Homepage/Pain After Pleasure/
Chapter 13
DAYS turn to week. Isang linggo nang nananatili si Sawyer sa bahay ni Mekalayne. Sa loob ng isang linggo na iyon ay wala pa ding maalala ang binata. Kahit anong pilit nito ay nabibigo lamang ito ngunit hindi nawawalan ng pag-asa si Sawyer na makaalala.
"Can I come?" seryosong tanong nito sa kanya ng makitang nag-aayos siya.
Napatingin naman siya dito. Nakita niyang nakatitig ito sa kanya habang nagsusuklay. Nagkatitigan pa sila sa salamin. Umiling siya nang mapagtanto ang sinabi nito. Bahagya pa siyang ngumuso dito.
"Hindi pwede."
"Why?" Lumapit ito sa kanya kaya hindi niya maiwasang kabahan ng slight.
Kinuha nito ang suklay mula sa kamay niya at ito ang nagsuklay sa kanya. Hindi niya inaasahan. Ilang araw na itong ganito sa kanya. Nagugulat na lang siya sa biglaang kilos nito. Hindi niya alam kung anong kinain nito para magkaganoon ito.
"Baka makita ka nina Jedrix," she answered while bitting her lower lip.
"And so? Ano naman kung makita nila ako? Let them see me then!" asik nito bigla na kinailing niya. Ang tigas naman ng ulo nito. Hindi nga kasi pwede.
Tumingin siya sa mga mata nito sa pamamagitan ng salamin. "Akala ko ba ayaw mo nang magpakita sa kanila kasi aalis ka din? Anong nangyari ngayon, hmm?" Nakataas ang kilay na wika niya. Umingos pa siya dito.
Natigilan ito sa pagsuklay sa kanya. "I change my mind! Well people can changed their mind you know."
"Sus! Ipapakilala muna kita bago ka sumama sa 'kin, mahirap na baka magkagulo pa don."
"I want to come with you."
"Hindi kasi pwede!" Kinuha niya ang suklay at nilagay iyon sa kanyang bag.
Hindi na siya naglagay ng kahit ano sa kanyang mukha. Allergic kasi siya make ups, namamantal ang buong katawan niya kapag naglagay ng mga iyon. Hindi din naman niya kailangan maglagay ng lipstick dahil mapula na ang labi niya.
"But I want to."
"Ayaw! Ipapakilala nga kita muna. Huwag ka nang kumuntra pa. Mamayang tanghali ay uuwi ako so you'll stay here."
"Tsk! Hindi talaga kita mapipilit?"
Mariin na umiling siya. "Hindi."
"Fine!" Nag-cross arm ito sa harap niya kaya napatawa siya.
Hieven staying her for week now at sa loob ng isang linggong iyon ay ito na ang nagluluto ng agahan nila. Siya naman sa tanghali at sa gabi. His helping her too in gardening kaya nagbago na din ang kanyang pagtingin dito. Alam niyang gusto na talaga niya ang binata hindi na niya mapigilan pa iyon. Unang kita naman niya dito ay may nararamdaman na siya, hindi lang talaga niya maamin.
"Just ready yourself baka mamaya o bukas ay papupuntahin ko ang mga kaibigan ko dito para ipakilala ka."
Tumango naman ito ngunit salubong ang kilay. "I'm just curious , why you're friends is all boys? Wala ka man lang bang kaibigan na babae?"
Why he asking her that suddenly? Nakaramdam si Mekalayne ng inis sa hindi malamang kadahilanan. Sinamaan niya ito ng tingin na kinaayos nito nang tayo, may pagtataka sa mukha. Walang alam sa biglaang ginawa niya.
"What?"
"May kaibigan akong babae! Tsk! Aalis na ako!" Padabog na tinalikuran niya si Sawyer ngunit hinabol siya nito.
Hinawakan ni Sawyer ang braso niya at hinarap dito. Salubong na ang kanyang kilay nang tingnan siya nito sa mga mata. Nakikita ni Sawyer ang inis at kung anong emosiyon sa mukha nito. Tumaas ang gilid ng kanyang labi ngunit nawala naman bigla dahil lalong sumama ang tingin ng dalaga.
"What's wrong? May ginawa ba ako?" nagtatakang tanong nito.
"Wala!" sigaw niya at pilit na hinihila ang braso niya mula dito.
"Tsk! Tell me!'
"Wala nga, bakit ba kasi?"
"Okay fine!" Binitawan nito ang kanyang braso.
Umirap siya at muli itong tinalikuran. "Bweset!" bulong niya.
Narinig yata nito dahil mabilis itong nagreact na lalo niyang kinairap. Wala talagang kwenta. Hindi man lang siya pinilit lalo.
"I heard you."
"Then good!" sigaw niya saka tuluyang umalis.
Nakasimangot na umalis siya ng bahay patungo sa kung saan siya nagtuturo. May pinagawang maliit na kubo ang Mayor para doon siya magturo sa mga bata.
"Magandang Umaga sa iyo, Mekay!" bati ng mga matatandang nadadaanan niya.
Maliit ang ngiting tumango siya at bumati sa mga ito pabalik. Katulad nang ginagawa niya dati ay hindi niya pinapansin ang mga kadalagahan na umiirap sa kanya. Hindi naman siya magkakapera kapag pinatulan pa niya ang mga ito.
"Ate Ganda, sabay na po kami sa'yo." May dalawang batang babae ang lumapit sa kanila.
Nagpaalam ang mga ito sa mga magulang. Napangiti siya ng makitang naka-uniform ang mga ito. Bigay din ng mayor nila ang mga iyon para naman may maisuot ang mga bata sa pagpasok. Gusto nitong maranasan ng mga bata na makasuot ng uniporme. Ang swerte lang nila sa kanilang Mayor.
"Oh sige. Hindi niyo yata kasama si Blare?" Tukoy ni Mekalayne sa isang kaibigan pa nito.
"Sasabay daw kasi siya sa papa niya, Ate Ganda," sagot ng batang si Liah.
Sa kanyang mga mag-aaral ay ang tatlo ang matalino. Si Liah ay magaling sa Math, ang kasama nitong si Kiane ay magaling naman sa Pilipino at si Blare naman ay magaling sa English at Science. Tatlo silang nagtutulungan at kapag may recess ay binibigay ng mga ito ang oras sa mga kaklase na ituro ang hindi nila alam.
Minsan kasi ay busy siya kaya hindi niya natutuunan ng pansin ang mga ito kapag free time. So she let the three girls teach their classmates to do their homeworks. Kapag may hindi alam ang mga ito ay naagtutungo lang sa kanyaa para magtanong.
Nagagalak siya dahil ang tatlong matalino niyang estudyante ay pinapangarap na magturo din. They want to be a teacher like her. Iniidolo siya ng sobra ng tatlo.
"Hindi naman kayo nag-away, right?"
Sabay na umiling ang dalawa. "Hindi po, Ate."
She don't want to be called Ma'am, Teacher or whatever by her students. Gusto niyang para lamang niya ang mga itong kapatid. She like hearing them calling her 'Ate'. That's much better.
"Mabuti. Halina at bilisan natin baka naghihintay na ang mga kaklase niyo."
Minsan kasi ay maaga ang mga nagtutungo sa kanilang kubo. Nilock niya iyon kasi isang linggong walang pasok ang mga ito. Ngunit kapag palagi silang may pasok ay ibinibigay ko ang susi kay Liah.
"Ate Ganda!" boses ni Blare iyon kaya napalingon silang tatlo.
Malapit na din sila sa kubo kaya tumingil sila sa paglalakad ng marinig ang boses nito.
"Blare!" sigaw naman ng dalawa saka kumaway sa mga ito.
"Mabuti na lang po naabutan ko kayo. Nauna na ako kay Papa ko, ang tagal-tagal kasi niya eh." Lumapit ito at yumakap sa kaibigan na animoy hindi nagkikita araw-araw.
"Oh siya sige na. Halina kayo."
"Opo."
Nang marating ang kubo ay nakita niya ang mga batang nakaupo sa upuang kahoy na pinalagay niya sa mga kaibigan para may maupuan ang mga bata kapag naghihintay sa kanya o kay Liah.
"Magandang Umaga po Ate!" bati nila sa kanya saka bahagyang yumuko.
Mekalayne smile because of what they did. "Magandang Umaga din!"
PAGSAPIT ng tanghali ay umuwi si Mekalayne sa kanyang bahay gaya ng kanyang sinabi kay Sawyer. Nagmamadali pa siya dahil alam niyang nagugutom na iyon. Mabuti na lamang at may dala siyang payong, sobrang init pa naman.
Nang marating ang kanyang bakuran ay nakita niya agad si Sawyer na naghihintay sa kanya sa labas ng pinto. Tumaas ang kilay niya. Mukhang bagong ligo ito dahil napansin niya agad ang basang buhok nito. Walang damit pang-itaas. Nasanay na din siyang hindi ito nagdadamit kapag tanghali.
“Oh ba't nasa labas ka?”
“I'm waiting you.” Kinuha nito ang bag niya at itinupi ang payong, itinabi nito iyon.
“Tsk!” Umirap siya at dumeretso sa kusina.
“Galit ka pa din?” salubong ang kilay na tanong nito na siyang kinatigil niya.
Hindi dahil sa sinabi nito kundi sa biglaang pagpulupot ng braso nito sa kanyang baywang. Halos ayaw na niyang huminga dahil sa bigla at kabang nararamdaman. Hanggang sa mapaawang ang kanyang labi.
“Breath flower.”
Anong flower ang sinasabi nito?
Halos maghabol siya ng hininga after she heard it. Did he call her flower? She heard it right? Gusto niyang bumaling dito ngunit hindi ito pumayag sa gusto niya. Lalo nitong hinigpitan ang pagkapit sa kanyang baywang. Napalunok siya hanggang sa bumaba ang kanyang paningin sa braso nito.
Nakikita niya ang mga ugat don na lalo niyang kinalunok. Pakiramdam niya ay mahihimatay siya bigla.
“W-What are you doing? L..Let me go,” mahinang pumiglas siya.
Hindi niya mahanap ang lakas niya. Para yatang nahigop ang buong lakas niya kung kaya't nahihirapan siyang makaalis sa bisig nito
“You're mad?”
“Hindi nga.”
“Why I'm even asking? Halata naman sa mukha mo. You're mad,” he stated.
Bumuntong-hininga si Mekalayne at kinalma ang sarili. “Bitaw Sawyer!”
Ramdam niya ang pag-iling nito. “Ayaw.”
“Ayaw mo?”
“Ayaw.”
Niyuko niya ang paanan. Umalpas ang isang ngisi sa labi niya ng may maisip. Iyon na lamang ang solutiyon niya para mabitawan nito. Mahirap na kung magtagal pa ito sa pagyakap sa kanya dahil baka biglang manginig ang kanyang tuhod at mahimatay siya.
Dahan-dahan niyang itinaas ang isang paa, iyong hindi nito mararamdaman iyon. Nang maitaas ay malakas niyang ibinaba iyon sa paa ni Sawyer.
“What are---Fuck! Aray! Putang...”
“Ano?” Nabitawan siya nito dahil sa sakit. Namaywang siya sa harap nito. “Minumura mo ako? Sino ba nagbigay sa'yo ng karapatan na yakapin ako ng ganoon?”
“Why did you do that?” galit na sigaw nito.
“Dahil maharot ka! Doon ka nga.”
Padabog na umalis siya sa harap nito at nagtungo sa ref para sana magluto ngunit may nahagip ang kanyang mata. Nakita niyang nakaayos ang mesa. Kompleto na ito do'n.
“I'm not maharot! Where did you get that word? I'm not flirting you, Flower.”
“Stop calling me flower.”
Everytime kasing tinatawag siya nitong ganoon ay may kung ano siyang nararamdaman sa kanyang tiyan.
“But you're my flower.”
Itinuro niya ang sarili. “Tao ako at hindi bulaklak! Tigilan mo ako!”
“Don't care.”
“Aba't — ”
“Let's eat flower, I'm hungry.”
Hindi na siya nagsalita pagkatapos no'n ngunit ang noo ay nakakunot na. Bakit ba nagkagusto siya sa masungit na ito? Wala namang kagusto-gusto sa lalaking ito kundi ang mukha lamang at katawan nito wala ng iba pa.
Nagpaakay si Mekalayne ng hilahin siya nito patungo sa mesa. Pinaupo siya nito sa upuan. Nakatitig na lamang siya sa binata ng ito na din ang umasikaso sa pagkain niya. Bumuntong-hininga siya saka sumandal sa upuan.
“What?” Napansin nito ang kakaibang titig niya kaya tumigil ito sa ginagawa para tanungin siya.
“Bakit mo ginagawa ito? Kaya ko ang sarili ko hindi ako baldado, Sawyer Zane.”
“Huwag ka ng magsalita pa, kumain ka na lang.”
“Aba't sino — ”
“Kain na, bulaklak.” Saka nito nilagyan ng pagkain ang kanyang bunganga.
Napanguso siya. Masungit na kinuha ang kutsara mula dito bago inirapan. Umiling-iling naman na bumalik si Sawyer sa kanyang upuan na nasa kanyang harapan.
“I introduce you to them tomorrow. Is it okay with you?” Walang tingin-tingin na tanong niya.
She's busy with her food. Inaamin niyang magaling itong magluto. Sa katunayan nga ay mas masarap pa itong magluto kaysa sa kanya. Hindi lang siya makapaniwala na nakaya nitong magluto kahit na wala ang alaala nito. Hindi ba't kapag nawalan ka ng alaala ay makalimutan mo lahat? Or hindi?
Well mayroon naman sigurong hindi. Eh, bakit nga ba niya iniisip iyon? Wala naman siyang magawa para makaalala ito.
“Sure,”
“Hindi ka kinakabahan?” Taas ang kanyang kilay.
“Why would I? ”
“Kasi baka magalit sila sa'yo?”
Umiling ito sa kanya. “Why?”
Anong why? Tsk! Nasabi na niyang mahigpit at protective ang mga kaibigan sa kanya. She's very sure na magagalit talaga ito bukas.
Paano kung ipakilala na lang niyang boyfriend niya ito? She think Sawyer won't agree with her.
“I know what to do. Whatever I say tomorrow just go with the flow okay? Yeah, okay!” she said na siya din naman ang nagsagot sa huli.
“Sure!” Nakita pa niya ang pagtaas ng gilid ng labi nito animo'y nawiwili sa kanya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (8)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story
24/10/2022
0nice
28/07/2022
0sobrang Ganda ng kwento may kasunod pa ba to author? sayang kung di matatapos( Author Wala na ba tlga tong kasunod sayang nman Ang Ganda p nman ng kwento mo (thank you sa pag update sana tuloy2x na hehehe)
14/07/2022
0Tingnan Lahat