Chapter 20: Telekinesis Ang bilis ng tibok ng puso ko, para bang sa kahit anong oras ay sasabog ito. Gulat parin ako at hindi makapaniwala pero kahit ganoon ay hindi ko siya magawang itulak. Dahan dahan siyang lumayo saakin, gulat lang akong nakatingin sa kanya at hindi makagalaw. He's my first kiss... Huminga siya ng malalim tsaka hinawakan ang dalawang kamay ko. He slowly rub my hands using his thumb. "I love you" he said, mas lalong lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko. "And I know you feel the same way to me" he said still holding my hands and looking straight to my eye. How did you know? "I can see it in your eyes, and your crazy actions" he smiled "I won't force you to tell me that you love me too but..." He paused Dahan dahan niyang hinalikan ang dalawang kamay ko tsaka tumingin saakin. May naramdaman akong kung ano sa tiyan ko ng magtamang muli ang paningin namin. "Please... Let me feel it" he continued "I-i don't know what to say" mahinang sagot ko "You don't need to say anything baby" he said then kiss my forehead. "See you later" Sabi niya habang nakangiti tsaka siya tuluyang nawala. Napaupo ako sa lupa dahil sa panghihina ng tuhod ko, dahan dahan kong inangat ang kanang kamay ko papunta sa labi ko at marahan itong hinwakan, hindi ko alam pero napangiti ako ng kusa. "Do I really inlove with him?" I asked my self. ________________________________ "Saan ba kayo pumunta kanina?" Tanong ni Leslie, naglalakad kami ngayon papunta sa silid aklatan ng palasyo. "Sa lawa" maikling sagot ko "Anong ginawa niyo doon?" Tanong ni Axel, pati ba naman to "Wala" sagot ko "Wala?" Sabay nilang tanong "Wala." Sagot ko "Tsk, tsk, imposible" nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Axel.Napalingon kami ni Leslie sa kanya. "Anong imposible?" Tinaasan ko siya ng kilay "Kanina pa kayo nakangiti pareho" sagot niya, napahawak naman ako sa mukha ko. Nakangiti ba talaga ako kanina? "Anong.. sinasabi mo diyan" nakayukong tanong ko "Wala pala ahh" mapangaasar na sabi niya "Teka–teka nga, bat parang ako lang ang walang alam?" Tanong ni Leslie "Wala ka naman dapat malaman, Tara na nga" agad ko siyang hinila, baka kung anong sabihin sa kanya ni Axel. Nang makarating kami sa silid aklatan ay wala kaming nadatnan doon. Umupo ako sa isang upuan sa harap ng mesa tsaka nagsimulang tumingin sa mga librong nandito.Hindi ko maintindihan ang mga nakalagay dito kaya nilapag ko nalang. Nagulat ako ng biglang hawakan ni Axel ang dalawang kamay ko, nasa harap ko na siya ngayon. "Viana kung nahihirapan ka...nandito lang ako" nakangiting sabi pa niya. "Eh?" Gulat na sagot ko, napansin kong nasa gilid si Leslie na nakatingin lang samin. "Ehem!" Nalipat ang atensiyon ko ng marinig ko si Lexus na tumikhim ng malakas, nasa gilid na pala namin. Agad kong inagaw ang kamay ko kay Axel na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Ano bang ginagawa niya Hinawakan ni Lexus ang kamay ko at tsaka nagsimulang maglakad, agad naman akong napasunod sa kanya ganun din yung dalawa. "First, you need to know the different powers of vampires, this way you can more easily figure out a way to defeat them" Sabi niya tsaka nagbigay ng isang makapal na libro. Ang bigat. Laking pasasalamat ko ng kuhain ito ni Axel sa kamay ko at siya na ang nagdala. Nang muli akong lumingon kay Lexus ay nakatingin siya saamin at mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Patay. Kumuha pa siya ng dalawang makapal na libro tsaka ito ibinigay kay Axel. Kita sa mukha ni Axel kung gaano kabigat ang mga ito. Nagkatinginan kami ni Leslie at parehong nagpigil ng tawa. "Hindi ka sanay sa mundong ito kaya hindi mo alam ang mga pwede at hindi pwedeng puntahang lugar" Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad habang nagsasalita siya. Muli siyang kumuha ng isa pang makapal na libro tsaka ito pabagsak na ipinatong sa mga librong hawak ni Axel dahilan para muntik na siyang matumba. "Pfft–" napatakip ako sa bibig ko ng biglang tumingin saakin si Lexus. HAHAHAHA kawawang Axel Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad. Nauna kaming maglakad ni Lexus kaya napalingon ako sa dalawa, tinulungan ni Leslie si Axel magdala ng mga libro. Hmm... "Viana" Agad akong napalingon kay Lexus na medyo malayo na saakin, napagtanto kong napahinto pala ako ng matagal. Agad akong lumapit sa kanya ganun din yung dalawa. Nagpatuloy sa pagsasalita si Lexus, halos sampung libro ang gusto niyang ipabasa saakin. "Kaylangan mong tapusin yan hanggang bukas ng hapon" Sabi niya tsaka dinagdag sa dala kong libro ang Isa pang makapal na libro. Napanganga ako dahil sa sinabi niya. "Ano?! Ha! Sino namang makakatapos ng ganito kadaming libro sa isang araw lang?!" Nakakainis na tong lalaking to "Ikaw." Naka poker face na sagot niya "Teka nga, Teka nga may galit kaba saakin ha?!" Inis na sigaw ko sa mukha niya Imbis na sumagot ay nanatili lang siyang nakatingin saakin, mas lalong uminit ang ulo ko. "Wait, diba may isang libro na naglalaman ng lahat ng mga importanteng nakasulat sa mga libro na to, bakit hindi nalang yun yung ibigay mo sakanya?" Napalingon ako kay Leslie dahil sa sinabi niya "Hindi pwede" sagot niya "Anong hindi pwede?" Inis na tanong ko Bakit parang gusto akong pahirapan nito. "Ginagamit ni ina" sagot niya Ayy "Tama na ang reklamo, simulan muna para matapos kana agad" Sabi niya tsaka nagsimulang maglakad paalis. "Pero kasi kassian, andami nito" reklamo ko, napahinto naman siya sa paglalakad pero nakatalikod parin siya. "Edi mag patulong ka sa isa diyan" sagot niya tsaka tuluyang nawala. Napanganga naman ako sa sagot niya, alam ko kung sinong tinutukoy niya teka–HAHAHAHA nagseselos bayun. Napangiti naman ako ng kusa. "Viana kaylangan mo na tong simulan" galit akong lumingon kay Axel. "Ikaw! Kasalanan moto letse ka!" Padabog akong lumabas mula sa silid aklatan. Habang naglalakad sa mahabang hallway ay biglang may humila saakin papunta sa isang kwarto, sisigaw na sana ako pero agad akong natigilan ng makita ko si Lexus. Ano nanamang gusto nito. Akmang lalabas na ako ng bigla niya akong pigilan, inis akong lumingon sa kanya. "What?!" "Look, I'm sorry" he said "Sorry your face, tss." I replied "I didn't mean to do that, baby, please forgive me" he pleased Nakayuko lang siya ngayon, kung may makakakita sa kanya ngayon ay tiyak na nagulat dahil sa itsura niya. Napangiti naman ako dahil sa ginagawa niya. He looks cute. "Fine, I'll forgive you. Alis nako, magbabasa pako" Sabi ko tsaka umalis, nakangiti parin ako ngayon. "Wait!" Narinig kong tawag niya pero hindi ko na pinansin Bahala ka diyan. Nagtatampo padin ako andami ko pang babasahin. Nang makarating ako sa kwarto ko ay nandoon na sa lamesa ang iba pang librong babasahin ko, pabagsak kong nilagay sa tabi nito ang mga dala kong libro. Naupo muna ako sa kama tsaka pabagsak hiniga ang kalahati ng katawan ko, medyo nangawit ako dahil sa mga librong hawak ko kanina. Nakatitig lang ako sa kisami ng kwarto ko hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nasa ganong pwesto padin ako ng magising ako. "Shit! Shit!" Agad akong napabangon ng tumama sa balkonahe ang paningin ko, madilim na. Agad akong tumakbo sa lamesa at kumuha ng isang libro at sinimulan itong basahin. Kainis bat pa kasi ako natulog huhu Halos hindi ko na maintindihan ang binabasa ko dahil sa sobrang bilis ko magbasa. Habang nagbabasa ay humihiwa ako ng mansanas dahil nagugutom nadin ako. Nagulat ako ng may biglang humablot sa librong binabasa ko, sa isang iglap naramdaman ko ang matinding galit sa humablot nito. Matapos nun ay isang eksena ang ikinagulat ko, prenteng nakatayo si Lexus sa harap ko habang hawak ang librong binabasa ko, nakatutok sa kanya ang kutsilyong ginamit ko pang hiwa ng mansanas at lumulutang ito, habang ako naman ay masama ang tingin sa kanya at pinapalutang ang kutsilyong nakatutok sa kanya. Agad akong natauhan kaya napaatras ako, nahulog ang kutsilyo sa sahig habang nakatayo parin si Lexus sa harap ko. "Telekinesis" rinig kong sabi niya
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
So nice
04/09/2024
0nicee
08/08/2024
0sana totoo to
04/08/2024
0Tingnan Lahat