CHAPTER 14

Kung matigas ako mas matigas pala siya. Dahil hindi pa nga ako nakailang hakbang ay hinawakan niyang muli ang aking kamay. Saka niya ako pinaharap ng sapilitan.
"Let's talk" malamig ang kanyang boses na lumukob sa buo kong katawan.
"No. Ayoko." Matigas kong sabi.
"What the hell is wrong with you, Alexa? Ano bang nagawa ko?"
Tiningnan ko siya ng matagal. Hanggang sa tumunog ang telepono ko. Binasa ko doon ang text. Mapait ang nararamdaman kong sa aking nabasa. Si Arlette iyon. Iyong babae kahapon.
"Bigyan mo daw ng number mo si Arlette." Walang emosyon kong salita. Pinakita ko siya sa naging mensahe ni Arlette sa akin. Nabaling doon ang kanyang tingin.
Bahagya akong tumalikod at pumikit. Bawal ang magselos. Wala namang kami. Patawa ka ba?
"Ayoko. Mag uusap muna tayo, Alexa"
Muli niya akong pinaharap sa kanya.
Lumaylay ang balikat ko. Pwede namang bigyan niya na kang diretso ng sa ganon matahimik na ang babae niya. I mean si Arlette. At nang makauwi na ako.
"Bigyan mo. Kahapon pa ako kinukulit non"
"Ayoko nga. Ayoko. Walang may ibang dapat magkaroon ng number ko kundi ikaw lang"
Dinilaan ko ang labi ko habang tinitingnan siya. "Bakit ayaw mo pagbigyan mga babae mo? Anong nakakaiba nila sa akin, bakit dapat ako lang may number mo?"
"Kasi nga gusto kita--"
"Ilan kaming nasabihan mo niyan? Ilan kaming napaniwala?" Hindi ko mapigilang hindi maging bitter ang tunog ng aking boses. Ano ba, Alexa. Wala kang karapatang magselos.
"Saan ba to patungo? Gusto nga kita di ba? Bakit ayaw mo ako paniwalaan?"
Bakit kaya hindi ko siya pinaniwalaan? Think, Joveneil. Damn. Ngayon ko pa napagtantong bobo pala siya!
"Bakit kita papaniwalaan kung araw araw may babae kang kaharutan sa canteen sa field at kung saan? Gusto mo ako di ba? Bakit ayaw mo idistansya sarili mo sa mga babae na halatang may gusto sayo. Bakit kita paniniwalaan kung kahapon pa nga ay may babae na namang naghahanap sayo? Sa tingin mo ganon kadaling maniwala sayo? Ulol ka? Matapos mong pagsawaan ang oras nila sa akin naman? Para saan? Para masubokan ako at kung magsawa ka na ulet aalis ka at iiwan mo ako sa ere? Sorry, alam ko yang galawan mo"
Hindi mapigilang mabasag ang boses ko. Nakakainis ang hina hina ko sa kanya. Ayaw magmatigas ng boses ko at agad na bumibigay.
"Ganon ba tingin mo sakin? Naging ganon lang naman ako dahil sayo"
"Wow, so kasalanan ko pa? Inutusan ba kitang makipaglandian ka? Gagu!"
"Damn hindi mo ako nakuha. Ibig kong sabihin ay nilibang ko ang oras ko dahil na sayo na lang palagi. At ikaw wala ka namang pakialam"
"Anong wala? Tangina ito na nga oh. Nagseselos na nga. Masaya ka na? Dapat nilalayuan mo yung mga babae na alam mong may gusto sayo, diba? Heck, hindi naman tayo kaya bahala ka sa buhay mo" tatalikod na ulet ako.
Ngunit...
Hinila niya ako papalapit sa kanya saka yinakap. Hindi ako nakagalaw sa kanyang ginawa. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante doon. Nagbubulung bulungan sila kaya tinago ko ang mukha ko sa balikat ni Neil.
Nag pout ako ng naamoy ang mabangong amoy niya. Lalaking lalaki. Damn. Nasaktan na nga ako't lahat nagawa ko pa siyang i compliment sa mga naaamoy ko.
"Bakit ka nagseselos kung ganon?"
Napairap ako sa tanong niya.
"Hindi ba obvious? Sa tingin mo bakit?"
"Sagutin mo ako. Hindi yung tanong rin sagot sa tanong ko."
"Ewan ko sayo. Ang hina mo pala akala ko pa naman matalino ka"
"Nagiging bobo ako pagdating sa iyo" mahina ang boses niya. Napapikit ako sa sensasyong iyon.
"Sus, kwanto mo sa pagong"
Kumalas ako sa kanyang bisig. Hinagilap niya ang kamay ko at hinawakan. Napangiwi ako sa kakornihan niya.
"Gusto mo'ko no? Ikaw ahh" pang aasar niya sa akin. Sinusundot pa niya yung tagiliran ko.
Natawa nalang ako sa kaabnormalan niya. Wth. Parang kani kanina lang ay umiiyak ako dahil sa selos. Ngayon ay nabuhayn ulet ng dugo dahil sa kanya. Sobrang nababaliw na talaga ako.
"Hindi ko naman pinaunlakan si Arlette kahapon. Hindi ako intresado."
"Ako rin hindi intresado sa kwento na yan." Maangas kong sabi sa kanya.
Nagpout sya. Gusto kong matawa sa kanya pero pinigilan ko.
"Saan ka lang pala intresado, Alexa?" Inosenteng tanong niya.
"Sayo." Direktang sagot ko.
Napatitig siya sa akin ng matagal saka ngumiti ng napakatamis.
Damn that smile
"Baliw ka na sa akin n'yan, Darling"
"Tse! Asa!"
Tatawa tawa ko siyang iniwan siya doon pero alam kong nakasunod lang siya.
Ngayon ay sabay na ang mga hakbang namin. Palihim ko siyang nilingon. Nakangiti siya ngayon. Sobrang liwanag ng kanyang mukha saka ako naman ang napangiti sa tanawin na iyon.
Dahan dahan kong naramdaman ang kamay niyang hinahawakan ang kamay ko. Imbis na hayaan siyang makuha iyon ay iniwas ko ang kamay ko.
Napahinto siya at mataman akong tiningnan.
"Lex..." His voice is pleading. God!
"No label, no touch."
Iniwan ko siyang nakanganga.
I then smirk. Manigas ka d'yan.

Komento sa Aklat (17)

  • avatar
    Neth Casipong Palis

    super ganda ng story 🥰❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    14/12/2024

      0
  • avatar
    Jeica Ahaddas

    i like the story so muchh

    19/10/2024

      0
  • avatar
    Ma Rhea

    wow ahh grbe

    03/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata