Chapter 23: Her weakness "Paano kung napahamak ka dun? HA!" Galit na sigaw ni maeve "Ayos lang ako" i replied Nandito kami ngayon sa kwarto ko, kanina pa mula nung makabalik kami siya sermon ng sermon. "Stop overreacting maeve" Hindi makapaniwalang tumingin siya saakin. "I'm not overreacting Viana! Alam mo kung gaano ka delikado ang ginawa mo." I sat on the edge of my bed and look at her with my bored face. "Hindi mo na uulitin yun Viana! Naiintindihan mo?!" She's so loud. Bumuntonghininga ako bago tumingin sa kanya ng deretso. "Ano ba talagang gusto ninyong gawin ko?" I asked her while straight looking at her eyes. "Honestly, I don't understand all of you.. you, Gusto niyo akong maging malakas at maging handa pero kung umarte kayo.. parang ikamamatay ko kapag nasugatan ako" Her lip's parted. "Kasi hindi ka marunong makinig! Ang tigas tigas ng ulo mo, palagi mo kaming pinapakaba sa mga pa bigla bigla mong desisyon" She replied Hindi ako nakasagot. Napayuko ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko, walang kahit na ano ang lumabas sa bibig ko. "Hindi rin kami sigurado kung alam mo ba ang ginagawa mo.. hindi ko alam kung seneseryoso mo ba ang mga tungkuling binigay sayo" She said, hindi kagaya kanina ay mahinahon na ang boses niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinabi niya. Nagsisimula na namang gumulo ang utak ko. Paano ba? Hindi ko ba talaga seneseryo? Mali ba ang ginagawa ko? Kulang pa ba? Napaka daming tanong ng utak ko pero mas pinili kong manahimik, siguro ay mali nga talaga ako, dapat ay sumusunod ako sa kanila dahil mas alam nila ang nararapat. "Sorry.." i whispered Narinig kong bumuntonghininga siya tsaka lumapit saakin, umupo siya sa harap ko para magpantay ang mukha namin. "I'm sorry rin, pinag alala mo lang talaga ako Viana" she said and hugged me, i hugged her back. "Gusto mo siyang puntahan?" She asked still hugging me. I just nodded. Sabay kaming pumunta sa kinaroroonan ni lexus, tulog siya ng makarating kami doon. "Viana, maiwan na kita dito. Kakausapin ko lang si Lady Verena" paalam ni maeve, tumango lang ako bilang sagot. Nang makaalis siya ay umupo ako sa gilid ng kama ni Lexus. Wala siyang pang itaas na damit dahil kakatapos lang siyang gamutin. Malala ang natamong sugat sa braso ni lexus kaya naman ng makabalik kami dito ay agad nila itong nilapatan ng gamot dahil may kasamang lason ang patalim na ginamit sa kanya. Naramdaman kong may tumulong luha sa kanan kong pisngi, hindi na ako nag abalang punasan ito dahil pagkatapos ng tulong iyo ay sunod sunod na ang pag tulo nito. Ngayon lamang pumasok sa isip ko kung gaano ka panganib ang ginawa ko. Tama si maeve, sana hindi nalang ako sumaway pero natatakot ako sa pwedeng mangyari kung hindi ako sumunod kay Lexus. Huli na ng makarating ang mga kawal ng palasyo, at kung hindi ako sumunod ay baka huli na. Nagulat ako ng biglang tumaas ang kamay ni Lexus na may sugat papunta sa mukha ko at marahang pinunasan ang pisngi ko, pero sa halip na tumigil ang luha ko ay mas lalo itong nag tuloy tuloy sa pag buhos. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luhang pumapatak sa mga mata ko pero nakita ko paring pumilit umupo si Lexus at marahan akong hinila papunta sa mga bisig niya, doon ay patuloy lang ako sa pag iyak. Nakakatakot ang lugar na ito. Yan ang tanging nasaisip ko sa mga oras na ito. Kahit kaylan ay hindi ako nakaramdam ng ganitong takot. Gusto kong bumalik nalang sa dati kong buhay, yung walang kalaban o kahit na anong maaring pumatay saakin at sa mahal ko, pero hindi pwede, masyado nang malapit ang puso ko sa mga nandito. Ayokong tumakas sa tadhanang nakatakda para saakin. Makalipas ang ilang minuto ay tanging hikbi nalang ang lumalabas sa bibig ko. Hindi ko alam kong tapos na ba akong umiyak dahil wala nang luhang lumalabas sa mata ko o baka naman napagod na ang mga ito. "You okay now?" I heard Lexus voice Umayos na ako ng upo tsaka humarap sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata niya na nasasaktan parin siya pero pilit siyang ngumiti. "I'm okay, ikaw? Ikaw dapat tanungin ko niyan" I said "I'm fine Viana" he replied still smiling "Hey! I know what are you thinking, stop okay" he said, i just nod and smile. Sabay kaming napalingon sa pinto ng bigla itong bumukas. It's Maeve and Lady Verena. Agad akong tumayo tsaka yumuko. "Viana, iha. Sa tingin ko ay kaylangan mo ng mag pahinga" sabi ni Lady Verena, tumango lang ako bilang tugon. "Mauna kana, susunod nalang ako, may paguusapan lang kami" sabi ni maeve, dahilan para mapatingin ako sa kanya pero binigyan niya lang ako ng nag uutos na tingin kaya wala akong nagawa kundi lumabas. Malakas ang pakiramdam ko na tungkol sa nangyari kanina ang paguusapan nila, ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit ayaw nilang marinig ko ito. Sa halip na umalis ay idinikit ko sa pinto ang tenga ko. May engkantasyon ang bawat pinto ng mga kwarto dito sa palasyo, walang makakarinig ng kahit anong ingay na nagmumula sa mga kwarto hanggat nakasarado ito, pero hindi ito tumatalab saakin dahil malakas ang pandinig ko ay naririnig ko parin ito. "Dahil sa ginawa niya ay maaring alam na ng mga kalaban ang tungkol sa kanya, maari siyang mapanganib" dinig kong sabi ni Lady Verena. "Hindi ko hahayaang mangyari iyon" sagot naman ni Lexus "Ikaw ang dahilan kung bat siya sumaway saakin kanina. Ito ang kauna unahang beses na sinuway niya ako Lexus" sabi naman ni Maeve. Panandaliang naging tahimik sa loob ng kwarto. "Ano ang gagawin natin?" Tanong ni maeve "Hindi pa siya handa" sabi ni Lexus "Kaylangan niyang maging handa sa mga pwedeng mangyari" sagot ni Lady Verena "Bakit hindi niyo siya hayaang malaman ang lahat?" Tanong ni Lexus "Hindi niya kakayanin, masyado siyang mahina para sa mga bagay na malalaman niya" sagot Maeve. Naramdaman ko ang muling pag patak ng mga luha ko. "Palagi siyang natatalo ng emosyon niya, natatakot ako na baka ito ang dahilan ng pagkatalo niya sa huli" dugtong ni maeve. Tinakpan ko ang bibig ko upang walang lumabas na hikbi mula dito. Tama siya masyado akong mahina, masyado kong inuuna ang emosyon ko, pero ang hirap kase pigilan lalo na kong taong mahal mo ang dahilan ng mga emosyong ito. Ibinaba ko ang kamay ko pero napahinto ako ng biglang bumukas ang pinto, nakita ko ang gulat na mukha ni maeve at Lady Verena habang si lexus naman ay seryosong nakitingin lang saakin pero kita sa mga mata niya na nasasaktan siya...para sakin. "V-viana?" Tawag ni maeve Patuloy na bumabagsak ang ang luha ko, tumalikod ako at naglakad paalis ng walang sabi sabi. Simula sa araw na ito ay kaylangan kong maging matatag. Kung gusto kong protektahan ang mga tao sa paligid ko ay kaylangan kong maging matatag at malakas. Gagawin oo ito para sa lahat ng umaasa sakin, kay maeve at sa taong mahal ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
So nice
04/09/2024
0nicee
08/08/2024
0sana totoo to
04/08/2024
0Tingnan Lahat