Kaizen

KAIZEN
"Good day, everyone. This is your Captain speaking. We've arrived at our destination. On behalf of our cabin crews, thank you for choosing Delta Airlines. Let's have a good day." pagkatapos kong sabihin iyon ay agad kong tinanggal ang mic na naka-konekta sa loob ng aircraft. Tumingin ako sa labas at kita ron ang pagbaba ng mga tao. Hinintay pa namin na walang matira bago kami lumabas.
Doon ko nakita si Charity na naghihintay sa akin.
"You look good." puna nito matapos akong suriin.
"Papasa na ba sa pagiging boyfriend mo?" tanong ko
"Boyfriend lang? Ayaw mo maging asawa ko? Libre lang iyon." sambit nito habang nakangiti.
"Charity," bakas sa boses ko ang pagbabanta ng sambitin ang pangalan niya. Napanguso nalang ito dahil don at umiwas ng tingin. "Tell me what you really like."
Binalik niya ang tingin sa akin ng sabihin ko ang katagang iyon.
"I want you, to be mine." mahinang sagot nito habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.
Sandali akong natigilan doon. Dinig ko ang lakas ng kabog sa dibdib ko. Alam kong kita niya ang saya sa mga mata ko kaya kinagat ko ang ibabang labi at ngumisi.
"To be mine, huh?" nakangising tanong ko bago lumapit sa kanya. Nang makalapit ako ay pinirmi ko ang dalawang kamay sa bewang niya at marahang pinisil iyon.
She nodded. "Hmm, just like... before."diretsong sagot nito sa akin.
"Why?" malambing na tanong ko.
Napapikit ako sa lambing ng boses niya bago sumagot. "Ah, kasi mahal kita."
"Hmm, and?"
"That's it. Mahal kita at ayokong nasa iba ang atensyon mo." naiinis na sagot nito habang nakanguso at masama ang tingin sa akin.
I chuckled. "Paano mapupunta sa iba kung laging nasa iyo ang atensyon ko, hmm? Simula noon hanggang ngayon ay laging nasa iyo ang atensyon ko, mahal ko." sagot ko saka hinalikan ang tungki ng ilong niya.
"Kasama mo nung nakaraan ang ex mo. Nakita ko kayo sa Coffee shop ni Sydney." inis pa ring sagot nito.
"Ang sabi mo ay may duty ka? Paanong napunta ka sa Coffee Shop na ilang kilometro ang layo sa hospital niyo, sinusundan mo ako?" usisa ko.
"Of course not! Baka kasi Coffee Shop ng kaibigan ko 'yon, diba? At saka, bakit kita susundan don?" nanlalaking matang singhal nito
Yes, love. Bakit mo nga ba ako susundan don? Eh, bumyahe ka lang naman ng ilang kilometrong layo sa hospital niyo para lang doon? Yes, hindi ko ang ako sinundan, mahal ko.
"Baby, h'wag kang magpahalata minsan. Sayo lang naman ako. Wala kang dapat ikabahala doon." natatawang sagot ko.
Nanlaki ang mata nito sa sinabi ko. "What? Hindi ako nagseselos sa kanya. Ang kapal mo!" inis na sagot bago naunang maglakad sa akin.
Natatawa akong sumunod sa kanya saka siya inakbayan.
"Ang selosa naman ng future ko." natatawang sambit ko saka siya hinalikan sa sentido.
"Ang kapal naman ng mukha mo, Captain Kaizen." inis pa ring singhal nito.
I groaned at her answer. Ayan ang napapala niya sa kakasama sa kapatid ko. Tumatalas na rin ang dila kagaya ni Ate. Where's my innocent, sweet and lovely Charity?
"I'm so proud of you. I love you, Doc." then I leaned and immediately gave her a soft kiss in the lips.
I smirked when I saw her reaction, stunned and shocked. "You're mine."
Having her in my life is such a blessing. Hindi ko inaasahan ang biglang pagdating niya sa buhay ko kaya sino ako para tanggihan ang isang kagaya niya.
"Hoy, bansot!" sigaw ni Ate na pumukaw sa pag-iisip ko.
"What now, Ate?" walang gana kong tanong.
"Kayo na ni Cha? Chikahan mo naman ako, little brother. Ako nag aalaga sa mahal mo kapag may flight ka." madaldal na sambit nito at umangkala pa sa braso ko.
"We're getting there, ate. At isa pa, lumayo ka nga muna kay Charity. Nahahawaan mo siya sa kakapalan ng mukha mo, ate." naiinis kong sambit dito habang masama ang tingin sa isa't-isa.
"Aba't! Hoy! Ate mo ako, aba! Gumalang ka nga sa akin. Buti nga hindi ko hinahayaan mga nakaaligid d'yan, eh!" singhal nito.
"Edi salamat pero lumayo ka muna." naiinis kong sagot.
"Early in the morning kung magbangayan kayo." sambit ni Dad na kabababa lang.
"Si Kaizen kasi, Dad." ungot ni Ate kaya siniringan ko lang ito.
"Good morning." bati ni Kuya.
"Ayan, ayan pa ang isa. Magsama kayong magkapatid. Parehas kayong bugok." singhal ni Ate sa aming dalawa ni Kuya.
"What did I do?" nagtatakang tanong ni Kuya habang ang mga mata ay na kay Ate.
Imbes na sagutin ay tinarayan lang siya ni Ate at dumiretsong kusina.
"Eh?" dinig ko pang sambit ni Kuya.
"Gutom lang 'yan, Kuya. Kain na tayo. Kanina pa tapos magluto si Mama." sambit ko saka naunang maglakad sa kanya.
"What the fuck is wrong with you, guys?" usal nito sa likod.
Poor, Sky. Nadamay na naman sa kamalditahan ni Ate.
"I love you." nakangiti nitong sabi sa akin at hinalikan ang pisngi ko.
"I love you too, Doc." sagot ko.
"Aalis na muna ako. Madami akong aasikasuhin sa hospital. Alagaan mo ang sarili mo, hmm?" pagbibilin nito.
"Hmm. Ingat ka." sagot ko saka pinanood ang pag-alis niya.
Gusto ko pa ng atensyon at lambing niya kaya lang may duty siya. Nakasimangot ako habang nakatingin sa cellphone ko. Ilang oras na ang nakakalipas ngunit wala pa rin siyang text sa akin magmula kaninang umaga.
Kumain na kaya 'yon?
Tumingin ako sa wall clock at pasado twelve na.
Nag-antay pa ako ng ilang oras ngunit wala pa rin talagang text kaya naiinis akong nagbihis dahil pupuntahan ko siya mismo sa hospital nila.
Pagka-park ko palang ay nakita ko ang kotse ni Mama hindi kalayuan sa kotse ko.
Anong ginagawa niya rito?
Pinilig ko ang ulo ko bago pumasok.
"Good morning, miss. Si Doctora Charity Bautista?" tanong ko.
"Ha? Kanina pa po umalis si Doctora. May kasama pong babae." sagot nito.
Tumango ako at lumabas na.
Kanina pa umalis samantalang hindi man lang tumawag o nagtext sa akin.
Charity naman, eh. I want your attention, baby.
"Ma naman kasi. Pinapaiyak mo ang asawa ko." singhal ko nang madatnang nag-iiyakan sila sa sala. Agad akong tumabi kay Charity dahil walang tigil ang iyak nito, gano'n din si Ate pero si Dad at Kuya ay natatawa lang.
"Anong asawa? Baka gusto mong palayasin kitang bata ka. Ayusin mo mga ginagawa mo. Pasalamat ka at hindi ako kagaya ng ibang ina at dahil kundi baka itinakwil kitang bata ka." sermon ni Mama sa akin na nagpagulo sa isip ko.
"Anong itakwil ka d'yan, Ma? Inaano ba kita? Wala naman akong ginagawang masama ah. Hindi mo na ba ako mahal? Ayaw mo na sa akin? Ouch. I'm hurt. Okay po. Looking for new mother, yung hindi sana nangtatakwil." nakangusong sagot ko, nagdadrama.
"Sa akin wala pero kay Charity meron!" inis na singhal nito, hindi pinansin ang pagdadrama ko.
Ouch, Ma. Pansinin mo naman mga sinabi ko, ang haba rin nun ah.
"What? Wala akong ginagawang masama, Ma." agad kong depensa dahil iyon naman ang totoo.
"Wala nga pero anak naman. Bakit mo binuntis agad nang hindi pa pinapakasalan? At subukan mong idahilan sa akin na para hindi na makawala dahil mahahampas talaga kita hanggang sa makalabas ka ng bahay." sambit nito habang masama ang tingin sa akin.
Saglit akong natigilan doon at hindi agad naiproseso sa utak ko ang sinabi ni Mama. Buntis? Si Charity? Buntis ang mahal ko? Fuck.
Agad akong humarap kay Charity at mariin siyang hinalikan. Wala akong pakialam kung makita ako nila Mama, masyado akong masaya sa nalaman ko.
"Are we pregnant, baby?" tanong ko.
"Siya lang ang buntis, hoy. Nakikisapaw ka na naman, bansot. Are we pregnant, are we pregnant ka d'yan. Bakit nabubuntis ba ang lalaki? Wala namang kayong lagusan para pasukan ng ano. Tss." singit ni Ate. Kahit kailan talaga ay kontrabida ang isang 'to.
"Ate, pwede ba? Kung bitter ka sa love life mo, h'wag mo ako idamay sa kamiserablehan mo. Nakakainis ka na, ha. Palibhasa hindi ka gusto ni Kuya Charles. Kawawa ka naman. Buti nga sa'yo." naiinis kong sagot habang masama ang tingin sa kanya.
"Kapatid kita kaya idadamay kita." walang kwentang sagot nito kaya hindi ko na pinatulan.
"Masaya ako para sa inyo. Kami na ang bahalang kuma-usap sa mga magulang ni Charity. Pagpahingahin mo muna siya, Kaizen. We'll talk later, son." bilin ni Dad saka sabay tango sa akin.
Agad kong inalalayan si Charity na kalmado na.
"Kaya mo, Cha?" maingat kong tanong.
"Yes, hon. Hindi naman ako baldado." natatawang sagot nito kaya bumuntong hininga nalang ako.
So, she's pregnant and I'm going to be a Dad soon. I need to work harder for her, for our baby.
Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. I can't contain my happiness.
"Baby?" napukaw ako ng marinig ang malambing na boses ni Charity.
"Yes, love? You want something? May gusto ka bang kainin? Anong gusto ng buntis na 'yan?" agad kong tanong nang makalapit sa kanya.
"Why are you crying, my love?" malambing na tanong nito nang mapansin ang pamumuo ng luha ko. I love her. So much. I can't imagine my life without her.
"Masaya lang ako. Walang mapaglagyan ang kasiyahan na mayroon ako ngayon, Charity. Thank you. Thank you, love." sagot ko saka sumubsob sa leeg niya bago pa bumagsak ang mga luha ko.
"Shh, I love you, Kai." bulong nito habang hinahagod ang likod ko.
"Mahal na mahal din kita, Cha. Kayo ng magiging anak natin. Mamahalin ko kayo ng lubos. Fuck, nakakabawas ng angas ang pag-iyak ko." bulong ko kaya natawa ito.
"Ano kayang gender niya? Ikaw, anong gusto mong maging gender niya?" mahinang tanong nito habang nakayakap pa rin sa akin.
"Kahit ano ang maging gender niya basta sayo galing at ikaw ang ina." sagot ko saka pinaulanan ng halik ang buong mukha niya.
"Clingy mo, love." natatawang puna nito.
"I want your attention, eh. Saka lambing, love. Dito ka lang sa akin. Hindi ka muna pwedeng pumasok. Ayokong may mangyari sa inyo." sambit ko.
Pinagmamasdan ko ang magiging reaction nito kung tutol ba sa sinabi ko ngunit tumango ito. Tanda ng pagsang-ayon sa sinabi ko.
"Sure. Lagi rin akong inaantok. Nakakahiya kung sa hospital ako matutulog." sagot nito saka ibinigay sa akin ang bigat niya.
Pinagmasdan ko lang ito hanggang sa makatulog siya. Natawa ako bago inayos ang higa nito para hindi sumakit ang katawan niya pagkagising.
Kinumutan ko muna ito at hinalikan sa noo bago lumabas ng kwarto upang puntahan si Dad. He said we'll talk.
"Dad?" katok ko sa library.
"Yes, son? Pasok." sagot nito.
Agad akong pumasok at doon ko naabutan si Dad at Mama na naglalambingan. Gad, parents. Where's your manners? Really? In front of your handsome son?
Huminga ako ng malalim bago tuluyang pumasok.
"What is it, Dad?" tanong ko nang makaupo.
"What's your plan?" tanong nito habang nakayakap sa bewang ni Mama.
"Pakakasalan ko siya, Dad." nakangiwing sagot ko sa kanya.
Bakit kailangang sa harap ko kayo maglambingan, Dad, Ma?
"That's good. Bukas na bukas din ay pupunta tayo sa kanila. Be formal, Kai. H'wag kang gagaya sa Ate mo. Nakulangan ko yata iyon sa paaraw noong bata pa." sambit naman ni Mama habang naiiling.
"Don't worry, Ma. Nagmana sa'yo si Ate. Sa kwarto muna po ako. Baka magising si Cha wala ako sa tabi niya. Tuloy niyo na lambingan niyo. Bye." dire-diretsong sambit ko saka tumayo na upang wala na silang masabi pa. Kita ko ang pag-alma sa mukha ni Mama ngunit tinawanan lang siya ni Dad.
Nang makapasok ako sa kwarto ko ay tulog pa rin si Cha ngunit iba na ang posisyon nito. Nakatagilid ito at yakap ang isang unan.
Nangingiti akong lumapit dito at kinuha ang unan na yakap niya upang pumalit doon. Agad ang pagyakap nito sa akin at sumiksik pa sa leeg ko.
Hinalikan ko ang noo nito saka pinakatitigan ang maamo nitong mukha. "Mahal na mahal ko kayo, Charity. Kayo ang buhay ko."
———————————————————————
Thank you.

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    BalquinMilyn

    ganda ng story. basahin nyo rin guys..

    15/01/2025

      0
  • avatar
    John Lydell Tumbucon

    kinikilig Ako

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Alayana Dele Cruz

    chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️

    06/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo