KANINA pa tahimik si Nate kaya kinakabahan si Mekalayne. Natatakot naman siyang magsalita baka kung ano-ano ang itanong nito sa kanya. Hindi pa niya kayang sagutin lahat ng iyon. Naka-move on na siya, iyon ang alam niya...pero she's not ready to tell him or them everything. “It's him, right?” Napakislop siya sa kinauupuan nang bigla itong magsalita. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Imbis na sagutin ito ay tumingin siya sa labas ng bintana. Malapit na din naman sila sa mansiyon. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, pinapanalangin na sana mabilis ang pagdating nila. “Meira Hayaizel!” Damn his calling her name now. ‘Don't open your mouth, Meira. Don't you ever dare!’ Kastigo niya sa sarili. Pumasok ang sasakyan nila sa gate. Ilang metro na lamang ay naroon na sila sa mansiyon. “Meira, ano ba?” Niinis na ito sa hindi niya pagsalita. ‘Konting tiis na lang self, malapit na din kayo.’ Sobrang lapit na nila. Pasimple niyang hinawakan ang hamba ng pinto. “Hindi ka ba talaga...” Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng tumigil ang sasakyan nila. Mabilis siyang lumabas ng kotse at walang lingon-lingong pumasok sa loob. Mabuti na lang talaga at dala nila ang driver nila kung hindi ay baka kanina pa itinigil iyon Nate at masinsinan siyang kinausap. Bakit kasi sa lahat ng mamanahin ng kambal sa ama nila ay ang mukha pa nito? Bakit hindi na lang sa kanya? Siya naman ang nagdala ng siyam na buwan sa mga ito, bakit ni ilong niya ay hindi namana sa kanya? Ang namana lang yata ng mga ito ay kaputian at ang labi ng mga ito. They're the carbon copy of their father. Ni hindi nga niya mai-deny iyon sa mga magulang ng makita ng mga ito si Sawyer sa telebisiyon. Kaya simula ng manganak siya ay hindi na siya nanonood ng kahit ano nang may mukha ng binata. She didn't allowed her twins to watch any news, dapat ay cartoons or about educational movies lang ang pwede. “MEIRA!” sigaw ni Nate. Sinundan pala siya nito. Nanlaki ang mga mata niya. Mabilis siyang tumakbo patungo sa garden kung saan ang paboritong tambayan ng Kuya at Daddy niya. “Daddy, Kuya Mauve!” malakas na tawag niya at nagtungo sa likuran ng mga ito. Nakaupo ang apat sa mesa nila, kaharap ang mga laptop nila. Nagtatakang tumingin ang mga ito sa kanya. Nang makita ang paghihingal niya ay mabilis ang ginawang pagtayo ng mga ito. “Meira!” Nandito na siya. Nakangusong itinuro niya sa mga Kuya si Nate na masama ang timpla ng mukha. “Daddy, he's chasing me. I didn't do anything bad. I'm very tired, Daddy.” Yumakap siya sa ama at palihim na dinilaan si Nate na lukot na lukot ang mukha. “Aba't— ” “Nate, stop it! Ano ka ba naman? I told you, don't ever chase her. Mabilis siyang napapagod! Napakatigas ng ulo mo!” Kunot noong wika ni Kuya Mauve dito. “I didn't chase her. She's run— ” Ibubuking pa yata siya nito. Nagpapadyak siya para sa kanya matuon ang atensiyon ng mga Kuya at ama. “He's lying Kuya!” Sinamaan naman ng tatlo si Nate saka itinuro ang upuang katabi ng mga ito. Pinandilatan siya ni Nate kaya dinilaan niya ito. Bahala siya! “We will talk, so sit there,” seryosong wika ni Kuya Mirk niya. Bumaling ito sa kanya. “And you, umakyat kana dahil kanina ka pa hinahanap ng kamba.” Nakangising tumango siya sa mga ito. Bago pa siya pigilan ni Nate ay tumakbo na siya papalayo. Nakita niya ang kasambahay na bitbit ang mga damit na sa tingin niya ang pinamili nila. Pinalabhan agad ni Nate dito. Kinuha niya iyon, nagpasalamat at muling tumakbo. “What the? Princess, stop running!” sigaw ng lima sa kanya. Tumigil naman siya, naglakad siya patungo sa mga anak niya sa kanilang kwarto. Nang marating ay kinatok niya ang pinto ng mga ito. They're sharing a room, ayaw kasi ni Heirin na hiwalay sila ng kwarto. Seryoso at hindi masyadong pala salita si Heirin sa iba pero madaldal talaga ito kapag sila ng kapatid nito ang kausap. Super clingy nito kay Heitel. Ayaw na ayaw na lumalayo si Heitel sa kanya, gusto din nito na walang may kalarong iba si Heitel maliban sa kanya. Kung makikipaglaro si Heitel sa mga Kuya niya kailangan naroon sa tabi nito si Heirin. “Babies? Mommy is here na. Open up.” Mabilis naman na binuksan ng mga ito. Binuksan naman nila iyon. Nang makapasok ay nakita niyang nagkakalat ang mga libro nila sa kama. They love reading books. Sa lahat ng bagay ay marami silang magkapareho. Konti lang naman ang pinagkaiba nilang dalawa. Heirin love playing chess, she don't know kung saan namana nito iyon. Heitel didn't like it, he love playing basketball or playing his car toys. Heitel was allergy to color Yellow. Okay lang kung may nakikita itong ganoong kulay ngunit huwag na huwag lang didikit sa katawan nito ang kulay dilaw na ‘yan. Kaya lahat ng gamit ng mga ito ay walang kulay dilaw. Mas ito ang kinataka niya. Wala sa kanila ang may allergy sa kulay. Sobrang rare lang ang mayroon ganoong allergy. Ewan lang niya kung baka sa side ng ama nito namana iyon. Dahil ng magsama naman sila noon ni Sawyer ay hindi naman ito allergy sa kahit anong kulay. Siguro ay nasa lahi talaga nito iyon. “Maligo na kayo. Aayusin ko lang ang mga kalat ninyo. I'll leave your clothes here in your bed, okay? Mag-reready na din si Mommy,” she said that make them nodded. Sabay na pumasok ang mga ito sa banyo. Mekalayne is very proud to her twins, sa edad na dalawa ay nakaya na ng mga itong gumawa ng mga bagay na hindi nagagawa ng ibang bata. They bath themselves, sila din ang nagsusuot ng mga damit nila. Marami pa ang mga itong nagagawa na kahit sino ay hindi maniniwala. Pagkatapos niyang ilagay ang mga damit ng dalawa sa kama ay lumabas na siya. Ngunit nagulat siya paglabas dahil naroon si Nate, nakakrus ang kamay sa ilalim ng dibdib at nakataas ang kilay sa kanya. “A-Anong ginagawa mo diyan?” kagat labing tanong niya. “Let's talk.” Umiling siya at ngunguso dito. “Love, mamaya na ‘yan okay? May pupuntahan pa tayo eh.” Bago pa ulit ito makapagsalita ay nilayasan na niya ito. “I'm not done yet, Babe. You always turning your back on me!” inis na saad nito. Umiling siya at hindi na ito pinansin. Bago makapasok sa kwarto ay tinapon niya dito at susuutin nito. Pagpasok sa kanyang kwarto ay nilagay niya ang damit niya sa kama at dumeretso sa banyo para maligo. She did her routine. Saktos matapos siya sa lahat ay may kumatok sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ito. May nakita siyang text galing sa numero ni Jedrix. She open it. From: Jedrix We're here. Hihintayin ka namin dito. Nasa second floor kami, in VIP room 2. To: Jedrix We're coming. Okay! Lumabas siya ng kwarto at nakita niya ang kambal at si Nate sa labas no'n. Ngumiti siya dahil talagang bagay na bagay sa mga ito ang damit na binili. Hindi sila nagdala ng driver, si Nate ang nagmaneho. “Mama, can I ask po?” Heitel said from the back. Nilingon naman niya ito. Hawak-hawak pa nila ang libro na ayaw bitawan ng mga ito kanina. Kahit anong pigil niyang huwag dalhin iyon doon sa pupuntahan ay hindi sila mapipigilan. Kinukonsente din kasi ni Nate. He spoiling them, kaya hangga't narito si Nate ay may kakampi ang mga ito. But next month ay aalis ito upang magtungo sa France for Sandejas business. Ito ang nagmamanage ng ibang kompanya doon sa France. “What is it, son?” Napataas ang kilay niya ng makita ang pagsundot ni Heirin sa balikat ni Heitel. Napatingin naman nito ang panghuli, kunot ang noo. “Are you really asked that to mom? Isn't it obvious?” bulong nito na narinig naman. “Shut up, Kuya! I want to make sure.” Hindi na sumagot si Heirin kaya bumaling na si Heitel. “Mom, we just want to— ” “You're the only one who asking Heitel, I didn't,” sabat ni Heirin na kunot ang noong nakatingin sa kapatid. Kaya imbis na magtanong pa si Heitel ay nakipagbanggayan ito sa kapatid. Hanggang sa marating nila ang restaurant ni Shaella. It's a Italian Restaurant, nakilala kasi nito ang boyfriend sa Italy and their favorite place, food was Italian. Dumeretso sila sa VIP room 2. Hawak nilang dalawa ni Nate ang kambal. Walang takok-katok na pumasok sila. Mukha namang nagulat ang mga ito sa loob. Nang makapasok silang apat ay natulala na ang mga ito. “Hi guys!” nakangiting saad niya. Unang nakabawi sa pagkagulat si Ellaine. Tumakbo ito papalapit sa kanya at niyakap siya. “Mekalayne...” Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Nate sa tinawag ni Ellaine. Nakalimutan niyang ayaw pala ni Nate sa pangalang iyon. Bumuntong-hininga siya at ngumiti sa mga ito. Ayaw na niyang magalit pa ito sa kanya. “You can call me Meira from now on, guys. Nate hate that name eh.” Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang sinasabi iyon. Natigilan sila. Tumayo ang anim na lalaki at lumapit sa kanila. Tumingin din ang mga ito sa lalaking katabi niya. Nakita din niyang naroon si Jelai at Oxen, may batang babae na nakaupo sa kandungan ni Oxen. Their daughter? “Princess.” The boys hugged her, hindi pinansin si Nate. “What? Hey! Stop hugging our Mom!” Naramdaman niyang bumitaw si Heitel sa kanya at tinulak ang mga lalaking kaibigan. “Papa Nate, they're hugging Mommy.” Nagsumbong pa kay Nate. Natatawang kinuha naman siya ni Nate. Humiwalay na ang mga lalaki sa kanya. Lumapit siya sa dalawa. Pilit na pinapatahan ni Nate si Heitel, umiyak ito nang hindi siya bitawan ng anim. Hindi naman kasi sanay ang mga itong makakita ng ganoon. “Put him down, Papa,” sabi ni Heirin at lumapit sa amin. Sinunod naman ni Nate ang sinabi ng anak. Humihikbing tiningnan ni Heitel ang Kuya. Pinunasan naman ni Heirin ang luha nito. “Shhh! Don't cry na, Xer. They're Mommy's friends so don't worry. They won't hurt our Mommy. Hmm? Stop crying na, huh?” Heirin pat Heitel head. Tumigil naman ang isa saka dahan-dahang tumango. Hinaplos niya ang mukha ng dalawa at hinagkan ang mga noo nila. Si Heirin lang ang nakakapagpakalma sa kapatid at ganoon din naman si Heitel kay Heirin. Umayos na sila saka binalingan ang mga naroon. Ngumiti siya ng malawak. “Ito na ang mga babies na pinaiingat ninyo. They're healthy and I am too.” Hinawakan niya ang kamay ni Heirin. “This is Heirin Ver and that cute baby is Heitel Xer.” Sabay nguso kay Heitel. Nang tingnan niya si Nate ay ngumiti siya. “And he's Nathaniel, you can call him Nate.” Pinakilala niya sa mga anak at kay Nate ang mga kaibigan niya. Si Jelai ang nagpakilala sa anak nilang babae. She's Melanie, her 3 years old daughter. Pagkatapos magpakilala ay kinuha nina Terrein, Ziegler, Braite at Ellaine ang mga anak. Sila naman ay nag-usap. Nagkamustahan. “So, uuwi pa kayo sa Isla Berde?” she asked while putting vegetables in the plate of her twins. Mahilig ang dalawa sa vegetables. They hate chocolate. Hindi sila mahilig sa nga masyadong matatamis. Umiling si Danniel. “We're staying here for a week I guess. We are inviting in the party of Sandejas family, ipapakilala na daw ang nag-iisang heiress ng pamilya nila.” “Nakita na nga nila. Sa pagkakaalam ko kasi ay nawala ang nag-iisang heiress ng pamilya nila. We're happy that they find her,” nakangiting saad ni Jelai. Napangiti din siya. Tumingin siya kay Nate at humilig sa balikat nito. Tumagal ang pag-uusap nila hanggang sa nagpaalam siyang lalabas muna para puntahan si Shaella sa opisina nito. Nasa 4th floor lang naman ito. Iniwan na muna niya ang kambal sa mga ito. “Sandali lang si Mommy do'n. Stay beside Papa Nate, okay?” Tiningnan niya naman si Nate. “Love, ikaw muna bahala ha?” Saka siya lumabas ng kwarto. Naglakad siya patungo sa elevator. She wait to open it. Nang bumukas ay agad siyang pumasok at pinindot ang floor kung nasaan ang opisina ni Shaella. Ilang segundo pa ay nakarating na siya. Nakita niya ang secretary nito sa lahat. Nang makita siya nito ay ngumiti ito. “Hi, I'm Shaella cousin, andiyan ba siya?” Nakangiti pa din ito. “Nasa meeting pa po ma'am pero patapos na po iyon. Pwede niyo po siyang hintayin sa opisina niya.” Nagpasalamat naman siya. At magsasalita pa sana ito ng makapasok na siya sa loob. Ngunit talagang natigilan siya sa unang pagkakataon nang makita kung sino ang naroon. Mukhang nagulat din naman ito ng makita siya. “Mekay.” ‘Sawyer? What is he doing here?’ A/N: Baka may makikita kayong name iyon ay dahil pinalitan ko po ang name nila. Hieven- Sawyer Zane Mekylla- Mekalayne
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Marylynne Balladares Bayron
nice story
24/10/2022
0
nice
28/07/2022
0
ogocjoan
sobrang Ganda ng kwento may kasunod pa ba to author? sayang kung di matatapos( Author Wala na ba tlga tong kasunod sayang nman Ang Ganda p nman ng kwento mo
(thank you sa pag update sana tuloy2x na hehehe)
nice story
24/10/2022
0nice
28/07/2022
0sobrang Ganda ng kwento may kasunod pa ba to author? sayang kung di matatapos( Author Wala na ba tlga tong kasunod sayang nman Ang Ganda p nman ng kwento mo (thank you sa pag update sana tuloy2x na hehehe)
14/07/2022
0Tingnan Lahat