logo text

Chapter 37

Zadie's POV:
"Yah! Why are you crying?!"
Pabo squinted his eyes, but it doesn't stop me from crying. Umiyak lang ako nang umiyak sa harapan niya. Mukhang napalakas kanina ang pag-iyak ko dahil nagising na kaagad siya.
"Yah! Why are you here already? Bukas pa ang uwi niyo, 'di ba?" he asked me. Karaniwan, tinatawanan ko siya kapag nagtatagalog siya, pero hindi ko na magawa ngayon.
"P-Pabo... n-niloloko lang niya ako—"
"YAH!" Napatakip ako ng tainga kay Pabo. Sa sobrang lakas ng sigaw niya ay napalabas niya sa kwarto si Papa. Gulat siyang napatingin sa 'kin at agad akong tinabihan.
"What happened, Zadie? Bakit ka umiiyak?" Papa asked me worriedly.
"P-Papa... a-ang sakit sakit." I cry harder on my father's shoulder. Umuwi ako kaagad dahil hindi ko kinayang mag-stay pa roon. Hindi ko siya kayang makita.
"I already warned you, you idiot!" Pabo scolded me. If only his stares could pierce through flesh, he would have stabbed me with his gaze. Inis na inis siya sa 'kin.
"I-I'm sorry... a-ang tanga ko," I muttered, staring at Pabo. I tried wiping my tears away but they just wouldn't stop. "A-Akala ko totoo lahat 'yon. Akala ko—"
"Uljima, noona." Pabo sat beside me and patted my head. He then smiled weakly at me before hugging me. "Uljima!"
"E, a-ayaw nga, e!" reklamo ko. Inis niyang pinunasan ang mga luha ko, kada may tutulo roon ay kaagad niyang pinupunasan. "P-Pabo... a-akala ko mahal niya ako, e. Akala ko okay na kami, e, p-pero p-plano niya lang pala 'yon. Sobrang sakit."
"You should take a rest, Noona. Leave it to me. I'll talk to him." Umiling ako sa kaniya. Hindi naman niya iyon kailangang gawin, e.
"Huwag na. Hayaan mo na," saad ko. I composed myself and faced my father and my twin. I know I can do it. Nagawa ko na ito noon, ngayon pa ba ako susuko? "K-Kaya ko 'to, Papa, Pabo. Huwag kayong mag-alala sa 'kin."
"Anak, nandito lang kami ng kapatid mo. Sa ngayon, kailangan mo munang magpahinga," ani Papa at niyakap ako.
"Thank you po, Papa. Magpapahinga na po ako," I muttered, forcing a smile.
I leaned my back at my door as I stared at my whole room until I found myself crying so hard again. I held my chest as the pain started to swallow me.
Hindi ko maintindihan. Things weren't easy for me. It will never be easy for me.
May isang tanong lang namang gumugulo sa isip ko, e. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko mang sumigaw at humagulgol, pinigilan ko. Ayokong mag-alala si Papa at Pabo sa 'kin. Isa pa, natutulog pa si Zigrid. Ayokong magising siya.
Is it really over?
Napahawak ako sa dibdib ko. Para akong hindi makahinga sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. 'Yung sa'kit na naramdaman ko ten years ago? Doblehin mo iyon at 'yon ang nararamdaman ko ngayon.
Damn. Why does it feel more painful?
Hindi ba ito ang deserve ko? Deserve ko 'to sa mga kasinungalingan at panloloko ko sa kanila, lalo na sa kaniya. Alam kong iyon 'yung dahilan kung bakit niya 'to nagawa, pero ang sakit, e. Sobrang sakit.
Hindi ko akalain na masasaktan ulit ako ng ganito. 'Yung doble pa. Akala ko kasi naka-move on na ako. Sa sampung taong lumipas, akala ko okay na ako. Akala ko nakalimutan ko na ang lahat... pati 'yung nararamdaman ko sa kaniya.
All this time, I've been lying to myself.
All this time, napakasingungaling ko parin.
Hindi totoong naka-move on na ako. Hindi totoong wala na akong anumang nararamdaman para sa kaniya. Hindi totoo na kinalimutan ko na siya.
Siya parin pala talaga.
Lahat ng 'yon, isa lamang kasinungalingan. A lie to cover up all the pain. A lie that I made everyone believe... even to myself.
I sighed hard.
I can't absorb anything that was happening to me. Hindi ko magawang i-absorb lahat. In fact, what I found out cut deeper than any other knife. This is already too much, isn't it?
Wala na ba talaga kaming pag-asang magkaayos?
I yawned. I stood up and walked toward my bed. It was really a long day for me.
* * *
"Yah, where are you going?"
Napahinto at napatingin kay Pabo. Pabalik-balik naman ang tingin sa 'min ni Zigrid. Siguro ay napansin niya ang aura at cold na boses ng appa niya.
"Sa bar," simpleng sagot ko. Napaarko ang katawan ko nang bigla niyang ibinagsak ang hawak na chopsticks. 'Yung tingin sa 'kin ni Pabo, napakaseryoso. Ngayon ko lang siya ulit nakitang ganito. Nakakatakot nga, e.
"Are you nuts?" My lips parted. Yah! Na-offend ako roon! "I'm sure that asshole is there, Noona. Don't fool me."
"Wala naman akong sinabing wala siya roon," sagot ko, nilalabanan ang mga tingin niya. "At hindi ako pupunta r'un para sa kaniya—"
"Pwede bang makinig ka nalang muna sa 'kin?!" Hindi na ako umangal. Nakakatakot talaga ang hitsura ng kapatid ko ngayon. Napatakbo pa nga papunta kay Papa si Zigrid at nagtago sa likod niya. "Maawa ka sa 'yo, Noona."
Gusto ko mang matawa sa sinabi niya, pinigilan ko. Ang sama niya kasi makatingin.
"Sinabihan ako ni Cloud na pumunta. May sasabihin sila tungkol sa kasal. Isang buwan ko na rin silang hindi nakikita, Pabo," I explained. Nag-prenup kasi sila ni Yna sa Korea kaya halos isang buwan silang wala rito. Ngayon ko lang ulit sila makikita.
"But that asshole is still there!" he shouted. I looked down, avoiding his piercing glare at me. "You're just hurting yourself, Noona."
"Hindi naman nga siya ang pupuntahan ko roon," pagpupumilit ko pa. Naka-oo na kasi ako sa kanila. Isa pa, ang sabi ni Yna ay may mahalaga siyang sasabihin at kailangan daw ay nand'un ako. "A-At gusto ko rin siya makausap—"
"Ani. You will not talk to him. You will not leave the house," he said seriously.
"Pabo naman!" angal ko. Muli niyang binagsak ang hawak niyang tasa sa lamesa. Napaatras tuloy ako. Nasa likod na ako ngayon ni Papa na nakamasid lang sa 'ming dalawa.
"You're out of your mind, Noona. You're driving me crazy!" he yelled. Hindi ko alam pero parang naiiyak na si Pabo. "When do you plan to end your freaking relationship?! He doesn't love you, Noona! Hindi ka na niya mahal!"
"Oo na! Hindi na niya ako mahal! Baka nga hindi naman talaga niya ako minahal, e!" I shouted, loosing my control. Just then, I felt tears forming in my eyes. "Hindi niya ako mahal, pero ako mahal na mahal ko siya. Mahal na mahal ko parin siya, e."
"Pabo." Hinilamos niya ang palad sa mukha bago muling humarap sa akin. "Fine, talk to him, Noona. You should end things with him," he said. I could see a glint of anger in his sharp eyes and clenched fists. It's scary.
"J-Just give me time—"
"Ani! It would be best if you ended whatever's your relationship is!" he cut me off. His tone was dead serious.
"P-Please, Pabo... just give me time. H-Hindi ko pa kaya," I said, shaking my head. He stared at me for a moment before walking out. Sinundan ko siya ng tingin bago tumingin kay Papa. "Papa..."
"Naiintindihan kita, anak, pero tama ang kapatid mo. Kailangan mo nang tapusin ang lahat. Ayokong nahihirapan ka," aniya at niyakap ako.
"G-Gagawin ko naman, Pa, e. H-Hinahanda ko palang 'yung sarili ko," umiiyak kong tugon. Tinulak niya ako at tiningnan sa mga mata, pagkatapos ay pinahid niya ang mga luha ko.
"Hayaan mo na si Zion. He's just worried about you. Ayaw ka lang niyang masaktan," he told me. Napatango nalang ako at pilit na ngumiti. "Sige na. Fix yourself before leaving."
"T-Thank you, Papa." Pumasok ako sa loob ng kwarto ko. Pinagmasdan ko ang hitsura ko at wala sa sariling napailing. "Kaya mo 'to, Zadie. Matatag ka. Napagdaanan mo na 'to." I composed myself and wore a mask. Kailangan kong itago lahat ng nararamdaman ko bago humarap sa kanila. "Kakayanin mo 'to. Kung nakaya mo noon, makakaya mo ulit ngayon."
I sighed. Sana nga kayanin ko ulit.
I parked my car and heaved a long sigh. Pang ilan ko na bang buntong-hinga ito? Inayos ko ang sarili ko bago lumabas ng kotse. Natigilan pa ako nang makita ko kung sino ang naroon.
Vince Asher.
"Hey." Umayos siya ng pagkakatayo at naglakad palapit sa 'kin, nakangiti. "Are you okay? Hindi ka nagpaalam sa 'kin na uuwi ka."
I bit the inside of my cheeks. Hindi naman ako marupok, e, pero bakit tinatawag ako ng mga mata niya. Bakit tila nawawala 'yung galit ko sa mga ngiti niya? Marupok na nga ata ako.
"I'm sorry... hindi ko—" I stopped myself from talking and just looked at him.
"May problema ba?" he asked, worried. Hindi ko mapigilang mapaisip, nabulag ba ako ng mga pinapakita mo sa 'kin, Vince Asher? Nabulag nga siguro ako ng mga mata at ngiti mo... ng mga concern mo, kahit palabas lang pala ang lahat ng iyon.
"Wala naman," I said casually even though my heart was already beating so hard inside my chest. Gusto ko siyang saktan. Gusto kong magalit sa kaniya.
Hindi ko na siya hinayaang magsalita at nauna nang pumasok sa loob. Alam kong nakasunod siya sa 'kin, nararamdaman at nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko.
"Babes!" Keid gave me a hug. "Kaya naman pala ayaw pang pumasok, may hinintay!"
"Keid," Ara called her. Sobrang seryoso niya ngayon.
"Bakit? Inaasar ko lang naman—sabi ko nga, shut up na." Hinila ako ni Keid sa tabi niya at pasimpleng bumulong. "Anong problema n'un? Kanina pa 'yan, e."
"H-Hindi ko alam," sagot ko nalang. Hindi ko naman sigurado kung dahil ba iyon sa nangyari sa Tagaytay. "B-Baka bad mood lang."
"Naku! May ginawa na naman siguro si Ty. Parang may itim na nakapalibot kay Ara, nakakatakot," bulong pa niya. Magsasalita pa sana ako nang dumating na sina Yna at Cloud. Lahat kami ay nilapitan sila at binati.
"Guys, ito na nga pala 'yung invitation, oh." Isa-isa niya kaming inabutan ng invitation. "Bride's maid si Zadie, ah."
"Sabi ko na nga ba, e. Ngayon lang kasi makaka-attend ng kasal si Zadie," ani Keid at ningitian ako. "Swerte niyo Yna, ah. Noong sila Ara ang kinasal, wala si Zadie."
"Kumpleto na tayo ngayon," sabi naman ni Zemie.
"Basta dapat lahat kayo nando'n, ah. Wala munang trabaho," paalala sa 'min ni Cloud. Napatingin tuloy ako sa invitation. Nanlaki ang mga mata ko. Sa Sabado na?! "Hoy, liit, kakasabi ko lang!"
"May problema ba, Zadie?" Yna asked me.
"W-Wala, may nag-offer kasi sa 'kin kahapon. Hindi ko nalang tatanggapin. Sabado rin kasi iyon, e." Ningitian ko sila.
"Aba! Talaga nga naman. Lakas ng dalawang 'to sa 'yo, ah," tukso ni Keid. Napailing nalang ako habang nagtawanan naman sila.
"Paano ba 'yan? Inom na tayo!" ani Axel. Nabatukan tuloy siya ni Aenna.
"Diyan ka magaling, sa inuman," saad pa niya. Nagtawanan naman kami at kumuha rin ng kaniya-kaniya naming inumin.
Nagkakasiyahan na sila sa loob habang nagtungo naman ako sa veranda. Sumandal ako sa railings habang nakatingin sa kanila. Nagkukwento sila Yna at Cloud tungkol sa naging prenup at bakasyon nila sa Korea. Nakakatuwa silang pagmasdan. Ang sasaya na nila.
Sana ako rin.
"Zadie." Nilapitan ako ni Ara at inalok ako ng hawak niyang tequila. Kinuha ko iyon at kaagad iyong gumuhit sa lalamunan ko. Napapikit ako. "Nagkausap na ba kayo?"
Umiling ako. "Hindi pa. Hindi ko pa siya kayang kausapin tungkol doon."
"Nalulungkot ako para sa 'yo, Zadie, at the same time, nanghihinayang. Akala ko okay na ang lahat, e," aniya.
"Akala ko rin, e." Natawa ako at iniwas ang tingin sa kaniya. "Akala ko magiging okay na ulit kami. Ang tagal kong tinago 'yung nararamdaman ko, Ara. Ang tagal kong pinaniwala 'yung sarili ko tungkol sa nararamdaman ko." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko. "Ngayon handa na akong aminin at ipakita sa kaniya 'yon, malalaman ko na naglolokohan lang pala kami. Niloloko lang pala niya ako."
"Patawarin mo kami, Zadie. Maging ako, nagagalit ako kay Vince, pero ayokong pangunahan ka. Ayokong masira ang meron tayo," bulong niya sa 'kin.
"Hindi mo kasalanan, Ara," I told her, shaking my head. "It's not your fault, okay? Ako 'yung may kasalanan. Ako 'yung nagpaloko."
"Pwede ba akong humingi ng pabor, Zad?" she asked.
"O-Oo naman," I nodded. Saglit akong tumingin sa mga kasama namin. Mabuti nalang at busy sila sa pagkukwentuhan kaya hindi nila kami napapansin dito.
"Pwede bang walang magbago? I mean, pwede bang maging magkaibigan parin kayo sa kabila ng lahat?"
I averted my gaze at her, not knowing what to say. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. May part sa 'kin na gusto kong manatili 'yung pagkakaibigan namin alang-alang sa team bawal at pwedeng lumabas, pero mas makakabuti ba 'yon?
Pwede parin ba kaming maging magkaibigan? I don't think so, but I'm still hoping.
Naalala ko bigla lahat ng sermon sa 'kin ni Pabo. Tama siya, mas masasaktan lang ako. Mas papahirapan ko lang ang sarili ko.
"Pwede pa naman, 'di ba?" she asked again, hoping. I held her hand and smiled weakly.
"Sana nga kaya ko, Ara." I looked up to stop my tears from falling. "Pero hindi ko alam kung makaka-move on ako, e. Gustong kong kalimutan nalang ang lahat. Gusto ko balang araw, matingnan ko siya sa mga mata niya. At kapag nagawa ko 'yon, gusto ko wala na dapat akong nararamdaman para sa kaniya."
"I'm sorry, Zadie. Alam ko naman na malabo nang mangyari 'yon pero sinubukan ko parin." Malungkot siyang ngumiti sa 'kin at niyakap ako.
"Ako ang dapat mag-sorry, Ara. Sorry kung hindi ko magagawa ang gusto mo," bulong ko sa kaniya.
"Hayaan mo na, Zadie." Ngumiti siya sa 'kin pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Hindi ko maiwasan na masaktan. Alam kong pati siya nahihirapan sa sitwasyon namin. "Susuportahan kita. Hindi mo naman iiwan ang team bawal lumabas, 'di ba?"
"Oo naman," sagot ko at ningitian siya.
"Balik na tayo sa loob? Baka hanapin nila tayo," aya niya. Tumango naman ako ngunit bago ako tuluyang bumalik ay nagtagpo ang mga mata namin ni Vince Asher.
I smiled weakly at him.
Pangako, makakalimutan din kita.
* * *
Us, Again
by: thesweetest_thing

Komento sa Aklat (20)

  • avatar
    Mateth Madelo

    Ganda ng story

    20/11/2024

      1
  • avatar
    Kyle Dexter Villasan

    300

    02/11/2024

      1
  • avatar
    Ed Gesler Diestro

    this is my favorite game

    03/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata