CHAPTER 18 Pababa na sana ako ng hagdan nang mapadaan ako sa music room dahil naka-awang ang pinto non at may ingay ng gitara na nagmumula roon. Sumilip lang ako sa pinto at doon ko nakita si Jasper na nags-strum ng gitara, nakatagilid sa gawi ko kaya naman sumandal ako sa hamba ng pinto at pinanood ito. "Why did I run away, run away, run away? Oh, your love was everything, everything, everything I know it's gettin' late, gettin' late, gettin' late But can I still be on my way, on my way? Yeah" Nakapikit itong kumakanta at saktong pagkadilat nito ay nagtama ang paningin namin. Ngumiti ito ng bahagya sa akin bago ipinagpatuloy ang pagkanta. "I know I said goodbye and love, you said it too But when I touch her I feel like I'm cheating on you I thought that I'd be better when I found someone new But when I touch her I feel like I'm cheating on you." Huminto ito sa pag-gigitara at pagkanta bago ako sinenyasan na pumasok. "Upo ka." saad nito habang nakaturo sa upuan na hindi kalayuan sa pwesto niya. "Have you ever think what I feel before you left me?" tanong nito gamit ang mahinahong boses pero kita sa mga mata nito ang labis na kalungkutan. "Have you ever think what I feel before you judged me?" balik kong tanong. Hindi agad ito nakasagot at huminga lang ng malalim. "Bakit umalis ka agad pagkatapos nang araw na 'yon?" tanong nito pagkakuwan. "Anong ine-expect mong gagawin ko? Hahabulin ka? Luluhod sa harap mo para lang sabihin na paniwalaan ako? Magmakaawa na hindi ko magagawa 'yon?" natatawa kong tanong kahit na ang totoo ay wala namang nakakatawa. "Pero ang sabi mo ay mahal mo ako, diba?" mahinang tanong nito. "Yes. Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko. Ayokong ubusin ulit ang sarili ko para sa isang tao. Priority ko ang sarili ko, Jasper. I deserve to be treated right. And if you really love me, you would trust me." seryoso kong sagot sa kanya. "Nabigla rin ako sa nangyari kaya hindi ako nakapag-isip ng tama." anas nito habang may malungkot na ngiti sa labi. "Kaya hindi ka na nag-abalang magtanong sa akin? Kaya mas pinili mong akusahan nalang ako sa bagay na hindi ko naman ginawa o magagawa?" hindi maka-paniwalang tanong ko. Napayuko ito. "I'm sorry." "Yeah right." "Masyado akong nagpakain sa galit ko at hindi ko naisip ang nararamdaman mo." saad nito. "You know, anger doesn't solve anything. It builds nothing but it can destroy everything." sagot ko. "I know. Hindi ko sinasadyang saktan ka noon." Tumango nalang ako at hindi na sinagot pa ito. "Si Valen, mahal mo ba talaga siya?" tanong nito. "Yes." diretso kong sagot habang nakatingin sa mga mata nito. Kita ko ang pagdaan ng sakit doon na kaagad ding nawala. I'm sorry. "Stay strong on your marriage, I guess." sagot nito na pilit nilalagyan ng saya ang boses. "Thank you." kaswal kong sagot. "May anak?" dagdag nitong tanong. "Yes, kambal." nakangiti kong sagot. "Names?" "Sky and Heaven." nakangiti ko pa ring sagot. Nagulat naman ito sa isinagot ko. "Sky and Heaven?" gulat nitong tanong. "Yeah. I'm serious." "Hindi ba't ayon ang — nevermind." saad nito pero hindi itinuloy ang sasabihin. "Ayon ang? Ano 'yon?" kunot-noong tanong ko. "Wala. H'wag mo nang isipin 'yon." agad nitong sagot. "I'm curious. What is it?" pagpupumilit ko. "Wala nga." anas nito. Nagkibit-balikat nalang ako. "Ok." maiksing sagot ko. "Sige. Baka naaabala na kita. Salamat sa paglalaan ng oras." alanganing wika nito saka bahagyang ngumiti. "Hindi ka naman abala sa akin." nakangiti kong sagot. Natawa naman ito at kalaunan ay napangiti. Fuck! "I mean, hindi ka naman nakakaabala." agad kong dugtong dahil baka iba ang isipin niya. "Sige na. Baka may gagawin ka pa." nakangiti pa rin nitong sabi. Ngumiti rin ako bago tumayo. Hindi na ako nagsalita at tumango nalang saka naglakad palabas. Pagkalabas ko ay si Danica ang naabutan ko, nakasandal ito sa dingding saka nakangising tumingin sa akin. "What?" takhang tanong ko. "Nasa loob si Jasper, diba?" tanong nito. Tumango ako. Lumawak naman lalo ang ngisi nito. "Anong ginawa niyo?" "Nag-usap lang naman kami." sagot ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Agad naman siyang sumunod sa akin. "Seryoso ba? Walang nangyari sa inyo? Dalawa lang kayo sa loob at nakasarado pa ang pinto." usisa nito. "Wala nga at saka isa pa ay may asawa ako. Nag-usap lang talaga kami." sagot ko nang hindi ito nililingon. "Ariane, seryoso?" gulat nitong tanong. "Oo nga." inis kong sagot. Hindi pa ito nakuntento sa isinagot ko bagkus ay nauna itong naglakad bago ako hinarangan kaya napahinto ako at kunot-noong tinignan ito. "Ano?" tanong ko. "Mahal mo pa ba?" kuryosong tanong nito. "Sino?" tanong ko, kunwari ay hindi alam kung ano ang ipinapahiwatig niya. "Si Jasper syempre. Mahal mo pa?" pag-uulit nito. "Kapag ba sinabi kong hindi ay maniniwala ka?" tanong ko. "Hindi!" singhal nito. Natawa nalang ako bago siya binigyan ng makahulugang ngiti. "Sana ay nasagot ko na ang tanong mo." anas ko saka siya nilampasan. Rinig ko ay tili niya dahil sa isinagot ko. Isip bata. Pagkababa ko ay hindi ko naabutan ang kambal at si Valen. "Ang mag-aama ko, Ma?" tanong ko kay Mama dahil siya ang nasa sala. "Namasyal, nak. Ang paalam ni Valen ay dadalawin daw nila ang magulang niya." sagot ni Mama sa akin. Mabuti na rin 'yon dahil nandito si Jasper. Baka magkita pa sila. Hindi na ako kumibo saka naglakad papunta sa gawi ni Mama at tumabi. "Hanggang kailan kayo dito?" tanong ni Mama pagka-upo ko. "Dito na po kami mag-stay, Ma. Gusto rin ng kambal dito." sagot ko. "Paano si Jasper? Si Valen?" tanong pa ni Mama. "Si Jasper po, hindi ko pa po alam. Si Valen naman ay may rason kung bakit kami nagpakasal." saad ko habang ang paningin ay nasa tv. "At ano ang rason na 'yon?" "Kailangan niyang magpakasal muna bago makuha ang mana niya." sagot ko na parang wala lang. "Yung kambal, sino ang ama?" tanong ulit nito. "Yung tatay po." sagot ko kaya naman naramdaman ko ang kurot ni Mama sa tagiliran ko. Nakangiwi ko siyang nilingon. "Bakit?" ngiwi kong tanong. "Sino ang ama, Ariane?" seryoso nitong tanong habang matalim ang tingin sa akin. "Yung am—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil lalong sumama ang tingin nito. "H'wag mo akong galitin, Faye. Sino at ano ang pangalan ng ama ng mga apo ko?" mariing tanong ni Mama. "Si Jasper po." nakanguso kong sagot. Bago pa makasagot si Mama ay nakarinig kami ng nabasag kaya sabay naming tinignan kung saan iyon nagmula at doon namin nakita si Jasper na nakatayo at hindi maka-paniwalang nakatingin sa amin. Or should I say ay sa akin. "A-anak ko?" nauutal na tanong nito habang nakatingin sa akin. Hindi agad ako nakasagot. Ramdam ko ang pagtapik ni Mama sa balikat ko bago tumayo at iniwan kami ni Jasper. Naglakad ito palapit sa akin at lumuhod sa harap ko para mag-pantay ang mukha namin. "Anak ko, Ariane?" may hinanakit na tanong nito. Dahan-dahan akong tumango bilang sagot. Sunod-sunod na pumatak ang luha nito at saka napa-upo sa sahig. "B-bakit? Bakit hindi mo sinabi agad sa akin? Nagka-usap tayo kanina, diba? Kailan mo sila balak ipakilala sa akin? Ilang taon akong walang alam tungkol sa kanila. Hinahanap ba nila ako? I mean, kilala ba nila ako?" magkaka-sunod na tanong nito. Pinunasan ko ang luha nito. "Alam nilang ikaw ang ama nila." sagot ko saka ngumiti sa kanya. Natigilan naman ito. "P-paano?" nauutal na tanong nito. "Hindi naman ako ganon kasamang ina para ipagdamot sa kanila kung sino ang tatay nila. Alam nilang ikaw ang tatay nila." mahinahong sagot ko habang patuloy na pinupunasan ang luha niya. "Nasaan sila? Gusto ko silang makita." anas nito na bakas ang kasiyahan sa mata. "Mamaya lang ay nandito na rin sila. Ipinasyal sila ni Valen." sagot ko saka iginaya siya paupo sa sofa. "Tanginang pangalan 'yan. Walang kasing sagwa sa balat ng lupa." malutong na mura nito. ——————————————————— Thank you! =)
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (24)
BalquinMilyn
ganda ng story. basahin nyo rin guys..
15/01/2025
0
John Lydell Tumbucon
kinikilig Ako
02/09/2024
0
Alayana Dele Cruz
chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️
ganda ng story. basahin nyo rin guys..
15/01/2025
0kinikilig Ako
02/09/2024
0chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️
06/07/2024
0Tingnan Lahat