Homepage/The Love We Once Had/
CHAPTER 12: Break Up
Faye's Point Of View.
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang muli kong makita si Aimee. Ang ibig sabihin ba no'n ay tama ang hinala ko?
I have no idea why she's here or what she's doing here but for sure, there's a reason. Kailangan kong magsalita. Kailangan kong magtanong.
"Aimee, ikaw na ba 'yan? Oh! Kailan ka pa nakabalik ng Pilipinas?" kunwaring gulat na tanong ko. Ngumiti pa ako upang maitago ang pagdududang nararamdaman ko.
"A-Ah, four months ago na siguro," she replied. I can feel the tremble on her voice.
Tumango-tango ako. "Bakit ka nga pala nandito? May imi-meet ka?" Itinago ko ang tono ng kuryosidad sa pagtatanong ko.
"Napadaan lang ako, actually. May bibilhin lang sana."
"Ah, gano'n ba?" Ngumiti ako nang pilit. "Let's catch up soon!"
"S-See you next time, Faye. Pakisabi kila Hazel at Ella na miss ko na sila."
"Sure!"
"Take care."
Hindi na ako nagpaalam dahil tinalikuran ko na siya kaagad. Pinunasan ko ang luha sa gilid ng mata ko. Sana ay mali ang hinala ko dahil baka hindi ko kayanin na malaman ang katotohanan.
***
Naglalakad ako patungo sa room nang marinig kong tunog nang tunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon sa bag at hindi nga ako nagkamali. Si Marco.
Marco: Baby, I'm sorry.
Binalik ko na lang muli 'yong cellphone ko sa bag ko at nagpatuloy sa upuan ko. Gusto ko siyang replyan pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Beb, is it true?" Biglang tanong ni Hazel pagkapasok niya pa lang sa room. Nagtaka ako.
"Ang alin?"
"Nandito na si Aimee sa Pilipinas?"
Tumango ako. "Oo, nagkita kami kahapon."
"At totoo bang dito na rin siya nag-aaral?"
Natigilan naman ako sa sinabi niya at biglang napatayo sa kinauupuan ko. Hindi ko alam ang tungkol doon.
"Aimee Salvador daw ang name ng transferee dito sa West University." dagdag pa ni Hazel.
"So beb, totoo nga ang hinala mo?" Tanong bigla ni Ella.
"Anong hinala?" naguguluhan namang saad ni Hazel.
Kinakabahan na ako pero pinilit kong kumalma. Binalingan ko silang dalawa.
"Kailangan kong makasigurado. Ayaw kong magsalita nang hindi ko pa napapatunayan."
***
Natapos ang klase namin sa History na para ba akong bored na bored kahit na paborito ko itong subject. Nagpasama ako sandali kala Hazel at Ella na dumaan muna kami sa locker ko dahil ibabalik ko lang ang mga books ko. Nang matigilan kami pare-pareho sa gulat dahil sa natunghayan namin.
Si Marco at Aimee, naghahalikan?
Nanghina bigla ang tuhod ko at ngayon pa lang ay naiiyak na ako. Inalalayan kaagad ako nila Hazel at Ella upang hindi ako matumba.
Napahinto sila sa paghahalikan nang mapansin nila akong nakatayo malapit sa pwesto nila. Akmang tatakbo na ako paalis nang habulin ako bigla ni Marco at niyakap sa likod.
"B-Baby. . ."
Marahas kong tinanggal ang kamay niyang nakapalipot sa bewang ko. Hinarap ko siya at malakas na sinampal sa magkabilang pisngi.
"Don't ever call me baby!" sigaw ko. "Ang kapal ng mukha mo!"
Hindi ko alam ngunit sa sa mga oras na ito ay hindi ko na makilala ang sarili ko. Dahil dati, kahit galit ako ay hinding-hindi ko magagawang makasakit ng tao o manigaw. Tanging irap lang ang kaya ko, pero ngayon? Para bang ibang-iba ako sa Faye na sarili ko.
"I can explain, Faye!"
"Explain? Para saan pa? Malinaw at kitang-kita na ng dalawang mata ko ang harap-harapang panlolokong ginagawa mo sa akin! Kailan pa, ha? Kailan pa!?"
Napayuko siya. "F-Four months. Four months pagkauwi ni Aimee sa Pinas, d-doon ko siya n-nakilala."
Bigla akong nanlumo lalo. Hindi ko akalain na magagawa niya ito. Hindi ko akalain na magagawa niya akong saktan. To accept this reality is tearing my heart into pieces.
"Kailan mo pa ako niloloko? Apat na buwan? Ano nang nangyari sa sinabi mong ako lang wala ng iba? You promised me you would never hurt me! You swore to me you would never fool me because you can't live life without me! Nangako ka, Marco! Nangako ka!"
"S-Sorry, Faye..."
Napaawang ang labi ko. "Sorry? Matatanggal ba ng sorry mo ang sakit na nararamdaman ko ngayon?"
"I know it won't. But. . . Please, forgive me..."
"Saying that must be easy for you." puno ng emosyon kong saad. "Apat na buwan mo na pala akong niloloko. Ang tanga ko! Na naniwala ako sa isang playboy na katulad mo! Na naniwala ako sa mga pangako mo! Na akala ko nagbago ka na pero pinaglaruan mo lang rin ako!"
Napayuko siya. "I'm so sorry, Faye."
"Why did you even come to me in the first place if you would just break my heart? It must be fun, isn't it? Breaking someone's heart while playing another?" Sa kabila ng pag-inda sa sakit ng damdamin ay nagawa ko pa ring ngumisi.
Halos lumuhod na si Marco sa akin upang manghingi ng tawad pero hindi ako nagpaawat.
"Hindi pa ba ako sapat ha, Marco? Saan ba ako nagkulang? May nagawa ba akong mali? Wala naman tayong problema, hindi ba? Bakit ganito? Bakit mo ako sinasaktan?"
Hindi ko na napigilang maluha ngunit kaagad ko rin iyong pinunasan. Walang emosyon akong tumingin deretso sa mga mata niya bago ako nagbitiw ng salita.
"Let's break up. . ."
Paalis na sana ako nang hawakan ni Marco ang kamay ko. Kaagad kong hinugot ang kamay ko mula sa kaniya.
"I told you not to waste the chance I had given you! I told you not to break my trust! I told you to fulfill your promises! I can't believe you threw away the times we've spent together for a year with someone you just met a month ago!"
"F-Faye. . ."
"Mamili ka sa aming dalawa. Si Aimee o ako?"
Napayuko lang siya at hindi nakasagot. Gusto kong umiyak lalo. Hindi niya na ako mapili-pili. Ang sakit sa dibdib na tanggapin ang katotohanang pinagpalit niya ang mga panahong nagkasama kami sa taong kakakilala niya lang. Hindi ba mas matimbang para sa kaniya ang mga pinagsamahan namin?
"Ayaw niya na sa 'yo at ako na ang mahal niya, ano pang magagawa mo? Bakit hindi mo na lang unti-onting tanggapin 'yon?" sabat ni Aimee.
"Huwag kang nangingialam, hindi ikaw ang kausap ko!" duro ko kay Aimee. "I can't stand the truth that you dared to face me yesterday with confidence screaming all over you when in fact you're having an affair with my boyfriend! Akala ko pa naman kaibigan kita pero isa ka rin pa lang mang-aagaw! Ang kapal ng mukha niyo! Hindi ka naman siguro higad, ano? Pero bakit ang kati-kati mo?"
"How dare-" akma siyang sasampalin ako pero nahablot kaagad 'yon ni Hazel.
"Wala kang karapatang saktan ang kaibigan ko. At ikaw, Marco! Pinagkatiwalaan ka namin na hindi mo lolokohin at sasaktan si Faye kasi nangako ka! Pero ano ang ginawa mo? Ikaw ang sumira sa kaniya! Napakatanga mo para sayangin ang isang katulad niya!" galit na asik ni Hazel sa kaniya. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at hinila na si Hazel paalis doon.
"Let's go, Hazel." tinapunan ko sila ng tingin. "You're free now. We're over. Pakasaya kayo."
Nagawa ko pang ngumisi upang maitago ang sakit na nararamdaman ko. Patalikod na sana ako nang mapahinto sa pagsigaw ni Marco.
"Hindi mo rin makakaya na wala ako, Faye!" sigaw niya. "Alam kong kapag bumalik ako sa 'yo, tatanggapin mo pa rin ako!"
Buong tapang akong humarap muli sa kaniya at huminga nang malalim bago sumagot.
"Hindi lahat ng bumabalik, may binabalikan. At ang kapal naman talaga ng mukha mo, ano? Saan ka kumukuha ng lakas ng loob? Masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, Marco."
"Alam kong mahal mo pa rin ako."
"Maaaring ngayon oo, pero sana alam mo rin na gaya ng mga tao, nagbabago rin ang feelings. Gaya mo, sa akin." pinagmasdan ko silang dalawa saka umangat ang gilid ng labi ko. "Sa pagbabalik ko, maghanda kayo. Masyadong masakit ang ginawa niyo sa akin, hindi ko mapapalagpas ito..."
Pinigtas ko ang kwintas na bigay sa akin dati ni Marco sabay walk-out namin nila Hazel at Ella. Doon ako humagulgol nang humagulgol. Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi sakit, galit at pagtataksil.
"B-Beb, bakit ganoon? S-Saan ba ako nagkulang?" humihikbing tanong ko sa kanila.
"Hindi ka nagkulang, beb. Sumobra ka. Sumobra ka sa pagmamahal at pagtitiwala. Sobra pa sa sapat ang naibigay mo kaya ngayon feeling mo walang-wala ka na. Kasi ibinigay mo lahat, beb. Hindi ka man lang nagtira para sa sarili mo." ani Hazel.
Tinamaan ako sa sinabi niya. She's right, dapat noong una pa lang ay hindi ko na pinagkatiwalaan si Marco. Dapat noong una pa lang ay pinakinggan ko na siya. Hindi na sana umabot pa sa puntong ganito. I'm deeply hurt that I couldn't even think properly.
"Kung masakit na, huwag nang ipilit. Don't force your heart if it's in pain." saad pa ni Ella.
"Sorry, beb. . ." I reached for both of their hands. "S-Sorry kasi hindi ko kayo pinakinggan. Masyado akong nagpadala d'yan sa lintik na pag-ibig na 'yan."
"We understand you, beb. Sinunod mo lang ang puso mo. But learn how to control your feelings. Learn how to balance your heart and mind. Hindi laging puso ang ginagamit kapag nagmamahal, kailangan din ng utak, beb. Always remember that."
"Tumayo ka d'yan. Mags-sleepover kami ni Hazel sa house niyo. Dadamayan ka namin," ani Ella saka ako hinila palabas ng school.
Nang makarating kami sa bahay, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Nanghihina pa rin ako kapag naaalala ko.
"Beb, halika na sa loob," yaya ni Ella saka kami sabay-sabay na umakyat sa kwarto.
"Go on, cry. Iiyak mo na lahat para isahan na lang," wika ni Hazel.
Iniyak ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko hanggang sa magsawa ako. Nang sa palagay ko ay wala na akong mailuluha ay huminto na ako at inayos ang itsura.
"Kaya mo pa ba?" tanong ni Ella.
Napabaling ako sa kaniya. "Hindi ko alam. . ." tanging nasagot ko.
"Kayanin mo. Move forward. Hindi pwedeng gano'n na lang 'yon, beb. Sinaktan ka nila tapos wala kang gagawin? Hindi ka lalaban? I warned you before dahil alam ko nang ganito ang gagawin niya. Make them taste your revenge. Make them suffer. Hindi pwedeng sila nagsasaya habang ikaw nagdurusa. This maybe a wrong advice but you can't blame me, nasasaktan ako kapag nakikita ko kayong umiiyak nang dahil lang sa mga walang kwentang lalaki na 'yan."
Napaisip ako sa sinabi ni Hazel. I don't take it a wrong advice because it helps me somehow to ease the pain. She has a point. I must move forward, hindi rin pwedeng ako nagdurusa habang sila nagpapakampante. Nakakasawa nang maging mabait na lang palagi dahil masyado na akong naaabuso.
"Ma'am, sigurado na po ba kayo?" Tanong sa akin ni manang Lucy pagkaraan ng ilang araw.
"Yes, manang Lucy. Please don't tell this to Hazel and Ella."
"Makakaasa po kayo. Pero ma'am Faye, magtatagal po ba kayo doon sa Korea?"
"It depends upon the situation po, manang. Depende sa akin at sa puso ko. Gusto ko po munang mapag-isa kahit ilang panahon lang. Gusto ko lang ibalik ang nasirang ako."
"Mag-iingat po kayo roon, ma'am. Paki-kamusta na rin po ako sa Mommy at Daddy mo."
"Salamat po, manang."
Marco at Aimee,
Sa pagbabalik ko, maghanda kayo. Dahil ipapatikim ko sa inyo ang paghihiganti ko. Mawawala ang Faye na nakilala niyo. Mawawala ang Faye na mahina sa paningin niyo. Maaaring sa inyo ako may natutunan, 'yon ay ang huwag magtiwala basta-basta, at huwag ibigay ang lahat-lahat dahil baka ang pagmamahal at tiwala na 'yon ang sisira sa buong pagkatao mo sa huli.
Magbabalik ako, pero kasabay ng pagbabalik ko. . . Ang pagbabago ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
🥰🥰🥰
13/07/2023
0Ang Ganda ng story
08/06/2023
0ñice
12/02/2023
0Tingnan Lahat