Faye's Point Of View. "Oh, there she is! Our birthday girl, my beautiful daughter. Ayesha Faye De Leon." Natuon sa akin ang atensyon ng lahat ng tao habang bumababa ako sa hagdan. Narinig ko pa 'yong iba na nagbubulungan. Nang malapit na akong makababa nang tuluyan ay inalalayan ako ni Marco. Halos mapanganga ako sa itsura niya. Ngayon ko lang rin siya napansin sa dami ng tao na nandito sa loob ng bahay. "By the way, this is Marco Ramos, my daughter's boyfriend." Nagulat ako nang sabihin 'yon ni Dad. Pinakilala niya sa lahat na boyfriend ko si Marco. I didn't expect it coming. Nagsimula na namang magbulungan ang mga tao habang 'yong iba ay nagulat sa deklarasyong iyon. "Ang gwapo ni Marco!" "Kay Faye na siya, ano!" "I know! Super bagay sila! Visual couple!" Nagkatinginan kami ni Marco at ngumiti siya nang nakakaloko sa akin, tila nang-aasar. "Paano ba 'yan, bagay daw tayo, baby," bulong niya. Natawa lang ako at napaiwas ng tingin. The party started. Music's on, foods and drinks are served, at marami ang nagbigay sa akin ng regalo, even cash. Kasama ko ngayon si Marco sa iisang table. "Baby, doon lang muna ako kala Hazel," paalam ko sa kaniya. "Go ahead." He smiled at me. Nilapitan ko sina Hazel at Ella sa table nila. Gladly, nag-eenjoy naman sila. "Again, happy 18th birthday, beb!" bati ni Hazel. Napangiti ako nang malaki. "Well, thanks again, beb." "Wish you all the best!" ani Ella. "We want you to be the happiest woman in the world. Ayaw naming nakikitang malungkot ka." dagdag ni Hazel na nagpangiti lalo sa akin. Ni isa sa amin ay ayaw makita ang isa't-isa na malungkot, umiiyak o may problema. Ang swerte ko sa kanilang dalawa dahil sila ang naging best friend ko. Bumalik na ako kay Marco pagkatapos ng ilang minuto. He stared at me as if I'm the prettiest woman he has ever seen. "Baby, we're going somewhere," biglang banggit niya. "But the party isn't over," sabi ko. "Baka hanapin tayo." "Don't worry, saglit lang tayo at pinagpaalam na kita kila Tita at Tito. Pumayag naman sila." "Fine. Wait me here, magpapalit lang ako ng dress. Nahihirapan kasi akong gumalaw sa suot kong gown." Nagpalit lang ako ng peach cocktail dress sa bahay then bumaba na kaagad ako at pinuntahan si Marco sa kotse niya. Ibinaba niya ang bintana ng kotse at kahit habang nasa malayo pa lang ako ay nakatanaw na siya sa akin. "Why are you so pretty, baby?" aniya pagkasakay ko sa kotse at pinisil pa ang pisngi ko. Napangiwi ako at natawa. "Bolero ka talaga. By the way, where are we going?" "It's a surprise. Malalaman mo rin mamaya," he said, winking. Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa pupuntahan namin. Inalalayan akong bumaba ni Marco sa kotse. Pinagmasdan ko naman ang paligid. May mga candles, petals na naka-heart shape na nakakalat sa lupa, a table with foods and drinks, scent candles, at balloons. This must be a date. Naupo kami sa table na may nakahain na iba't-ibang putahe. Nagsimula kaming kumain habang nag-uusap ng kung ano-ano at tungkol sa aming dalawa. Napabaling na lang ako sa kaniya nang yayain niya akong tumayo. Oh, may music pala. Playing Ed Sheeran’s Perfect. "Let's dance," he said and offered his hand. Inabot ko iyon at tumayo. He intertwined our fingers while walking towards the middle where the candles are scattered all over the ground. "Do you like it?" tanong niya at gumitna kami. I smiled genuinely. "I love it." Ngumiti siya at hinawakan ako sa bewang habang ang braso ko ay nakapalibot sa batok niya. Nagsimula na kaming sumayaw nang huminto siya at ipinagdikit ang noo namin. "Faye, I love you more than what you think. I promise to you that I'll never hurt you. Wala nang iba bukod sa 'yo. You're my present and my future. Umabot man tayo ng ilang years, hindi ako magsasawang ipadama sa 'yo kung gaano kita kamahal. Happiest birthday to you, my baby," he said as he slowly pressed his lips against mine. Panghahawakan ko ang mga pangako mo, Marco. Naniniwala akong kaya mong tuparin ang lahat ng 'yan. Walang ibang laman ang isip ko noong mga oras na 'yon kundi ang saya. His kisses felt warm and gentle. It's making me addicted. I was flattered by the pure bliss I am feeling, that's why I cried. Tears of joy, kumbaga. We danced the night away and kissed under the moon. The feeling that I couldn't express through words. I never imagined myself to be head-over-heels like this. It was like a dream. It was something magical. To be loved by the one I love is the most precious thing that ever happened to me. Today was the happiest day of my life. . .
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
🥰🥰🥰
13/07/2023
0Ang Ganda ng story
08/06/2023
0ñice
12/02/2023
0Tingnan Lahat