Chapter 46

THE day of her party were come. Gaganapin ito mamayang gabi sa mansion ng mga Sandejas. Naka-ready na ang lahat. Their stylist, make up artist at ang iba pa. At dahil allergy siya sa mga kolorete sa mukha, para lamang iyon sa mga Tita's, Mommy at kay Shaella.
“Are you ready? After how many years, makikilala ka na din nila. Your true identity with be leak, Meira. Ito na ang hinihintay ng mga Sandejas.” Nakikita ni Mekalayne mula sa salamin ang mukha ni Shaella, abot tainga ang ngiti nito.
“Of course I'm ready. Ilang taon ko ‘tong pinaghandaan. Ang bilis ng panahon noh?” Malungkot na ngumiti siya ng sulyapan ang picture frame ng Nanay Viona at Tatay Miguel niya. “Parang kailan lang sabay tayong bumababa para maligo sa dagat, parang kailan lang sabay pa tayong nag-aaral. Naranasan kong sumaya at umiiyak dahil kay Sawyer. Sobrang bilis Shaella, na minsan naiisip ko na lang paano kung hindi ako kinuha ni Nanay noon?”
“Kung hindi ka kinuha ni Tita noon, hindi mo makikilala ang mga kaibigan mo, hindi mo kami makikilala. Hindi mo din makikita si Sawyer sa tabing dagat, baka sa iba pa siya nainlove.” Ngumiti ito sa kanya. “Hindi mo mararanasan ang saya sa piling niya at lalong wala kang Heitel at Heirin ngayon.”
Napatango siya. Shaella was right. Kaya hindi siya nagalit ng sobra sa Nanay Viona at Tatay Miguel niya sa ginawa ng mga ito. Kasi kahit hindi niya nakasama ang tunay niyang pamilya at nakilala niya ang mga taong itinuring siyang pamilya at nagpapasaya sa kanya. They're the reason why she have Heitel and Heirin now.
“After the party, I'll go back to Isla Berde. Kapag maayos na ang lahat, babalik kami do'n.” Napapikit siya ng maalala ang sinabi ni Shaella bago siya magtungo noon sa Brazil kasama ang mga Sandejas. Iyon ang tumatak sa kanya. Kasi kahit siya alam ang bagay na iyon.
‘You're never going to forget him. You're always going to love the color of his eyes, and you're always going to search for someone with the same contagious laugh. You're never going to fully get over him. You're going to have those nights when all the regret and pain comes rushing back. You're going to miss him with all of your heart but you're going to be okay.’
Years come but she never forget him. Sinasabi niyang naka-move on na siya pero hindi. Alam niya sa sarili niyang hindi niya kaya iyon. Kasi kahit na lumalabas siya ng mansion nila ay nakikita niya o hinahanap niya sa ibang lalaki ang bagay na mayroon si Sawyer. Every night nanunumbalik sa kanya ang saya at sakit na nararamdaman niya. She miss him so much kahit na sobrang nasasaktan na siya.
She cut her communication in Philippines because of him, nakita niya kasi sa balita na nanganak na ang fiance nito. Sawyer was smiling on that picture like he's so much happy. After seeing that picture she question herself. Paano kung malaman nito na buntis siya? Ganoon din ba ito kasaya?
“Did you talk already him, right? Matino mo ba siyang kinausap?” Panandalian siyang natigilan.
“Huwag na muna natin siyang pag-usapan.”
Napailing ito. “Meira, I'm telling you just talk to him. Kapag nalaman mo ang lahat alam kong may magbabago. Hindi mo pagsisisihan kapag sinubukan mo.”
Hindi siya nakapag-salita pagkatapos no'n dahil pumasok na ang stylist kasama ang Mommy at Tita's niya. Nagsimula na silang ayusan. Nauna lang ang Tita's, Mommy niya at si Shaella, siya ang panghuling inayosan dahil mabilis lang naman sa kanya.
Minsan napapaisip din si Mekalayne kung pakikinggan ba niya si Sawyer or hindi. Paano kung magsinungaling ito sa kanya? Ano tanga na naman siya? Ngunit si Shaella din ang nagsabi na pakinggan ito. Did she know something para sabihin iyon sa kanya? Even Mechael and her other friends said it. Mekalayne shook her head. Pag-iisipan pa niya ang bagay niya iyan. Hindi pa naman kasi niya tuluyang nakakalimutan ang nakaraan, naroon pa din ang kirot at sakit na pinaramdam nito. Gusto lang niyang ingatan ang puso nilang mag-ama.
Nakasuot siya ng isang tight fitting gown that revealed her figured with a ruffled layers skirt. Spaghetti strap iyon kaya kitang-kita ang balikat niya at medyo mababa ang likod kaya pati tattoo niya ay nakalitaw. Pinatattoo niya iyon sa Brazil, isang malaking bulaklak na roses mayroon itong mga tinik. Kulay cream ang gown na hapit na hapit sa katawan niya. Naka messy bun siya at nakasuot ng isang black diamond earrings. She didn't put some make up dahil alam niyo na nga.
“THANK you everyone for coming tonight. This is the first biggest event we celebrated in so many years so we're very grateful that you're here to celebrate with us. This night is the right time to introduce you the Unica hija and the only heiress of Sandejas Family! Many years have past, the only heiress of Sandejas family is already here. Akala ko talaga ay hindi na namin siya makikita pa but we're thankful kasi may mga taong tumulong sa amin. Lubos kaming nagpapasalamat sa kanila and I want you to welcome them here in stage, Mr. and Mrs. Montalva and with their son and daughter.” Nagpalakpakan ang mga naroon nang umakyat ang Tita at Tito niya kasama si Mechael at Shaella.
“Sobrang sakit sa amin noon ang magkawala ni Hayaizel. Halos mawalan na kami ng pag-asa. Halos ikamatay ko ang pagkawala niya. Pero isa ang hindi ko pinagsisihan sa lahat, ang makilala ang taong kumuha sa kanya. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi niya makikilala ang mga taong itinuring niyang pamilya, hindi niya makikilala ang mga kaibigan niya na naging sandalan niya. Worth it ang paghihirap namin noon sa paghahanap sa kanya. At nagpapasalamat din kami sa dalawang taong iyon, dahil sa kanila lumaking may magandang puso ang aming anak. She's so good, mapagmahal at maalaga. Sabi nga ni Mrs. Montalva, kahit sino ay gugustuhin siyang maging anak.” Hindi maiwasan ni Mekalayne na maluha sa sinabi ng Ina.
Kahit hindi sabihin ng Ina niya ay nararamdaman nito sa itinuring niyang magulang ngunit ramdam niya ang pagpapasalamat ng mga ito. Ni minsan ay hindi pa niya narinig ang lahat ng ito. Nakakataba ng puso. Kahit sobrang nahirapan sila noon sa pagkawala niya nakaya pa din nilang patawarin ang Nanay Viona at Tatay Miguel niya.
“Kaya ng tumawag sa amin five years ago si Mrs. Montalva na kasama na nila ang anak ko sa Manila ay agad kaming pumunta doon. Wala kaming sinayang na oras. Lahat kaming nga Sandejas nagbyahe patungo sa bahay nila. Ang ganda ng anak ko. Hindi ako makapaniwala na lalaki siyang ganoon kaganda.” Buti na lang talaga may dala siyang panyo. “Matagal na sana namin ginagawa ito ngunit hindi pa siya handa. So we decided after five years we will go back in the Philippines and introduce her to all people. And now, she's finally here.”
Kinakabahan din siya. Hindi niya inaakala na sobrang dami ang dadalo. Hindi mabilang ang mga reporters ang nandito. Ang sabi ng Daddy niya ay nandito din sa party ang mga kompare nito sa negosyo. It means mga begatin. Pasilip-silip siya sa venue, hinahanap ang mga kaibigan niya.
“Nangangalay na ang paa ko Kuya Jacin,” nakabusangot na saad niya na siyang kinabaling ng tatlo sa kanya.
“Princess, sit down first.” Hinawakan pa ni Mirk ang kamay niya at pilit siyang pinapaupo ngunit ayaw niya.
Umiling siya saka lalong ngumuso sa mga Kuya. Lumapit naman lalo ang mga ito sa kanya. They are we're a formal attire too, alam naman na magsasando lang siya sa party ano?
“Konting tiis na lang, Princess, aakyat na din naman tayo.” Kinuha ni Jacin ang kaliwang kamay niya at nilagay sa braso nito. Ganoon din ang ginawa ni Mirk sa kanang kamay niya.
Ang matanda sa tatlo ay si Mauve, sumunod si Mirk and then si Jacin, siya ang bunso. Si Nate ay hindi niya alam kung nasaan. Bigla-bigla kasi itong nawawala.
Nang tawagin na ni Mommy niya ang mga Kuya niya ay nanatili lamang ang mga ito sa tabi niya. Kaya nagtaka ang mga tao ng wala ni isa sa kanila ang umakyat. At nang bumaling sa puwesto nila si Mommy niya at nakita nito ang ayos nila. Natawa pa ito bago umiling.
“I want to introduce again my son's with our precious.... Mauve Cein, Mirk Zio, Jacin Aze and the princess of Sandejas Family, Meira Hayaizel Sandejas.” Ibinilin muna niya sa isang Tita niya ang kambal nang tawagin ang pangalan nila.
Sabay silang apat na umakyat sa taas ng intablado. Magkabilang nakaalalay sa kanya ang dalawang Kuya at si Mauve naman ay naroon sa harap nila, nangunguna. Bahagya siyang nakayuko kaya nahihirapan ang mga taong makita ang mukha niya.
Sunod-sunod na nag-click ang mga camera. Nang marating ang puwesto ng Mommy at Daddy niya ay dahan-dahang umalis si Mauve sa harap nila. Tumahimik ang mga naroon. Tanging click lang ng camera ang naririnig nila. She confidently raise her head to look at the people in that party and her gaze stuck to her friends. Nabigla pa siya ng makita ang isang hindi inaasahang tao. Sawyer is there with Ailaine, nang bumababa ang tingin niya ay nakita niya ang isang batang babae.
Hindi siya nagpakita ng kahit anong emosiyon. Shock written on their faces lalo na ni Sawyer ngunit ang mukha ni Ailaine ay parang nagtataka pa. Kunot ang noo nito animo'y kinikilala siya. Hindi siguro nila inaasahan na ang babaeng niloko at sinaktan nila ay mas mayaman at makapangyarihan pa sa kanila.
Kinuha ni Mirk ang mikropono na ibinigay ng Mommy nila saka humarap sa maraming tao. “Thank you for coming this night, everyone! Itong gabing ito ay para sa nag-iisang prinsesa namin kaya gusto namin na sa kanya lang muna ang spotlight ngayon. So girls, kalmahin niyo muna.” Napatawa sila sa sanabi nito. Minsan talaga may pagka-babaero din ito. Walang pinipiling lugar.
Nang ibigay sa kanya ni Mirk ang mikropono ay nakangiti niya itong tinanggap. Tumahimik ang lahat. Natigilan pa siya ng marinig ang maliliit na boses mula sa backstage.
“That's our Mom!” It's Heitel voice.
“I know, okay? I can see it. Just shut up and watch, Heirin.” And that's Heirin voice.
“Papa Nate, why Mommy didn't speak yet? Is she nervous?” Makulit na tanong ni Heitel.
Naroon si Nate? Mukhang hindi sinasadyang nabuksan doon ang recording. Hindi pa siya agad nakareact doon hanggang sa marinig niya ang boses ni Nate.
“I didn't know, baby. Wait!” Sandaling tumahimik ang naroon hanggang sa narinig niya ang sunod-sunod na mura ni Nate at ang pagkawala ng mga boses nila.
She think someone text him. Nagkatinginan pa sila ng mga Kuya niya. Kaya bahagya siyang napatawa. Muling umingay ang mga naroon. Tinatanong kung sino ang mga batang iyon. Well wala naman siyang planong itago ang mga ito. Pwede niyang sabihin ang tungkol sa mga ito ngunit hindi pa maaaring ipakita sa madla para na din sa kaligtasan nila.
“Oh well that's my twins.” Ang daming napasinghap sa gulat ngunit mayamaya ay nakikita niya ang ngiti sa mga labi nila.
Hindi na niya tinangkang tumingin sa mga kaibigan niya dahil paniguradong magtatagpo ang mga tingin nila ni Sawyer. Ayaw niyang makita kung anong reaction nito.
“I have two boys already.” She smiled. “To all of you that come to this party, I just want to say thank you. Alam kong nasabi na din ito ng mga magulang ko at ni Kuya Mirk but I wanted to say it again. Hanggang ngayon talaga ay hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Sobrang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay nagluluksa lang ako sa pagkawala ng mga tinuturing kong magulang. Ang daming nangyari na hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala. Hindi ko na nga naalala kung kailan ko nalaman ang lahat. Sa sobrang daming nangyari nakalimutan ko na ang iba.”
“Sobrang bless ko lang dahil nakilala ko ang tunay na magulang ko. Nakilala ko ang sarili ko. Hindi man maganda ang nakaraan ko ay sobrang saya ko naman ngayon. Sa mga taong masaya sa pagbabalik ko ay nagpapasalamat po ako.” Bahagya akong yumuko at binigyan sila ng malawak na ngiti. Humarap siya sa mga magulang niya ang niyakap ang mga ito, nakisali pa ang mga Kuya nila.
Nang matapos ang speech niya ay pinuntahan niya ang mga kaibigan niya. Hindi niya pinansin ang isang taong mula pa yatang tumungtong siya sa stage ay hindi n inaalis ang tingin sa kanya.
“Hmm?” Umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ni Ellaine.
Ang tahimik nila. Nakatingin lang ang mga ito sa kanya animo'y isa siyang alien. Mukhang hindi pa naproseso ng utak nila ang lahat na nalaman. Well she can't blame them.
“Ano wala man lang magsasalita sa inyo?” taas ang kilay na wika niya.
Si Jedrix ang unang nakahulma. Kunot ang noo nito. “Are you playing with us? Why you didn't tell us?”
Pinaikutan niya ito ng mata. “It's a surprise, Jedrix. Don't be KJ nga diyan. But anyway, Mommy and Daddy wants to talk to all of you. After the party you'll come with me, understand?”
Sabay-sabay pa silang nagulat. “What? Why? Bakit nila kami kakausapin? Wala kaming ginawang masama sa'yo ah!” natatarantang sabi ni Ellaine.
Nagtaka siya. “Hindi na ba niya kayo pwedeng kausapin? And why not? You're my friends so of course they'll talk to you.”
“Siguro may sinabi kang hindi maganda tungkol sa amin noh? Kapag ikaw talaga may sinabi Meka--I mean Meira lagot ka sa ‘kin.” Nakanguso pa sa kanya si Jelai.
Natatawang umiling siya. “Of course not. Wala akong sinabi hindi maganda, well except for something I guess.” Nagkibit-balikat pa siya.
“Tsk! Imbis na dumaldal ka, kumain ka na lang. Sobrang payat mo. Bakit hindi ka man lang tumaba? Nagbago ka nga pero iyong katawan mo wala pa ding pinagbago. Siguro pinapagutom ka ng Nate na iyon no?” Ziegler said saka siya pinagsilbihan, pinuno nito ng kanin ang plato niya.
Si Braite ay kumuha ng juice niya, si Danniel at Terrein ay nag-aabot kay Braite ng mga pagkain. Halos malaglag pa ang panga niya nga matapos sila sa paglagay ng pagkain sa plato niya.
“Ano ako baboy? This is too much,” she scolded.
“Eat that kung ayaw mong si Sawyer pa ang magpakain sa'yo.” Banta ni Jedrix.
Bumusangot siya. Hindi na din siya nagsalita pa at sinimulan na lang ang pagkain no'n. Hindi din naman kasi siya matatalo sa mga ito. Anong laban niya sa siyam na iyan? Wala! Sakto namang matapos niyang ubusin ang pagkain niya ng may maramdaman ang tawag ng kalikasan. Nagpaalam agad siya sa mga kaibigan at pumasok sa loob ng bahay para magbanyo.
When she's done ay agad siyang lumabas. Sa kwarto niya siya nagbanyo. Pero halos takasan siya ng hininga paglabas niya ng banyo. P-Paanong narito ito dito? Sinong nagpapasok sa kanya? Tumambol ang puso niya sa kaba at gulat. Ang mga mata'y nanlalaki habang nakatingin dito.
“Meira Hayaizel Sandejas.”
“P-Paanong nakapasok ka dito?” kinakabahang sigaw niya at dinuro ito.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Marylynne Balladares Bayron

    nice story

    24/10/2022

      0
  • avatar

    nice

    28/07/2022

      0
  • avatar
    ogocjoan

    sobrang Ganda ng kwento may kasunod pa ba to author? sayang kung di matatapos( Author Wala na ba tlga tong kasunod sayang nman Ang Ganda p nman ng kwento mo (thank you sa pag update sana tuloy2x na hehehe)

    14/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata