Homepage/The Love We Once Had/
CHAPTER 23: Closure
Faye's Point Of View.
Nagising na lang ako na tila ba naninikip pa rin ang dibdib ko. Napaigtad ako nang may makitang may 18 missed calls na si Hazel. Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan. Tatawagan ko na sana siya nang may nag-doorbell. Pagkabukas ko ay bumungad sa akin si Hazel na nag-aalala.
"Oh, beb? What's the matter?" tanong ko kaagad nang pinapasok ko siya sa loob.
"B-Beb." She uttered, worried and about to cry.
"Why? What's the problem?"
Kinakabahan na ako sa reaksyon at sa sasabihin niya. I'm sure there's something wrong but I don't know what it is.
"Si. . . S-Si Marco."
"B-Bakit?" nagkandautal-utal na wika ko.
"Naaksidente siya. . ."
Natigilan ako. "A-Ano?"
"Nabangga siya habang nagda-drive siya."
Napaupo ako bigla sa panghihina. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Hindi ko namalayan ang dahan-dahang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
"A-Ang gusto ko lang naman ay makapaghiganti sa kanila. Ang maranasan nila kung gaano kasakit gaya ng ipinadama nila sa akin. But I never wished this to happen. Hindi ko hiniling na may ganito, 'yong may buhay na malalagay sa alanganin. Ang sama ko," saad ko at napahikbi.
Niyakap ako ni Hazel. "No, beb. This is not your fault. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman itinuloy ang balak mong maghiganti. Wala kang kasalanan."
Napahagulgol ako. Iyon ang muli kong pag-iyak at si Marco na naman ang dahilan.
He hurt me but I never wanted this to happen to him. I'm so sorry. . .
***
Nagmadali kaming tumungo ni Hazel sa Hospital kung nasaan naka-confine si Marco. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nalalaman ang lagay niya.
"Nurse, saan ang room ni Marco Ramos?" tanong ni Hazel.
"Doon po, ma'am." Turo nito sa daan. "Kaliwa lang po kayo roon."
"Okay, salamat!"
Dumeretso kami sa kung saan sinabi ng nurse. Natanaw ko kaagad si Aimee mula sa malayo. Napalingon siya sa amin at napatayo sa kinauupuan niya. Matamlay siya at kahit gusto niya man akong singhalan ay hindi niya magawa. Binuksan niya ang pinto ng room ni Marco at isinenyas na pumasok kami sa loob. Inalis ko ang paningin sa kaniya at tuluyan na kaming pumasok doon.
Hanggang ngayon ay nakahiga pa rin si Marco, ang dami niyang natamong sugat. Hindi ako nag-aalala sa kaniya dahil mahal ko pa siya, nag-aalala ako sa kaniya dahil nagi-guilty ako. Alam kong may kasalanan din ako sa nangyari sa aksidente niya. Kung hindi ko sana siya iniwan doon, hindi sana siya nakahiga at walang malay dito sa Hospital ngayon.
"Beb, okay ka lang ba rito?" tanong ni Hazel.
Tumango ako. "Okay lang, beb."
"Maiwan muna kita rito. Bibili lang ako ng pagkain," paalam niya saka lumabas.
Ako na lang ang naiwan sa silid na iyon pati si Marco. Tinitigan ko siya at pinagmasdan ang kalagayan. Ang dami niyang sugat sa katawan at pati na rin sa mukha. Napatayo ako nang unti-onti siyang nagmulat.
"F-Faye. . ." Pinilit niyang umupo kaya inalalayan ko siya. "Am I dreaming? You're really here?"
"You're not dreaming, Marco," wika ko. "Are you fine now?"
"Yeah, masakit na lang ng kaonti ang mga sugat ko. But thank you, Faye. Despite all of the things I did to you, you're still here in front of me. I thought you loathe me so much that you don't want to ever see my face."
"Sorry. . . Kung hindi sana kita iniwan kagabi, hindi sana mangyayari sa 'yo ito."
"No, it's my fault. Kung hindi kita kinulit noon, hindi mo sana ako iniwan. . ."
Ilang minutong katahimikan ang namuno sa pagitan naming dalawa. I'm just staring at the ceiling when he faced me.
"Faye, I'm very sorry. . ." panimula niya. "Kung pwede ko lang ibalik ang dati, matagal ko nang ibinalik. Forgive me, Faye. Matagal ko nang pinagsisihan ang mga nagawa ko sa 'yo. I apologize for all the pain. Maybe I deserve these bruises and wounds. This isn't enough compared to what you've been through. Baka karma ko na ito sa panggagago ko sa 'yo."
"Shh." I hugged him to calm him down. "I forgive you, Marco. Pero may mga bagay talaga na hindi para sa isa't-isa. Anuman ang gawin natin, kung hindi talaga para sa atin, hindi para sa atin. And maybe we're not really meant to be. We can be friends again if you want to. Pero 'yon na lang, hanggang doon na lang. Kasi may mahal na akong iba at ayokong saktan si Josh. Ayoko siyang mawala sa akin."
I cried too. Unti-onti nang nanunumbalik ang dating Faye. Ang Faye na mahina, madaling umiyak at mapagpatawad.
"Alam ko naman. . ." Pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi ko. "Pero hiniling ko pa rin na sana ako na lang ulit kasi hindi ko pa matanggap. Umasa ako na baka magbago pa ang isipan mo at payagan mo akong bumalik sa 'yo. Pero ang mapatawad mo lang ako? Okay na sa akin 'yon. That's all I can wish for."
Naaawa ako kay Marco. Kitang-kita ko sa mga mata niyang nasasaktan siya. Alam kong napakalaki ng kasalanan niya sa akin pero alam ko ring nagsisisi na siya sa lahat ng nagawa niya.
"Baka pinagtagpo lang talaga tayo pero hindi itinadhana, Marco. Balang araw ay makakahanap ka rin ng babaeng magmamahal sa 'yo nang buong-buo."
Napalingon ako sa pinto kung saan naroon si Aimee at tahimik na umiiyak. Muli kong binalingan si Marco.
"I'll go now. I just visited you to know your condition." paalam ko. "And I think you already found someone who loves you wholeheartedly. Siya? Mahal ka niya talaga. . ." turo ko sa pwesto ni Aimee.
"Thank you, Faye. Friends?" Naglahad siya ng kamay. Tinanggap ko naman 'yon.
"Friends."
Bago ako tuluyang makalabas doon ay tinapik ko ang balikat ni Aimee saka ko inilapit ang bibig ko sa tenga niya at bumulong.
"I know you love him so much. Now, go! Make a move." I whispered.
"Why are you saying these things?" naguguluhan niyang wika.
"Because after all of what you've done to me, even though I've changed, I still know how to forgive but I just don't want to because I want to see you both suffer. Pero pinapatawad na kita, Aimee. Alam kong mahal niyo lang ang isa't-isa kaya niyo 'yon nagawa sa akin. Kaya kung may babae man na gusto kong maging girlfriend ni Marco, ikaw 'yon. I apologize for all the things I've said and done."
She smiled at me and I can see the sincerity on it. Then she hugged me tightly. Mas lalo siyang napaiyak. Hinagod ko ang likuran niya upang patahanin siya.
"I should be the one apologizing to you, Faye. I'm so sorry! Inaamin kong nainggit ako sa 'yo noon kasi ang daming nagmamahal sa 'yo. Si Marco lang ang nag-iisang mahal ko noong mga panahong 'yon tapos ay nalaman kong ikaw pala ang gusto niya. Kaya nang malaman kong naging kayo, inakit ko siya. I took him from you. I'm really sorry. Nadala ako ng inggit ko sa 'yo." she burst out in tears and reached for my hand.
"Apology accepted."
"I know this is impossible for you to hear and this won't be as easy as it is but I really want to be your friend again, Faye. Can I? If you'll let me."
I smiled. But this time, it wasn't sarcastic. "Sure, Aimee."
I didn't expect that after all of what I've been through, sa isang pangyayari lang pala maaayos ang lahat. I was deeply in pain before to the point that I couldn't even notice myself changing. I was blinded by my anger and eagerness to take revenge. But I realized that taking revenge won't do me any good nor bring me luck in life. I'm just turning myself into a monster by wanting to make them feel what I have felt.
It was too much for me to handle but it takes time to heal. We just have to learn how to do it little by little, process by process, and without rushing.
It's now time to forgive and make things right.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
🥰🥰🥰
13/07/2023
0Ang Ganda ng story
08/06/2023
0ñice
12/02/2023
0Tingnan Lahat