Ara's POV: "Ang sabi niya sa 'min may pupuntahan siya?" My brows knitted at Zion, kakambal ni Zadie. "Damn. Beolsseo 10 sal-inde dodaeche eodi issni?" "Pwede paki-translate? Parang kaming tanga rito, oh," sambit pa sa kaniya ni Keid. Natawa naman kami nang tingnan lang siya ni Zion. "Baka na-traffic lang," ani naman Axel na siyang ikinatango ko. Napaka-oa naman kasi ng kapatid niya. Para namang bata pa si Zadie. "Ani, she always tells us if she will be late," he answered and shook his head. Inis namang naupo sa tabi ko si Keid. "Kapag ako ang kausap nagko-Korean pero kapag sila Axel, English?" she ranted, rolling her eyes. "Isusumbong ko talaga siya kay Zadie." "Guys, mauuna na kami. May family reunion sila Aenna bukas." Tumayo na si Axel at si Aenna. Niyakap naman namin sila habang tinanguan lang sila ni Tyrone at Gunner. "Lima nalang tayo rito. Dito na lang ba tayo matutulog?" tanong ni Tyrone. Mahina naman kaming natawa. Nauna nang umuwi si Cloud at Yna pagkatapos naming pag-usapan ang tungkol sa kasal nila. Iyon kasi ang napagpasiyahan nila at namin. Si Vince at Jasmine naman, umalis narin pagkaalis nila. May trabaho pa silang dalawa. Si Tyrone naman hindi muna pumasok hangga't magulo pa sa company na pinagtatrabahuhan niya. Balita namin hindi parin nawawala ang mga reporters sa harap ng company nila. "Did you know where my sister is?" tanong muli ni Zion. For the nth time, we all shrugged. Hindi naman talaga kasi namin alam. "Call her." Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran ni Zion. My eyes widened when I saw Vince, standing behind him. Nakalagay pa ang isang kamay sa bulsa ng trousers niyang light brown. Kung kanina ay may jacket pa siya, naka-white shirt nalang siya ngayon. Ang isa namang kamay niya ay may hawak na folder at cellphone. "Talk to our investors tomorrow, Ty." "Bakit, bro? May problema ba?" he asked, brows furrowing. "Some of them are plannig to withdraw their shares if ever I cancel the engagement," sagot niya. Lahat tuloy kami ay nakatutok sa kanilang dalawa ng asawa ko. "Find out which of them plans to do that." "Ika-cancel mo ba ang engagement mo?" nagtatakang tanong ni Keid. Pasimple pa siyang ngumiti matapos niyang itanong iyon. Vince just stared at Keid, then at Zion. Hindi siya um-oo, hindi rin siya humindi. He just left us dumbfounded. "So you're choosing my sister, huh," Zion smirked, shaking his head. Hindi naman naalis ang tingin ni Vince sa kaniya. "You should have done that before the news spread that you were getting married." My lips parted in shocked as I turned my gaze at my husband, then at Keid. Nakakunot naman ang mga noo nila, walang ideya sa pinagsasabi ni Zion. "Is there any difference when I do that right away?" Vince fired back. Zion, on the other hand, clicked his tongue. "You should tell her that no matter what happens, you will choose her. She will not overthink if you do that. Assurance, asshole. My sister needs assurance. Hindi mo ba 'yon nakukuha, ha?" he said. Ang tono pa niya ay may pagka-Korean kaya kahit ang seryoso ng usapan nila ay hindi ko napigilang mapangiti. "A-Ano bang nangyayari?" rinig kong bulong ni Keid sa boyfriend niya. Tiningnan naman siya si Gunner at natawa nalang. "The pain she feels will lessen, you pabo," Zion added. Walang sabi-sabi siyang umalis sa harapan namin, iniwan kaming nakakunot ang mga noo. "Anong nangyari roon?" tanong muli ni Keid. Napabuntong-hininga naman si Vince at ginulo ang buhok niya. "Hoy, mag-explain ka nga!" "W-What?" "Explain daw, bro. Kung hindi mo alam, paliwanag sa tagalog," Tyrone said, smirking. Nahampas ko naman siya sa hita at tumawa. "I'm planning to cancel that fucking engagement," Vince muttered, avoiding my gaze. He doesn't want me to see his nervousness, that's why. Hindi ba nga sa aming lahat, ako ang mas nakakakilala sa kaniya. "I want to choose her... kahit pa mawala sa 'kin ang kompanya, okay lang." "Are you serious, bro?" Tyrone asked, his brows furrowed. "Ang tagal mong pinaghirapang iangat ang company tapos gano'n-gano'n nalang?" "Hindi naman sa tutol ako, ha." I cleared my throat before looking Vince in the eye. "Baka may iba pang paraan? Bakit hindi kayo makipag-usap muna sa mga investors niyo? Sa family mo? Baka namam may paraan pa para hindi mawala ang company niyo sa 'yo-" "-at si Zadie sa 'yo," Keid added, making the three of us nod. "But I think, you must find her first. Mag-usap kayong dalawa, bro. Sabihin mo sa kaniya ang gusto mong sabihin tapos magplano kayo," ani Gunner. "Magplano tayo," Tyrone corrected him. "Tama si Gunner. Feeling ko naman same lang kayo ng nararamdaman ni Zadie babes," pagsang-ayon ni Keid. Tumango naman ako at ningitian si Vince. "Feelingera ka, girl?" "Ara 'yung asawa mo lang, ha. Ipapabugbog ko 'yan kay Gunner," sumbong pa niya. Natawa nalang ako at napailing sa kanila. "Tsk. Wala ka talagang gagawin? Hindi mo man lang pipigilan? Kinukusinti mo pa 'yang-" "Babe, halika na. Masyado ka nang madaldal," Gunner cut her off which made us laugh. "Tingnan niyo, tingnan niyo! Wala ba talaga akong kakampi rito?" pagdadrama ni Keid, naiinis na sa tawa namin. "Lagot talaga kayo kapag bumalik na si Zadie. Maghihiganti kami!" "Oo na. Uwi na. Maawa ka sa bunganga mo, pagod na pagod na," ani Tyrone. Pinigil ko naman ang tawa ko para wala nang masabi si Keid. She just stared at my husband with wide eyes, hindi makapaniwala. Hindi narin siya nakaimik dahil hinila na siya ni Gunner paalis. "Umuwi na rin tayo, hon," aya ko at kinuha ang bag ko. Bago kami tuluyang bumaba ay napatingin pa kami kay Vince na mukhang malalim ang iniisip. "Hoy, umuwi ka na rin-" "I'll find her." "A-Ano?" Kumunot ang noo ko. "Saan mo naman siya hahanapin? Madilim na, Vince. Umuwi ka nalang." "Oo nga, bro. Baka mapano ka pa." Tinapik pa siya ni Tyrone bago kami tuluyang umalis. "Ako ang nahihirapan sa sitwasyon nila, hon." Hindi ko mapigilang mapailing. "Mahal naman nila 'yung isa't-isa pero ang daming hadlang!" "Hindi rin naman kasi sila nagpapakatotoo. Mas pinipili nilang pahirapan ang isa't-isa," sagot naman niya. "Hindi naman kasi gano'n kadali 'yon, hon. Parehas silang heir, 'di ba? Tutok pa ang media kay Vince, alam mo namang iwas na iwas si Zadie roon," sabi ko. "Basta bukas, madami akong trabaho," sambit naman niya, nagkakamot ng ulo. "Aalamin ko kung sino ang magtataksil at hindi." "Sabihin mo sa 'kin kung sino ang mga 'yon, sasabunutan ko lang." * * * 3rd Person's POV: "Thank you sa pagsama, Virgo." Inabot nito sa binata ang susi ng kotse niya. "Gamitin mo muna, saka mo nalang isauli kapag kasama mo na si Sir Leo." "Salamat ng marami, kaibagan!" sambit niya, sumaludo pa sa kaniya. Natawa naman ang dalaga at kinawayan siya. Inuwi raw kasi ng kaibigan niya ang sasakyan nito kahapon. Gusto sana siyang ihatid na lamang ng dalaga ngunit hindi naman siya pumayag. Ang pangit daw kasing tignan kung babae ang naghahatid imbes na lalaki. Napailing nalang ang dalaga nang maalala ang sinabi sa kaniya ng kaibigan bago kuhanin ang keycard nito. She heaved a sigh of relief nang makitang walang tao sa bahay nila. Nawalan ng baterya ang phone niya kaya hindi siya nakapagsabi kung nasaan siya at bakit hindi siya nakauwi. 'Sana naman hindi nag-isip ng kung ano-ano si Pabo,' sa isip niya. She went inside her room to take a shower. Walang tigil ang pagbuntong-hininga niya, iniisip kung paano siya magtatapat. Pabulong-bulong pa ito ng kaniyang sasabihin kapag nakita sila ng binata. "I already lose you once... no I'm almost lose you sa pag-aakalang ikinasal kayo ni Ate Za pero ngayon-aish! I sounded like a man, like I'm desperate!" iritable niyang bulong, nakatitig sa salamin. "Let's make it simple, Zadie." "Hey. uhm... can we talk? Can we talk about us?" For the nth time, she shook her head, pulling her hair using her two hands in frustration. 'About us, huh. Kailan pa kayo nagkaroon ng 'us'?' pang-aasar niya sa sarili. She had to hit her head softly with her hands because she couldn't think anything. Wala pa man ay may mga butil na ng pawis sa noo niya, pinagpapawisan pati mga kamay. Pinangungunahan siya ng kaba ngayon pa lamang. 'Paano na kapag kaharap ko pa siya?' she asked herself. She almost jumped when she heard her phone ringing behind her. Mabilis niya iyong kinuha, nakahawak parin sa dibdib. Her eyes widened when she saw her friends missed calls and messages. '49 missed calls, 105 messages? What the heck is going on?' Sinagot niya ang tawag ng kaibigan habang palabas siya ng kwarto. Nagtungo siya sa kusina at naghanap ng makakain. [Oh my gosh! Buti naman sinagot mo na ang tawag namin! Masasakal ka na ni Ara, alam mo ba 'yon?] Zadie laughed. "Ano ba kasing meron?" nakangiting tanong niya pa. Hindi naman kaagad nakapagsalita ang kausap nito sa telepono. "Keid? Nandiyan ka pa ba?" [Zadie babes... hindi mo ba alam?] Naiwang nakatulala ang dalaga, bahagyang nakabuka pa ang bibig. Hindi siya nakaimik matapos makausap ang kaibigan. Mahigpit ang hawak sa counter upang hindi tuluyang bumigay, nanghihina ang mga tuhod. She was suddenly back to reality when she heard the door opened. Iniluwa ng pinto ang kaniyang ama. Bigla itong napakunot ng noo nang makita ang anak, nagtataka sa balisang mukha ni Zadie. "Papa!" she suddenly called and held her father's shoulder with her hands. "What's happening to you, Zad? Kailan ka pa nakauwi? Why you looks so nervous, anak?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya. "A-Ah, naihatid niyo na po si Zi?" she asked back, refusing to answer his father questions. Tumango naman ang ama kaya agad niya itong kinapkapan. "W-Where's you key then?" Pinigilan naman ng ama niya ang mga kamay nito, tinitigan ang anak. Zadie, on the other hand, held her chest and slowly inhaled a large amount of air to calm herself. Muli niyang tiningnan ang ama. "I need a car, Pa," she told him. Kahit nagtataka at marami pang gustong itanong, iniabot na lamang nito ang susi sa anak. "Thank you, I'll be back!" She quickly run towards the door and waved at her father. Halos liparin niya ang buong hallway, makarating lamang kaagad sa parking. Dali-dali siyang sumakay roon at mabilis na pinaandar ang sasakyan. * * * "Saan po na-confine si Vince? Vince Asher Toxillo po?" tanong ni Keid, balisa at hindi mapakali. "Nasa Non-ICU pa po siya ma'am. Hindi pa ho kasi naaayos ang private-" "Thank you! Halika na, babe!" Keid pulled her boyfriend arm so he could catch up. Mabilis silang nagtungo sa kinaroroonan ng kaibigan. "Nandito na ba sila Ty?" tanong pa ng kasintahan. Tumango naman siya rito, inililibot ang mga mata. "Kumalma ka nga, babe." "Paano ako kakalma? We don't even know if he's okay! Ang sabi lang sa atin ni Ara ay nasa ospital sila at naaksidente si Vince!" sagot nito. Nang makapasok sila sa isang kwarto ay sabay silang natigilan. Nakakunot ang mga noo at nakatingin sa isang babae at dalawang lalaking umiiyak. "B-Bakit mo kami iniwan?" umiiyak na tanong ng ginang. Unti-unti namang napaluha ang dalaga, naglalakad papunta sa katawang may nakatalukbong na ng puting kumot. "V-Vince? T-Teka, sino kayo? Bakit niyo iniiyakan ang kaibigan ko?" naguguluhang tanong niya. Tuluyan niyang nayakap ang katawan nang magsi-ilingan ang mga ito, isinisigaw ang pangalan ng kaibigan. "Vince, pota ka! Bakit ka nang-iiwan? Tumayo ka nga riyan!" "B-babe-" "Bitawan mo ako, Gunner! Tumawag ka ng doctor, kailangan nilang buhayin ang kaibigan natin!" sigaw pa niya, mas lalong lumakas ang pag-iyak. "Hoy, Vincente, tumayo ka riyan! Kahit mommy ka na-ay, hindi daddy pala, tatanggapin parin kita. Hindi ko nga lang sure kay Zadie huhu!" "Hoy, bruha, anong drama 'yan?" Keid shoulder jerked when she heard her best friend's voice behind her. Humiwalay siya sa kayakap at hinarap ang kaibigan. Her eyes widened when she saw Vince, her friend, alive and raising an eyebrow at her. "V-Vince? H-Hindi ka pa patay?" gulat na tanong niya. Muli niyang ibinalik ang tingin sa kayakap kanina, pagtapos sa mga kamag-anak nito. "Oh my gosh! Sorry ho, akala ko ho siya 'yung kaibigan ko!" Mabilis siyang tumakbo papunta sa kasintahan, niyakap at nagtago sa likuran nito. Nagpipigil naman ng tawa ang mga nakakita, iiling-iling sa kaniya. "Bakit kasi ang dami niyo rito, e!" she complained, still embarrassed. "Inaayos pa kasi 'yung private room! Ayaw muna kasing i-che-check. Kung sino sino ang iniiyakap at niyayakap mo riyan," ani Ara, nagpipigil ng tawa sa kaibigan. "Nasaan pala si Ty? Bakit ikaw lang kasama ni Vince?" tanong niya rito, nagtataka. Luminga-linga pa siya sa paligid para hanapin ang kaibigan. "Wala rito. Malamang stress na stress sa mga investors nila," sagot sa kaniya nito. Sunod siyang humarap sa binata, nakapamewang at iiling-iling. "Mabuti naman at kamay lang ang napuruhan sa 'yo, Mr. Vince Asher Toxillo?" She let out a sigh, tapping her friend on his shoulder. "Okay lang 'yan, Vince. Nakakatanga talaga ang pag-ibig." "Tsk! Makulit siya, e! Sinabi nang h'wag makulit at gabi na, e," ani Ara. "Nakauwi na ata si Zadie. Natawagan ko na siya," sambit pa nito. Napatingin naman sa kaniya ang dalawa. "Actually, papunta na siya rito. Sinabi ko sa kaniya na nasa ospital ka at naaksidente." "Fuck." * * * Kasalukuyan silang kumakain, nakalipat na ng bagong kwarto. Dumating na rin ang iba pa nilang kasama, maging ang sinasabing fiancée nito. Alalang-alala ang dalaga sa kaniya at kaagad siyang inalagaan. "I'll pay for your hospital bills first, baby," paalam nito at binigyan ng halik sa pisngi ang binata. Sunod-sunod naman ang pag-ubo ng mga kaibigan niya nang makaalis ang dalaga. "May-pa-baby baby pa siyang nalalaman, tsk!" singhal ni Keid at kumuha ng panibagong mansanas. Sinimulan niyang hiwain iyon. "Bakit kasi hindi mo na sabihin sa kaniya na ayaw mo sa kaniya?" "Para namang gano'n kadali 'yon, Keid," ani naman Ara. Tiningnan lang siya ng binata habang napatango naman ang kasintahan nito. "Bakit? Sasabihin lang naman niya, Si Zadie ang mahal ko. Patawarin mo ako, Jasmine. Siya ang gusto kong pakasalan at hindi ikaw-" "Let him deal with his problem, Keid. Ito 'yung part na hindi na tayo pwedeng makialam, okay?" putol sa kaniya ni Ara. Napatango nalang ang dalaga at inabutan ng mansanas ang kaibigan. "Sabagay, kahit pala anong piliin mo, may masasaktan panigurado," sambit pa niya at nginitian ang binata. "Sana lang hindi mo pagsisihan kung ano man 'yung desisyon mo, Vince. Team bawal lumabas are here for you." "Pati team pwedeng lumabas, bro." "Ay, 'sus! Nag-iisa ka nga rito, babe. Mas supportive ang team namin!" nakangising aniya bago kumagat ng mansanas. Napatigil sila sa pagpapagalingan kung sino ang mas supportive nang bumakas ang pintuan. Iniluwa nito ang kaibigan nilang puno ng pag-aalala ang mukha. "Zadie," Ara called her, tossing a glance at Vince. Nakatingin lamang ito sa dalaga, ngunit walang emosyon ang mukha nito. "A-Are you okay?" Zadie asked, probably referring to Vince. "Would an okay person be at the hospital?" he asked back. "Bakit naman ganiyan ang sagot mo, tsong-" "Let's go. Sa labas muna kami, Vince, Zadie," Ara cut her off. Hindi naman na nakaimik pa si Keid dahil hinila na siya ng kasintahan, iniwan ang dalawa sa kwarto. "I-I'm sorry... i-it's my fault," she muttered, her hands were fidgeting. Her voice cracked and tears suddenly falling from her eyes. Kaagad niya iyong pinunasan kasabay ng pag-iwas niya ng tingin sa binata. "Come here," he commanded. Napakunot naman ng noo ang dalaga, ngunit inihakbang din niya ang mga paa. "Lapit pa." Muli niyang inihakbang ng dalawang beses ang mga paa, nagpupunas parin ng mga luha. Hindi naman dapat siya umiiyak ngunit dahil sa nalaman, hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha pagpasok palang niya. "Anong ginagawa mo rito?" Jasmine asked her, raising an eyebrow. "Wala akong panahong makipagtalo sa 'yo, Jas. I'm here for Vince Asher," she answered in a low voice. "Well, hindi ka niya gustong makita, Zadie. Pwede ka nang umalis," she said. The nerve on her temple was throbbing and her whole face turned red with fury. On the other hand, Zadie clenched her fist and inhaled a large amount of air to calm herself down. "Gusto ko lang naman siyang makita." "Can't you see? Minamalas siya kapag nakakasama at nakikita ka niya!" she almost shouted. She composed herself, afraid that Zadie's friend would hear her. "Ipaubaya mo nalang siya sa 'kin, Zadie." "I-I can't do that, Jas. I love him-" "You will only ruin his life. You probably don't know that he will lose his company if he cancels our marriage," she told her. Zadie blinked twice as she stared at her. "W-What do you mean?" "Tito Vincent used that against him. Kaya kung ayaw mong masira ng tuluyan ang buhay niya, tigilan mo na siya. Tigilan mo na kami," she uttered. That made her silent. Napayuko na lamang siya, kagat kagat ang ibabang labi para pigilan ang mga luha. May plano na siyang aminin ang lahat sa binata, ngunit tila hindi na niya iyon magagawa pa. "Nagsisimula nang mag-back out ang mga investor nila, Zad. Gusto na nilang palitan siya... you can't let that happen, can you?" Zadie just shook her head, biting the insides of her cheek. Ayaw niyang umiyak sa harapan ng dalaga. Ayaw niyang ipakita rito na nasasaktan siya. "And it's because of you. He thought you were lost so he looked for you, kahit gabing-gabi na. Kaya siya nandito, dahil sa 'yo," she went on, making her feel guilty on what happened. "W-Will you also let him lose what he worked for because of you again?" Tears began to roll her cheeks. Maging ang kausap ay hindi narin napigilan ang luha. She was already begging her to let go of Vince. "I guess... I will lose my sky again and forever," she whispered, wiping her tears away. Nilagpasan niya ang dalaga at kumatok sa pintuan, iniwan ang kausap na umiiyak. "Tsk! I told you to come closer, didn't I?" Vince clicked his tongue as he pulled Zadie, wrapping his other arm around her waist. Ang baling kamay naman ay nanatiling nakapatong sa malambot unan. Nagulat naman ang dalaga sa ginawa nito, ngunit saglit lang iyon dahil muli na namang tumulo ang mga luha niya. This was probably the last time Vince would do that to her. "I'm really sorry, Vince Asher," she whispered. Sinubukan niyang patatagin ang boses ngunit hindi siya nagtagumpay. "K-Kasalanan ko kung bakit nangyayari sa 'yo ito." "You don't need to feel sorry for me or feel apologetic," he whispered, hugging her tightly. He also secretly wiped his tears. "It's not your fault." "It is," she simply said. "Nah. I didn't do that for you. I did that to help your twin find you," he said, still hugging her. "I miss hugging you this tight, my star. Damn. I missed you... so much." Nang humiwalay ang binata para tingnan siya, mabilis niyang pinunasan ang mga luha. She inhaled a large amount of air before looking him in the eyes, smiling. "M-Magpagaling ka, Vince Asher. Huwag mo na akong alalahanin... ulit," she said dryly, showing him a wry smile. "W-What?" he asked, raising a brow. He tried to pull her again, but Zadie stepped backward, shaking her head. "Don't do this to me, bubwit." "I... want only good things to happen for you, Vince Asher. Believe me, all I want is to make you happy," she told him, sinusubukang patatagin ang boses. "K-Kapag may problema ka or whenever you will go through a hard time-" "You're always there for me... to help me, am I right?" he asked, hoping that Zadie would say yes, but she didn't. "Nah. I'm sorry kasi mukhang wala na ako sa tabi mo kapag nangyari 'yon." She shook her head and smiled at him. "Get well soon, my sk-V-Vince Asher." She turned her back at him. She composed herself before leaving the room, without looking back. Maari niyang bawiin ang mga sinabi kapag ginawa niya iyon. Masakit man, kailangan niyang tapusin ang kung ano mang namamagitan sa kanila. She doesn't want him suffer. She doesn't want to ruin his life. She doesn't want to make things worse. Samantala, naiwan naman nakatitig sa nagsarang pinto si Vince. His eyes were blinking as tears fell from his eyes. The pain was all over his face. It was utterly visible. "I still have more to confess to you, my star." * * * Us, Again by: thesweetest_thing
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Ganda ng story
20/11/2024
1300
02/11/2024
1this is my favorite game
03/08/2024
0Tingnan Lahat