Chapter 38

HINDI alam ni Mekalayne kung anong gagawin niya sa araw na iyon. Wala naman siyang pasok para doon ibuhos lahat ng kanyang atensiyon. She's trying to move on. She do everything para lang na makalimutan ang binata.
Isang buwan na ba ang nakakalipas ng umalis ito? Isang buwan na din siyang nagpapanggap na okay sa harap ng lahat. Ayaw niyang mag-alala pa ang mga ito sa kanya. Pero isang buwan na din niyang kinikimkim ang lahat ng sakit.
Gabi-gabi, dinadalaw siya ng mga alala nila ni Sawyer. Every time she remembered him ay nawawalan siya ng lakas, nawawalan siya ng pag-asa, paran nabasag lahat ng masasayang alaala niya kasama ito.
"Hindi mo pa rin ginagalaw ang pagkain mo?" Pumasok si Ellaine sa kwarto kung saan siya natutulog.
Nasa bahay siya nito. Two weeks lang ay napagdesisyunan nina Ellaine at Jelai na dito muna siya. Ayaw naman kasi siyang iwan ng mag-isa doon. Minu-minuto siyang nahuhuli ng mga itong umiiyak.
Paano lahat ng nadadapuan ng kanyang mga mata ay may alaala sila ng binata. Kahit papaano ay gusto din naman muna niyang lumayo sa bahay niya. Hanggang ngayon ay nasasaktan siya. Hindi mabilis mawala ang sakit na nararamdaman niya.
Oo, nasasaktan siya sa kabila ng pag-iingat niyang huwag madaplisan ng kirot ang puso niya. Sa kabila ng pagtiyak niya sa sarili, nasasaktan siya dahil minahal niya ito ng sobra, at siya? Walang siguraduhan kung mahal nga ba siya
Tumingala siya sa kaibigan at bahagyang ngumiti dito. “Nawala sa isip ko. Nawili kasi ako sa ginagawa.” She force herself to laugh.
Imbis na palagpasin siya nito ay tinaasan lamang siya ng kilay ng kaibigan, hindi naniniwala. Lumapit ito sa kanya at sinilip ang ginagawa niya.
“What are you writing?” Kunot ang noo nitong binasa ang kanyang akdang ginawa. Binuklat nito ang notebook niya para tingnan ang pamagat nito. Nakikita niya ang paghanga sa mukha nito, malapad ang ngiti nito. “Wrong time with the Wrong Person? It this a title of it? I kinda like it hmm.”
Panangisi si Mekalayne. She want to see her reaction after she will say this kaya bahagya siyang tumunghay dito. Napakunot pa ang noo ni Ellaine.
“It's my story thought.”
Pagkatapos sabihin iyon ay unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha ng kaibigan. Bahagyang nawala ang ngiti sa labi kasabay nang paglukot ng mukha nito. Kunot ang noong tumingin ito sa kanya.
“You need to eat now.” Walang pakialam na tinapon nito sa gilid niya ang notebook at hinila siya patayo.
She laughed because of that. Lalo pa yatang nairita sa kanya ang kaibigan dahil sa kanyang pagtawa.
“I'm not hungry,” saad niya habang nagpatiunod sa kaibigan.
“I didn't asked.” Pinaupo siya nito sa kama at pinalapit sa kanyang ang table kung saan naroon ang kanyang pagkain. “Eat your food.”
Gusto niyang magprotesta ngunit nang tumingala siya dito ay masama ang tingin sa kanya. She laugh softly and then shrugged. Nagsimula na lang siyang kumain. Not minding Ellaine who was looking at her.
Nakita niya ang pagbuka ng bibig nito ngunit naitikom naman nito bigla dahil sa biglaang pagbukas ng pinto ng kwarto niya. Sunod-sunod na pumasok doon ang anim na mga lalaki kasunod si Jelai. Kumunot ang kanyang noo.
“What are you doing here? Did I told you to come here?” Nakaramdam siya ng pagkairita ng makita ang mukha ni Jedrix. Inis niya itong binalingan na kinagulat naman nito. “I don't want to see your face!” singhal niya.
Hindi niya alam kung bakit ganoon na kang kabilis na magbago ang kanyang mood. Mabilis lang naman siyang mairita kapag nakikita si Jedrix. Three days ago lang niya naramdaman iyon. Ayaw na ayaw niya talagang makita ang mukha nito.
And three weeks ago lang umuwi ang mga ito sa Isla Berde. Napasarap ang pananatili ng mga ito sa Manila. She never asked them kung anong ginawa ng mga ito roon. Ayaw lang niyang malaman. Pakiramdam din kasi niya ay may kinalaman kay Sawyer iyon.
“Hey Princess!” masayang bati ni Braite sa kanya at hindi pinansin ang pagkairita niya.
Mabilis nawala ang pagkairita niya ng marinig ang boses ni Braite. Tumingin siya sa kaibigan na papalapit sa kanya. Nanlaki ang kanyang mata habang nakatingin dito. Three weeks ago ay bumalik ang mga kaibigan niya dito ngunit hindi kasama si Braite. May inaaaikaso daw ito sa Manila kaya nagpahuli ito. And thee weeks ago na din niyang naramdaman ang pagkamiss dito.
She never know but sa lahat ng kanyang kaibigan ay si Braite lang ang namiss niya. Naiiyak siya bigla kapag hindi ito nakikita. Kaya every time na hinahanap niya ito ay nagbi-video call agad sila dito. Inaabot pa nga ng ilang oras ang pakikipag-usap niya dito. Kahit hindi sila nagsasalita minsan kahit na titigan lang niya ito ay okay na siya.
Nagiging antukin din siya minsan. She also want to eat every hour, ang takaw takaw niya. Ngayon lang naman siya nahuli ng kain dahil nga doon sa ginagawa niya. Napanguso siya agad, kumibot ang kanyang labi habang natingin sa binata.
“B-Braite?” Tumayo siya at nang makalapit na ito ay napatalon siya payakap dito. “Braite...” She cried on his shoulder while hugging him tight. Agad naman na pumalibot ang braso nito sa kanya para hindi siya mahulog.
“What the fuck?” she heard Jedrix cuss kaya natigil siya.
Unti-unting humiwalay siya kay Braite at matalim na tiningnan si Jedrix. Namasa lalo ang kanyang mata. Puno ng luha ang matang nilingon niya ang ibang kaibigan. Itinuro niya si Jedrix.
“He cuss me!” sigaw niya animo'y nagsusumbong.
Nanlaki ang mga mata nila sa gulat ngunit mabilis namang nawala at nilapitan si Jedrix.
“What are you doing? Don't you dare!” Sinamaan ni Jedrix ang mga kaibigan nila.
She wipe her tears and smile widely nang makitang binatukan nila isa-isa si Jedrix. Serve him right! Umirap siya at humarap kay Braite. Hinila niya si Braite paupo sa kama niya.
“Are you okay?” he asked her nang magsimula siyang kumain ulit.
Tumango siya saka napahagikhik. “Oo naman.”
Bumuntong-hininga ito at tiningnan ang kinakain niya. Malapit na lamang niyang maubos iyon. “Aren't you craving for something?"
She stopped eating after hearing that. Parang kumislap yata ang mata niya doon. Tumango-tango niyang nilapag ang kutsara at tinidor.
Nakalabi siyang bumuntong-hininga saka tumitig sa kisame. "Hmm..." nakagat niya ang sariling daliri habang nag-iisip.
“What is it? Tell us bibilhin namin agad.” Si Miell ang nagsalita.
“I want salad with spag on top of it, Braite. Then a jackfruit ice cream. Then add some chocolate.” Nakanguso niyang sabi saka sumulyap sa mga ito.
Hindi niya nakita ang pagkagulat ng mga naroon, umawang ang mga labi at halos lumuwa ang mga mata.
“What a weird food. Anong salad with spag on top? May gano'n ba?” nagtatakang tanong ni Ziegler na kinatingin nila dito.
“Is it even health?” nagtatakang wika naman ni Danniel.
“No, it's not healthy Mekay,” tumatango-tanong saad naman ni Terrain.
Tumalim ang tingin niya sa mga ito. " Pero ‘yon ang gusto ko."
Nakita ni Mekalayne ang mga kaibigan na nakakunot ang noo, nagtataka sa pagkaing winika niya. Hindi niya maiwasang mainis sa mga ito. Nilingon niya si Ellaine saka siya nakangusong pinangiliran ng luha.
“Uh-oh!" sabay-sabay nilang react lahat.
Takot kasi ang mga ito kay Ellaine. Mabilis na lumapit si Ellaine sa kanya ng makita ang kanyang itsura.
“E-Ellaine, my food is weird daw. They won't buy me. Ayaw nila akong pakainin.” Napahikbi siya kaya naman galit na binalingan ni Ellaine ang mga lalaki maliban kay Braite na natatawa lang.
“What? You won't?” matalim ang tingin na wika nito.
Namutla naman ang iba except Jedrix na umiwas lang ng tingin. Umiling sila ng sabay saka nagtukan papalabas ng kwarto.
“Bibili na nga. Sandali. Bilis nga Danniel, nagugutom na ang Prinsesa.” Terrein pushed them out on her room. Hindi pa sana aalis si Jedrix ng hilahin nila ang collar nito.
Nang makalabas ang mga lalaki ay tumahimik na ang kwarto. Ellaine and Jelai were sitting in front of her. Her Braite ay nasa tabi niya inaalalayan siya sa kinakain. Para ngan nagbago ito. Hindi ito maloko ngayon.
“Water.” Inabot nito ang baso sa kanya.
“Thank you!”
Nang matapos kumain ay dumako ang paningin niya sa kanyang notebook na tinapon lang kanina ni Ellaine. Nakita siya ni Ellaine na doon tumingin kaya tumikhim ito at inagaw ang atensiyon niya.
“I want to asked you something, Mekay.” Tumingin pa ito kay Jelai bago muli siyang balingan. “Be honest with us okay?”
Natigilan si Mekalayne. After hearing that word again ay naalala na naman niya si Sawyer. Umiling siya at napayuko. Nanubig ang mata niya kaya napakurap-kurap siya. When she look at them, she tried to smirk para hindi na mga ito mag-alala pa sa kanya.
“Honest? Did he become honest to me?” she joked but they didn't laugh at all, tumahimik lang siya habang nakatitig sa mukha niya.
“Tumigil ka.” Tinarayan siya ni Ellaine kahit na nakikita naman niya sa mukha nito ang pag-alala. “Just answer me, okay?”
She thumbs up. “Okay!”
Sandali itong natigilan. Hinintay niya lang itong magsalita. Kahit na si Braite ay tahimik sa tabi niya, waiting too.
“Are you pregnant?” Ellaine directly asked her.
Napatanga siya sa tanong nito. Anong pinagsasabi nito? Kumunot ang kanyang noo kasabay ng pagtaas ng kanyang kilay. It's impossible—
Umiling-iling siya. Sawyer didn't used any protection. He never was. Pero alam niyang hindi. Hindi siya buntis. Hindi pwede ngayon.
“Of course not! Paano mo naman nasabi ‘yan?” Hindi niya naiwasang sumigaw.
Mabilis siyang pinakalma ni Braite. Pero ayaw talaga siyang tigilan ng dalawang babae. Sumimangot siya at inirapan ang mga ito.
“Lumalabas na ang mga sintomas, Mekalayne. Alam natin na alam mo ang bagay na ‘yon but you deny it. Ayaw mong aminin na buntis ka dahil ano? We're very sure this time, Mekay.” Si Jelai ang nagsalita kaya natigilan siya.
Natigilan si Braite sa paghagod ng kanyang likuran. Kumuyom ang kamay niya. That's right. Nararamdaman na nga niya ang mga sintomas ngunit ayaw lang talaga niyang aminin. She know na napapansin din iyon ng mga lalaki ngunit hindi lang nagsasalita. Ewan niya lang kung may alam itong lalaking nakatabi niya. Sa pagka- tsismoso ni Ziegler imposibleng hindi nito nasabi iyon kay Braite.
“I'm not pregnant, can you stop it?” Inis na wika niya. Ayaw talagang aminin.
“Okay. Then eat this.” Napatingin siya sa nilapag nito sa harapan niya.
Napatakip agad siya ng ilong na tila hindi nagugustuhan ang isang amoy na nasisinghot niya. It's a lumpia. Ngunit ang amoy niyon ay hindi na maganda ang idinulot sa kanya, umabot sa kanyang tiyan.
“Hmm bakit?” nag-aalalang tanong ni Braite.
Nadiinan niya ang pagkakatakip sa kanyang bibig nang tila maduduwal na siya. Mabilis siyang tumayo saka nagtatakbo papunta sa banyo. Sumunod naman ang tatlo sa kanya.
“What happened?” Si Jedrix iyon. Ang kadadating na mga kaibigan ay sumunod din sa kanya roon.
“Anong nangyayari? Mekay, are you okay?” Lumapit si Danniel at hinimas ang kanyang likuran.
Naisara niya ang pinto saka nagtatakbo papunta sa sink. Doon niya dumuwal ngunit wala naman siyang naisusuka, tanging duwal lang siya ng duwal. Naluluha siyang nagmumog saka umiiyak na kinusot ang mga mata.
“Kasalanan ‘to ni Ellaine,” umiiyak niyang sabi nang bumukas ang pinto at iluwa ng mga kaibigan.
Sabay-sabay naman na lumingon ang mga ito kay Ellaine ngunit tinaasan lang sila ng kilay nito. May inabot ito kay Jelai saka iyon ibinigay sa kanya.
“Try this. Let's see kung hindi ka ba talaga buntis,” mataray nitong wika bago isinara ulit ang pinto.
Tiningnan naman niya ang ibinigay nito. Natuod siya sa kinauupuan ng makita iyon. A pregnancy test. Agad siyang kinabahan. Wala siyang kawala doon. Akmang ilalagay niya lamang ito sa sink ng marinig niya ang boses ni Ellaine sa labas.
“Ipapakain ko lahat ng lumpia sa'yo kapag hindi mo ginamit ‘yan. Try me Mekay,” may pagbabanta pa ang boses nito.
Kaya kahit na labag sa loob niya ay wala siyang magawa. Binasa niya kung paano ito gamitin. Nang sinunod niya ang mga step na iyon ay lalo lang niyang naramdaman ang kaba. Hindi na niya iyon tiningnan pa. Alam na niya ngunit ayaw talaga niyang tingnan para makomperma iyon. Lumabas siya ng banyo at tahimik na nilapag lang ang pregnancy test sa mesa.
Dumeretso siya sa kama at nahiga roon, nagtalukbong siya ng kumot. Pilit niyang tinatakpan ang taenga upang hindi marinig ang mga ito. Pero dahil sa lakas ng boses nila ay halos manginig siya. Her tears start to fall again after hearing it.
“It's fucking positive!”

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    Marylynne Balladares Bayron

    nice story

    24/10/2022

      0
  • avatar

    nice

    28/07/2022

      0
  • avatar
    ogocjoan

    sobrang Ganda ng kwento may kasunod pa ba to author? sayang kung di matatapos( Author Wala na ba tlga tong kasunod sayang nman Ang Ganda p nman ng kwento mo (thank you sa pag update sana tuloy2x na hehehe)

    14/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata