SKY and HEAVEN "Good morning, son." bungad ni Dad pagkababang hagdan. "Morning, Dad. Breakfast is ready." anas ko. "Where's your mom?" dagdag nito sa akin nang hindi makita si Mommy. "You didn't know her schedule, dad? She have a flight today. Maagang umalis kanina." sagot ko. Saglit na natigilan si Dad bago tumango. "I'm sorry. I forgot. Did she eat ba before she left?" tanong pa nito. "Yes, Dad. Sabay kaming tatlo nila Heaven. Mom said h'wag ka na raw gisingin dahil marami ka raw ginawa kahapon." sagot ko bago humarap ulit sa laptop. Marami akong ginagawang school works dahil sa bakasyon na nangyari sa amin last week. Nagpaalam naman ako sa school and they said na my deadline is before friday so I need to finish all of these. I can't go out with my friends, idagdag pa yung bad shot ako sa nanay ko dahil nagasgasan ang kotse niya. "Nasaan ang kapatid mo? Umalis na naman?" tanong ni Dad pagkaupo sa harap ko. "Yep. Sinundo ng mga kaibigan. Mautak iyon si Heaven, Dad. Alam na grounded pero nagpasundo kaya no choice si Mommy kundi ang pumayag. You know mommy naman, she didn't know the word no." paliwanag ko habang ang mga mata ay nasa laptop pa rin. Kita ko ang pagtango ni Dad sa sinabi ko. Finocus ko nalang ang atensyon ko sa mga school works na ginagawa ko dahil gagawin ko pa ang hinihinging report ni Dad para roon sa resort niya sa La Union. "Son, don't forget your report, okay? May titignan lang ako sa site para sa isang resort natin sa Batangas. Be back before 6." paalam nito habang palabas ng bahay. Napailing nalang ako dahil sa katahimikan. Thank, God! Walang istorbo. Ilang oras pa ang ginugol ko doon bago nakaramdam ng gutom. Nagpa-deliver nalang ako dahil wala akong future sa kusina, mamaya ay masunog ko pa ang bahay namin at palayasin ako ng nanay ko. Agad kong tumayo nang marinig ang pagtunog sa doorbell. Baka yung order ko na. Saglit akong umakyat sa taas para kunin ang wallet bago lumabas na. "How much po?" magalang kong tanong sa delivery rider. "1, 396 pesos po, Sir." sagot nito habang iniaabot sa akin ang inorder ko. Kumuha akong 1,500 at binayad iyon. "Keep the change po, kuya. Ingat ka po." sambit ko. "Naku, salamat po, sir." masayang sambit nito. "Salamat din po. Pasok na po ako." anas ko. Ngumiti pa ito sa akin bago ako pumasok. Uhh, unhealthy foods. Yari ka na naman sa nanay mo, Sky. May masasaktan na naman ang patilya mamaya. Pagkaupo ko ay agad akong nagtext kay Mama about sa lunch na inorder ko. Mama: Ma, I love you. Umorder nalang akong lunch ko. Mahal na mahal ka ng gwapo mong anak, ma. Pagkatapos kong sinend iyon ay naseen agad ni Mama. Agad na nanlamig ang kamay ko ng makitang typing siya. Mama: We'll talk later, son. Kakalapag lang ng eroplano namin. Sana mabusog ka sa lunch mo para hindi ka maghanap ng bago mong nanay. Bye. Napapikit ako sa reply ni Mama sa akin. Kailan ka ba magbabago, Ma? Ang tanda mo na pero para ka pa ring teenager. "Bro!" nilingon ko ang tumawag sa akin at doon ko nakita si Carl na may kasama. "What?" I asked. "Ngayon daw ang uwi ng kambal mo?" pagtatanong nito. Tumango ako. "Sunduin ko raw sabi ni Mama." "So, susunduin mo? Pasama ako." chismosong tanong nito habang malawak ang ngisi. Alam kong gusto nito si Heaven at kabisado ko ang ikot ng bituka ng gago kaya hindi pwede. Maaga akong ginising ni Mama para raw sunduin ang kapatid ko. "Hoy, Sky!" we were about to leave the airport when she called me. Fuck. Tinignan ko lang ito at tinaasan ng kilay. "What?" Bumuka ang bibig nito pero walang salita ang lumabas doon. Umiling ito. "Wala," marahang sambit nito kaya tumango nalang ako saka naunang maglakad. Tss baka akala mo may kasalanan ka pa sa akin. Hindi mo sinabing sa ibang bansa ka magtatapos. Tampo ako, Heaven. Bahala ka d'yan. I'm so proud of my girl. Worth it ang pagtatampo ko dahil nakamit niya ang pangarap niya. "Good morning, twinny!" she greeted me. "Morning." anas ko saka siya nilagpasan. Hindi pa niya ako nilalambing baka akala niya. Kung bakit ba naman kasi karupukan pa ni Papa ang namana ko. Nitong mga nakaraan ay tinatanghali na siya ng gising. "Meron kang naging boyfriend sa states?" I seriously asked. Bahagya siyang natawa dahil sa tanong ko. Anong nakakatawa ron? Siraulong babae 'to. "Seryoso, kuya?" natatawa pa ring tanong nito. Anak ng pucha. Kuya? Magkaedad lang kami aba. "Why are you laughing? Meron ba?" ulit ko. "Wala. Wala akong nagustuhan man lang sa kanila roon." sagot nito. Good dahil mayayari tayo sa tatay natin. "Baka akala mo porque kinakausap kita ay bati na tayo? Hindi, oy!" asik ko. Inosente itong tumingin sa akin. "Huh?" "Ang manhid mo naman, twin! Lambingin mo ako, ano ba!" singhal ko mahabang masama ang tingin sa kanya. "Wow! Ang kapal naman ng mukha mo, Sky. At bakit kita lalambingin? Gago 'to." singhal din niya sa akin. "Ah, ganon? Edi h'wag! Iayon mo 'yang pride mo sa tangkad mo, bubwit!" nakangising anas ko. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko kaya agad akong tumalikod para hindi marinig ang tantrums niya. "Sky!" sigaw nito sa pangalan ko kaya tatawa-tawa akong pumasok sa kwarto ko. Ayaw mo akong lambingin, ah. Magdusa ka sa pang-aasar ko. HEAVEN Inis akong nakatingin sa bulto ng kambal ko habang papasok siya sa kwarto niya. Ang kapal naman ng mukha niyang tawagin akong bubwit. Naliliitan siya sa akin? Matangkad lang naman siya. "Hey there, princess. Bakit busangot ang prinsesa ko?" bati ni Dad nang madaanan niya ako. "Tinawag akong bubwit ni Sky, Dad. Hindi naman ako maliit, eh." sumbong ko habang nakanguso. Dinig ko ang pagtawa ni Dad pero agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Heaven, hindi nama maliit ang 5'7, matangkad lang talaga ang kambal mo." pagpapagaan nito sa kalooban ko pero hindi non maalis ang inis ko sa walanghiyang kakambal ko. "Mauna na ako. Pupunta pa akong resort. Bye, bubwit." paalam ni Daddy saka natatawang umalis. Lord, gusto ko lang naman ng masayang pamilya pero bakit ganito ang binigay mo? Lagi nasusubok ang pasensya na mayroon ako, Lord. Pasensya ka na po. "Hoy, kakain na." sigaw ko sa labas ng kwarto niya. "Susunod ako!" sigaw nito pabalik. "Nasa hapag na si Mommy." sagot ko pa. Wala pang limang segundo ay bumakas ang kwarto ni Sky. "Bilis, ah? Halatang takot kay Mommy." puna ko. "Lahat naman tayo takot. H'wag kang maghugas kamay d'yan." ganti nito. Napairap nalang ako bago naunang maglakad sa kanya. "Wew. Hindi man lang tumangkad kahit one centimeter." bulong nito pero nakaabot sa pandinig ko. "Ano kamo?" maangas kong tanong saka siya sinamaan ng tingin. "Ang liit mo kako. Liit mo na nga, ang bagal mo pa maglakad. Magpayong ka na rin kaya para kamukha mo yung mushroom." pang-aasar nito saka mabilis na naglakad papasok sa kusina. Huminga ako ng malalim saka kinalma ang sarili bago pumasok ng kusina. Nakita kong nakangisi siya sa akin. "Humanda ka sa akin, gago." I mouthed and his lips parted. Hindi yata inaasahan ang sasabihin ko. "You— !" dinuro ako nito pero kaagad na hinampas ni Mommy ang kamay niya. "Sky, ang kamay mo." madiing sambit ni Mommy sa kanya. Napangisi ako dahil doon. Akala mo, ha. Laging gano'n ang routine namin ng kambal ko. Laging asaran kaya nakakagulat nalang minsan kapag nasa seryosong usapan kami dahil malayo iyon sa nakasanayan naming dalawa. "— look at you now. You're a Pilot na like Mama and I'm very proud of you, twinny." nangingiting sambit nito habang nasa akin ang titig. "So, natupad ko na ang mga pangarap ko." nakalabing saad ko. "Yeah, I can see that, Heaven. I'm very proud of you, Our Captain. I love you, twin." sambit nito saka ako hinalikan sa noo. "I love you too, twinny. I'm proud of you." ——————————————————————— Thank you.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (24)
BalquinMilyn
ganda ng story. basahin nyo rin guys..
15/01/2025
0
John Lydell Tumbucon
kinikilig Ako
02/09/2024
0
Alayana Dele Cruz
chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️
ganda ng story. basahin nyo rin guys..
15/01/2025
0kinikilig Ako
02/09/2024
0chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️
06/07/2024
0Tingnan Lahat