Chapter 25: Back to her drug Ginawa ko na ang lahat upang hindi na muli pang umiyak ngunit kaylan man ay hindi ko magagawang iwasan ang taong mahal ko para lang hindi na muling lumuha. Nagsimula nang pumatak ang luha ko, sunod sunod ito na tila ba naguunahan sa pag patak. "Please baby. Comeback to me" He said begging. I stayed silent, crying. Pilit niya akong hinarap sa kanya, he looked mess. Namumutla na siya at kitang kita ang sakit sa mukha niya. Napaawang ang labi ko ng bigla siyang lumuhod habang nakahawak sa dalawang kamay ko. Nakayuko siya habang nakaluhod sa harap ko. Hindi, hindi niya dapat to ginagawa. Patuloy ang luha ko sa pagtulo, nanlalabo na rin ang paningin ko dahil dito, pero hindi ito naging hadlang upang makita ko siya. Marahan niyang inangat ang ulo niya at tumingin sa mga mata ko. Gaya ko ay tuloy tuloy din ang mga luha niya sa pagbasak. "Please" he begged Tuluyan ng nanlabot ang mga tuhod ko kaya napaluhod narin ako sa harap niya, i hugged him as if this is the last time i can hugged him. God knows how much i miss this guy. We cried on each other's shoulder. I love him and I can't never resist him. We stayed in that position for a minute, pagkatapos ay ako na ang humiwalay. Pinunasan ko ang luha niya gamit ang mga palad ko. Hinawakan ko ang magkabilaang pisngi niya tsaka ko siya hinalikan sa noo. "I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry" paulit ulit kong paghingi ng tawad. "Patawarin moko, hindi ganito ang gusto kong mangyari" i hugged him again then kiss his temple. He hugged me back. Kumalas ako sa pagkakayakap, pero nasa bewang ko parin ang mga braso niya. Inayos ko ang buhok niya tsaka muling pinunasan ang pisngi niya. Nakatingin lamang siya saakin habang ginagawa ko iyon. "I love you" he suddenly said, i left speechless. We're looking straight to each other's eyes when he suddenly pulled me closer, he leaned forward and kiss me. I close my eyes, letting him to kiss me. His lips are so soft and sweet, it's like a drug to me. I put my hands on his nape and pulled him closer. I feel like all my senses are being blocked by our kiss, the only sound that i can hear is my heart beating fast and i can only feel his hands rubbing on my back to my waist. I placed my hands on the back of his head keeping him close. I let out a soft moan when he suddenly bite my lower lip making my lips parted a little, then he entered my mouth using his tongue. I can taste the alcohol he drunk earlier. He suck my lips and tongue, it was too much pleasure. His hands are now in my jaw and the other one is in my waist. "I love you" he said between our kiss. I can't help but too smile. I opened my eyes when i can no longer feel his lips on mine. I can see his gorgeous face smiling at me. I hugged him tight once again. "I love you" he said for the third time and this time i respond. "I love you more" i can feel he tighten his hugged so i laughed a little. Nanatili kami sa ganong posisyon ng ilang minuto. Siya ang unang kumalas sa pag kakayakap tsaka tumayo, inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko agad ko naman itong tinanggap. Inalalayan niya ako sa pagtayo pero napasigaw ako ng bigla niya akong buhatin, sa isang iglap ay nandito na kami sa tapat ng kwarto ko. Marahan niya akong binaba tsaka ako humarap sa kanya. "Let's eat breakfast together tomorrow, Can we?" He asked, i just nod. I tip toe and kiss him before saying goodnight. "Good night, my lady" he said. Sinara ko ang pinto, patakbo akong pumunta sa kama tsaka pabagsak na humiga. Did we just make out???! I wanted to scream but i can't, sinalampak ko nalang ang mukha ko sa una tsaka pumadyak padyak. ——————————————— Awkward. Andito kaming apat ngayon sa hapag kainan. Kaninang umaga ay sinundo ako ni Lexus para sabay kaming kumain, kaming dalawa lang dapat pero nasalubong namin ang dalawang to kaya wala kaming nagawa ng sabihin nilang sasabay sila saamin kumain. Tahimik lang kaming kumakain, maging ang tunog ng kutsara at tinidor ay naglaho. Tumikhim ako pero nagulat ako ng bigla akong abutan ni Lexus ng isang basong tubig, maging yung dalawa ay napahinto sa pagkain at tumingin saamin, habang si Lexus naman ay parang hindi nakakaramdam, nakatingin lang siya saakin habang hawak parin ang isang basong tubig. Muli akong tumikhim tsaka ito kinuha sa kamay niya. "S-salamat" Utal na sabi ko, nakita ko naman ang pagsilay ng pang asar na ngiti ni Axel. Muling naging tahimik ang hapag kainan, walang sinuman saamin ang nagtangkang magsalita maliban nalang sa isang tukmol. "Lex, okay kana? Grabe ang tapang nung alak na ininom mo kagabi, buti wala kang hangover" Axel said casually Hindi na akong nagtangkang tumingin sakanila pero nakikinig ako. "I'm fine" simpleng sagot ni Lexus "Naks! Kaya idol kita eh HAHA" may kasama pang tawa. Muli kaming natahimik, pero hindi rin yun nagtagal dahil nagsalita na si Leslie. "Viana, wala kabang sugat?" Tanong niya, napatingin naman ako sakanya ng may pagtataka. "W-wala naman, baket?" Tanong ko "Wala lang, para sana magamot natin. Pero okay kalang naman na diba?" Muli niyang tanong "Ah oo, okay na ako" sagot ko, bat biglang nagtatanong to. "So okay na kayo?" Sunod na tanong ng tukmol na si Axel. "Huh?" "Yeah" Napatingin ako kay Lexus dahil sa sagot niya. Well totoo naman okay na kami pero kasi... nakakahiya. Paano kung may nakakita saamin kagabi. "Oh talaga?" Di makapaniwalang tanong ni Axel. "Yeah, so do you both mind leaving us alone, we're supposed to have a nice breakfast together but you two ruined it." Natapik ko ang braso ni lexus dahil sa sinabi niya. Ang harsh nun, pero totoo naman. "Grabe ka naman, Lex. Next time wag ka n– aalis na kami" nakita kong masama na ang tingin ni Lexus kay Axel. "Tara na Les, hehe mag breakfast din tayo together" sabi niya tsaka nagmamadaling hinila si Leslie. Natawa nalang ako dahil sa inakto niya. Nang mapatingin ako kay Lexus ay nakangiti na siya habang nakatingin saakin. "What?" I asked, anong nginingiti ngiti nito. "Nothing, you just look cute" he said. I felt my cheeks heat up. Gosh! This guy. "Bolero" bulong ko "I'm not" narinig niya. "Whatever" i said, nagsimula na ulit akong kumain. "You wanna go somewhere?" He asked "Nah, i still have a practice with Ax and Les" i replied "What's with the nickname?" Medyo may bakas ng inis na tanong niya. "Huh?" Tanong ko "You're giving them a nickname and not me" he said, he's actually look cute. "So? Are jealous?" I teased "I am" he simply answer "Okay, I'll call you Lex" i said "No, i don't like that, the idiot named axel already calling me that nickname" he said "Ugh! Choosy!" Reklamo ko "Call me whatever you want, wag lang Lex" he said "Okay Love" i replied Ramdam kong napatigil siya, patuloy lang ako sa pagkain na para bang wala lang sakin yung tinawag ko sakanya. "Y-yeah, i like that" sabi niya, lihim naman akong napangiti. Hindi na ako nagsalita sa halip ay nagpatuloy nalang sa pagkain. Nang matapos ay niyaya niya akong mamasyal, sabi niya ay marami pa daw magandang lugar sa palasyo na hindi ko alam. Nandito kami ngayon sa likod ng palasyo, sa di kalayuan ay may nakita akong malaking puno at may maliit na bahay ito na nakapatong sa sanga. Tree house ba. "Gusto mo puntahan?" Tanong ni Lexus, napatango naman ako. Matagal ko nang pangarap maka kita ng tree house, dati kasi ay sinubukan na naming gumawa ng tree house ni maeve pero palpak. "Woah!" Mangha kong sabi Mas malaki siya sa palapitan. "Tara" sabi ni Lexus. "Teka, papasok tayo?" Tanong ko, tumango naman siya. "Baka bawal, baka may maari yan" sabi ko pero ngumiti lang siya tsaka nilahad ang kamay niya sa harap ko. "Ako ang may ari niyan" sabi niya. Woah! "Actually dalawa kaming may ari nito pero kasi di na siya bumalik pag katapos naming gawin to" dagdag niya "Ahh, sige tara na" inalalayan niya akong umakyat sa puno. Hindi naman sa hindi ko kayang umakyat kaya ako nag paalalay pero alam niyo na, gusto ko lang mag pabebe. Nang pumasok kami ay halos kuminang ang mata ko, para talaga siyang bahay, malaki siya kaya nakakatayo kami ni Lexus. Meron ding isa pang pinto na sa tingin ko ay kwarto. "Woah! Ang ganda" mangha kong sabi Nilibot ko ang mata ko sa paligid, ang ganda talaga. Napatingin ako kay Lexus na nasa pintuan lang nakayo habang nakatingin saakin. "Lilex House" he said Napatigil ako ng marinig ko ang katagang binigkas niya, parang pamilyar ito. –FLASHBACK– "Finally, tapos na den" nakangiting sabi ng batang babae "Anong itatawag natin dito?" Tanong ng batang lalaki "Hmm... Wala akong maisip" sagot ng batang babae "Alam ko na! Lilex House" sabi ng batang lalaki "Sige yun nalang, ang ganda" sabi ng batang babae –END OF FLASHBACK– Umikot ang paligid ko hanggang sa tuluyan ng nagdilim ang paningin ko. "Liv!"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
So nice
04/09/2024
0nicee
08/08/2024
0sana totoo to
04/08/2024
0Tingnan Lahat