Homepage/Pain After Pleasure/
Chapter 54
PILIT iniiwasan ni Mekalayne ang bawat sampal na ibinibigay ni Ailaine sa kanya. She's cursing her nonstop. When she raise her right hand at sasampalin na siya sa huling pagkakataon ng hulihin niya iyon.
“Ano ba, Ailaine? Kahit paulit-ulit mo akong sampalin ay hindi ka mamahalin ni Sawyer... hindi kahit kailan!” sigaw niya.
Napipikon na siya dito. Napupuno na siya sa pinagsasabi nito. Una ngang naging kanya si Sawyer pero anong ginawa niya? She cheated him at sa pinsan pa nito. Anong kagagahan iyon? Tapos ngayon hahabol-habol siya?
“Manahimik ka! Ikakasal na kami ng umeksina ka!”
“Ailaine, bago pa akong umeksina ay sira na ang anong meron kayo at dahil sa kagagawan mo iyon. Kung hindi ka sana dakilang malandi eh 'di natuloy ang sinasabi mong kasal ninyo. Sa lahat ba naman na tutuhugin mo eh pinsan pa ng pakakasalan mo! Ano hindi mo mapigil—" Hindi na niya natapos ang dapat na sasabihin ng tumabingi ang mukha niya.
She slap her. She bite her lower lip nang maramdaman ang hapdi no'n. Dumugo ang labi niya.
“How dare you! Sawyer is mine. Alam kong mahal ako ni Sawyer. Galit lang siya sa 'kin pero ako ang mahal niya.” Nanlilisik ang matang dinuro siya nito. “At ikaw, ginamit ka lang niya dahil sa pangungulila sa 'kin. Nang bumalik kami sa Manila noong umalis kami sa Isla ay naging masaya kami. We're damn happy.”
Naitikom niya ang bibig at pinakinggan ang sinasabi nito. Alam niyang hindi naman totoo ang sinasabi nito pero nakakaramdam siya ng kirot sa puso. Kung hindi lang niya naramdaman ang pagmamahal ni Sawyer sa kanya ay maniniwala na siya dito. Sawyer told her everything. Lahat-lahat simula nang umalis sila sa Isla Berde five years ago hanggang sa magkita kami sa mall.
“Masaya siya when I told him the gender of our baby. He do everything to make me happy. I felt his love for me and for our daughter. Until you show your ugly face again! Nagbago ang lahat.” Sobrang nanlilisik ang mga mata nito.
Mariin niyang naipikit ang mga mata. Parang paulit-ulit na sinaksak ang puso niya ng patalim. She imagine the reaction of Sawyer when Ailaine told her the gender of their baby, kahit hindi naman talaga iyon anak ni Sawyer ay nasasaktan siya. Ganoon din kaya ang magiging reaksiyon niya kapag sinabi niya noon na buntis siya at magkakaroon sila ng kambal? Makukuha din kaya niya ang reaksiyon na gusto niya?
‘Tsk! Stop thinking about that Meira. Tapos na iyon kaya ang isipin mo kung paano paalisin ang babaeng iyan sa bahay.’
Nang imulat niya ang mga mata. “Ano ba sa hindi ka niya mahal ang hindi mo maintindihan? Sinabi mismo ni Sawyer sa'yo na kahit kailan ay hindi ka niya minahal. Pumayag lang siyang magpakasal sa'yo dahil sa mommy niya. And you're telling me that he's happy that time? Of course he's happy kasi akala niya anak niya ang dinadala mo. But after he knows everything, masaya pa din ba siya? I don't think so. You betrayed him, Ailaine. That's the reason why he can't love you and believe you anymore.”
Namumula na sa galit ang mukha nito. Mas lalong nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Hanggang kailan kaya nito mapipigilan ang galit nito? Kasi sa nakikita niya anytime ay sasabog na talaga ito.
“He's happy with me. Mahal niya ako. Hindi mo siya maaagaw sa 'kin. Sa amin lang si Sawyer, sa amin lang!” Nanlaki ang mga mata niya ng makitang bumunot ito ng... baril.
“A-Ailaine what...” Napahakbang siya paatras ng itutok nito sa kanya iyon.
Ngumisi ito ng nakakatakot sa kanya. Parang hindi na ito si Ailaine. Sa puntong iyon ay nakaramdam siya ng takot. “After I kill you, tuluyan na siyang mapapasaakin. Isusunod ko ang mga anak mo para wala ng dahilan si Sawyer para alalahanin at balikan ka pa. At wala akong pake kung mas mayaman ka sa 'kin, hindi ako matatakot ng kayamanan mo! Mapatay lang kita ay sapat na sa 'kin.”
'Damn it!' She's wishing na hindi muna bumalik ang mag-ama niya. Ayaw niyang mapahamak ang anak.
“I-Ibaba mo 'yan, Ailaine.”
Tumaas ang kilay nito ngunit naroon pa rin ang galit nito. “Scared now? Ang lakas-lakas ng loob mo kanin—"
“Please Ailaine, p-put that gun down. Pag-usapan natin... Ailaine!” Mas lalo kasi nitong nilapit sa kanya ang baril, she pointed it in her chest kung nasaan ang puso niya.
“Ano ako tanga? Pag-usapan?” Nakita niya ang pagtulo ng luha sa mga mata nito. “I love him more than anything. Simula ng makita ko siya sa restaurant ng Tita ko. I did everything to make him mine. Kinakailangan ko pang pabagsakin ang kompanya ng pamilya niya to make him mine... para ipagkasundo kami ni Tita at mailigtas ang kompanya nila. Pumayag siya and we're okay... we starting to love each other.”
“We're in states that time when his mom called and said we will married in Philippines. Pumayag ako at pumayag naman siya. Nauna akong umuwi kasi he told me na ako ang mag-aayos ng lahat. Sa sobrang busy niya ay nawalan siya ng oras sa 'kin kaya naging close ko ang pinsan nito. Hindi ko alam na umuwi na siya ng Pilipinas at nalaman na lang namin na nawawala siya. Pupuntahan daw sana niya ang kaibigan sa Isla nito pero hindi dumating si Sawyer, ang tanging nakita lang namin ay ang wasak sa chopper nito.”
“Ilang buwan namin siya hinanap. Hindi pwedeng mawala si Sawyer dahil magkakaanak na kami. Someone said na nasa Isla niyo siya, sa araw ding iyon ay nagtungo kami doon.” Sunod-sunod na tumulo ang luha nito, naroon ang sakit sa mga mata.
“Sa ilang taon naming magkasama, iyon ang unang beses ko siyang nakitang lumuha at magmakaawa. Ni minsan hindi siya naging ganoon sa 'kin. Ang sakit lang, ikaw na ilang buwan niyang nakasama pero iniyakan at nagmakaawa. Kahit sobrang sakit inisip ko na lang na uuwi na kami ay maging masaya, na hindi kana niya makikita. But it never happened and it's because of you?” Idiniin nito ang dulo ng baril sa noo niya. Hindi niya napansin ang paglapit nito. “Ikaw ang dahilan ng lahat. Kaya hindi ko palalampasin ang araw na ito na hindi kita mapapatay. Hadlang ka sa amin.” Masakit ang boses niya, masyadong matinis.
Walang emosiyon ang mukha niya. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para sagutin ito. “Bakit Ailene? Bakit ako ang sinisisi mo? Hindi mo ba naitanong sa sarili mo kung bakit umuwi si Sawyer sa Pilipinas nang hindi nagsasabi sa'yo? Hindi mo ba naisip na baka nalaman ni Sawyer ang kalandian na ginawa mo kaya siya hindi nagsabi? You're blaming me without knowing na ikaw ang may kasalanan ng lahat na ito? Kung sana nakontento ka kay Sawyer, hindi siya mawawala sa'yo. Hindi siya mapapadpad sa Isla at nakilala ako. Nasasaktan ka? Naisip mo din ba ang naramdaman ni Sawyer noong malaman niya ang tungkol sa inyo ng pinsan niya. Did you ever think his feelings, Ailaine? ” Hindi na niya makontrol ang sarili. Sa oras na iyon ay hindi niya naisip na kahit anong oras ay pwedeng iputok ni Ailaine ang baril sa kanya.
“Shut up!”
“Alam mo ang masakit? Iyong loyal ka sa partner mo, pero siya hindi. Iyong pinipilit mong maging sapat sa kanya pero siya... hindi pa rin nakontento at naghanap ng iba.”
“I said shut up! I'll fucking kill you!” Nanlaki ang mga mata ni Mekalayne nang gumalaw ang kamay nito.
Iiwas na sana siya when saw Ailaine pulled the trigger pero huli na ang lahat, natamaan siya sa kaliwang balikat.
“Ahhh! Damn you!” Nakatutok pa din ang baril sa kanya nang sumugod siya para agawin mula dito ang baril na hawak.
Nag-agawan silang dalawa. Hindi niya hinayaan na mabitawan niya iyon. Hindi na niya makikita ang mag-ama niya sakaling mabitawan niya iyon. Hanggang sa bumaba ang kamay nito at tumutok ang baril sa tiyan niya. Pilit niyang nilalayo iyon doon.
BAAANNGGGG
Natigilan siya. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya habang nakatingin kay Ailaine. Nang bumaba ang paningin niya sa kanyang tiyan at umaagos na dugo ang una niyang nakita.
“W-What...” Napahawak siya doon nang maramdaman ang kirot.
Nakita pa niya ang pagngisi ni Ailaine sa kanya. “Any last word?”
‘Ang mga anak niya.' Iyon agad ang naisip niya. Nanlalabo na ang paningin niya. Ano mang oras ay alam niyang matutumba na siya.
“A-Ailaine p-please...”
“Nuh. Paki hi na lang ako kay San Pedro, if ever na doon ka nga mapupunta sa langit.” Hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa. Ailaine pushed her. Hindi niya napansin na nasa hagdan na pala sila.
“Aahhh!” Sa haba ng hagdan nila ay hindi niya nakayanan. Nauntog pa siya sa gilid ng hagdan. Bugbog sarado ang katawan niya. Pagdating niya doon sa baba ay nawalan na siya ng malay.
“FLOWER, we're here.” Binuksan ni Sawyer ang pinto ng bahay pagdating nila. Ngunit nagtaka siya dahil sobrang tahimik.
“Hindi ba umalis ang kapatid ko? Where is she?” Jacin asked him habang hawak ang mga bata.
Kasabay niya itong dumating. Mamaya pa kasi ang mga magulang at ibang kapatid kaya nauna na ito. Makikipaglaro pa daw kasi ito sa pamangkin.
“Flower?”
“Mommy, we're here na po!” sabay na sigaw ng kambal.
“Nasaan na ba ang babaeng—" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang may makita.
Para siyang natulos sa kinatatayuan. Nabitawan niya ang mga pinamili at tumakbo na lang papalapit kay Mekalayne na nakahiga sa sahig. Naliligo ito ng sariling dugo. Nakaramdam agad siya ng takot sa kanyang dinatnan. He saw two gun shot on her body.
“Fuck! Princess?” Tumakbo din si Jacin.
“Mom!”
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Binuhat na niya si Mekalayne patungo sa kotse niya. Wala siyang ibang inisip kundi ang lagay ng babaeng mahal. Nang maipasok ito sa kotse ay agad niya iyong pinaharurot. Lumuluhang sumusulyap siya dito sa backseat.
“Flower please don't do this to me. Hindi ka pa pwedeng mawala. Don't you dare.” Sobrang bilis na ang pagmamaneho nig. Pagdating ng hospital ay sumigaw agad siya.
“FUCKING HELP ME!” Nakita niya ang mga nurse.
Nang makuha si Mekalayne ay tinakbo niya ito sa loob. May dala ang mga nurse ng stretcher.
“Damn it! Faster!” Alam niyang marami na itong naubos na dugo.
Sunod-sunod na mura ang pinakawalan niya ng pigilan siya ng isang nurse. “Sir, hanggang dito na lang po kayo.”
“Fuck! Damn!” Pabalik-balik siyang naglakad. Sobrang kaba niya. Sinabunutan niya ang buhok dahil sa pinaghalong galit at kaba. Sinisisi niya ang sarili. Sana ay sinama niya na lang ito.“You can't leave us, Flower. Damn! Kung sino man ang gumawa nito, pagbabayaran niya.”
“Where's my daughter?” Mrs. Sandejas.
“Ang anak ko, Devereaux?” Mr. Sandejas.
“What the hell was happened?” Mauve.
“Nasaan ang kapatid ko?” Mirk.
Wala siyang naintindihan sa sinabi ng bagong dating. Patuloy lang siya sa pabalik-balik na paglalakad. Hindi mapapantayan ng kahit ano ang takot at galit niya. Nang hindi makayanan ay sinuntok niya ang pader.
“This is my damn fault! Damn it! Damn it!” Dumudugo na iyon pero hindi pa din siya tumitigil. Natigil lang naman siya dahil kay Mauve at Mirk at hinawakan ang magkabilang balikat niya. Nagpumiglas pa siya. “Fuck! Let go! I'll fucking kill them. Papatayin ko ang may gawa nito.” Paulit-ulit niyang sinabi iyon animo'y nawawalan ng kontrol.
Lumakas ang pagwawala niya hanggang sa nasuntok niya ang magkapatid. Galit na naglakad siya papaalis. Lahat ng nadadaanan niya ay tumatabi, takot na mapagbuntungan ng galit.
“Sawyer!” sigaw nila pero hindi siya nakinig.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kaibigan. “Check my CCTV. Faster! Tell me who's fucking did that to my Flower.”
Ilang minuto niyang naibaba ang tawag ng tumunog ito. Sumakay siya sa kotse pagkatapos itong sagutin.
“Ailaine Lei Sy.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story
24/10/2022
0nice
28/07/2022
0sobrang Ganda ng kwento may kasunod pa ba to author? sayang kung di matatapos( Author Wala na ba tlga tong kasunod sayang nman Ang Ganda p nman ng kwento mo (thank you sa pag update sana tuloy2x na hehehe)
14/07/2022
0Tingnan Lahat