Chapter 52

GUSTONG tumawa ni Mekalayne ng malakas dahil sa sinabi ng Ina ni Sawyer. Kung gugustuhin niya lang na tumawa ay gagawin niya, ngunit ayaw naman niyang mabulabog ang mga customers sa Restaurant. Baka mabatukan pa siya ni Shaella doon. Nanatili na lamang siyang kalmado.
“Didn't know me huh.” Umiling-iling siya. “Poor you.”
“Hindi ko kailangang kilalanin ka dahil noon pa man kilala na kita.” Inis na bwelta nito sa kanya.
Tumaas ang kilay niya kasabay ng pagtaas din ng sulok ng labi niya. “Oh really? That means you know that you can't buy me in just five hundred million? Interesting huh.”
Napatawa siya ng mahina ng makita ang mga taong napatingin sa pwesto nila ng hampasin nito ang mesa. Kahit si Ailaine ay nagulat din. Pasimple niyang tiningnan ang CCTV at taasan ito ng kilay. Bago kasi siya pumunta dito ay sinabi niya sa pinsan na magkikita sila ng Ina ni Sawyer. And she want all the CCTV will focused on them. Just a remembrance you know.
“Mukha ka talagang pera. Ailaine is better than you.”
“Ailaine? That woman...” she looked at Ailaine with brows up, “who cheated Sawyer with his cousin?” Bumalik ang tingin niya sa ginang “You like that woman, huh? Do you want me to cheat Sawyer too on his COUSIN? Oh well, I'm not slut so I won't do it. But I guess the woman you like for your son wants to do it again.” Gusto niya talagang asarin at galitin ang mga ito. She emphasis the Cousin word while looking at Ailaine.
Nang tumayo si Ailaine ay hinanda niya ang sarili. Umigkas ang kamay nito pero bago pa iyon dumapo sa pisngi niya ay napigilan na niya iyon.
“Hindi mo gugustuhing dumapo ang madumi mong kamay sa pisngi ko. Hindi mo kilala ang binabangga mo, babae.” Maharas niyang binitawan ang kamay nito.
“Bitch! A gold digger! Hindi ako papayag na maagaw mo sa 'kin si Sawyer. He's mine.”
“I'm a bitch and you're a slut. I can be a bitch anytime but I can't be a slut every time just like what you did.” Namula ang mukha ni Ailaine, galit na galit. Sobrang sama ng tingin nito sa kanya.
“You fucking—”
“Ailene, stop it. Let's tell her everything para matapos na ito. And I'm sure kusa niyang iiwan ang anak ko pagkatapos natin sabihin sa kanya lahat,” masungit na wika ni Mrs. Samiz.
Hindi niya maiwasang taasan ng kilay ang mga ito. Napansin pa niya ang pagngisi ni Ailaine sa kanya. “What do you want to tell? Maliban sa ayaw mo ako para sa anak mo? Ano pa huh? Ikikwento mo din ba sa 'kin kung paano niloko ng babaeng iyan si Sawyer? Then my ears was yours.”
‘Shit Mekalayne ang tapang mo!’ Pinigilan niyang huwag tumawa dahil doon. Paniguradong aasarin siya mamaya ng pinsan.
“Huh! Hindi ito tungkol kay Hieven, kay Ailaine o kahit sino sa atin. This is all about your parents.” Ngumisi pa ang ginang animo'y gustong makita ang kanyang reaksiyon.
Sa totoo ay iyon talaga ang nakaagaw ng atensiyon niya. Bahagya pa siyang natigilan at kumunot ang kanyang noo. Sinong parents ba ang tinutukoy niya? Her Nanay Viona and Tatay Miguel? Or her biological parents?
“Who are you talking to?”
Nagtaray na naman ang ginang sa kanya. Nakita niya ang pag-ikot ng mata ni Ailaine na para bang may sinabi siyang nakakatawa.
“May iba ka pa bang magulang maliban kay Viona and Miguel Buenavella?” Taas ang kilay na tanong Ailaine.
At doon napagtanto ni Mekalayne na hindi siya nakilala nito noong ganapin ang party. Kaya pala kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. Well unang beses pa lang naman silang nagkita ni Ailaine sa Isla Berde, hindi siguro natandaan ang kanyang itsura.
“What about them?”
Tumingin si Ailaine sa ina ni Sawyer at sabay nilang ngumisi at tumango. Sumandal muna siya sa upuan. She cross her arms below her chest.
“They died because of the car accident, right? Alam mo ba kung sino ang bumangga sa kanila?” Umawang ang labi ni Mekalayne. Nawala ang ekspresyon sa mukha niya nang marinig iyon. Her expression become blank and cold.
“Why are you saying this? Did you know something about it?” malamig na tugon niya.
“I know the reason why they died. Do you still want to hear it?” Kumuyom ang kamay niya at sinamaan ng tingin si Mrs. Samiz.
“Why are you asking me? Hindi ba't iyan naman ang dahilan kung kaya't narito tayo?Kahit naman hindi ko gustong marinig iyan ay sasabihin niyo pa din, so why bothered?”
“Walang respeto. Kahit kailan hindi kita magugustuhan para sa anak ko.”
Ngumisi siya. “Now you're talking about respect. Seriously, madam? Say the woman who didn't respect her son. Nagpapatawa ka ba? Kasi hindi nakakatawa. I'm just giving my respect to those people who respect me. You won't respect me? Then I won't respect you, simple as that.”
Nakita niya ang pagkuyom ng kamay ng ginang. She's angry, she can say that. Itinikom na muna niya ang bibig nang magsimula na itong magsalita.
“Si Lolo ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo. He's the one who ran against the taxi that where your parents are. Pinili niyang banggain ang taxi na nasa harap kaysa ibangga iyon sa mga batang naglalaro sa park. He's the reason why you're suffering. Si Lolo na mahal na mahal ng anak ko.” Habang nagsasalita ang ginang ay nakatingin lang siya sa labi nito. Gusto niya iyong suntukin ng matahimik na.
Kumikirot ang puso niya ngunit pinanatili niyang kalmado. Alam niya ang bagay na ito. Ngunit ayaw pa niyang aminin sa sarili na ang Lolo ni Sawyer ang dahilan ng pagkawala nila. Gusto niyang umiyak, magwala. Nanumbalik sa kanya ang paghihirap na dinanas sa Isla Berde ng mawala ang magulang niya. Kung paano siyang nalugmok...naghirap.
'Yong bawat araw na naiisip niya ang mga ito at naaalala. In her dreams humihingi ng tulong ang mga magulang niya. They keep saying sorry because they didn't make it. Ilang taon niyang sinisi ang sarili sa nangyari. Gusto niyang isisi sa Lolo ni Sawyer ang lahat pero naalala niya ang sinabi nito kanina sa Ina. Hindi naman siya bobo para hindi maintindihan iyon.
‘Nang ibigay niyo ako kay Lolo para siya mag-alaga sa 'kin imbis na kayo, may marinig din ba kayo? 'Di ba wala? Wala kayong narinig kahit ano kasi narerespeto ko kayo at lahat ng desisyon ninyo. At nang mamatay ang taong nag-alaga, nagmahal at nagbigay sa 'kin nang dahilan para hindi sumuko dahil sa inyo ay wala kayong narinig kahit ano. Hindi ko kayo sinisi, hindi ko kayo pinagsalitaan kasi may respeto pa din ako.'
Pinigilan niyang huwag tumulo ang luha niya. Ayaw niyang magmukhang mahina sa harap nila. They think na iiwan niya si Sawyer dahil dito? Hindi ganoon kababa ang pagmamahal niya kay Sawyer. Ngayon pa na unti-unti na silang naging maayos. Hindi naman si Sawyer ang may kasalanan kundi ang mga magulang nito. At walang magbabago kung isisisi niya kay Sawyer ang nangyari. Hindi na maibabalik ang buhay ng Nanay at Tatay niya.
She composed herself. Lalong lumamig ang tingin niya. “I know that already. But is it really Mr. Samiz fault? Based on the investigation that I gathered someone mangle Mr. Samiz car brake.” Taas ang kilay sa sabi niya at tiningnan si Mrs. Samiz.
Nakita niyang natigilan ito. Hanggang sa hindi ito mapakali sa kinauupuan niya. Kahit naroon ang kirot sa puso niya dahil sa naging topiko nila ay hindi siya papaapi sa mga ito. Three years ago she investigate what really happened to her Nanay and Tatay. May nagtutulak kasi sa kanya na gawin iyon. Kaya nalaman niya. Akala nga niya naka move on na siya do'n pero kapag naririnig ang pangalan nila ay nandoon pa din ang sakit ang pangungulila niya.
“Nagpa-imbestiga ka? Saan mo naman nakuha ang perang pinambayad mo? Oh?” Umarte si Ailaine na parang gulat habang nakatingin sa kanya. “Baka naman ibininta mo ang sarili mo? Alam ba ni Sawyer ‘yan?” Tumawa pa ito na parang baliw.
Hindi niya alam kung anong nakakatawa doon. “If I wear you, kilalanin ko muna kung sino ang kinakausap ko bago ako magsalita niyan.” Tumayo si Mekalayne at tinaasan ng kilay ang Ina ni Sawyer. “Don't worry I won't tell Sawyer everything I know. Not now, Mrs. Samiz.”
Akmang aalis na siya ng lumapit sa kanila ang isang waitress. “Good afternoon, Ms. Sandejas! Pinabibigay po ni Ma'am Shaella.” Inabot nito ang isang papel sa kanya.
“Thank you!” Binasa niya ang nakalagay doon.
‘You did a great job, cousin. I'm proud of you!’ Napabuntong-hininga siya. Naglakad siya papaalis ngunit muling napatigil dahil sa narinig.
“W-What did you just call her?” gulat na tanong ni Mrs. Samiz sa waitress na hindi pa pala nakakaalis doon.
“Po? S-Sino po ba? K-Kay Ms. Sandejas po?”
“Ms. Sandejas? That woman? Of course not! She's not Meira—” Gulat na gulat Ailaine? Tsk!
“Yes, she's Meira Hayaizel Sandejas. The only heiress of Sandejas Family. The most powerful and rich family in the whole world. You have problem with that, bitch?” Boses na iyon ni Shaella.
Gusto niyang lumingon ngunit nanghihina na siya. Gusto na niyang ilabas ang kanina pa niyang pinigilan. Nagmamadaling lumabas siya ng restaurant. Sumakay sa kotse ay nagtungo sa lugar na alam niyang mailalabas niya lahat. Nang marating ang lugar ay binagtas niya pinakadulong parte kung saan malapit sa puno. Doon niya nakita ang dalawang lapidang magkatabi.
Unti-unting kumawa ang mga luha sa mga mata niya. Pabagsak na umupo siya at sinaplos ang lapidang nasa harap.
“Nanay, Tatay, k-kamusta na po kayo diyan?” garalgal ang boses niya. “Did you miss me?” Her heart tightened inside her chest.
“Sorry po kung sobrang tagal bago ko kayo nadalaw ulit. M-Magkasama po ba kayo ni Mr. Samiz diyan? Huwag po kayong magagalit sa kanya ha? Alam ko pong siya ang dahilan kung bakit kayo n-nawala pero kasi Nay, siya iyong tanging taong nag-alaga kay Samiz. Pakisabi naman sa k-kanya Nay, na salamat. Salamat sa pag-aalaga, pag-aaruga at magmahal na ibinigay niya kay Samiz. Kung wala siya baka wala akong nakilalang Sawyer Zane. Nagalit din ako sa kanya Nay, pero wala namang magagawa ang galit ko... hindi no'n maibabalik ang buhay ninyo.”
Parang paulit-ulit na sinaksak ang puso niya ng patalim. Sobrang nasasaktan lang talaga siya pero hindi naman siya galit ngayon sa mga taong naging dahilan ng pagkamatay ng Nanay at Tatay niya. She just need a justice for the death of Mr. Samiz and her parents. “N-Nay, pwede bang kahit minsan ay dalawin niyo din ako sa panaginip ko? Ang dami ko kasing tanong sa inyo ni Tatay. Gusto kong marinig mula sa inyo ang lahat. Just for once, dalawin niyo ako.”
“Pero Nay, tandaan niyo ni Tatay na kahit anong ginawa niyo doon ay nagpapasalamat pa din ako. Kung hindi dahil sa inyo wala ako kung anong meron ako ngayon. I won't meet my friends and Sawyer. Walang Heitel and Heirin sana ako. Kaya thank you. Thank you for everything you done to me. Thank for the love you gave. I didn't hate you rather angry with you because I choose to understand you two Nay, kasi iyon ang turo niyo sa 'kin. You taught me to understand others no matter what. Itinuro mo sa 'kin na intindihin ang bagay-bagay. Nakalimutan ko ang ituro mong iyon nang panahon na naglihim sa 'kin si Sawyer dahil sa galit ko. But I promise this day na hindi ko kakalimutan iyon.”
Masayang ikinwento ni Mekalayne ang mga naranasan niya sa Brazil. Lahat ng pinagdaanan niya ay sinabi niya dito. Masaya siya sa ginagawa. Parang gumaan ang pakiramdam niya.
“Flower?”
Natigil lang iyon ng marinig ang boses ng lalaking pinakamamahal niya. Saan nito nalaman kung nasaan siya? Did Shaella told him? Pero kahit si Shaella ay walang alam kung nasaan siya dahil iniwan lang niya ito doon sa restaurant.
Mabilis siyang lumingon dito. Namasa ang mata niya ng makita ang bulaklak na hawak nito. It's tulips. Iyon ang paboritong bulaklak ng Nanay niya. Hindi siya nakabili kanina dahil na din sa nagmamadali at nawala sa isip niya. Ang nasa isip lang kasi niya ay ang mailabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.
“Sawyer...” she cried.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Marylynne Balladares Bayron

    nice story

    24/10/2022

      0
  • avatar

    nice

    28/07/2022

      0
  • avatar
    ogocjoan

    sobrang Ganda ng kwento may kasunod pa ba to author? sayang kung di matatapos( Author Wala na ba tlga tong kasunod sayang nman Ang Ganda p nman ng kwento mo (thank you sa pag update sana tuloy2x na hehehe)

    14/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata