EPILOGUE Napailing nalang ako nang magsitayo sila Sebastian kaya naiwan akong kasama si Ariane sa cottage. "Open your eyes, my love. I can't hear any sounds or songs in your earphones." sambit ko dahil walang tugtog ang earphones nito mula ng isalpak niya. Gusto niya lang talagang umiwas. Napangisi ako ng padabog nitong inalis ang earphones at masama akong tinignan. "Ano ba kasing ginagawa mo rito?" tanong pa nito. Of course, I want to see you. I miss you. "Like what I've said, inimbita ako ni Sebastian dito." sagot ko. Sinungaling, Jas. Kinulit mo si Sebastian dahil alam mong uuwi siya. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa ang sakit ng suntok sa akin ng gago na 'yon. "Pwede ka na umalis." sambit nito kaya gulat akong tinignan siya. At nakangiti pa ang masungit. "What?" kadarating ko lang tapos papaalisin mo na ako agad, Captain Williams? Damn. Napailing nalang ako dahil marami siyang pinagbago sa mga lumipas na taon. Dati naman na siyang maganda pero mas lalo siyang gumanda ngayon. And I can't blame those motherfuckers who likes my girl. I mean, who doesn't? Tahimik itong nakaupo sa tabing dagat kaya naman bumuntong hininga muna ako bago ito lapitin. Actually, I really want to talk to her kahit kapalit noon ang ilang suntok ni Sebastian na halos hindi ko mabilang. Ang usapan namin na 'yon ang patunay na malalim na sugat ang iniwan ko sa pagkatao niya kaya hindi ko masisisi ang kaibigan nito. Papatunayan ko ang sarili ko sa 'yo, Ariane. Masyadong tahimik ang buong byahe namin kaya nagpasya akong basahin 'yon. "Kumusta ka?" tanong ko saka siya nilingon. Napa-ayos pa ito ng upo bago pormal na sumagot. "Ayos lang naman." "Ang trabaho?"" tanong ko pa. "Ayos lang din. Nakakapagod din minsan pero na-eenjoy ko naman." bakas sa boses nito ang saya at kalaunan ay napangiti. I'm so proud of you, my love. Marami akong naging pagkakamali noon sa kanya at mas masakit ngayon dahil sa isang video na alam kong hindi niya magagawa. Gusto kong pakinggan ang paliwanag niya pero masyado akong kinain ng galit ko at nakapagbato sa kanya ng masasakit na salita. "Let's be happy but not together, Ariane." She smiled. Damn, love. Why are you smiling? " - I love you. Always remember that." sambit nito saka ako hinalikan sa pisngi. Hindi ako umimik at tinignan lang siya. Isa pa. Isa pa, Ariane. Isa nalang dahil kahit anong oras ay bibigay ako sa 'yo at kakalimutan ang nangyari. "Find your happiness, love." sambit nito bago nagsimulang maglakad palayo sa akin. Tinitigan ko ang likod nito hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko pero walang silbi iyon. Ilang minuto pa ang itinagal ko ron para ikalma ang sarili bago nagmamadaling nagtungo sa bahay nila. "Si Ariane?!" bungad ko pagkapasok sa bahay nila. "Huh? I thought magkasama kayo? She texted mo earlier na magkasama raw kayo sa clubhouse." sagot ni Phoebe at pinakita sa akin ang cellphone. "Nauna siyang umalis sa akin." sambit ko saka mabilis na umakyat para tignan siya sa kwarto niya pero wala rin siya ron. Tinignan ko rin ang damitan niya at medyo nakahinga akong maluwag ng makitang nandoon ang mga damit nito. She won't leave me. She won't. "What happened?" bungad ni Sebastian pagkapasok sa pent house ko. "I told her that I don't love her." mahinang sambit ko bago naupo. "You did what, Dela Vega?" mapanganib na tanong nito. "I told her that I don't love her, Sebastian." ulit ko. Agad ako nitong kwinelyuhan at malakas na sinuntok. Oh, fuck! "Hindi ka talaga nadadala sa mga suntok na binibigay ko sa 'yo!" bulyaw nito at sinuntok na naman ako. Phoebe texted me na she's back. It's been six years since she left and I'm fucking happy knowing that she's back. But, with her new family. Agad akong nag-ayos bago nagmamadaling bumyahe papunta sa kanila. Pagkarating ko ay agad akong umayos at prentang naglakad papasok sa kanila. "Hi, Tita." bati ko sa Mama nito dahil nadaanan ko sa sala. "Nasa likod, Jas." sagot nito. Napangisi nalang ako dahil doon. Agad akong nagtungo doon. Tahimik ang nadatnan ko. "Yow!" bati ko kahit sa loob ko ay kinakabahan ako. Nilibot ko ang tingin ko at tumigil iyon kay Ariane. There you are, my love. Finally. She's married and I was like, no! You belong with me, Ariane Faye. Mabilis akong naglakad sa gawi nito at hinalikan siya. "I'm good now." sambit ko pagkabitaw. "What the fuck is your problem? Mukha bang tubig ang labi ko?" inis na tanong nito. "I am thirsty but not for water." tumigil ako sa pagsasalita at lumapit dito na agad niyang kinausog. Kinabig ko bewang nito para mapalapit sa akin. "For you, of course." dagdag ko. Agad ako nitong tinulak kaya kinindatan ko lang ito bago bumalik sa pwesto ko na para bang walang nangyari. Rinig ko pa ang pagsipol ng mga kasama namin at ang matutunog nilang pag-ngisi. Tinignan ko pa si Ariane at kita kong nakayakap ito sa bewang ni Valen. Matalim ang tingin na iginawad ko sa dalawa. That's mine, dumbass. Dito ulit ako namalagi sa bahay nila kahit nandito ang asawa niya. Sinabi ko rin kay Tita at wala naman daw siyang problema doon basta walang gulo na magaganap. Pumasok nalang akong music room para kumalma. Araw-araw mo silang makikitang maglalambingan, Jasper. Minsan nga ay sa harap mo pa kaya wala kang karapatang magreklamo dahil ginusto mo ito. Hindi na ako nagulat nung pumasok si Ariane sa music room. Sa pagkaka-alam ko ay hindi ko naisarado ng maayos iyon kaya kahit sinong dumaan sa hallway ay mapapahinto. "May anak?" tanong ko. "Yes, kambal." nakangiting sagot nito. Fuck. "Names?" dagdag ko. "Sky and Heaven." sagot nito. Saglit akong natigilan dahil doon. Sky and Heaven? Hindi ba't ayon ang napag-usapan namin noon? Ariane. "Sige. Baka naaabala na kita. Salamat sa paglalaan ng oras." sambit ko at ngumiti ng bahagya. "Hindi ka naman abala sa akin." ngiting sagot nito. Natawa ako at napangiti sa sinagot nito. "I mean, hindi ka naman nakakaabala." agap nito. Napangiti nalang ako hanggang sa lumabas siya ng tuluyan. Hindi mawala sa isip ko ang pangalan na binanggit niya sa akin. Sky and Heaven. Ilang minuto pa ang inilagi ko ron hanggang sa napag-pasyahan kong bumaba na. Nasa huling baitang palang ako ng hagda ng marinig ko ang usapan nila Tita at Ariane. "Si Jasper po." sagot ni Ariane. Para akong binubusan ng malamig na tubig sa sinagot ni Ariane. Anak ko. Anak ko ang kambal. May parte sa akin ang gustong magalit sa kanya pero mas pinili kong intindihin kung bakit niya iyon nagawa. Nalaman ko rin na pineke ni Valen ang kasal nila kaya mas lalo akong nainis sa lalaki. Sino ang nagbigay sa kanya ng karapatang yakapin ang pag-aari ko? Naiisip ko pa lang na sa iisang kama sila natutulog ay gusto ko ng ilibing ng buhay ang lalaki. I'm so proud of my girl. "I admire you for being a responsible mother to our children." bulong ko habang mahigpit ang yakap sa kanya. Mahirap maging isang magulang at masaya akong nakaya niya iyon kahit wala ako sa tabi niya. Masaya ako at nasasaktan sa kinahinatnan niya ngayon kahit hindi ako ang naging katuwang niya sa pagpapalaki sa kambal. Pagkatapos nung araw na 'yon ramdam ko ang pagdistansiya niya sa akin pero hindi na ako nagsalita tungkol doon. Alam kong kailangan niya ng oras para sa sarili niya at para makapag isip din siya. Hindi ko akalain na aabot iyon ng halos kalahating taon. Gusto ko lang ang atensyon niya kaya mas lalo akong natuwa ng malaman kong ang nabili niyang bahay ay nasa loob lang ng pagmamay-ari kong subdivision. Hindi na ako mahihirapan na puntahan silang mag-iina araw-araw dahil hindi nagkakalayo ang mga bahay namin. "Here's your new schedule. Be there, okay? Bawal malate ang mga Captain, Ariane. Nakakahiya." sambit ko saka binigay sa kanya ang isang papel. "Schedule ko nakalagay dito? Sinong niloko mo?" tanong nito, kunot ang noo. Sarili ko, love. Ayokong matapos itong araw na ito ng hindi ka napapasakin. "Pumunta ka nalang, Ariane. Ang dami pang tanong, love." ngiwing saad ko bago lumabas ng bahay niya. Bago ang araw na iyon ay kinausap ko lahat ng kaibigan niya pati na rin si Tita para hingin ang kamay niya. Hindi pa niya alam at wala siyang ideya sa mga nangyayari. Kinausap ko na rin ang may-ari ng airlines at hindi naman ako nahirapan dahil kaibigan ko iyon. Sinabi kong ibahin ang schedule na ibigay kay Ariane at ako mismo ang magbibigay non pero oras lang ang inilagay ko sa isang papel. Ang kapatid nito ang nag-tiyagang hintayin siya hanggang sa makalapit ito. Kita ko sa mukha ni Ariane ang pagkalito kaya natawa ako ng bahagya. Hey there, my love. Hindi matatapos itong buwan na ito na hindi ka matatali sa akin. "Are you willing to spend your whole life with me?" tanong ko habang nakaluhod sa harap niya. Please say yes, my love. "Yes! Yes!" masayang sagot nito habang patuloy sa pag-agos ang luha. Agad akong tumayo at niyakap siya bago kumala at sinuot sa kanya ang singsing. "So, Fly with me?" tanong nito saka inilahad ang kamay sa akin. Hindi ako sumagot pero sunod-sunod na tango ang ginawa ko. Natawa naman ito sa reaksyon ko. When we entered the cockpit, ginawa na nito ang mga kailangan n'yang gawin upang paliparin ang eroplano. It was a usual thing for her to do. "Good Morning Ladies and Gentlemen, this is your captain speaking. I would like to welcome you to AFWIL Airlines. This is flight number 2430, bound to love and to be loved." anunsyo nito. Hindi ko alam na darating ang araw na makakasama ko siya sa pagpapalipad niya ng eroplano. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot pero sa paraan ng ngiti ng mahal ko ay nawala lahat ng iyon. Hindi ko maiwasang hindi maiyak dahil sa rami nang pinagdaanan namin ay sa kasalan pa rin ang hangganan namin. "In the name of the Holy Spirit, I now solemnly declare you husband and wife. Let no one put asunder those that have been joined together in the presence of Almighty God. You may now kiss the bride." Pagkatapos sabihin 'yon ni Father ay humarap kami ni Ariane sa isa't-isa bago ko itinaas ang belo nito. Kita sa mga mata nito any labis na kasiyahan. Ngumiti ako bago halikan ang mga labi nito. Rinig ko ang palakpalakan ng mga tao dahil don. After ng kasal namin ay may mga bagong pagsubok ang dumating sa amin ng magkasama. Pagkapasok ko palang ng kusina ay ang asawa ko agad ang bumungad sa akin. Nakatalikod ito at naghahanda ng agahan. I smiled and walked towards to my life, my wife. I hugged her from behind and quietly watched her. "I love you, wife." I whispered. She gave me a soft smile. "Thank you." What the fuck? Thank you? "Love, I love you." pag-uulit ko, salubong ang kilay. "Thank you." ulit nitong sagot. "Say you love me." gumalaw ako sa pwesto ko para harapin ito. "You love me." natatawang sagot nito bago nagtungong ref. "Wife." babala ko. "Yes, love?" tanong nito habang ang mata ay nasa ref. "You love me, right?" tanong ko. "Left." pilosopong sagot nito. "Say you love me." naiinis kong sabi. Humarap ito sa akin saka tumango-tango. Masama kong tinignan ito baka umupo sa hapag. "I love you too, love." natatawang saad nito marahil ay sa naging reaksyon ko. Tumawa ito nang malakas bago yumuko at marahang hinaplos ang tiyan niya. "Look, baby. Pikon na naman ang daddy mo." Namilog ang mata ko saka hindi makapaniwalang tinignan ito. "Are you pregnant?" She smiled and held my hands. "Yes. I'm pregnant." "Fuck!" mura ko saka napasuntok sa hangin. "What's that noise?" tanong ni Sky na kakapasok lang ng kusina. "Son, your mommy is pregnant." balita ko sa kanya. Gaya nang reaction ko ay tinignan nito ang Mommy niya upang kumpirmahin kaya naman tumango ang asawa ko. "Yes. Congrats, Mom and Dad." masayang sabi nito. "Thanks, son." sabay namin sabi ni Ariane. Tumayo ako at niyakap ito nang mahigpit. "Thank you and I love you, love." masaya kong bulong saka hinalikan ang pisngi nito. I thanked her for giving me a part of her life again. Having a children with her was the best gift ever I had. "Good morning, Mom and Dad." bati ng prinsesa namin habang nagkukusot pa ng mata. Lumapit ito sa akin at hinalikan ang pisngi ko, ganon din sa Mommy niya bago tumabi sa kakambal. "Morning, Sky." "Morning, Heaven." "Your Mom is pregnant, princess." balita ko. "Really?! Yey!" masayang sabi nito bago dinamba nang yakap ang ina. "Careful, baby." paalala ko. Hindi ako nito pinansan at lumuhod lang para mapantayan ang tiyan ng asawa ko bago ito nag-kwento. Ariane was the true meaning of love for me. The contentment I felt everytime she's with me. I'm fucking happy and contented for having her in my life. "I love you. Thank you is not enough, wife." saad ko habang yakap yakap ito nang mahigpit. Nandito kami sa kwarto ngayon dahil ayokong gumalaw siya nang gumalaw lalo na't buntis siya. "No matter what happens, I will always love you, Ariane. Thank you for everything. For giving me kids and for loving me." she smiled and I saw the happiness on her eyes. Her smile melts my heart all the time and calms my soul. I love her with all my heart. Ariane was my life and no one can replace her in my heart. Sa walong taon naming pagsasama mula nang mai-kasal kami ay mas lalo kong minamahal ang asawa ko. Lumapit ito sa akin at naglalambing na niyakap ako. "Anong gusto ng asawa ko?" tanong ko pagkayakap sa bewang niya. Sinigurado kong hindi maiipit ang anak namin. Umiling ito saka tumingala sa akin. "Kanina mo pa ako tinititigan. May marumi ba sa mukha ko?" inosenteng tanong nito. "Wala, love. Masaya lang ako dahil sa lahat ng pinagdaanan natin ay tayo pa rin ang magkasama hanggang dulo." sagot ko at saka hinalikan ang noo nito. "Me too. Sobrang saya ko." mahinang saad nito. I nodded and tilted my head closer to her. "I love you. Very much. I could not imagine my future without you as my wife." I whispered. "Hindi kita sasaktan. Hindi iiwan. Ikaw, ako at ang mga anak natin haggang dulo." dagdag ko. Our life went more joyful when she gave birth to our son, Kaizen. I helped her carrying Kaizen out of the crib. My son staring at me with his precious smile. Cute. All of them are the light of my life. "I love you." I told Ariane with a smile. "I love you too." she responded and kissed me in the cheeks. I learned from my mistakes and wrong decisions. Ariane, my wife, my life and the most important beat in my heart. She will be my queen, always and forever. I'm Jasper Dela Vega. A father and a husband of Captain Ariane Williams - Dela Vega, signing off. - - END -
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (24)
BalquinMilyn
ganda ng story. basahin nyo rin guys..
15/01/2025
0
John Lydell Tumbucon
kinikilig Ako
02/09/2024
0
Alayana Dele Cruz
chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️
ganda ng story. basahin nyo rin guys..
15/01/2025
0kinikilig Ako
02/09/2024
0chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️
06/07/2024
0Tingnan Lahat