logo text

Chapter 22: His Savior

Chapter 22: His Savior
Nagising ako dahil sa isang malakas na tunog at iyak.
What the hell?
Agad akong bumangon at nagmamadaling tumakbo palabas, pag bukas ko ng pinto ay agad sumalubong saakin si Leslie at Axel.
"Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanila
"May sumalakay sa bayan, madaming nasugatan at namatay" sagot ni Axel
"Dito muna sa palasyo pansamantalang manunuluyan ang mga nawalan ng tahanan" dugtong ni Leslie
Napaawang ang bibig ko dahil sa narinig ko mula sa kanila.
Sumalakay?
Namatay?
"Si Lexus? Si Lexus asan siya?!" Mabilis na kumabog ang dibdib ko ng hindi sila sumagot, halata sa mga mukha nila ang pag aalangan.
"Sumagot kayo! Asan si Kassian?!" Sigaw ko sa kanila.
"M-mag isa niyang sinundan sa kagubatan ang mga sumalakay sa bayan" utal na sagot ni Axel, nakayoko na siya ngayon.
"At hinayaan niyo siya!" Kasabay ng pagsigaw ko ay may napaka lakas na pwersa ang lumabas mula sa katawan ko dahilan upang tumalsik silang dalawa.
Maging ako ay nagulat ngunit hindi ko na ako nag abalang pansinin sila sapagkat mukha namang ayos lang sila. Agad akong tumakbo pabalik sa loob ng kwarto ko at nagmamadaling kinuha ang dagger ko, paalis na sana ako ng maagaw ng isang kulay pulang tela ang tingin ko, hindi na ako nagdalawang isip at agad itong kinuha.
Patakbo akong lumabas at gaya ng inaasahan ko ay nasa tapat ng pintuan yung dalawa.
"Viana saan ka pupunta?" Tanong ni Leslie
Patuloy lang ako sa paglalakad ng mabilis at nilagpasan sila.Wala akong panahon para makipagtalo sa kanila.
"Hindi ka pwedeng sumunod sa kanya viana, mapanganib!" May diing sabi ni Axel.
"Hindi ako duwag gaya niyo!" Pasigaw kong sagot sa kanila habang patuloy sa paglalakad, nakasunod lang sila saakin pero hindi ko sila pinagtuunan ng pansin.
"Kaya ni Lexus ang sarili niya, mas mahihirapan lang siya kung makikigulo ka!" Pakikipag talo niya saakin, irita ko siyang nilingon.
"Hindi ako makikigulo! Pwede ba hayaan niyo nalang ako tutal ito naman talaga yung dapat na ginagawa ko diba?" Sabi ko tsaka muling nagpatuloy sa paglalakad.
Napahinto ako sa tapat ng hagdan ng makita ko kung gaano kadaming bampira ang nasa baba, may mga duguan at naghihingalo na pilit gingamot, may mga batang nagsisiiyakan at mga pamilyang tumatangis sa tapat ng bangkay ng mga nasawi nilang kaanak.
Marahan kung hinakbang ang nanginginig kong mga paa, ang kaninang lakas ng loob ko ay parang naglaho nalang bigla dahil sa nakita ko.
Napahinto ako sa gitna ng hagdan, patuloy lang sa paglabas pasok ang mga kawal na may dalang mga bangkay, nakabukas ang malaking gate ng palasyo.
Wala akong ibang naririnig kundi ang paghihinagpis ng mga nandito ngayon sa palasyo. Hindi ko naramdaman na may luha na palang pumatak sa kanang mata ko, hindi ko alam kung bakit parang nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman nila, siguro dahil gaya ng mga bampirang ito ay nawala rin saakin ang mga magulang ko.
Pinunasan ko ang kanang pisngi ko gamit ang likod ng kanang kamay ko. Mas lalong tumaas ang determinasyon ko na mahuli ang may gawa nito.Bababa na sana ako ng biglang may humawak sa kanang palapulsuhan ko.
"Viana please" may pagmamakaawang tawag saakin ni maeve, nasa likod niya sila Axel at Leslie. Alam kong sila ang tumawag kay maeve para pigilan ako pero hindi, buo na ang desisyon ko.
Hinablot ko ang kamay ko tsaka tumakbo deretso palabas ng palasyo ngunit napahinto ako ng mamataan ko sila Leslie at Axel.
Letse!
Nakakainis bakit kase hindi ko nagkaroon ng kakayahan na katulad ng sa kanila. Sa halip na dumeretso ay umiba ako ng daan, walang hinto at tuloy lang sa pagtakbo, wala na akong pake kung saan ako dalhin ng mga paa ko, ramdam kong nakasunod sila saakin.
'gamitin mo yung pulang tela'
Napahinto ako sa pagtakbo ng bigla akong may marinig na boses, hindi ko mawari kung saan ito galing pero malinaw ito at tila ba kaharap ko lang ang may ari ng boses na ito.
"Viana tama na, hindi kami papayag na makaalis ka, masyadong mapanganib" Sabi ni Axel na mahigit isang metro nalang ang layo saakin.
Wala na akong maisip na ibang paraan kaya ibinuklat ko ang nakatuping pulang tela tsaka ito ipinangtabing sa katawan ko (parang naging cloak ang dating niya).
"Patawarin mo ako pero kaylangan kong tulungan si Lexus" Pagkatapos kong sabihin yung ay tumakbo ako deretso, hindi ko naramdamang sinundan nila ako kaya naisipan kong lumingon, nandoon parin sila sa pwesto nila pero lingon sila ng lingon para bang may hinahanap sila.
'hindi kana nila nakikita'
Narinig kong sabi nung boses.
"Sino ka?" Mahinang tanong ko
'hindi na mahalaga, magmadali kana, nanghihina na siya'
Nataranta ako sa sinabi niya kaya naman muli akong nagpatuloy sa pagtakbo, sa pagkakataong ito ay papasok na ako sa gubat.
Habang tumatakbo ay hindi mawala sa isip ko ang mga posibleng mangyari kung sakaling hindi ko siya maabutan.
"Lexus!" Sinubukan kong isigaw ang pangalan ni Lexus, baka sakaling sumagot siya pero wala.
Huminto ako sa gitna ng kagubatan at pinakiramdaman ang paligid, wala akong marinig na kahit ano kung hindi ang mga huni ng ibon, nakaramdam ako ng matinding inis.
'kaliwa'
Sa ikatlong pagkakataon ay muli kong narinig ang boses, hindi na ako nagdalawang isip at agad na tumakbo pakaliwa gaya ng sinabi ng boses.
Asan ka naba kase?
Napahinto ako ng may marinig akong kakaibang tunog, medyo mahina ito siguro dahil nasa malayo. Agad akong tumakbo patungo dito, habang papalapit ay mas lalong nagiging malinaw ang tunog, tunog ito ng nagsasalpukang espada.
May limang nakaitim habang magisa naman si lexus, kahit medyo malayo ay tanaw na tanaw ko ang sugat ni lexus sa kanang braso niya at may pasa rin siya sa gilid ng labi pero hindi niya ito binibigyang pansin dahil patuloy parin siya sa pakikipaglaban.
Tumakbo ako papalapit at hinanda ang dagger na hawak ko, nang makalapit ako ay napansin kong parang hindi nila ako nakikita, muling pumasok sa isip ko na hindi nila ako nakikita ngayon.
Napangisi ako tsaka dahang dahang lumapit sa isa sa mga nakaitim, nang makakuha ng tamang tyempo ay agad ko itong sinapa sa likod, nang mapadapa ito ay agad kong tinapakan ang likod niya tsaka hinala ang buhok, ginuhitan ko ang leeg niya gamit ang talim ng hawak kong dagger, napasigaw siya sakit dahilan para malipat ang atensiyon ng iba pa saamin.
Nang tuluyanna itong mawalan ng malay ay umalis na ako sa pagkakatapak sa likod nito. Kitang kita ang pagtataka sa mukha nila ganun nadin kay Lexus, pansamantalang natigil ang paglalaban nila.
Marahan akong naglakad papalapit sa isapang nakaitim at sinaksak ito sa likod, agad naman itong tumamba bago pa ito makasigaw dahilan para mapalingon silang lahat sa gawi ko, nakataas na ang mga espada nila at nakatutok ito sa gawi ko.
Hindi ko ito binigyang pansin sa halip qy pinag patuloy ko ang pagpatay sa mga naka itim, tatlo nalang.
Muli akpng naglakad papunta sa likuran ng isa pang nakaitim tsaka ito sinasak sa batok, gaya ng pangalawa ay natumba ito at namatay bago pa man makasigaw.
Mas lalong naging alerto ang dalawa, paikot ikot na sila ngayon habang hawak padin ang espada, nahirapan na akong makalapit sa kanila kaya naman ibinato ko nalang ang hawak kong dagger at deretso itong tumama sa noo dahilan para agad itong mamatay.
Lalapit na sana ako para kunin ang dagger ko nang biglang napaupo si Lexus, bakas sa mukha niya ang pag ka relieved, napangiti naman ako.
Bago ko pa man makuha ang dagger ko ay kinuha na ito ng isa pang nakaitim tsaka nagmamadaling tumakas pero hindi pa ito nakakalayo ng bigla itong bumagsak, napalingon ako kay lexus na ngayon ay nakangisi.
Nagmamadali akong tumakbo papalapit sa naka itim tsaka kinaha sa kamay nito ang dagger ko, may espadang naka tarak sa likuran nito na hula ko ay kay Lexus.
Hindi naman ako nagkamali dahil nasa tabi ko na agad siya at kinuha ang espada niya.
"You are really very stubborn" pailing iling na sabi niya.
Ako pa? Ako pa talaga ang stubborn huh? Siya nga tong sumusugod mag isa.
Marahan niya tinanggal ang pulang tela na nakatakip sa ulo ko, tsaka pailing iling parin na tumingin saakin. Kitang kita sa mga mata niya ang paka dismaya at pagka mangha.
"Sorry" i mumbled
Imbes na sumagot, he pulled me closer to him and hugged me, gumanti ako ng yakap sa kanya tsaka ipinikit ang mga mata ko.
"How did you know?" Tanong ko habang nakapikit parin
"I don't know, I just feel it" sagot niya
Huh? Pwede bayun?
"You're not mad at me, aren't you?" Tanong kong muli, baka kasi galit siya saakin.
"I would never...be mad at you" tugon niya, napangiti ako at mas lalong sinisik sa kanya ang mukha ko.
I love him..
"Viana!"
_____
Note:
Sorry for long update,
I'm having a hard time right now because of family problems.
Hope you guys like it:)

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    Roberto Cebuano

    So nice

    04/09/2024

      0
  • avatar
    AbieraJenefer

    nicee

    08/08/2024

      0
  • avatar
    Imrah Domingo

    sana totoo to

    04/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata