Faye's Point Of View. Three months na kami ni Josh and those days made me feel that he truly loves me. It was far different from the feeling I've felt before. "Moo," pagtawag ko kay Josh. He turned to me as soon as he heard my voice. Pinanindigan na namin ang tawagan na 'yon. I find it sweet, though. "May celebration mamaya para sa pagbubukas ng bagong branch ng Company." I said. "Pinapasama tayo nila Daddy." "All right, moo." He smiled at me. Naghanda lang kami ni Josh at maya-maya'y aalis na rin kami. Napalingon na lang kami sa pintuan ng office nang biglang dumating sina Hazel at Ella. May dala silang cake at nakabihis na rin sila. "Hi, lovebirds!" bati nila. Nagkwentuhan kami sandali. Nagpaalam si Josh na bibili ng juice dahil nakalimutan ni Ella magdala. Bumaling sa akin si Hazel nang tuluyang makaalis si Josh. "Beb, nabalitaan kong kasama rin sina Marco at Aimee sa celebration mamaya, kasi hindi ba co-holders din ang mga parents nila sa company ng parents mo?" banggit niya. "Ah, that?" I gave her a smile. "No worries beb, I'm prepared." "I'm just reminding you, beb. You know what Aimee can do once she sees you." "I'm pretty sure she can't do that. She can't cause a scene there." "If you say so. But I'm thinking about your revenge, beb. Hindi mo na ba balak ituloy?" She's right. Hindi ko na sila napagtutuonan ng pansin nitong mga nakaraan. "I don't know when to make the next move." I shrugged. "I'm so busy that I have no time to even think of them." Napatahimik kami nang sumulpot bigla si Josh at agaran kaming niyaya na sa pag-alis. Nang makarating sa lugar kung saan ang celebration ay halos mahilo ako sa dami ng tao. But given the fact that my parents have so many business partners, hindi na dapat ako nagugulat pa. "Oh, hija. You're here," ani Dad nang mapansin kami. "I will introduce you to our business partners. Follow me." He introduced us to his business partners and we just bowed to them. Pagkatapos ay naupo na kami sa table namin. Magkakasama kaming apat sa isang table. Nagpaalam ako sa kanila na may kukuhain lang ako sa kotse. Ang malas ko nga lang dahil nakasalubong ko pa ang dalawang taong kinaiinisan ko. "Good to know you're back together." I smirked sarcastically. "And by the way, enjoy the party. . ." *** Pagkabalik ko sa table namin ay ang pagsisimula ng party. Napakalakas ng sounds at nag-umpisa na ring maging hyper ang mga bisita. Nang maging slow ang kanta, marami ang nagsitayuan kabilang na roon sina Hazel at Ella. Niyaya ni Allen si Ella, habang si Gabriel ay kay Hazel. Napalingon na lang ako kay Josh nang inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Can we dance, moo?" He asked me. I nodded and accepted his hand. He put his hand on my waist while my hand was on his shoulder. We danced while staring at each other's eyes like we both share the same mind. Nang matapos ang kanta, napansin kong tumayo sina Aimee at Marco. Oh, they will dance too. Nang makita ako ni Aimee na nakatingin sa kanila ay nginisian niya ako at mas lumapit pa siya lalo Marco. Napangisi naman ako nang mas malapad. Akala niya ba ay magiging affected pa ako sa ginagawa nila? My heart now belongs to Josh and that will never change. Nang natapos na ang kanta ay umupo na kami, ganoon din sila Aimee. Nauhaw ako kaya napag-isipan kong kumuha muna ng drinks. Nakasalubong ko roon si Marco. "I just want to say–" "Save it." Napairap ako sa pagkairita. "I don't want to hear you saying sorry every single time. It annoys me and it's making me sick." dire-diretsong saad ko. "I know. But please, Faye–" "Hey, moo." Biglang sumulpot si Josh sa pagitan namin at hinapit ang bewang ko. "I. . . I guess I need to go back to my seat," paalam ni Marco. Then umalis na nga siya. Naiwan kami ni Josh doon. Nakangiti akong bumaling sa kaniya. "Who's that guy?" tanong niya. Oo nga pala. Hindi ko pa pala naikwento kay Josh 'yong tungkol sa past ko dati. I sighed as I answered his question. "He's. . . He's my ex-boyfriend, moo," pag-amin ko at napayuko. "Oh, that's why." Napatango-tango siya. "It's okay to me. At least I know now." Ngumiti siya sa akin na tila ba ipinapahiwatig noon na naiintindihan niya. Hindi ko napigilan ang mapangiti rin. Napakaswerte ko sa lalaking ito. "Now tell me, moo. Why did you two break up?" Nabigla ako nang itanong niya 'yon. Is he serious? He wants to know my painful history? At dahil mapilit siya ay napapayag na rin ako sa huli. Kinuwento ko sa kaniya simula umpisa hanggang dulo tutal ay handa naman daw siyang makinig at nangako siyang hindi siya magseselos. Nang matapos akong magkwento ay nginitian niya ako nang matamis. 'Yong ngiting makakapagpagaan ng kalooban ko. Then he held my hand and he kissed me on my forehead. "You're such a strong lady. Nakaya at nalagpasan mo ang lahat ng iyon. I'm so proud of you." He kissed the top of my head. Those words made me feel this kind of butterflies in my stomach once again. Hindi ako makapaniwalang swerte pa rin ako sa kabila ng lahat dahil nasa buhay ko si Josh. "Ang tanga niya lang dahil sinayang niya ang isang katulad mo," he added. "Kaya ngayong nasa akin ka na, hindi na kita ibibigay pa sa iba. . ."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
🥰🥰🥰
13/07/2023
0Ang Ganda ng story
08/06/2023
0ñice
12/02/2023
0Tingnan Lahat