Chapter 24: Trying to be strong "Woah" I heard Axel voice, He's clapping. Tinanggal ko ang panyong nasa mata ko tsaka tumingin sa palagid. Nagawa kong matamaan lahat ng mansanas, gumagalaw ang mga ito kaya ganyan kung maka react si Axel. "Ang galing muna" Sabi niya Pangatlo. Pangatlong beses na niya sinabi iyan. "Tama na ang papuri Ax" sabi ko sa kanya "I really like that nickname, mas lalong nakakagwapo" nakangising sabi niya. Umiling iling nalang ako, masyado talaga siyang mahangin. Hindi rin nagtagal ay dumating na si Leslie na may dalang pagkain. "Les, bampira kaba talaga o pagong, ang tagal tagal mo lagi, nalilipasan ako ng gutom" Pang aasar niya kay Leslie. Hindi ko na sila pinagtunan ng pansin dahil ganyan naman sila araw araw, mamaya ay mag kakapikunan nanaman yan at syempre si Axel parin ang manunuyo kay Leslie sa huli. Kinuha ko ang tatlong saging at kanin namay ulam tsaka umakyat papunta sa mataas na sanga ng punong nasa tabi lang ng lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Nagsimula na akong kumain. Tanaw dito ang kabuuan ng palasyo kaya naman habang kumakain ay doon lamang ako nakatanaw. Isang buwan na magmula ng mangyari ang insendenteng iyon. Hindi pa kami nag karoon ng maayos na pag uusap, palagi akong umiiwas sa tuwing tatawagin niya ako, maging si maeve ay gusto akong kausapin pero tumatanggi ako. Noong gabing iyon ay pingako ko din saaking sarili na hinding hindi na ako luluha ng ganun. Sa totoo lang ay natatakot ako na baka sa oras na may marinig nanaman ako sa kanila ay maunahan nanaman ako ng emosyon ko na siyang magiging dahilan ng pag hina ko. Hindi naman porke hindi kami nag uusap ng maayos ay hindi ko na sila binabantayan, palagi akong nakatingin sa kanila mula dito. Dito sa lugar na ito ay tanaw na tanaw ko si Lexus na kausap ang mga kawal. Naging mahigpit siya magmula nung ensidenteng iyon, ramdam iyon ng buong palasyo. Maraming usapan din ang kumalat sa loob at labas ng palasyo tungkol saakin pero hindi iyon ang ikinababahala ng nandito sa palasyo, natatakot sila na baka bumalik ang dating malupit na si Lexus. Maging ako ay natatakot pero ayaw kung pangunahan ako nito, kaya kahit na gustong gusto ko siyang lapitan, yakapin at kausapin ay hindi ko ginagawa, hindi muna sa ngayon. Nang matapos kumain ay bumaba na ako, nakita kong okay na yung dalawa, marupok talaga itong si Leslie. "Babalik na tayo?" Tanong ni Axel "Oo, tara na" sabi ko tsaka nauna nang naglakad. Habang naglalakad ay si Axel lamang ang salita ng salita, paminsan minsan ay sumasabat si Leslie habang ako naman ay tahimik lang. Alam nila ang nangyari nung hapong yun pero pinili nilang manahimik at umarteng parang walang alam. Alam ko kung gaano nila kagustong tanungin ako tungkol dun pero nagpipigil din sila gaya ng iba. Hindi gaya ng dati ay hindi ko na madaan sa biro ang lahat, kahit ako ay nahihirapan sa ginagawa ko pero wala akong magagawa. "Viana, gusto mong sumama mamaya?" Tanong ni Axel "Saan?" Tanong ko pabalik "Sa bahay aliwan, maraming pwedeng inumin dun" sagot niya, umiling ako. "Marami pa akong kaylangang basahing libro" sagot ko tsaka muling nagpatuloy sa paglalakad. "Ahh sige, next time nalang" sabi niya. Nang makarating kami sa palasyo ay siya ang una kong nakita, malayo palang ay ramdam ko na ang tingin niya saakin kaya naman umarte akong parang walang alam. Nang makatapat kami ay napahinto ang dalawang nakasunod saakin habang ako ay tuloy tuloy lang sa paglalakad na para bang walang nakita. Nakakatawa mang pakinggan pero nasaktan ako dahil sa sarili kong gawa. Ilang beses na itong nangyari kaya gaya ng dati ay dumeretso agad ako sa loob ng kwarto ko at mabilis na isinara ang pinto, napaupo ako sa gilid nito dahil sa hindi malamang dahilan, wala na ring luhang tumulo mula sa mata ko, hindi ko alam ang dapat kong maramdam. Ilang minuto akong tumagal sa posisyong iyon, hindi ko magawang tumayo dahil sobrang nanghihina ang mga tuhod ko, pakiramdam ko ay habang tumatagal mas lalo lang akong nanghihina. Maging ang buong katawan ko ay nanginginig dahil sa hindi malamang dahilan. Nang kumalma ang katawan ko ay marahan na akong tumayo. Dumeretso ako sa harap ng salamin upang tingnan ang repleksyon ko. Maputla ang buong mukha ko at halata sa mga mata ko ang pagod. Napalunok ako ng marahan kong hawakan ang kanang pisngi ko, napaatras ako ng makitang may luhang tumutulo sa mga mata ko, agad ko itong pinanasan gamit ang dalawang kamay ko. Hindi ako pwedeng umiyak, hindi na ako iiyak. Habang nasa harapan parin ng salamin ay may napansin akong kakaiba sa buhok ko, may puting mga hidbla nasa bandang batok ko. Hinawakan ko ito, isang makapal na kumpol ng puting buhok. Hindi ito pangkaraniwan lang dahil puting puti ito. Wala pa akong nababasang libro tungkol dito. Kumuha ako ng isang tali tsaka ito itinali sa mga puting buhok. Sa ngayon ay itatago ko nalang muna ito hanggat hindi ko alam kung may maidudulot bang kung ano ito saakin. Kumuha ako ng suklay tsaka marahang sinuklay ang buhok ko. Sa tagal ng panahon na nandito ako ay parang kahapon lang nagsimula ang lahat, ang unang araw ko dito, ang hindi ko inaasahang pagdiriwang ng kaarawan ko at ang unang beses na nakita ko si Lexus, kung paano niya bigkasin ang pangalan ko at kung paano niya iparamdam saakin na hindi ako nag iisa. Bawat araw na makikita ko siya ay nakikita ko rin ang sakit sa mga mata niya. Hindi ko maintindihan, ginagawa ko ito para maging malakas tulad ng gusto nila pero bakit kung umarte sila ay parang sinasaktan ko sila. Ayoko silang kausapin dahil ayokong pangunahan ulit ako ng emosyon ko, ayoko nang mag mukhang mahina sa harapan nila. Sumobra ba ako, nakakasakit na ba talaga ang ginagawa ko, nasasaktan ko na ba siya. Napahinto ako sa pag suklay nang biglang pumasok si Elena, maging siya ay hindi nagtanong tungkol sa nangyari. Naging tahimik ang lahat, walang sinuman ang nagtakang magtanong. "Eleena" mahina kong tawag sa kanya, naramdaman kong napatigil siya sa ginagawa niya. "B-bakit po?" Utal niyang tanong Lumingon ako sa kanya tsaka ngumiti. "Pwede mo ba akong tulungan mag ayos?" Tanong ko, napangiti naman siya tsaka ngumiti. Inabot ko sa kanya ang suklay, kinuha naman niya ito at pumyesto sa likuran ko tsaka marahang sinuklay ang buhok ko. "Mali ba ang ginagawa ko?" Tanong ko sa kanya. Napaka bigat na nang dibdib ko, natayakot ako na baka hindi ko ito kayanin. Masyadong marami rin ang tanong sa isip ko, gusto kong masagot ang lahat ng ito. "Hindi siya kumakain sa tamang oras, kaylangan pa siyang takutin ng kanyang ina upang mapakain siya. Hindi rin siya nagpapahinga, palagi siyang nakatanaw dito sa kwarto niyo tuwing gabi. Pati si Maeve ay nahihirapan rin" mahabang sagot niya. Napalunok ako, hindi ko alam ang tungkol dito. Noong unang linggo ay hindi siya umaalis sa tapat ng pinto ng kwarto ko kaya wala akong magawa kundi magkulong o di kaya ay dumaan nalang sa balkonahe, pero natigil iyon kaya inakala ko na sumuko na siya. "Kayo po ang sumagot sa tanong niyo" dugtong ni Eleena Napatango ako. Sumobra ako, hindi ganito ang inaasahan kong kakalabasan ng mga kilos na ginagawa ko. Mali ako. Matapos niya akong tulungan mag ayos ay umalis na agad siya, may kaylangan pa daw siyang gawin. Muli kong pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin, hindi gaya kanina ay hindi na namumutla ang mukha ko, para bang muli akong nagkaroon ng buhay. Napagpasyahan kong pumunta muna sa silid aklatan, may isa pa akong tanong na kaylangan masagot yun ay kung ano ang dahilan at epekto ng puting buhok ko. Halos kalkalin ko na ang buong silid aklatan pero wala parin akong mahanap na libro na makakasagot sa tanong ko. Madilim na nang tumingin ako sa bintana, nagsisimula naring kumulo ang tiyan ko. Napahinga ako ng malalim tsaka bagsak balikat na lumabas ng silid aklatan. "Get your hands off me Axel!" Narinig kong galit na sigaw ni Lexus. Napahinto ako sa paglalakad, agad kong nakita sa di kalayuan sina Lexus at Axel. Pilit inaalalayan ni Axel ang lasing na si Lexus, ngunit pilit itong nagpupumiglas. "Lex naman" reklamo ni Axel Huminga ako ng malalim tsaka lumapit sa kinaroroonan nila. "Leave us alone Ax" utos ko kay Axel na gulat na gulat, nag aalangan siyang tumingin kay Lexus pero nasa akin na ang tingin nito, hindi ko siya pinagtuunan ng pansin sa halip ay kay Axel lang ako nakatingin. Bagsak balikat siyang umalis. "Follow me" malamig kong sabi, hindi ko siya tinapunan pa ng tingin, agad na akong nagsimulang maglakad. Dinala ko siya sa lawa, medyo madilim na pero maganda parin dahil may mga alitaptap sa paligid, parang may ilaw na din dahil sa liwanag ng buwan. Nakatayo kami sa tapat ng liwanag ng buwan, walang sinuman sa amin ang nagtangkang magsalita. "Can you listen to me now?" Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay nagsalita na rin siya. "Tell me everything" i replied "It's my mom and maeve who decided not to tell you, natatakot sila na baka mas lalo kang maging mahina dahil sa mga malalaman mo" He said Ouch! Parang sinabi niya na mahina talaga ako. "Tell me, anong yung ayaw niyong malaman ko?" I asked "Viana, hindi ako ang magsasabi sayo nun" nakayukong sagot niya. "Then what's the point of this?!, Nakipagusap ako sayo para masagot lahat ng tanong ko, pero wala rin pala" nakakainis, nasasayang lang ang oras ko kung ganun. Tinalikuran ko siya tsaka nagsimulang maglakad paalis pero napahinto ako ng hawakan niya ang kaliwang kamay ko. "What about us Viana? I want to talk to you about us" he said, that hit me. Parang may kung ano sa lalamunan ko na pinipigilan akong mag salita. "Comeback to me, please" pumiyok siya sa huling salita. Tuluyan na niya akong niyakap mula sa likuran. Ito ang kinakatakot ko, hanggat maari ay ayaw kong pagusapan ang tungkol dito. Natatakot ako na baka bumalik lang ako sa kanya, natatakot ako na baka tuluyan ko nang i depende sa kanya ang lahat. Natatakot ako na baka siya ang maging kahinaan ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
So nice
04/09/2024
0nicee
08/08/2024
0sana totoo to
04/08/2024
0Tingnan Lahat