Chapter 51

“DAD, I want this.” Nariing napapikit si Mekalayne nang muling magsalita si Heitel. Lahat na yatang nakitang nagugustuhan ay kinukuha na nito. Kung anong madadapuan ng paningin niya ay dinadampot niya at pinapakita sa ama.
“Asked you Mom, son.” Ilang ulit na din iyong sinasabi ni Sawyer.
Napagalitan na kasi niya ito kanina. Paano lahat ng kunin ng mga anak ay umuoo ito. Kaya nang maka-sampo na ang dalawa ay iyon na ang sinasabi niya. Tanungin siya. Sumimangot siya at naunang maglakad sa tatlo.
“Faster son, get what you want.” Natigilan siya sa paglalakad ng marinig ang boses ni Sawyer. Kunot ang noong nilingon niya ito.
Gustong niyang sumabog sa inis ng makitang tumutulong ito sa paglagay ng kung ano-anong laruan sa dalawang cart. Nagmartiya siya palapit dito at saka ito piningot palayo sa cart.
“You jerk! Halika nga dito.” Hinila niya ito. Pero bago iyon ay pinagsabihan niya ang dalawa. “Kayo, ibalik niyo ang mga laruang hindi niyo naman lalaruin. Madami na kayong toys sa bahay kaya ibalik niyo. Kapag nakita ko pang madami diyan sa cart, uuwi na tayo sa bahay ni Lola Moma niyo and I won't let you play your ball and chess.”
“O-Ouch, Flower!”
“Shut up!” Inis na binitawan niya ang tainga nito. Hindi niya maiwasang ilagay ang kamay sa kanyang baywang. “Stop spoiling them. Hindi sa lahat ng oras makukuha nila ang gusto nila. Hieven, ayokong masanay sila na nakukuha ang gusto nila sa isang salita lang nila.”
Gusto pa niya itong batukan ng ngumuso ito sa harap niya. “Pero Flower...”
Napailing nalang siya saka mahinang kinurot ang pisngi nito. "Hon, alam kong gusto mo na maging maayos ang pamilya natin, but spoiling them isn't really a good thing."
Lalong sumimangot ang binata na kinairap niya. Ang tigas ng ulo niya. "I know, Flower. But I love spoiling my kids. Kung kaya ko naman ang gusto nila, bakit hindi? Saka ngayon pa lang naman ito."
"Kahit na, Hon. Spoiled na iyan sa pamilya ko lalo na kay Nate kaya please lang huwag niyo namang sanayin ang mga bata. At kung dumating ang panahon na may hingin silang hindi mo kaya?" Usisa niya sa huli.
Ilang segundong pinagmasdan ni Sawyer ang dalawa nilang anak bago sumagot. "I'll work hard for it not to happen, Flower. Kaya kong gawin lahat para sa kanila at sa'yo." Hinawakan nito ang kamay niya
Wala siyang masabi pa. Tumahimik na lang siya at hinayaan ang mga ito. Hanggang sa kumain sila at umuwi ay tahimik siya. Napansin siguro ng tatlo iyon kaya nilalambing siya. Ngunit hindi siya nagpatinag. She ignore them. Giving a silent treatment to her two son means getting what she want.
“Mommy...” Malambing na niyakap siya ni Heirin.
“Mommy, talk to us na po. Sorry na po Mommy!” Ginawa din ni Heitel ang ginawa ng Kuya nila.
“Flower.”
Bahala sila. Ayaw nilang makinig sa kanya? Then sige, let see kung hindi pa sila titigil. Mekalayne cross her arms and look at the outside.
“Mom, promise na po namin ni Heirin hindi na po kami kukuha ng toys next time we shopping. Sorry na po, Mommy.” She didn't believe it. That's what exactly they said to her noong kasama nila si Nate.
Gusto sana niyang sabihin na wala ng next time. Namimihasa na ang mga ito. May dumagdag na namang mag-spoiled sa kanila.
“You can get our favorite toys po if ever we're doing it again. You can grounded us, Mom.” Napangiti siya ng tuluyan ng sabihin iyon ni Heirin. Iyon lang naman ang hinihintay niya.
Nilingon niya ang mga ito ng naka-poker face. Tinaasan ko sila ng kilay. “Okay fine.”
Si Sawyer ang hindi niya pinapansin. Kahit anong kausap nito sa kanya ay tahimik lang siya o hindi naman ay iniiwasan niya ito.
“Flower.”
Nakaupo siya sa kama at inaayos ang mga damit na pinamili. Pagdating nila kanina ay nilabhan niya iyon at pinatuyo. Ngayong gumabi na ay pinatulog nito ang mga bata saka siya kinausap muli.
“Please, don't gave me this silent treatment. Hindi ako sanay.” Nagmamakaawa ang boses nito kaya tumingala siya.
“I'll stop this if you promise me that you will stop spoiling my kids.”
Kumunot ang noo nito. “Our kids.” May diin ang boses nito.
“Whatever!” she continue what she doing.
“I can't promise but I'll stop myself for doing it. Flower, sorry na kasi.”
“Okay!” Madali lang naman siyang kausap.
“Bati na tayo?” Nagningning ang mga magaganda nitong mata.
Sarkastikong muli siyang tumingala. “Did we fight?”
“Hindi ba? Hindi mo nga ako pinapansin.”
“Whatever!”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay nagulat siya ng mabilis na kinuha ni Sawyer ang mga damit sa kanya at nilagay na lang sa walk-in closet nila. Tinapon lang nito iyon doon saka siya sinugod ng halik.
“I'll devour you all night.” He said between their kissed.
Hindi nga ito nagsisinungaling. They make love hanggang sa mag-umaga na. Hindi talaga siya tinigilan nito. Kung hindi pa siya nagmakaawa ay hindi pa talaga ito titigil.
Nagising lang siya na wala si Sawyer sa tabi niya. Nang bumangon naman siya ay hindi niya maiwasang mapangiwi dahil sa pagkirot ng pagkababae niya.
‘Tanginang Sawyer Zane!’
Paika-ikang nagtungo siya sa banyo para maligo. Nang matapos ay bumaba siya para hanapin ang mga bata at si Sawyer. Ngunit may mga boses siyang naririnig sa kusina. Naglakad siya patungo doon.
Nakita niya ang mag-ama niyang nag-aayos. Sawyer was cooking and the two boys was settling the table. Nang umangat ang paningin ni Heirin ay nagtagpo ang mga mata nila. They smiled each other.
“Good morning, Mom!” bati niya na siyang naging dahilan ng pagtingin din ni Sawyer at Heitel.
“Morning Hon, you look good today hmm.” Nakangising pinasadahan siya nito tingin at nagdagal ang paningin nito sa kanyang dibdib. She's wearing a sleeveless lang kasi, medyo kita ang cleavage niya.
“Good morning, Mom! You're pretty po always.” It's Heitel.
Umangat ang kilay niya. “Ang aga-aga, binobola niyo na ako.”
Sabay na umangal ang tatlo. Maganda nga daw kasi siya. Natatawang inilingan na lamang niya ang mga ito. Nilapitan siya ng kambal, inalalayan patungo sa kanyang upuan.
“May pasok ka ngayon?” Nakita niyang nakapang-office ito.
“We have an important meeting. Uuwi naman ako pagkatapos.” Nilagay nito ang nilutong adobo sa mesa.
Naupo ito sa tabi niya. Akmang tatayo na siya para ayusin ang pagkain ng dalawa ng unahan siya ni Sawyer. Ito ang naglagay ng pagkain sa plato ng kambal. Pagkatapos ng dalawa ay siya naman ang inasikaso nito. Nakatingin lang naman siya, mukhang naninibago pa. Hindi siya sanay na may nagsisilbi sa kanya. Bumuntong-hininga siya nang tumingin ito sa kanya ng nakangiti.
“Eat up.”
Sakto naman nang matapos silang kumain ng may nag-door bell. Umakyat naman ang dalawang bata para maglaro ng laruan nila. Kailangan pa pala niyang i-enrolled ang mga ito. Nasa grade 1 na ang mga ito, advance kasi silang nag-aral sa Brazil. Home school lang sila pero naisip niyang kailangan niyang iparanas sa mga anak na mag-aral sa paaralan.
“Ako na magbubukas.” Tumango siya sa binata at pinagpatuloy ang paghuhugas ng kanilang pinagkainan.
When she finished washing the dishes ay sumunod siya sa binata. “Hon, who's that?”
Natigilan siya sa paglalakad ng makita ang isang babae at lalaki. Mukhang pinigilan ni Sawyer ang mga itong pumasok sa bahay. Sino ba ang mga ito? Tumingin si Sawyer sa kanya.
“Flower, pasok ka—”
“Hindi mo man lang ba kami ipapakilala sa babae mo?” Natameme si Mekalayne sa sinabi ng ginang.
“Mom! Shut up!” mariin na saad ni Sawyer.
Babae ni Sawyer? Siya ang Mommy ni Sawyer? Siya babae ni Sawyer? Kahit na gusto niya itong singhalan ay pinigilan niya ang sarili. She's the mother of her Sawyer. Sinikap niyang ngumiti sa mga ito.
“Hon, bakit hindi mo papasukin ang mga magulang mo?” Tumingin siya kay Sawyer na umiling. “Open the door, Hon.”
Walang nagawa si Sawyer kundi ang sundin siya. Hindi makapaniwalang tumingin ang Ina nito kay Sawyer. Nang tingnan siya ay masama ang tingin nito. Ang ama naman ng binata ay walang emosiyong nakatingin lang sa kanya.
Nang buksan ni Sawyer ang pinto ay tumabi na ito sa kanya. Pumalibot ang braso nito sa baywang niya saka sila sabay na naglakad patungo sa sopa.
“Are you Mekalayne Buenavella? I don't like you!” tanong agad nito sa kanya pagkaupo sa sopa.
“Ma, ano ba?” galit na sigaw ni Sawyer. Kay aga-aga high blood na ang mahal niya.
Siya ay kalmado pa din. Basi kasi sa imbestigasyon na nabasa niya ay sobrang maldita ng Ina ng binata. They're so controlling when it come to Sawyer. Gusto nila na laging sinusunod ni Sawyer ang gusto nila. Nabasa din niya na lagi kinukompara ng mga ito si Sawyer sa panganay nila.
“Yes, that's my name back then.” Hindi siya magpapatalo.
“Hindi kita gusto, naiintindihan mo ba iyon? Nang malaman ko kay Ailaine na nandito ka sa bahay ng anak ko nagpunta kami agad. Pinagbawalan pa daw siya ni Sawyer na magpunta dito dahil sayo.” Masama ang tingin nito sa kanya.
Hindi niya maiwasang magdekwatro sa harap nila. Naramdaman niya ang pagpisil ni Sawyer sa baywang niya na hindi naman niya pinansin.
“Tinagalog mo lang ang unang sinabi mo, Madam. Of course I understand it. Sumbungera na pala ngayon ang babaeng iyon.” Ngumisi siya. Ito ang natutunan niya sa pagtira niya sa Brazil. Her friends was so haughty and that's what she learned from them.
Hindi naman kasi sa lahat ng oras magbait-baitan siya. Iyon ang pagkakamali niya noon. Sa sobrang bait niya ay ginagawa iyong dahilan ng iba para saktan siya.
“Bastos!” Tumingin sa anak. “Ito ba Sawyer Zane ang ipinalit mo kay Ailaine? Walang galang!” Sabay duro pa sa kanya.
Ang ayaw niya sa lahat ang dinuduro siya ng kung sino-sino. Kaya hindi niya napigilan ang sariling tampalin ang kamay nitong nakaduro sa kanya. Mukha nagulat pa ito, well silang tatlo ang nagulat. Muling pinisil ni Sawyer ang baywang niya. Tinaasan lang niya ito ng kilay.
“Ang ayoko sa lahat ang dinuduro ako ng kung sino-sino lang. I don't care if you're Sawyer's mother.” Sumandal siya sa sopa ng tumayo ito, namumula ang mukha sa galit.
“Sawyer Zane.” Nagsalita ang ama ni Sawyer. “Pagsabihan mo ang babaeng iyan. Nakita mo ang ginawa niya sa Mommy mo.”
“Palayasin mo ang babaeng iyan Sawyer, ngayon na. Bastos na babae. Ayoko sa babaeng iyan. If I know baka pera mo lang ang habol niyan. A gold dig—”
“Ma, stop it! She's not a gold digger. Hindi mo kilala kung sino siya, Ma. So please, kung wala na kayong ibang sasabihin ay umalis na kayo. Hindi kayo ang magdedesisyon kung sino ang babaeng magugustuhan ko.” Nabigla sila ng galit na tumayo si Sawyer at sinigaw iyon.
Lalo pa yatang nagalit ang Mommy nito. Umigkas ang palad nito sa pisngi ni Sawyer. “How dare you! Sumasagot kana ngayon? Sinasagot mo na ako dahil lang sa babaeng iyan? Anong pinagmamalaki mo ha?”
“Kung hindi dahil sa amin wala ka sa kinatatayuan mo ngayon Sawyer, kaya umayos ka. Kahit kailan ang layo-layo mo sa Kuya mo. Napakawang respeto mo.” Tumayo din ang ama nito. Siya ay kalmado lang naman.
Malamig na tiningnan ni Sawyer ang magulang. “Bakit Ma, Pa? Nirespeto niyo ba ako? Mula pagkabata lahat ng gusto niyo sinusunod ko, ni wala kayong narinig sa 'kin ‘di ba? Nang makapag-aral na kami ni Kuya simula ng ikompara niyo ako sa kanya kasi sobrang galing niya, may narinig ba kayo sa 'kin? Kahit na inuuna niyo siya sa lahat at mas mahal niyo siya kaysa sa 'kin, may narinig din ba kayo sa 'kin? Nang ibigay niyo ako kay Lolo para siya mag-alaga sa 'kin imbis na kayo, may marinig din ba kayo? 'Di ba wala? Wala kayong narinig kahit ano kasi narerespeto ko kayo at lahat ng desisyon ninyo. At nang mamatay ang taong nag-alaga, nagmahal at nagbigay sa 'kin nang dahilan para hindi sumuko dahil sa inyo ay wala kayong narinig kahit ano. Hindi ko kayo sinisi, hindi ko kayo pinagsalitaan kasi may respeto pa din ako. Pero Ma, sawang-sawa na akong maging sunod-sunuran sa inyo. I don't want to be your puppet anymore. I have my fucking life. This is mine, and you can't do anything about it.” Kahit malamig ang boses nito ay nahihimigan ni Mekalayne ang sakit at pangungulila sa boses ng binata.
Malungkot na tumingala siya sa binata. Ramdam na ramdam niya ang sakit nito. Hindi niya alam na ganito pala ang dinanas nito sa mga magulang. Alam niyang masakit maikumpara sa iba ng sarili mong magulang.
“Kaya, huwag niyong pagsasalitaan ang babaeng mahal ko. Siya lang ang babaeng tanggap ako. Siya ang nandoon nang panahon na nahihirapan na ako. Siya ang nandoon ng mawala ang alala ko. She's my light in my darkness life, mom.” Hinawakan ni Sawyer ang kamay niya ay pinatayo siya. Tahimik lang naman ang magulang nito. Mukha nabigla sa sinabi ni Sawyer. “Umalis na kayo hangga't may respeto pa akong natitira sa inyo. Kung hindi niyo gusto si Mekalayne ay wala akong pakialam. Hindi niyo hawak ang nararamdaman ko. Hind kayo ako. At hindi naman kayo ang magkakagusto sa kanya kundi ako. Hindi ko din kailangan ng opinyon ninyo.” Saka siya hinila ni Sawyer paakyat sa taas.
Tahimik lang naman siya. Nang marating ang kwarto ay paulit-ulit nitong hinagkan ang noo niya habang humihingi ng tawad. Hindi naman nito alam na pupunta ang magulang nito.
“Stop saying sorry, Hon. You did a great job. I'm proud of you for saying it. Thank you for fighting me. I love you, Hon.”
After responding 'I love you too' ay niyakap siya nito. Hinintay nilang makaalis ang magulang nito saka niya pinapasok sa opisina si Sawyer. Ilang minuto na itong nakaalis ng tumunog ang cellphone niya.
From: +639123456780
Let's meet up in Montalva Restaurant. This is his Mom.
Napabuntong-hininga siya. Gusto din niya itong makausap. Hindi siya nagdalawang isip pa na pumayag. Nagbihis siya saka pinuntahan ang mga anak. Iiwan na muna niya ito sa mga magulang. Pagkahatid sa dalawa ay dumeretso na siya sa restaurant ng pinsan. Ang daming tumingin sa kanya pagpasok pa lang niya. Mukha nakilala na agad siya. Nagtataka nga din siya kung bakit hindi siya kilala ng magulang ni Sawyer.
Nang makita niya ito sa pinakadulo ay naglakad siya patungo doon. Nagtaka pa siya kung bakit kasama nito si Ailaine ngunit pinagkibit-balikat na lamang niya Umupo siya sa harap ng mga ito, bahagya pa silang nagulat. Ayaw na niyang magpatumpik-tumpik pa.
“What do you wa—” Hindi pa niya natatapos ang sasabihin ng putulin iyon ni Mrs. Samiz.
“Ibibigay ko lahat ng gusto mo just leave my son. Do you want House? Car? Money? Siguro naman ay sapat na ang five hundred million para iwan mo ang anak ko? Seriously, I don't like you for my son,” walang emosiyong saad nito.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Marylynne Balladares Bayron

    nice story

    24/10/2022

      0
  • avatar

    nice

    28/07/2022

      0
  • avatar
    ogocjoan

    sobrang Ganda ng kwento may kasunod pa ba to author? sayang kung di matatapos( Author Wala na ba tlga tong kasunod sayang nman Ang Ganda p nman ng kwento mo (thank you sa pag update sana tuloy2x na hehehe)

    14/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata