Chapter 21

CHAPTER 21
"Ano ba?"sita ko kay Jasper dahil kanina pa ito sunod nang sunod sa akin.
Napanguso ito. "I just want your attention, love. Busy ka na naman sa mga susunod na araw. You have a flight na." bakas sa boses nito ang pagtatampo.
Kumunot ang noo ko dahil doon. "Oh tapos? I'm a pilot normal iyon." sagot ko saka siya tinarayan at nagpatuloy sa paglalakad.
"Love!" singhal nito.
"Ano ba? Umuwi ka nga sa inyo." inis kong sagot dahil wala itong ginawa kundi ang bwisitin ako.
Bumukod nga kami ng mga anak ko para tahimik pero nandito naman 'tong isang 'to, araw-araw nanggugulo.
"Love, come on. Have mercy on me. Lambing lang." ungot pa nito habang patuloy sa pagsunod sa akin.
"Jasper, tigilan mo ako at lumayas ka sa bahay ko." nauubusang pasensya na saad ko saka siya hinarap.
"Lumayas ka rin sa subdivision ko, love." nakangusong sumbat nito.
Napapikit nalang ako dahil doon. Pansamantalang nawala sa isip ko na siya pala ang may-ari ng subdivision kung saan ako bumili ng bahay.
"Jasper, please, shut up." mahinahon kong saad, pilit na kinakalma ang sarili. 
Nakanguso pa rin ito at bumakas ang kalungkutan sa mga niya.
"Fine. If ignoring me can make you feel better, I won't complain nalang, love. It's been 6 months since you start ignoring me." pagod itong ngumiti sa akin.
Hindi agad ako nakasagot dahil tama naman ang sinabi niya. Magmula nung umalis si Valen at dinistansiya ko muna ang sarili ko sa kanya pero siya itong walang palya sa kakasunod sa akin at kahit maging sa airlines ay nandoon din siya.
"Jasper..." usal ko sa pangalan nito.
"Take your time, my love. I'll wait." ngumiti ito saka hinalikan ang noo ko bago lumabas ng bahay.
Tinitigan ko lang ang pwesto nito kung saan siya nakatayo kanina.
My mind, it feels like it would explode anytime. Its so hard to function knowing na nandiyan lang siya palagi sa tabi ko.
Gusto kong bigyan ng oras ang sarili ko para malaman kung ano pa bang kulang sa akin, o kung may kulang ba. I can't find the end of the string.
"Hey, good morning. I cooked your breakfast. Naihatid ko na rin yung kambal sa school nila." salubong ni Jasper sa akin pagkababa ko.
He's early...
Tumango lang ako at dumiretsong kusina. Nakaluto na nga siya.
"Did you eat na ba?" I asked.
Umiling ito. "Walang gana, love. Eat your breakfast na baka lumamig pa 'yan." sambit nito at ngumiti.
"What? Breakfast is the most important meal of the day tapos sasabihin mo sa akin na wala kang gana?" kunot-noong tanong ko rito.
Ngumiti lang ito sa akin.
"Sabayan mo na ako. Hindi ko mauubos itong niluto mo." saad ko saka kumuha ng pagkakainan niya.
Lumawak ang ngiti nito bago umupo sa tabi ko.
"The fuck? Sa kabila ka, oy!" sita ko dahil masyado siyang malapit at masama iyon sa kalusugan ko. Masama siya sa akin dahil kahit anong oras ay bibigay ako sa kanya.
Napangiwi ito. "Ang bunganga mo, Ariane Faye. Nasa harap ka ng pagkain." sita nito saka marahang pinitik ang labi ko.
Lord, I'm sorry po. Masyado lang po talaga siyang malapit at dahil isa akong marupok na anak mo, alam ko pong bibigay agad ako.
"Eat," anas nito pagkalagay ng pagkain sa pinggan ko.
"Thank you." pormal kong sagot bago nagsimulang kumain.
Wala naman siyang imik pero ramdam ko ang tingin nito sa akin.
"Here's your new schedule. Be there, okay? Bawal malate ang mga Captain, Ariane. Nakakahiya." sambit nito at iniwan sa akin ang isang maliit na papel.
"Schedule ko nakalagay dito? Sinong niloko mo?" tanong ko.
Saka I have my schedule na sa calendar ko kaya paanong may new? Bago lang ang schedule ko tapos may bago na naman?
"Pumunta ka nalang, Ariane. Ang dami pang tanong, love." ngiwing saad nito bago lumabas ng bahay. Tinignan ko iyong papel na binigay niya ngunit oras lang iyong nakasulat.
9:30 AM.
Kanina pa ako lingon nang lingon sa paligid ngunit wala talagang tao. Akala ko ay may flight kami? Tama naman ang nakuha kong schedule na galing kay Jasper pero, nasaan sila?
Patuloy akong maglakad hanggang sa marating ko ang paa ng eroplano at doon ko nakita ang kapatid ko.
Kunot-noong tinignan ko ito. "What are you doing here?"
She smiled. "You should give yourself a credit for doing your very best, Ate. We appreciate your efforts, for being there for our family kahit wala na si Daddy. We appreciate all your efforts and hardworks." pumiyok ang boses nito kasabay nang pagbagsak ng mga luha kaya agad ko siyang nilapitan.
"Bakit ka umiiyak?" natatawa kong tanong habang pinupunasan iyon.
"I'm happy. No words can explain how thankful and grateful we are. Thank you is not enough for all the sacrifices that you have done, Ate. I'm so proud of you. Look at you now. Ang layo na nang narating mo." lumuluhang saad nito saka ako niyakap ng mahigpit.
Niyakap ko ito pabalik. "Ano bang meron at anong ginawa mo rito?" naguguluhan kong tanong habang tinatapik ng marahan ang likod niya.
Kumawala ito sa pagkakayakap sa'kin bago sumagot. "Akyat na, Ate. Gusto naming sumaya ka na ulit." nakangiting saad nito bago ako inalalayan paakyat sa plane.
Naguguluhan naman akong sumunod.
"Ano bang mayroon?" tanong ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Pagka-pasok namin ay nauna itong naglakad at iniwan ako.
Tinignan ko lang ang bulto nitong papalayo sa akin. Leaving me with parted lips. How rude, sis.
I was about to search the whole plane when Jasper showed up from nowhere with a bouquet of roses on his hands. He was wearing a black tuxedo.
I looked at him with confusion in my eyes.
"Anong ginagawa mo rito?" nalilito kong tanong. Ang alam ko ay may flight kami...
Hindi ako nito sinagot bagkus ay ibinigay sa akin ang bulaklak. Tinitigan ko 'yon.
What's happening?
"We encounter a lot of hindrance in our life but those hindrances made us more stronger. When you left me, I lost a part of me. That's my motivation kasi alam kong hindi ka matutuwa kapag nanatili ako sa nakaraan kaya kahit mahirap ay nagpatuloy akong wala ka sa tabi ko. Sa mga lumilipas na panahon ay nawawalan ako ng pag-asa. Na baka sa pagbabalik mo ay may iba ka na at iyon nga. May asawa ka na pero hindi naman pala legal." napa-iling ito habang masama ang tingin sa akin.
O-okay? What's going on?
"Gusto kong magalit sa'yo lalo na nang malaman kong may anak tayo. Anim na taon, Faye. Hindi biro 'yon. Ayokong lumaki ang mga anak natin ng hindi buo ang pamilya. Masakit sa parte kong hindi sila nakasama sa loob ng anim na taon pero masaya akong napalaki mo sila ng tama." dagdag nito habang dahan-dahan lumuluhod.
No way. This can't be.... Fuck!
"You wanna know what's my last dream?" nakangiting tanong nito kaya agad akong umiling.
"You want to start a new chapter with me?" tanong nito habang hawak-hawak ang maliit na box na may lamang singsing.
Naluluha ko itong tinignan habang tumatango.
"I need your words, love. Are you willing to spend your whole life with me?"
"Y-yes! Yes!" masaya kong sagot, patuloy pa rin ang pag-agos ng luha.
Sabi ko sa iyo, Lord, eh. Marupok akong anak mo, tignan mo tuloy nangyari hays. Sorry po.
Agad namang tumayo si Jasper at niyakap ako ng mahigpit. Nang bitawan niya ako ay agad niyang isinuot sa akin ang singsing.
"Finally, you're mine." mahinang bulong nito bago hinalikan ang noo ko.
"Yours, love." bulong ko pabalik.
Napakalas kami sa isa't-isa ng biglang may mga pumalakpak kaya tinignan ko ang banda sa likod ko at doon ko nakita sina Mama, kaibigan namin at mga anak namin.
"Congrats, anak." lumuluhang bati ni Mama bago sumugod nang yakap sa akin na agad ko namang ginantihan.
"Thank you, Ma." mahinang saad ko.
"Congrats, Ar."
"Congrats, Ariane."
"Congrats, Mommy." sabay-sabay nilang bati bago ako niyakap.
"Thank you so much, guys." nakangiti kong pasasalamat.
"So, Fly with me?" tanong ko saka inilahad ang kamay sa kanya.
Nagliwanag naman ang mukha nito bago sunod-sunod na tumango
Humarap ako sa mga kasama namin. "Please, seat down, guys." nakangiti kong saad.
Hindi na ako nagsalita pagkatapos non at saka hinila si Jasper papasok sa cockpit.
"Good Morning Ladies and Gentlemen, this is your captain speaking. I would like to welcome you to AFWIL Airlines. This is flight number 2430, bound to love and to be loved."
Once na natanggap na natin ang saya, lungkot, sakit na hatid ng pagmamahal ay masasabi kong handa na tayo.
Handa sa panibagong yugto na nag-aabang sa kasalukuyan. Alam ko sa sarili kong handa na ako na harapan ang kasalukuyan na kasama ang mag-aama ko.
Nakakatuwa lang na habang naglalakad ako sa aisle ay naaalala ko ang lahat. Kung paano kami nag-umpisa at sa puntong nagkakasakitan at kailangan bumitaw.
Tumingin ako sa taong naghihintay sa harap. Nakatingin ito sa akin habang nakangiti at kumikinang ang mata. Wala pa ring pinagbago.
Habang lumalakad ay hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. He was the man who caught my heart. He was the man who turn my world upside down. Nang makarating kami sa altar ay doon ko palang nakita na umiiyak talaga siya.
"Take care of my daughter, Jas." paalala ni Mama. Ngumiti si Jasper at tumango bago kinuha ang kamay ko, naglakad kami papunta sa harap ng pari.
Sa sobrang dami naming pinag-daanan ay hindi ko aakalain na ito ang magiging katapusan namin.
"We are gathered today to witness the joining of Jasper and Ariane Faye's love in the eyes of our Lord Jesus."
Kasal. Sa isang kasal matatapos ang aming kwento para makagawa ng panibagong kwento na kami ang magkasama hanggang dulo. Panibagong kwento na sabay naming haharapin ang mga problemang darating.
"In the name of the Holy Spirit, I now solemnly declare you husband and wife. Let no one put asunder those that have been joined together today in the presence of almighty God. You may now kiss the bride."
Humarap kami ni Jasper sa isa't-isa saka niya itinaas ang belo na suot ko. Ngumiti ito bago ako hinalikan. A kiss that was full of love.
Narinig ko ang palakpalakan ng mga tao dahil doon.
Lumayo si Jasper sa akin at ngumiti. "I love you, love."
"I love you too."
My heart was overwhelming with happiness everytime I saw him. I love him with all my heart and soul.
Once again, this is Captain Ariane Faye Williams - Dela Vega, officially taking off.
———————————————————
Thank you for reading, guys!

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    BalquinMilyn

    ganda ng story. basahin nyo rin guys..

    15/01/2025

      0
  • avatar
    John Lydell Tumbucon

    kinikilig Ako

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Alayana Dele Cruz

    chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️

    06/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata