagang iyon, pero bakit at sino si Liv? Sinubukan kong tangalin sa isipan ko ang bagay na iyon, masyado ng maraming katanungan ang gumugulo sa utak ko, ayoko na itong dagdagan pa. Natapos akong kumain na para bang wala sa sarili. _________________________ Nandito kami sa may baba ng puno, may kinuha si Lexus kanina kaya naman habang wala siya ay naglatag ako ng sapin. Nang makabalik siya ay may dala siyang telescope, tinanong ko siya kung saan niya ito galing ang sagot niya naman ay kay Axel daw. "Sigurado ka bang marunong ka?" Nag a alalang tanong ko, kaylangan kasi namin i adjust, tapos kanina pa siya diyan kaya tinanong ko kung marunong ba talaga siya, baka kasi masira lang. "Ayan na" sabi niya, napatayo naman ako sa pagkakaupo tsaka lumapit sa kanya. Agad akong sumilip dito, nakatapat ito sa buwan, parang sobrang lapit tuloy nito. "Ang ganda" Manghang sabi ko "Sobra" rinig kong sabi din ni Lexus Pinagmasdan ko ito ng ilang minuto tsaka tumayo at nag inat ng leeg, medyo nangalay ang batok ko. Napatingin ako kay Lexus na prenteng nakaupo habang nakasandal sa puno, sinenyasan niya ako na lumapit kaya agad akong lumapit sa kanya. "Sit here" sabi niya, napatingin naman ako sa tinuro niya pero agad nanlaki ang mata ko dahil dito, gusto niya akong umupo sa lap niya. "Eh?" "Madudumihan ka diyan" simpleng sagot niya. Napatingin ako sa sapin na nilagay ko, tama siya dahil pang isang tao lang ito. Pakiramdam ko tuloy ang tanga ko. Napalunok ako tsaka marahang umupo sa lap niya. Nang maka upo ako ay hinawakan niya ng waist ko dahilan para hindi ako makagalaw. "Are you feeling uncomfortable?" Tanong niya, tumango nalang ako para makaalis na ako. Napahinga ako ng tanggalin niya ang kamay niya na nasa waist ko. "Make your self comfortable now" he casually said. Napalunok ako bago i adjust ang pag upo ko, sinubukan ko ding ilagay ang mga paa ko sa gilid pero ang uncomfortable talaga. Sinagad ko ang sarili ko sakanya para makaupo ako ng maayos pero napatigil ako. "Ahh–" narinig kong ungol niya. Nanlaki ang mata kong napatingin sakanya, nag papalit palit ang kulay mata niya ng pula at itim, pero umiling lang siya. "Go on" Sabi niya. Kaya naman muli akong gumalaw upang humanap ng kumportableng pwesto. "Shit! baby! Ahh–, stop moving" Sa pagkakataong ito pati paghinga ko ay napahinto. May naramdaman ako down there–teka! Ano yun? Narinig ko ang mahina niyang pagmura kaya naman agad akong napatayo tsaka tumingin sa malayo. Shit! Ang awkward. Nagitla ako ng bigla niya akong buhatin ng pa bridal style tsaka siya umupo. Napahawak lang ako sa dibdib niya dahil sa gulat. "There, much better" he said, nakita kong nagtaas baba ang Adams apple niya. Ang hot. Umayos ako ng upo para ibalanse ang sarili ko sa ibabaw niya. Bat kasi kaylangan pang kumandong ako sa kanya eh, pinapahirapan niya lang buhay naming dalawa. Wala nang nagsalita saamin kaya ramdam na ramdam ko yung awkward silents. Kaya naman na pagpasyahan kong ako na ang mag a adjust. Nakaisip narin ako ng itatanong sa kanya. "Love?" I called him "Hmm?" Tugon niya "Pwede ba magpakulay ng buhok dito?" Tanong ko "What do you mean?" Tanong niya pabalik "Yung ano ba, yung kagaya kay axel, ganun" paliwanag ko, may kulay kasi ang buhok ni Axel, kulay blue pero dark. "Walang ganun dito. Ang tanda ko ay pinakulay niya iyon noong pinuntahan ka niya sa mundo ng mga tao" mahabang sagot niya Napa tango tango naman ako, so wala pala nun dito. "Pero, posible ba na may bigla nalang tutubong buhok na iba ang kulay sa ulo mo?" Muling tanong ko Tumingin siya saakin habang kunot ang noo, mahina naman akong napatawa , itinaas ko ang kamay ko tsaka pinindot ang noo niya gamit ang hintuturo ko, agad namang nawala ang pagkakakunot nito. Nakangiti na siya ngayon. "Viana, i don't know what are you talking about but if you have a question, you can ask the Witches, mas marami silang alam tungkol diyan" mahabang sagot niya, tumango ako bilang tugon. Napaangat ako ng tingin nang kunin niya ang kamay ko tsaka ito hinalikan, isiniksik ko nalang sa dibdib niya ang mukha ko upang maitago ang ngiti ko. Naging tahimik ang sumunod na minuto, tanging ingay ng kuliglig at pag ihip ng hangin lang ang maririnig. Nakasiksik padin ako sa dibdib niya ngayon habang siya naman ay hawak padin ang kamay ko na naka dikit padin sa labi niya. Gusto ko sanang tumili sa kilig pero nakakahiya kaya tiniis ko nalang. Pano kasi andaming alam ng lalaking to. Siguro planado niya to, tama siguro plano niya lahat ng to, pero ang galing naman niya mag plano. "Teka! Baka hinahanap na tayo!" Napatayo ako ng pumasok sa isip ko iyon, hindi kami nagpaalam kanina nung umalis kami, baka nag fe freak out na si Maeve ngayon. "Ay palaka!" Napasigaw ako ng hilain ako ni lexus pabalik sa lap niya. Ano ba naman yan. "Kanina nung nawalan ka ng malay, pumunta si maeve dito. Siya din ang nagsabi na dito ka nalang daw muna para makapag relax ka, na sabi rin niya kung gaano mo ka gusto maka tulog sa tree house, kaya pumayag ako" mahabang paliwanag niya. Napa tango tango naman ako. Namiss ko na si maeve sa totoo lang, kami dati ang laging magkasama, pero ngayon parang ang layo nanamin sa isa't isa, masyado din siyang naging malihim sa akin na kinakainis ko. "So... You mean, dito tayo matutulog? Yung tayong...dalawa..lang?" Pahinto hinto kong tanong. Naramdaman kong nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa ideyang iyon, what if may mangyayari na ano.. "Yes" simpleng sagot niya na para bang wala lang iyon. Nag init ang buong mukha ko dahil sa sinagot niya, buti na lang ay na iba ko na ang posisyon namin, nasa likod ko nasiya ngayon, habang siya naman ay nakayakap sa waist ko, ramdam ko din ang hininga niya sa batok ko. "Haha. Talaga? Buti pumayag si maeve" kunwaring tanong ko, sana hindi please. "Oo" sagot niya, napalunok ako. Naramdaman kong hinila niya ako papalapit pa sa katawan niya. Lalong nagwala ang buong sistema ko dahil dito. My heart is beating so fast but i didn't let it ruin the moment. We stayed in that position for an hour while watching the moon, Hanggang sa mapagpasyahan naming bumalik na sa tree house.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
So nice
04/09/2024
0nicee
08/08/2024
0sana totoo to
04/08/2024
0Tingnan Lahat