Homepage/Pain After Pleasure/
Chapter 45
LEARN to be done. Not mad, not bothered, just done. Protect yourself, at all costs. Hindi na galit si Mekalayne dahil sa limang taon niyang walang kahit anong balita dito ay tapos na siya. Nang dumating sa buhay niya ang kambal ay nawala ang galit niya kay Sawyer. Paano nga ba siya magagalit pa dito kung kamukhang-kamukha nito ang kambal. Kapat nagagalit siya dito sa pakiramdam niya galit na din siya sa mga anak niya.
She's done with the pain she guess. She's move on, matagal na niyang tinapos ang lahat. Ngunit iyon ang inaakala niya, nang makita niya kanina si Sawyer sa mall ay nanumbalik sa kanya ang kirot ng kahapon. Bakit kasi kailangan pa nilang magkita? Sa laki ng Manila, bakit nagtagpo pa ang landas nila? Pinaglalaruan ba siya ng tadhana?
Wala na siyang pakiaalam dito, iyon ang alam niya. Pero bakit ganito na lang ang nararamdaman niya? Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso niya? Hindi ganito ang gusto niyang maramdaman. Akala niya kapag nagharap na silang dalawa ay wala na. Na okay na siya? Na handa na niyang makipagtitigan dito ng walang halong pagkailang.
“What are you doing here to my cousin's office?” walang emosiyon niyang tanong at naupo sa sopa na nandoon, kaharap ng inuupuan nito.
Mukhang hindi pa din ito makapaniwala. Nakaawang pa din ang labi nito habang nakatitig sa kanya. Bumuntong-hininga siya ng hindi pa din ito nagsalita. Nagkibit-balikat na lamang siya. Bakit parang gulat pa ito? Nagkita na sila kanina sa mall.
“Well nevermind.” Sumandal siya sa sopa at kinuha ang kanyang cellphone.
She need to divert her attention to something baka kasi hindi niya mapigilan ang sariling yakapin ito. Sa kabila ng nangyari ay namiss din naman niya ito. Sa kirot at sakit na naramdaman may parte pa din sa kanya na gusto itong makita at makasama.
“Mekay.” Napaangat siya ng tingin nang marinig niya ang boses nito. Pero imbis na sagutin ito ay kinunutan lang niya ito ng noo.
“Mekay, let's talk— ” She didn't tell him about her name? She didn't? Can't remember but she guess she did tell him.
“Pwede ba! Sinabi ko nang Meira ang pangalan ko at hindi Mekay or even Mekalayne! Hindi ka ba nakakaintindi? Napakasimple lang ng Meira, hindi mo pa masabi,” she's annoyed.
Mukhang nagulat ito. Pinakalma niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang paulit-ulit na sinasabi ang mga bagay-bagay. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Nagulat na lang siya ng tumayo si Sawyer at dahan-dahang lumapit sa kanya. Bahagya pa siyang napaisod ng upo.
“You changed, you're not my Flower anymore.” May mangungulila at lungkot sa boses nito. Nagulat siya lalo ng lumuhod ito sa paanan niya, holding her both knees. That call sign again. She hate hearing it.
“What are you talking about? Stop acting like we're okay, because we don't. Bakit ka ba nandito? Bakit kailangan pa nating magkita? And stop calling me that shitty name again.” Nang akmang tatayo siya nang pigilan nito ang baywang niya.
“Please, let me talk. Gusto kong ipaliwanag sa'yo ang lahat. Just let me talk, Flower. Kapag narinig mo na ang sasabihin ko, handa akong tanggapin ang pasiya mo.”
Her heart has already been hurt too much. She doesn't want another heartache.
“I don't want to hear anything from you. Ano magsinungaling ka? Nakakasawa ng pakinggan ang mga sinasabi mo.” Nagtagis ang bagang niya.
Nang tangkain nitong hawakan ang kamay niya ay iniwas niya ito. Bahagya niya nitong tinulak at tumayo. He followed her, trying to hold her hand. Paulit-ulit naman niyang iniwas iyon.
“Just hear me first Flower, please.”
Mariin ang pag-iling niya. “Wala kang karapatang mag demand ng kahit ano pagkatapos ng ginawa mo sa 'kin— ”
“I'm sorry! Please, Flower! I'm begging you! Just this one.” Nangungusap ang mga mata nito sa kanya.
Umiling siya. Hindi pa siya handa sa anong sasabihin nito. Paniguradong masasaktan lang siya. At ayaw niyang mangyari pa iyon.
Tinalikuran niya ito. “I'm not ready for that, Zane.” Akmang lalabas na siya sa opisina ng pinsan ng bumukas ito.
Pumasok si Shaella kasama ang isang babae. Para itong modelo. Mataas at maganda ang katawan, maamo din ang mukha nito. Doon natuon ang kanyang atensiyon. Nakita niyang patingin pa si Shaella sa kanya, nanlaki ang mata nito ng makita si Sawyer sa kanyang likuran.
“Miera,” she mumbled.
“Darling? You're here.” The girl angelic voice echoed to her ears. Natigilan siya ng lampasan siya nito at dumeretso sa kanyang likuran.
Ayaw niyang lumingon ngunit may nagtulak sa kanyang gawin iyon. She slowly turn her back to see them. Pero may kung anong sumakal sa puso niya ng makita ito. The woman hugging Sawyer.
Darling? Who is this woman? Akala ba niya ay kasal na ito at may anak na? Is he cheating on that girl? Or baka hiwalay na kaya naghanap na naman siya ng iba?
Umiwas siya ng tingin, nararamdaman niya ang kirot sa kanyang puso. Humugot siya ng malalim na hininga. Tiningnan niya si Shaella na umiling-iling na nakatingin sa kanya. Pilit siyang ngumiti.
“The twin is looking for you,” she said while smiling.
Nanlaki ang mga mata nito. “They're here?”
Tumango siya. “Yes, in VIP room 2. The squad is there too.”
“And Nate?”
Natawa siya. “He's there too...” she didn't finish her words when her phone ring. Tumaas ang kilay niya ng makita ang caller. “Speaking to the devil.”
“Darling, let's go home? We're done naman na.” Rinig niyang saad ng babae sa kanyang likuran, hindi naman niya narinig na sumagot si Sawyer kaya nagkibit-balikat na lamang siya. She answered that call.
“Love?” Lumapit si Shaella sa kanya at nakinig sa usapan nila.
She mouthed her. “On the loud speaker Miera, I want to hear him.”
Tumango siya at sinunod ang sinabi nito. “Where are you, babe? Ang tagal mo naman.”
Natawa si Shaella. “Hoy Nate, kasama niya kaya ako.”
“Kaya pala ang tagal niya. Hey daldal, pabalikin mo na nga babe ko dito.” Ang ingay talaga ng dalawang ito.
“I don't— ”
“Tita She, your so tagal naman. Hanap na ni Kuya Ver si Mommy eh.” Boses iyon ni Heitel kaya natigilan siya.
Fuck! Mabilis niyang inoff ang loud speaker. Umiling siya kay Shaella ng tumingin ito ng may pagtatanong sa mga mata.
“Baby, stay with your Papa Nate okay? Pabalik na kami ni Tita mo diyan. Sige na anak.”
“Sige Mommy. I love you!” Napangiti siya sa sinabi nito. Nakakataba talaga sa puso kapag naririnig niya ang salitang iyon mula sa anak.
“I love you too.” Then she ended the call.
Ngumiti siya kay Shaella saka ito hinila palabas. Hindi niya pinansin ang dalawa sa kanilang likuran. Kaya hindi nila napansin ang pagsunod nito. Malapit na sila sa room nila ng marinig ang boses nito.
“Mekay.” Putragis! Ilang ulit na ba niya sinabing huwag siyang tawagin sa pangalan na iyon?
Pinauna niyang pumasok si Shaella sa room at hinarap muna ito. Hindi pa nito maaaring makita ang kambal. She's not ready for it. Wala naman siyang plano na itago dito, pero talagang hindi pa siya ready ngayon. Siguro kapag pareho na silang maayos. Na wala ng awkwardness silang nararamdaman sa isa't isa.
“What do you want? Hindi ka talaga titigil sa kakatawag niyan sa 'kin? Narinig mo naman siguro ang tinawag ni Shaella sa ‘kin right? Ipipilit mo talaga ang gusto mo?” kunot ang noong tanong niya, not minding her heart beat... not minding the awkwardness she felt and not minding the pain she was feeling right now.
“Mekalayne is your name— ”
“It's not. Meira is my name, Zane.”
Tumiim ang bagang nito. “Stop calling me Zane!”
Ngumisi siya dito. “Then stop calling me Mekay or whatsoever it is.”
Nasaan na ang babae nito? Don't tell her, iniwan nito iyon? Ang kapal ng mukha! Pagkatapos siyang lokohin, ginawa naman nito ulit sa babaeng iyon. They have a baby, right? Sa ginagawa nito ngayon nagdadalawang isip na siya kung ipapakilala pa ba niya ang mga anak niya dito. Is he worth it? Hindi niya maiwasang bigyan ito ng panghuhusgang tingin.
Umiling ito ng paulit-ulit. “I know what you're thinking, Flower. She's not my woman, she never be. Mali ang iniisip mo." He's defensive.
“I don't care kung ano mo siya. Wala din naman akong pakialam pa. And please, stop pestering me again. Hindi ko gustong may masamang isipin sa 'kin si Nate. Hindi ikaw, hindi kahit sino ang makakasira sa amin.” Tumalim ang tingin niya dito bago ito talikuran ngunit bago pa siya makapasok sa kwarto ay hinila siya nito papasok sa isa pang kwarto.
Nang makapasok sila sa silid nito, madilim ang mukha nito at parang handa itong manakit ng tao sa ekspresyon ng mukha nito.
“Ano ba?” Nagpumiglas siya. Buong lakas na niya iyon ngunit hindi man lang siya nakawala.
Isinandal siya nito bigla sa pinto nang muli niyang tangkaing kumawala. He seized her hand, pulled it up and pinned it over her head. Her face was so close to hers and his lips were hovering hers. Gustong kastiguhin ni Mekalayne ang sarili dahil hindi pa nga naglalapat ang labi nila ni Sawyer, nararamdaman na niya ang kiliti sa puson niya. "I won't let you run away from me this time."
Her words hanged in the air like a floating balloon. Ito na nga ba ang kinatatakutan niya. Paano nito napapalambot ang puso niya sa simpleng salita lang nito? Hindi ito pwede.
“Ano pa bang kailangan mo, Zane? Matagal na tayong tapos. Mula ng lokohin mo ako ay natapos na ang ano mang namamagitan sa atin. Kaya wala kang karapatan para gumanito ngayon sa harap ko! So let me go! Hinahanap na ako ni Nate!” sigaw niya. Kahit gaano naman kalakas ang boses niya ay walang makakarinig. The room is soundproof.
His butterscotch eyes shoot daggers at her. "Flower, you are mine!"
Hindi niya maiwasang magalit lalo. Wala itong karapatang angkinin siya kung ito din naman ang dahilan kung bakit nawalan ito ng karapatan sa kanya. Ano? Ganoon na lang iyon? Pagkatapos siyang saktan limang taon na ang nakakalipas ay magpapakita ito parang walang ginawa? How dare him!
Hindi siya nagsalita. Walang emosiyon lamang siyang nakatingin dito. Gusto niyang sampalin ito. Pero paano niyang magagawa iyon kung mahigpit nitong hawak ang kanyang mga kamay.
“I come back. Bumalik ako sa Isla Berde, Flower. I come back for you...but you're not there anymore. Your boys punched me many times, na deserve ko naman. Hindi nila sinabi kung nasaan ka pagkatapos nila akong bugbugin. Pinahanap din kita sa private investigator ko but they come back with no information about you. Hindi ko alam kung saan ka hahanapin,” malungkot na wika nito, nahihimigan niya ang paghihirap nito.
Hinahaplos nito ang pisngi niya habang nagsasalita. Napakabilis ng tibok ng puso niya. He come back? Kailan iyon? Iyon ba ang time na pinutol na niya ang lahat ng komunikasyon niya sa Pilipinas? Sa mga kaibigan niya? Gusto pa niyang marinig ang ibang sasabihin nito ngunit talagang hindi pa siya handa. Ito ang sinasabi niyang hindi pa siya handa sa mga sasabihin nito kasi hindi naman siya sigurado kung paniniwalaan pa niya iyon.
Bumuntong-hininga siya. Pilit pinapatatag ang sarili. Inipon niya lahat ng kanyang lakas maitulak lamang ito. Mabuti na lamang at nagawa niya naman iyon. Nagtagumpay siyang makawala dito.
Walang kahit anong emosiyon siyang ipinakita. “Bakit pa, Zane? Para ano? Para saktan na naman ako? The punched you receive from them? You really deserve it. Kulang pa nga eh. Sa sakit na pinaramdam mo noon, hindi pa iyon sapat. Sa mga nangyayari sa'yo ngayon, deserve mo din ‘yon. Kahit anong kasinungalingang sasabihin mo sa 'kin o kahit anong gagawin mo hindi na ako magpapauto sa'yo. You're not worth the love, Sawyer Zane Samiz.” Isang sampal muna ang ibinigay niya dito bago siya lumabas ng kwarto.
“Where did you go? Nauna pa si Shaella sa'yo,” bungad sa kanya ni Nate pagpasok niya ng kwarto.
Umiling siya at matamlay na umupos sa tabi nito. Sumandal siya sa balikat nito at ipinikit ang mga mata. Pakiramdam niya'y napagod siya. Nanghihina ang katawan niya.
‘Bakit kailangan pang ganito, Sawyer? Kung saan naka-move on na ako saka mo ako guguluhin? Your very unfair. Ikaw na nga nagloko sa 'kin, pati ba naman ngayon nasasaktan pa din ako? Hindi ko na hahayaan ang sarili kong mahulog ulit sa'yo. Sapat na ang unang beses, hindi kana makakapangalawa.’I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story
24/10/2022
0nice
28/07/2022
0sobrang Ganda ng kwento may kasunod pa ba to author? sayang kung di matatapos( Author Wala na ba tlga tong kasunod sayang nman Ang Ganda p nman ng kwento mo (thank you sa pag update sana tuloy2x na hehehe)
14/07/2022
0Tingnan Lahat