Welcome Back

PINAKIKIRAMDAMAN ni Ranus ang taong nagmamay-ari ng mga matang nakatitig sa kaniya. Gustong-gusto na niyang imulat ang mga mata, ngunit mas ninais niyang manatiling nakapikit at hintayin ang sunod nitong gagawin.
The stares are still there. Pero nangangalay na ang kaniyang mga talukap sa pagpapanggap na wala pa ring malay.
Napapabuntong-hininga si Infinity habang pinagmamasdan ang mukha ng nahihimbing na lalaki. After years of not seeing him, nothing has changed. Ganoon pa rin ang epekto ng dating asawa sa kaniyang puso. Her heart is beating fast na para bang gusto nitong lumabas at tunguhin ang nagmamay-ari noon.
She was praying na sana hindi muna ito magising. Gusto pa niya itong pakatitigan. Kahit ngayon lang, kahit ito na ang huli.
Grabe ang pagpipigil niya sa sariling huwag itong lapitan, dahil baka kapag kumilos siya ay magmulat ito ng mga mata.
She was amazed with the looks of her ex-husband. He looked so manly na nakakadagdag sa taglay nitong karisma. Kahit nakapikit ito ay napapangiti pa rin siya sa alaala ng mga mata nitong pilyo kung tumingin.
Napapitlag siya nang makitang gumalaw ang mga talukap nito. At sa takot na makita siya ni Ranus ay mabilis siyang tumalikod at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang pintuan ng silid na iyon.
"Ex-wife…"
Napahinto siya sa tangkang paglabas nang marinig ang tinig na iyon. Mas malaki at maotoridad iyon ngayon. Higit na nanunuot sa laman.
Naramdaman niya ang tila paghinto sa pagtibok ang kaniyang puso, dahilan upang mapako siya sa kinatatayuan. Naramdaman niya ang pagkilos sa kaniyang likod. Kabado man, unti-unti niya itong nilingon.
"H-hi…" Pilit man niyang pigiling mautal ngunit hindi siya nagwagi nang makita itong nakaupo sa gilid ng hospital bed.
Seryoso ang mga matang nakatitig sa kaniya, habang inaalis ng kanang kamay ang swerong nasa kaliwang kamay. Pumuputok ang mga muscle nito sa magkabilang braso sa bawat paggalaw na ginagawa nito.
"Huwag ka munang magkikikilos," awat niya nang makitang ngumiwi ito dahil sa tangka nitong pagtayo.
"Are you leaving?" sa halip ay tanong ni Ranus.
"Ahm, yeah. I- I just came here to make sure that you are okay." Natigilan si Infinity nang hubarin nito ang hospital dress na suot.
Pakiramdam niya ay pinanuyuan siya ng lalamunan nang tumambad sa kaniya ang perpekto nitong katawan. Batid niyang kasalukuyan na siyang pinamumulahan ng mukha dahil sa maselang alaalang nagsusumiksik sa kaniyang utak. Lalo na at mas lumaki ang muscle nito sa magkabilang braso, gayon din ang dibdib nito, kumpara sa huling alaala niya rito.
Mabilis niyang iniiwas ang mukha rito nang makitang nakatitig ito sa kaniya at nasa dulo ng mga labi nito ang nakalolokong ngiti.
Hinagilap ng kaniyang mga mata ang damit nito at nang makita iyong maayos na nakatupi sa sofa ay agad niyang nilapitan at kinuha.
"Thanks," ani Ranus nang tanggapin nito ang mga damit at isa-isa iyong isinuot. "Let's go," kapagdaka'y aya nito.
"H-ha?"
Hindi sumagot si Ranus. Sa halip ay nag-umpisa itong humakbang palapit sa kaniya.
Nahigit ni Infinity ang hininga nang huminto ito isang hakbang mula sa kaniya. Naglakbay ang mga mata nito sa mukha niya na para bang binubusisi ang bawat sulok niyon.
"Hinihintay na tayo ng mga bata."
Napapikit siya nang maamoy ang mabango nitong hininga. At sa kaniyang pagmulat ay gayon na lamang ang pagkabigla niya.
Ranus is now inches away from her. She could feel his warm breath on her forehead. Tiningala niya ito upang salubungin ito nang nakakunot ang noo, ngunit ang pagtingala niyang iyon ay isa palang maling hakbang, dahil lalo lang siyang nanigas sa kinatatayuan sa lapit nila sa isa't isa. Akma siyang hahakbang paatras, ngunit mabilis siyang pinigilan ng matitigas nitong bisig.
"Stop running away from me, Ex-wife," bulong nito 'saka siya hinapit.
Ipinangsangkalan niya ang dalawang kamay at inihawak sa magkabilang balikat ni Ranus upang hindi siya tuluyang mapalapit dito. Ngunit tila nananadya ang dating asawa nang mas higitin pa siya nito, dahilan upang mariin siyang mapahawak sa magkabilang manggas ng suot nitong black t-shirt.
Matiim na tinitigan ni Ranus si Infinity. Naroon sa mga mata nito ang panghihinayang at pananabik. Dahan-dahan pa nitong ipinilig ang ulo na para bang iwinawaksi ang kung anuman ang nasa isip. Kapagdaka'y muling tititig dito.
Iniangat niya ang libreng kamay at inihaplos sa pisngi ng dating asawa. "Until now, I want to punch Jasson for tricking us," anas niya habang hinahaplos ang makinis nitong pisngi. Wala pa ring nagbago, gano'n pa rin ng epekto sa kaniya ni Infinity.
His heart is still pounding hard, and he can't breathe.
"And I want to punch myself too, for believing him," he paused. "Did you know how much I miss you?"
Hindi napigilan ni Infinity ang mapalunok nang maramdaman ang pagpisil ng kamay nitong nakahawak sa kaniyang tagiliran. Hindi rin niya magawang alisin dito ang kaniyang paningin.
And the moment she parted her lips to speak, she suddenly feels his lips on hers. Dumiin pa ang pagkakahawak nito sa kaniyang katawan, katulad ng pagkakadiin niya ng hawak sa magkabila nitong manggas.
His kisses were full of avidity when he slid his tongue inside her slightly open mouth.
Napasinghap si Infinity kasabay nang mariing pagpikit ng mga mata at ang pagtugon sa mainit na halik na iyon ng dating asawa.
What is the use of her suppression if she knows that she's just deceiving herself? What is the use of repression if she feels the same way?
She misses him. And that is the fact.
But he is getting married. That is the actual slapping fact on her face!
She stilled with the thought of him getting married. But she doesn't give a damn to stop him and ruin the moment.
Mariing nakayapos sa kaniyang likod ang kamay ni Ranus, habang ang isang kamay nito ay nasa kaniyang batok, higit na idinidiin ang mga labi nila. At hindi binibigyan ng pagkakataon para makawala siya.
She was losing her mind para hayaan ito at ang sarili. She was losing her dignity knowing that her ex-husband was about to marry a woman that is not her.
At tila isang kuryenteng kumudlit sa kaniyang isipan ang nakitang billboard ng mga ito, na inipon niya ang lahat ng pagtitimpi at buong lakas na itinulak ang dating asawa.
Yeah, she's still in love with him. Pero nasa tamang pag-iisip pa rin naman siya para malaman ang tama at mali. At alam niyang mali ito. Hindi tamang hinalikan siya ng dating asawa at hindi tamang hinayaan lamang niya ito.
Iniiwas niya rito ang mukha upang itago rito ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata.
"You want me. You still want me," he whispered.
Mapait na napangiti si Infinity. Bakit ba nababakasan niya ng pagsusumamo ang tinig nito? He looks happy and contented on that billboard. Wearing his tuxedo while holding his fiancée’s right hand. They are look good together. Pero bakit ngayon ay parang nais niyang magduda?
Malalim siyang napahinga at mariing ipinikit ang mga mata. At sa pagmulat niya ay buong tapang niyang pinakatitigan ang dating asawa.
"I don't want you, Ranus," she said. But in her mind, she really wants to say that she doesn't want him because she both wanted and needed him.
"Since we are already here, face to face. I guess it's time for me to ask for your forgiveness. I apologize for not holding your hands. I'm sorry if I did not hold my promises."
"Anny…"
"I have to move on. We have to move on, Ranus. That is the better thing to do. We are getting unfair to your fiancée if we still want each other."
Nakaramdam ng inis si Infinity nang sa halip na pagtanggap o anu pa mang reaksiyon ang mabasa niya sa mga mata ng lalaki ay ngumisi lamang ito.
May nakatatawa ba sa sinabi niya?
Mas lalo lang siyang naguluhan nang matapos nitong bumuntong-hininga ay ginagap nito ang isa niyang kamay at iginiya siya palabas ng silid na iyon.
"Let me go!" Pilit na ipinipiksi ni Infinity ang kamay na hawak ni Ranus para makawala dito. Iyon nga lang, the more she tried to escape, the more Ranus tightened his grip on her wrist."
“Stop it, Anny. Hindi ko na hahayaan pang makawala ka. I let you go once and it made my life living like a hell.” Binitiwan ni Ranus si Infinity, ngunit ganoon na lang ang gulat ng dalaga nang walang babala siyang buhatin na parang sako ng dating asawa!
"Tetanus!" tili niya.
Pagkalabas palang nila sa ospital, isang black Ford Expedition na ang tumigil sa harapan nila.
“Anton, help me!” tawag niya sa dating bodyguard na bumaba mula sa driver’s seat at gumawi sa kung nasaan sila. Ngunit sa halip na tulungan siya, binuksan lang nito ang pintuan ng back seat at muli na itong tumungo sa driver’s seat.
Maingat na isinakay ni Ranus si Infinity sa loob ng sasakyan atsaka ito sumunod.
“Ano ba ‘to, Ranus? Anton, ihinto mo ang sasakyan!” Nanggagalaiti niyang binalingan ang dating tauhan, ngunit tulad pa rin ng dati, hindi niya ito masindak man lang. Kita pa nga niya rearview mirror ang ginawang pagngisi nito.
“I am his boss now, Ex-wife. Kaya sa akin na siya susunod.”
"F*ck you and your bodyguard!"
"Oh, I'm willingly lying naked and ready on the bed, but Anton is not included. My ex-wife."
"You!" Walang ibang maibatong salita si Infinity kay Ranus. For almost four years away from him, he never changed. Though he became more manly physically, Ranus being talkative and playful was still the same.
She collected herself as Ranus keep on looking at her with the same intense as before. Iniiwas niya ang tingin dito at ipinako na lamang ang mga mata sa kaliwa kung saan hindi niya ito kita, maliban sa repleksiyon nito sa bintana ng sasakyan.
“Where are we heading?” she asked without looking at him. Hindi pa rin niya ito nililingon dahil ramdam pa rin niya ang paninitig nito. The street they were heading is familiar to her, though.
At hindi na nga siya nagtaka nang huminto ang Ford ilang metro ang layo mula sa ampunang parehong may parte sa buhay nila.
But what are they doing here? Bakit siya dinala dito ng dating asawa?
Sa pagiging abala ng isip ni Infinity at sa pagkakatitig sa katabing gusali ng ampunan, napapitlag na lamang siya nang bumukas ang pintuan sa gawi niya at bumungad sa paningin niya ang mukha ng dating asawa na matagal din niyang pinanabikang makita.
Mula sa mga mata nitong hindi niya mawari kung malungkot o nasasabik, bumaba ang tingin niya sa kanang kamay nitong inilalahad sa kaniya.
At tulad pa rin ng dating epekto sa kaniya ng mga mata nito, tila siya nahihipnostismong tinanggap iyon at nagpaubaya sa pag-alalay sa kaniya pababa ng sasakyan nito.
Magkahawak kamay nilang tinawid ang kabilang kalsada kung nasaan ang may apat na gusaling may limang palapag. Napipinturahan iyon ng iba’t ibang shades ng lilac; purple, violet, and lavender.
Hindi mapigilan ni Infinity ang hindi mamangha sa nakikita. The school building was just a plan, bago pa niya malaman ang tunay niyang pagkatao. She bought the vacant lot beside the orphanage. And she left the country leaving only the title.
Pero ngayon…
“I named it after your name, Infinity School for Angels,” said Ranus who was beside her. Inilipat nito sa kanang kamay nito ang palad niyang hawak ng kaliwa nitong kamay, atsaka nito inilapat ang nalibreng kaliwang palad sa ibabang likod niya. Ranus was just inches away from her, and she almost breathe his breath that smells like a mint.
She was looking at the school in front of them. Mataas ang bakod niyon at nadedesenyuhan ng murals; a girl on her white blouse and lilac skirt which is the uniform of the school, was sitting on the green-trimmed grass, under the tree, while holding an opened book. Sa malayong harapan ng batang babae ay mga bata namang naglalaro sa playground.
“You make their dreams come true and they wanted to thank you,” Ranus speaks again, kaya naman nilingon na niya ito nang may pagtatanong sa kaniyang mga mata.
Tipid lamang na ngumiti si Ranus at inalalayan na si Infinity patungo sa matayog na gate ng eskwelahan. Atsaka lamang nabistahang maigi ng dalaga kung gaano kalawak ang lupang nasasakupan ng paaralan.
Hindi niya akalain na malawak pa ang school ground bago marating ang bawat gusali. Sa labas kasi ay ang apat na building lang ang makikita. Pero iyon nga, kapag sumilip ka sa bawat siwang ng malaking gate, makikita mo na ang malawak na harapan ng mga gusali na berdeng-berde ang damong alaga sa tabas. May parteng may mayayabong na puno na may upuan at mesang yari sa konkreto.
At nang tuluyan silang makapasok sa loob, mas napagtanto ni Infinity na triple ang kabuuan ng kinatatayuan ng eskwelahan sa lupang binili niya noon. Hayun nga at sa kabilang bahagi, malapit sa guard house ay makikita ang malawak na playground, at sa malayong bahagi pa ay ang open-field na nahahati sa soccer field, baseball field, at volleyball field.
"I bought the ten hectares to build our dream school."
Nilingon niya ito. “Tapos sa akin mo ipinangalan.” She didn’t know what she sounds like since it’s not a question. Inirapan na lang niya ito at muling pinagala ang paningin sa malawak na eskwelahan.
"Why not name it after you? You are the foundation of this school, Infinity, or should I call you Tiffany? But it sounds better if I call you my wife, hmmm?"
Nanigas ang katawan ni Infinity nang maramdaman ang mahinang pagpisil ni Ranus sa kaniyang tagiliran. Mas nakadagdag pa sa kaniyang nararamdaman nang ilapit ng binata ang sarili at halos pabulong na lang nitong sinabi sa kaniyang tainga ang mga huling kataga.
Dinaan na lamang niya sa pagsama ng tingin dito ang nadarama, atsaka siya lumayo. Tinungo niya ang sa tingin niya ay ang main building ng eskwelahan. Napakatahimik ng paligid at hindi na siya nagtataka kung bakit, dahil araw iyon ng Sabado at wala naman talagang pasok.
Panay ang linga niya sa paligid habang nilalakad ang pathway patungo sa main building kaya hindi na alintana ng dalaga ang sasalubong sa kaniyang harapan.
Kaya ganoon na lang ang gulat niya nang sa pagtapak niya sa huling baiting ng may kataasang hagdan dahil elevated ang gusali, may narinig siyang nag-aawitan. She looked left and right to check the surroundings and to her surprise, one by one, students in their uniform came out from a classroom in both sides of the building.
Nagsama-sama ang mga estudyante na animo bumuo ng choir sa kaniyang harapan habang patuloy sa pag-awit ng pasasalamat.
Nang makilala ni Infinity ang mga batang ilang dipa ang layo sa kaniyang harapan, hindi na napigilan ng dalaga ang maging emosyonal. Her tears fell from her eyes like a waterfall. And it didn’t stop when the children from the orphanage said their welcome to her when they finished singing.
“Welcome back, Ate Anny,” korong bati ng mga ito na sinundan ng mga madreng naging malapit din sa kaniyang puso.
“Welcome back, Tiffany,” bati ng mga madre sa pangunguna ni Mother Maria.

Komento sa Aklat (45)

  • avatar
    Mark Letada

    habanzhbs sj

    22/12/2024

      0
  • avatar
    Artkeen Espadon

    iiwyfdjdgejdjjdjdjdoaksjjdtjfjxkkskejhdbfbcnxjskjdhdjfjdkakjsjdixjdndhsjkakskdjhcjrjeksksofhghkskshfghjjjjjjjjjjjjjjjfffggggffkwjsjsjfgshdidiieiejejjdjjdhwjjeuejejjejejdjdjdjjjsjsjsjjsjdkkskfhhdjsjdhfhhdjdjjdhhdhdhsgjjdgsjjjdgjkdklsgggdkjjjjjdjjdjsuhjjeheghhehhfekkjfejjjhsggshjjehegehhrhehejjejuuurjwhehehhehererhehueueuehehhejrhrhrjrjruuwuwoowhejhrjejejejjejjejejejeujegdoshgiwiuyyeiiidihdjjdhdghsi2jhhsyjwhehyrruudyehgegdgusieijendggdhjdjejejrghfhfjjdjsnenjfhdufudiieiejbbfjjjjjhffgbvcxhrhfwtrardy

    06/11/2024

      0
  • avatar
    Elfrancis Azuela

    OJ 3rd grade mo na na na na na na na na 😭

    01/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata