Homepage/Pain After Pleasure/
Chapter 49
MEKALAYNE was thinking something when Sawyer woke up. Nakaupo siya sa pang-isahang sopa habang nakadikwatro. Kunot ang noong nakatingin lang sa binata. Naiirita siya. Kabaliktaran kasi ng inaasahan niyang reaksiyon nito ang nangyari. She was expecting him to shout in delight, but the opposite happen. He's fucking lose his consciousness.
Dahan-dahang nagmulat ang mga mata ni Sawyer at natuon agad iyon sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. Dali-dali itong bumangon at lulugong lumapit sa kanya.
“Flower...”
“What?” singhal niya.
Her breathing hitched when Sawyer hugged her tight. Para siyang tuod na nakaupo lamang doon. “I'm sorry for what happened.” Sawyer's piercing eyes glimmered in happiness. "Thank you." He rubbed her stomach. "Thank you for giving me such wonderful news."
"Sa sobrang wonderful, nahimatay ka?" Tukso niya.
"Oo." There's a red tint on his cheek! God, he is actually blushing! He looks cute. "Hindi ko kinaya. I was shock, actually. Shock coated with so much happiness, it overflows and render me unconscious."
"Palusot pa e." Mataray na wika niya ngunit ilang sandali ay hinalikan niya ito sa mga labi. "Pero kahit na himatayin ka ng paulit-ulit, mahal pa rin kita. Walang magbabago roon."
"Aww. You're making my heart beat so fast." He grinned. "I love you, Flower.”
"I love you, Hon."
Nakasimangot na tumingin si Mekalayne sa labas ng bintana ng sasakyan. Gusto pa sana niyang makasama ng matagal si Sawyer ngunit gusto na nitong makita ang kambal. She's happy with a little bet sad. Lubos siyang naging masaya ng sabihin nitong gusto nitong makita ang mga anak. Malungkot dahil gusto pa sana niyang makasama ito ng matagal.
Nang marating ang mansion ay nakita na agad niya ang kanyang magulat at Kuya sa labas ng mansiyon. They're waiting for them. Napanguso siya ng makita ang mga mukha nila. Ang mommy lang naman niya ang nakangiti, ang mga lalaki ay masama na ang tingin sa kotse niya or sa kung saan nakapwesto ang binata, pawang nakasimangot ang mga ito.
“Are you okay?” nag-aalalang tanong niya ng makita ang kinakabahang mukha nito. Para itong natatae na ewan.
Lihim siyang napangiti. Ang lakas ng loob na sabihin na gustong makita ang anak, ni magulang pa lang naman ang nakita nito kinakabahan na.
“I'm okay. I can do it. I'm not nervous.” Paulit-ulit itong nagbuga ng hininga nang harapin siya.
Dumukwang siya papalapit dito at dinampian ng halik ang labi nito. “Don't be nervous. Hindi naman sila nangangain. You already talk my mom. Sabi mo pa nga business partner mo si Kuya Jacin, si Daddy naman ay kaibigan ng Lolo mo. Si Kuya Mirk at Kuya Mauve na lang ang hindi mo pa masyado nakakausap. They won't bite you, Hon.” Hinaplos niya ang pisngi nito bago bumama ng kotse.
Naglakad siya papalapit sa mga ito. She's kissed them in the cheek. Nang marinig ang pagsara ng pinto ng kotse ay nilingon niya agad si Sawyer.
“Is he the one who deflowered our princess while not married yet?” Her Kuya Mirk was enraged while giving Sawyer a death glare.
Nakita niya ang paglunok ni Sawyer. Nakagat niya ang labi upang pigilan ang tawang gustong kumawala sa kanyang labi.
Nang akmang lalapit si Kuya Mauve niya ng pigilan ito ni Jacin. “Damn you! Lumapit ka dito.” Masama ang binabatong tingin nito kay Sawyer.
“Calm down, Mauve.” Napataas ang kilay niya ng makitang parang kalmado pa si Jacin. Pero napailing siya ng tatakbo sana ito papalapit kay Sawyer ng hilahin siya pabalik ng daddy nila. “Dad, let me go! I'll punched that shit.”
Sawyer was taken aback because of that. Ayan nagpupumilit siyang pumunta dito eh. Akala niya ay okay na dahil nakikita naman niyang parang wala namang gagawin ang daddy niya sa binata ngunit nagkakamali siya. Mabilis itong lumapit kay Sawyer at binigyan ito ng malakas na suntok.
“Daddy!” sigaw niya.
“Love! Ano ka ba!” sigaw din ng mommy niya at nilapit ang asawa.
Lalapit sana siya kay Sawyer ngunit nakita niya ang pag-iling nito sa kanya. Okay fine! Ayaw nito ng tulong niya. Imbis na ipilit ang sarili ay nagkibit-balikat lamang siya at pumasok sa loob. Kaya na naman ng mommy niya ang apat na iyon.
“Love, where are they?” Nakita niyang nakaupo si Nate sa living room at nanonood ng... Tom and Jerry? What the hell?
Gusto sana niya itong asarin ngunit pinigilan niya ang sarili. Gulat na tumingin ito sa kanya. “Nandito kana? Saan ka natulog kagabi? Sino ang naghatid sa'yo?”
Ngumuso siya. Wala itong alam. Akala niya ay sinabi na ng mommy niya sa mga ito? Inosenteng itinuro niya ang labas kung saan naroon ang kanyang magulang at Kuya.
“Nandoon sila sa labas. Si Sawyer ang naghatid sa 'kin, hmm sa kanya ako natulog. Akala ko ba sinabi na ni mom— ” Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil mabilis itong tumayo at tumakbo papalabas ng mansion.
Nathaniel Loveminn Sandejas was her cousin. Si Nate or Love ang pinsan niya na hindi masyadong kilala dahil gusto nito ng simpleng buhay. Ayaw nito ng maraming kamerang nakasunod sa bawat galaw nito. Bata pa lang ay hindi na ito masyadong exposed sa mga tao. Mas gusto pa daw nitong magmukmok sa kwarto imbis na makipaglaro sa mga bata at pinsan. Nang magbinata naman ito ay nahiligan na nitong mag- travel. He introduced himself to other people as Nate Vergara. His using his mother surname para hindi makilala. Sandejas is a unique surname at iilan lang ang Sandejas sa bansa kaya madaling makilala ka kapag nagpakilala kang isang Sandejas. Anak ito ng Tito Kajill niya, ang ikatlo sa mga kapatid ng Daddy niya.
Umakyat siya sa ikalawang palapag at dumeretso sa playroom ng kambal. Katabi lang ito ng kwarto nila. Hindi na siya kumatok pa at pumasok na lang.
“Did you already finished it, Kuya?" Heitel asked her twin while cutting the paper.
Heirin shook his head. “Not yet. I just attached this,” referring to the flower design. “then put some design in here.” Then he pointed the other side of the scrapbook he was holding to.
Hindi niya alam kung anong ginagawa nila. Anong gagawin nila sa scrapbook na iyan. Nang hindi na siya makatiis ay lumapit siya sa mga ito.
“What are you doing? And why are you cutting my picture, Heitel Xer?” Masama ang mukhang tanong niya.
He was cutting it in zigzag. Nangunot ang noo niya. Mukhang nagulat pa nga ang mga ito sa biglaang pagsalita niya. Nanlalaki ang matang tumingin ang dalawa sa kanya. Dali-dali nilang tinago ang ginagawa.
“Mom? Why you didn't knock?” Heirin asked that make her eyebrow up.
“Ano nga ‘yan?” Hindi niya sinagot ang mga ito.
Ayaw pa sana nilang sabihin pero pinandilatan ko sila ng mata. Dahan-dahan namang nilabas ni Heirin iyon at ibinigay sa kanya.
“It's a scrapbook mom, we will gave it to daddy someday.” Nahihiya pang tugon ng anak ni Heitel.
Napanguso siya. May kung anong humaplos sa puso niya. “Come here to mommy, I want to tell you something.”
Sabay na tumayo ang mga ito at niyakap siya. Nakangiting niyakap niya ito pabalik. “Mommy, we love you po.”
“I love you both.” Nang humiwalay sila ay hinawakan niya ang mga pisngi nito. “You want to see daddy?”
Natigilan ang mga ito, sabay na natulak. Cute. “Can we, mom?”
Tumango siya at ngumiti. “Your dad was downstairs. He's waiting for you. Go, come to your dad.”
Nagliwanag ang mga mukha nila. Akmang tatakbo na ang mga ito palabas ng matigilan. Nakatingin sila sa iisang direksiyon, sa pinto. Tumingin naman siya doon. Napataas ang kilay niya ng makita doon si Sawyer, nakasilip. Nakikita niya ang panunubig ng mga mata nito habang nakatingin sa mga bata.
“D-Daddy?” Garalgal na tawag ni Heitel sa ama.
Tumayo siya at nilapitan si Sawyer. Hinila niya ito papasok, sa harap ng mga bata. Nanghihinang umupo ito ng bahagya upang napantayan ang dalawa.
“A-Anak ko.” Tumingin ito sa kanya ng may luha sa mga mata. “Flower, they're just like me.”
Tumango siya nang mamasa ang mga mata niya. “Yes, hon. Go and hug them.”
Sinunod naman nito. He hugged them both. Heirin and Heitel cried while hugging their father. Ganoon din naman si Sawyer. Nang akmang tatayo siya ng hilahin siya ni Sawyer saka niyakap din ng mahigpit.
“Daddy, we miss you so much po.” Lalong lumakas ang iyak ni Heitel at Heirin. Hinagod naman niya ang likod ng mga ito. Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha niya.
“Miss din kayo ni Daddy. Mahal na mahal ko kayo anak.” Sawyer tighten his hug.
Nang matapos ang iyakan ay binuhat ni Sawyer ang dalawa saka lumabas ng playroom. Huli na ng mapansin ni Mekalayne ang pasa sa mukha ni Sawyer.
“What happened to your face?”
Umiling ito. “It's nothing.”
“Who did that, Sawyer? Subukan mong huwag sabihin sa 'kin malilintikan ka.” Pero kahit anong pananakot na gawin niya ay ayaw talaga nitong sabihin iyon sa kanya. “Fine. Kung ayaw mong sabihin eh ‘di don't.” Umirap siya at naunang maglakad dito.
“Flower!” Hindi niya pinansin. “Nagsusungit na naman ang Mommy niyo.” Kausap nito sa mga anak.
“Let's lambing her later, Daddy.” It's Heitel.
“Where are we going now Daddy?” Heirin asked.
“In my house. Magpapaalam lang muna tayo sa Lola at Lolo niyo. Doon muna kayo kahit two or three days lang ha?”
“We love to Daddy. Mommy will come po ha?” Ang kulit talaga ng Heitel niya.
“Of course son.”
Nagtungo siya sa garden at doon nga niya nakita ang magulang at Kuya's niya. Lumapit siya sa mga ito na nakasimangot.
“Sino gumawa kay Sawyer no'n?” bungad niya na kinagulat ng mga ito.
Nang umiwas ng tingin ang mga lalaki ay tumingin siya sa Mommy niya na umiiling-iling. “Mom?”
Nginuso naman nito ang mga lalaki. “They did. Pinigilan ko na nga aba'y matitigas ang ulo. Kung hindi ko pa tinakot na magagalit ka sa kanila, hindi pa titigil ang mga iyan.”
Pinandilatan niya ang mga ito. “What the? Daddy naman.”
Mabilis naman na tumingin sa kanya ang daddy niya na nanlalaki ang mata. Itinuro nito ang mga lalaking katabi, mga anak din nito. “Why me lang? They punched him too.”
“Nakakainis— ”
“Flower, it's okay. I deserve this so it's okay.” Nagsalita si Sawyer sa kanyang likuran kaya hinarap niya ito at inirapan.
“Deserve mo talaga ‘yan, gago!” bwelta ng Kuya Mirk niya.
Sinamaan niya ito ng tingin, kasama na ang ibang lalaki. Buti na nga lang at tahimik ang mga anak niya. Busy sila sa paglalaro ng buhok ng ama. Tumingin siya sa Ina.
“Mom, doon muna kami sa bahay ni Sawyer for two or three days.” Lumapit siya dito at binulong ang panghuli. “The next day is Sawyer's birthday, we will celebrate it together.”
“Sure honey, just text or call me okay?”
“Yes mom.” Lumayo na siya at tinungo ang mag-ama niya.
“Bakit two or three days? Pwede naman kayong umuwi— ”
“Dad, we're going now. Bye everyone!” Hinila na niya palabas si Sawyer. Mabuti na lang at hindi ito nabibigatan sa dalawa.
“What? Princess— ”
“We're going to Daddy's house. Heirin, are you excited?”
“Yes!” Sabay na humagikhik ang dalawa na siyang kinailing niya.
Pagdating sa bahay ni Sawyer ay nakita nagtaka sila dahil bukas ang pinto ng bahay nito. Tumingin siya sa binata.
“You didn't lock the door?” she asked.
“I locked it.” Kunot ang noong saad nito. Ibinaba muna nito ang dalawa, hawak nila ang kamay ng kambal ng pumasok sila sa loob.
Maayos naman ang loob ng bahay. Wala naman sigurong magnanakaw dahil wala namang nakakalat sa paligid. Nagkatinginan pa sila ni Sawyer. Nang may narinig silang kaluskos sa kusina ay nagtungo sila doon. Ngunit hindi pa sila nakakapasok ng tuluyan ng may babaeng sumulpot sa harap nila.
“Babe, surprise.”
What the hell?I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story
24/10/2022
0nice
28/07/2022
0sobrang Ganda ng kwento may kasunod pa ba to author? sayang kung di matatapos( Author Wala na ba tlga tong kasunod sayang nman Ang Ganda p nman ng kwento mo (thank you sa pag update sana tuloy2x na hehehe)
14/07/2022
0Tingnan Lahat