Homepage/Pain After Pleasure/
Chapter 47
HINDI maiwasan ni Mekalayne ang kabahan ng unti-unting lumapit sa kanya so Sawyer. Gwapong-gwapo ito sa suot na tailored dark brown suite na may brown fitted shirt sa ilalim at brown pants, ang pansapin naman nito sa paa ay isang mamahaling leather shoes. Napakurap-kurap talaga siya dahil first time niyang nakitang naka formal attire si Hieven ng harap-harapan.
“W-What are you doing? Stay where you are!” Ngunit hindi nakinig si Sawyer sa kanya. Naikuyom niya ang mga kamay.
“You really don't want to talk to me?” Napailing siya ng mahimigan ang sakit at lungkot sa boses nito. Hindi siya nito makapapaniwala.
Ano pa bang kailangan nito sa kanya? Gusto lang naman niyang sumaya, bakit kailangan pa siyang guluhin nito? Kung kailan malapit na niya itong makakalimutan ng tuluyan?
Naglakad siya patungo sa pinto ngunit hindi pa siya nakakalabas ng tumunog ang kanyang cellphone, nasa kanyang kama. Ayaw pa sana niya itong pansinin ngunit napatingin siya kay Sawyer. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at sinagot ito, upang makaiwas din siya sa dito.
“Hello?” she start the conversation.
“Is he there with you?” Napatingin siya sa kanyang cellphone ng marinig ang boses ni Jedrix.
Alam niya kung sino ang tinutukoy nito. Ngunit nagtataka lang siya. Bakit parang nakakalimutan na ng mga ito ang ginawa ni Sawyer sa kanya? Nakalimutan na ba nila na sinaktan siya nito?
“Why Jedrix?” naguguluhang tanong niya. Alam niyang naiintindihan nito ang tanong na iyon.
“I know what you're thinking. You need to stop it right now. Hindi kasi gano'n iyon, Princess, hindi namin siya kinakampihan okay?”
“Then why?”
Bumuntong-hininga ito. “We know the truth. Meira, alam namin na nahihirapan ka noon pero nasaktan din siya. Habang hindi mo alam ang katotohanan ay patuloy kang masasaktan. Bakit hindi mo siya pakinggan muna? Paano kang makakamove on ng tuluyan sa nakaraan kung patuloy kang nasasaktan?”
Natigil siya. Sinulyapan niya si Sawyer na nakayuko lang sa gilid niya. Kuyom ang mga kamay nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata.
“I'm done. I'm move on already. So stop now!”
“Did you? You sure, Meira? Kasi sa tingin namin ay hindi pa. If you're already move on sana madali na lang para sa'yo na pakinggan siya. But look at you, you're avoiding him. Imbis na ayusin, tinatakasan mo. Alam namin ang pinagdaanan niya— ”
A tear falls from her eyes, followed by another and then another until her cheeks becomes wet and damp.
“And you don't know what I been go through.” Putol niya dito.
“Because you cut your communication with us! Paano namin malalaman kung hindi naman namin alam kung saang lupalop ka ng mundo? We find you, we do everything to find you but someone block us... or better say you block us to find you!” He's livid now, and Mekalayne felt it.
Hindi siya nakapag-salita. Nadali siya nito sa salitang iyon. Unang beses siyang binigyan ni Jedrix ng ganoong boses, and he know na kasalanan niya. Hindi niya maiwasang tuloy-tuloy na tumulo ang kanyang mga luha.
“I'm sorry! I'm sorry, Jedrix!”
“Stop it! Just talk to him.” Pinatay nito agad ang tawag.
Binitawan niya ang cellphone. Tinakpan niya ang mukha ng dalawang kamay saka umupo sa kama. Naramdaman na lang niya ang yakap ni Sawyer sa kanya. Umiling siya. Pilit niya itong tinutulak ngunit ayaw nitong bitawan siya.
“Shh, it's okay. It's okay, flower.” Hinaplos pa nito ang likuran niya.
“D-Don't touch me! Bitawan mo ako!” Hinampas niya ang dibdib nito habang umiiyak.
“Let's talk.”
“I don't want.” Tinutulak na niya ito.
“Please Flower, just this one. After you heard it all lalayo na ako kung iyon ang gusto mo. Gusto ko lang linawin sa'yo lahat. About Ailaine and Me. Just hear me out, Flower.” Hindi niya alam kung namamalik-mata lamang ba siya ngunit nakita niya ang pagtulo ng tulo sa kabilang mata nito.
Iyon ang nakapagpatigil sa kanya. Parang tumigil sa pagtulo ang mga luha niya. Tinitigan niya ito sa mata. At doon niya nakita ang sakit, lungkot at pangungulila sa kanya. Anong sinasabi ni Jedrix na pinagdaanan nito? Naguguluhan siya.
Bakit parang kasalanan niya na dinanas nito ang bagay na hindi niya alam? Sa pagkakaalam niya kasi ay ito ang nanloko sa kanya... ito ang lalaking sinaktan siya ng sobra. Kaya paanong ito pa ang may pinagdaanan sa kabila ng lahat nang ginawa nito?
Padarang niya itong tinulak, buong lakas niya ibinigay niya makawala lang sa mga bisig nito. Nagawa naman niya iyon. Tumayo siya sa harap nito.
“Usap ang gusto mo? Sige mag-usap tayo. Pag-usapan natin ang lahat. Simulan natin ang panlolokong ginawa mo!” sigaw niya. Gigil na gigil na siya.
“Flowe— ”
“Shut up! Just shut up!” sigaw niya at dinuro ito. “Stop calling me that! Dahil dinadagdagan mo lang ang galit na nararamdaman ko sa'yo!” Tumingala siya. “You fooled me good, I tell you that. But I will never let you again. I trusted you and you destroyed my trust so easily.”
Hindi niya ito matingnan sa mga mata. Alam niyang mahihirapan siyang sabihin ang lahat kung patuloy niyang makikita ang sakit sa mga mata nito.
“I'm not fooling you, Meira Hayaizel. Naglihim ako sa'yo pero hindi kita niloko.”
“Ano na namang kasinungalingan 'yan? Akala mo maniniwala pa ako? Huwag mo akong pakitaan na nasasaktan ka kasi sa ating dalawa ako ang mas nasaktan. Anong karapatan mong masaktan kung ikaw naman ang dahil ng paghihirap na nararamdaman ko? Ikaw ang dahilan kaya nangyayari ito.” Marahas pa niyang pinunasan ang mga luha.
“Nilihim mong nakaalala kana. Nilihim mong ikakasal kana sa iba. Nilihim mong magkakaanak kana. So stop acting like you're in pain too kasi wala kang karapatan. You're married now, nakikita ko naman na masaya kana sa kanya kaya nagtataka ako kung bakit nandito ka pa? Kung bakit kailangan mo pa akong puntahan? For what Sawyer? Para saktan ulit ako? Ang kapal na ng mukha mo!” Bakit patuloy pa din sa pagtulo ng mg luha niya?
Hindi niya maintindihan. Nanumbalik sa kanya ang lahat ng sakit. She feel the pain, her heart felt like it's broken into pieces. Nadudurog na naman siya. Gusto lang naman niyang sumaya.
“Kung pakikinggan mo ako, alam kong maiibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman mo. Kung pakikinggan mo lang, maintindihan mo ‘ko Meira... maiintindihan mo kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Sarado kasi ang puso mo sa lahat ng paliwanag ko... sa lahat ng sasabihin ko. Parang awa mo na. Buksan mo naman ang puso mo, kahit ngayon lang sana.” Nagulat pa si Mekalayne nang bigla na lamang lumuhod si Sawyer at niyakap ang baywang niya. Para siyang natuod.
Hindi siya makapaniwala. Isang Sawyer Zane Samiz ang lumuhod sa harap niya. Nagpumiglas siya just like what she always did. Ayaw talaga niyang hinahawakan nito.
“Open my heart to you? Pakikinggan lang kita maiibsan na ang sakit na nararamdaman ko? Ano ka gold? K-Kahit anong sabihin mo Sawyer, hinding-hindi kita maiintindihan. Hindi ko alam kung gaano kakapal ang mukha mo para sabihin iyan sa 'kin. Bakit hindi ka na lang bumalik sa mag-ina mo? Nag-iisip ka pa ba, ha? Think about your family now, andiyan lang sila sa labas ng mansion Lucas. Nasa labas lang. Naiintindihan mo? Kung wala kang pakialam sa nararamdaman ko isipin mo na lang ang mararamdaman ng mag-ina— ” Nagulat si Mekalayne nang tumayo ito, salubong ang kilay at hindi maipinta ang mukha.
“AIKE IS NOT MY DAUGHTER! SHE'S NOT MINE.” Mekalayne step back when Sawyer shouted that words.
Hindi pa nagpoproseso sa kanya ang sinabi nito. Nakatayo lang siya na parang tuod. Ang luha niya ay umurong na yata. Pakiramdam niya'y umiikot ang paningin niya. She's confused.
Anong pinagsasabi nito? Aike? Is it the name of their daughter? Muling nag-echo sa kanya ang sinabi nito. Not his daughter? Sino bang niloloko niya?
Umiling-iling siya. “You want me to believe that? Ano bang kailangan mo, Sawyer? Bakit kailangan mo pang guluhin ang buhay ko? Maayos na eh... I'm slowly recovering from the pain you cause. Hindi pa ba sapat ang sakit na ibinigay mo? Gusto mo pang dagdagan?”
“I'm telling the truth. Hindi ko asawa si Ailaine. Nalaman ko noon na niloloko niya ako. Nasa isang relasiyon pa kami ng lokohin niya ako. Alam ko sa sarili kong ikaw lang ang minahal ko. Kahit minsan hindi ko naramdaman sa kanya ang nararamdaman ko para sa'yo. Hindi ko siya minahal, Flower. Pinagkasundo lang kami ni Mommy noon, hindi ako makatangi dahil pilit nilang sinasali si Lolo sa rason nila na alam nilang hindi ko iyon matatangihan. Nang makabalik kami sa Manila ay pinutol ko na ang ano mang relasiyon namin ni Ailaine. I don't love her, I never did.”
Gusto niyang magsalita ngunit pinangungunahan siya ng kaba. Yumuko siya at umiyak. Lumapit naman lalo si Sawyer upang iangat ang mukha niya, pinunasan nito ang kanyang mga luha.
“Pananagutan ko ang bata, iyon ang sinabi ko. But Noele talk to me, doon ako nagising. He asked me kung paano ako naging ama ng batang dinadala ni Ailaine. Kailan ba namin ginawa iyon? Did we sex after Ailaine fly in Philippines? Para akong tinapunan ng bomba ng mapagtanto iyon. Ilang buwan nang walang nangyari sa amin ni Ailaine bago siya umuwi ng Pilipinas. I confront her, but she denying it all along. I demand a DNA test pagkalabas ng baby pero nagalit siya, hindi siya pumayag. And we know na may hindi siya sinasabi sa akin. Kaya kinausap ko ang doctor niya ng patago para gawin ang DNA test paglabas ng baby. And we're right, I am not the father of her daughter. Her doctor give me the DNA test, it's negative. She fool us, Flower.”
“But I'm happy, you know. Gusto kong magkaanak pero hindi sa kanya. You are what I want to be my child mother.” Hinagkan nito ang noo niya ng sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. “Bumalik ako. I returned to the island for you... but you're not there anymore. Your friends punch me like there's no tomorrow. They just stopped giving me a hard beat when Jelai come. Kung hindi ito dumating ay hindi nila ako titigilan. Nalaman ko kay Jelai na nasa Manila ka at lilipad patungong States. When I returned to Manila I was looking for you in private my investigator, but he returned without any information. I didn't stop, I never give up.”
“But years come still I didn't find you. Someone blocking us. Sinisi ko ang sarili ko, kasi ako naman ang may kasalanan kong bakit nangyayari iyon. You left because of what I did. Sino nga naman ang hindi masasaktan sa ginawa ko 'di ba? Gago kasi ako. Gago ako para saktan ka ng ganoon. Damn it! It's all my fault and I knew it.” Nanlalabo na ang mga mata ni Mekalayne. Ngunit sobrang natigilan siya sa susunod nitong sasabihin. “So I told myself na hihintayin kita. Pero hindi ko inaakala na mababaliw ako kakahintay sa pagbabalik mo. My friends brought me to rehab. Dalawang taon din akong nanatili doon. Sino ang maniniwala na isang Sawyer Zane Samiz ang pina-rehab? I'm fucking mess that time. Nangungulila ako sa'yo. Nang makalabas naman ako ay nagpatuloy ako sa paghahanap sa'yo.”
Naranasan niya iyon? Lalong lumakas ang iyak niya. Kung hindi ba siya tanga. Pareho lang naman silang nasaktan. And it's because of Ailaine. Bakit kailangan nitong magsinungaling? Bakit niya sinabing anak ni Sawyer ang batang dinadala niya.
“But if you're not with Ailaine, bakit nasa family store nang una kitang makita?” she asked while sobbing.
“Oh that? Nagpapasuyo si Mechael bumili ng family couple. Sabi niya ay para sa pamangkin niya iyon. He's busy that day and I am not, so ako na ang bumili. Pwede ko naman sanang ipasuyo iyon sa secretary ko pero may nagtulak sa akin na gawin iyon. So I did it by myself at nagkita kami ni Ailaine, she come with me. Hindi naman ako nagsisi kasi nakita kita.”
“What about in the office of Shaella? What are you doing there? Who's that woman calling you darling?”
“She is my brother's wife. Sinamahan ko siya kasi ako ang gusto niyang kasama. She's pregnant at ang sabi ni Kuya ay ako ang pinaglilihian niya.” Nakita niyang sumimangot ito. Nang umangat ang tingin nito sa kanya ay malamlam ang mukha mukha nito. “Are we okay now? Do you forgive me?”
They are? She don't know. Hindi niya alam kung okay na ba. But she didn't felt the pain anymore. Nakahinga na siya ng maluwag.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story
24/10/2022
0nice
28/07/2022
0sobrang Ganda ng kwento may kasunod pa ba to author? sayang kung di matatapos( Author Wala na ba tlga tong kasunod sayang nman Ang Ganda p nman ng kwento mo (thank you sa pag update sana tuloy2x na hehehe)
14/07/2022
0Tingnan Lahat