Chapter 19

CHAPTER 19
"Why are you kissing my mom?"
Agad kong naitulak si Jasper dahil doon. Nakita ko ang kambal sa pinto kasama si Valen na may mapaglarong ngisi sa mga labi.
"Well?" tanong nito.
"Aayusin namin pero hindi kami nagmamadali." sagot ko.
"Yes!" hiyaw nito habang napapasuntok pa sa hangin.
Taka naman akong tinignan ni Jasper dahil sa reaksyon ni Valen.
"May ibang gusto 'yan. Nasa ibang bansa nga lang." natatawa kong sagot.
"What?!" singhal nito at masamang tinignan si Valen na ngayon ay may nakakalokong ngisi.
"Gago ka. May iba ka palang gusto tapos kung makayapos ka sa mahal ko daig mo pa ako!" bulyaw nito.
Lumuhod naman si Valen sa kambal. "Sa taas muna kayo. May pag-uusapan lang kami, hmm?" anas ni Valen sa dalawa.
"Yes po, Dada." magalang na sagot ng dalawa.
"And we'll talk later." pahabol ni Valen. Tumango ang kambal bago lumapit sa akin.
"Mommy, h'wag pong aawayin si Daddy, ah?" tanong ni Sky saka sumulyap kay Jasper.
"Of course, sweet heart." nakangiti kong sagot saka hinalikan silang dalawa sa noo.
Pinanood ko pa silang umakyat hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.
"Talk." maiksing saad ko.
"Sa ating dalawa ikaw ang gago." galit na saad ni Valen habang masama ang tingin kay Jasper.
"At paanon—"
"Hindi ba't mas pinili mong maniwala sa tanginang video kaysa sa magtiwala at pakinggan ang mga paliwanag niya?" sumbat ni Valen.
Hindi agad nakasagot ang isa at tumingin sa akin. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya dahil tama naman ang sinabi ni Valen. I have so many what if.
"Mahal mo diba?" tanong pa ni Valen dahil hindi siya sinagot ni Jasper.
Dahan-dahang tumango naman ito.
"Kung ganon ay bakit hindi mo pinaniwalaan? Hindi mo pinag-paliwanag? Kung hindi siya umalis at sinabing buntis siya at ikaw ang ama, maniniwala ka kaya?" nanghahamon na tanong ni Valen habang may mapang-uyam na ngisi sa mga labi.
"Of course! Anak ko 'yon eh kay—"
Hindi na natapos ang sasabihin ni Jasper dahil agad na sumagot si Valen.
"Talaga? I don't think so. Doon palang nga sa nangyari ay hindi mo nagawang maniwala sa kanya, sa pagbubuntis pa kaya niya. Baka mamaya may kung sinong demonyo ang bumulong sa'yo na h'wag siyang paniwalaan." agad na sabi ni Valen saka naiiling.
Hindi agad nakasagot si Jasper dahil sa sinabi ni Valen. Paano nga kaya kung ganoon ang nangyari sa amin? Hindi niya matanggap ang mga anak ko... Anak namin.
"Nagsisisi ako sa ginawa ko noon sa kanya. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan ay gagawin ko. Pangako, hindi ko na uulitin kung ano mang nangyari noon." mahinang saad ni Jasper.
"Nakakasawang pakinggan 'yang mga pangako mong ni isa ay walang natupad. Kaya please lang, h'wag mo nang sabihin ng paulit-ulit." saad ko.
"Huling pagkakataon, Dela Vega. Huli na'to. Kapag inulit mo na naman ay hindi ko na alam ang magagawa ko sa'yo. Pasalamat ka ay mahal ko si Ariane bilang kaibigan dahil kung hindi ay baka tinotoo ko ang kasal namin. Hindi mahirap gustuhin si Ariane dahil lahat nasa kanya na. " nagbabantang sabi ni Valen.
Kumunot naman ang noo ni Jasper at tumango bago ako tinignan na para bang may malaki akong kasalanan. "Hindi kayo kasal?" tanong nito saka bumaba ang tingin sa daliri ko. "Paano?" dagdag nito.
"Pineke niya." maiksing sagot ko na para bang wala lang.
"What?!" hindi makapaniwalang tanong nito.
"Bingi ka ba?" inis kong tanong.
"Hell no! Nabigla lang ako." agad nitong sagot, kunot pa rin ang noo.
"May pag-uusapan pa ba?" tanong ko.
Umiling naman si Valen. "Wala na akong sasabihin. Ewan ko sa isa na 'yan. May gagawin ka ba?" tanong nito saka ako binalingan nang tingin.
"Yeah. May flight ako bukas." sagot ko.
"Na naman?!" singhal ni Jasper.
"Malamang. Anong palagay mo sa trabaho ko? Petiks-petiks lang? Magpalit kaya tayo, no?" inis kong tanong.
"Well, love, I'm not a robot."
Pilosopo ampota.
"No one said that you're a robot." inis kong sabi.
"Said nang said ampota. Tigilan niyo 'yan." singit ni Valen sa amin.
"Arguing? Kanina lang ay ang sweet niyo ah? May paiyak-iyak pang nalalaman." singit ni Phoebe na hindi ko alam kung saan nagmula.
"Saan ka na naman naglulusot-lusot?" tanong ko.
"Lalabas sana ako kanina kaya lang naabutan ko kayo ni Jasper na seryosong nag-uusap kaya bumalik nalang ako." sagot nito habang ang mga mata ay nakatutok sa cellphone niya.
"What's that?" curious na tanong ni Valen.
"Picture." sagot ni Phoebe. Ipinakita naman niya ang cellphone niya samin. Picture namin ni Jasper.
"Nice. Kindly send it to my account." ngising sabi ni Jasper.
"Nah. I'm not your servant, fucker." kontra ni Phoebe.
"Ok. I'll post your picture together with my cousin. How's that?" inosenteng tanong ni Jasper.
"Fine!" agad na sambit ni Phoebe.
Napailing nalang ako sa pagtatalo nila. Hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari pagkatapos nito. Gusto ko lang na maayos kung anong gulo ang namamagitan sa amin. Ayokong lumaki ang mga anak ko na walang ama. Kilala nila ang ama nila pero ayokong ipagdamot sila kay Jasper lalo na't may karapatan din ito sa mga bata.
Mahal ko pa rin siya. Ayokong lokohin ang sarili ko.
"Captain Williams!" sigaw ni Danica sa akin.
"Ano ba?" naiinis kong tanong.
"Kanina pa kita kinakausap tapos para kang tangang nakangiti d'yan." sagot nito.
"Ano ba 'yon?" inis ko pang tanong.
"Ang sabi ko ay kung anong oras ang flight mo?" tanong nito.
"8 am." mataray kong sagot.
"Bakit kasi hindi ka mag-stay sa condo mo sa Manila para hindi ka napapagod kaka-byahe papunta rito?" tanong pa nito.
"Andito sina Mama." maiksing sagot ko.
Tumango-tango ito na para bang nasagot ko ng maayos ang tanong niya.
"Last flight mo na 'to ngayong araw, Cap?" pormal na tanong nito.
"Yep. Sa susunod na ulit. Gusto kong matulog buong araw." sagot ko.
"Alright. Sabay na tayo papuntang Manila. May meeting din kasi kami." sambit nito kaya tumango nalang ako.
Ilang oras din ang naging byahe namin dahil sa traffic. Mabuti nalang at hindi kami na-late.
"Mauna na ako." saad ko saka humalik sa pisngi niya.
"Sure. Safe flight, can’t wait to have you home, safe and sound." nakangiting sabi nito.
Ngumiti rin ako saka inayos ang gamit ko bago bumaba na at naglakad papasok ng Airlines.
"Good Morning, Cap." bati ng mga nakakasalubong ko kaya nginingitian ko nalang sila.
"Aga natin, ah?" salubong ni Cap. Velasco sa akin.
"Maaga ba? Akala ko nga ay male-late ako eh. Traffic kasi." natatawa kong sagot.
"Yep. Ang aga mo." sang-ayon nito.
Napatango nalang ako.
"Ready?" tanong ni Cap. Velasco, ang co-pilot ko.
"Yes, Cap." nakangiti kong sagot.
"Alright." sagot nito kaya naman sabay na kaming naglakad papasok sa plane.
————————————————————
Thank you! =)

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    BalquinMilyn

    ganda ng story. basahin nyo rin guys..

    15/01/2025

      0
  • avatar
    John Lydell Tumbucon

    kinikilig Ako

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Alayana Dele Cruz

    chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️

    06/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata