Chapter 17

CHAPTER 17
"Ang tanda na pala natin." sambit ni Seb habang nanonood kami.
"Anong natin? Ikaw lang." agad naming protesta.
"H'wag kang mandamay dahil alam naman nating lahat na ikaw lang." dagdag ni Valen.
"Ang sasama ng mga ugali niyo." inis na sabi nito sa amin bago itinuon ang paningin sa harap ng tv.
Natawa nalang kami at hindi na nagsalita pa. Alam naman niyang siya lang ang matanda sa amin kung bakit kailangang idamay pa kami sa katandaan niya.
"Punta lang akong kusina." paalam ko. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at agad nang tumayo saka nagtungong kusina.
Pagkapasok ko ay andoon si Jasper, umiinom ng alak.
"Aga n'yan ah." saad ko saka kumuha ng maiinom.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito gamit ang seryosong boses.
"Kasi bahay namin 'to, right?" nakangiwi kong tanong.
"Yeah, right." he snorted.
"Sige. Balik na ako sa sala." anas ko.
"Wait!" pagpipigil nito.
Takha ko namang nilingon ito.
"Yes? May nakalimutan ka?" tanong ko.
"Si Valen, anong mayroon sa inyo?" alanganing tanong nito.
"Well, he's my husband." sagot ko bago umupo sa harap kaharap nitong upuan.
"Mahal mo?" matabang na tanong nito.
Bago pa ako makasagot at biglang pumasok ng kusina si Phoebe.
"Uh, si uhm Khalixta nasa labas." anunsyo nito.
Malalim akong huminga bago tumayo at pinuntahan ito. Sumunod naman sila sa akin.
"Yes?" bagot kong tanong.
Pinasadahan naman ako nang tingin nito. "Nandito ka na pala." puna nito.
"Yeah. What are you doing here?"
"Nandito ang boyfriend ko at sinusundo ko lang siya." nakangiti nitong sagot saka tinignan si Jasper na nasa tabi ko.
"Boyfriend, huh?" nang-uuyam kong tanong bago bumaling kay Jasper na kabadong nakatingin sa akin.
"May balita pala akong nasagap." anas ni Khalixta kaya naman tinignan ko ulit ito.
"Kung ano man 'yan, hindi ako interesado." sagot ko.
"Balita ko kasi ayaw mo raw sa ugali ko." saad nito gamit ang malungkot na boses.
"Sana nabalitaan mo rin na wala akong pakialam sa katulad mo." sagot ko saka ngumisi.
Agad namang sumama ang tingin nito sa akin.
"Bakit ka pa ba bumalik dito? Sana ay nanatili ka nalang sa ibang bansa!" singhal nito habang masama pa rin ang tingin sa akin.
"Why? Natatakot ka na baka balikan ako nang sinasabi mong boyfriend mo?" nang-uuyam kong tanong.
"No. Wala namang dapat ikatakot doon." sagot nito.
"Wala naman pala. Ano pa palang ginagawa mo rito kung ganon? Nagpapansin?" natatawa kong tanong habang naiiling.
"Ano?!" hindi maka-paniwalang tanong nito.
"Kung ako sa'yo, hindi na ako mag-aaksaya ng oras para sa mga walang kwentang bagay. Halata namang ayaw sa'yo ng lalaki kung bakit pilit mong isinisiksik ang sarili mo sa taong hindi ka gusto." mahabang litanya ko bago siya tinarayan at tinalikuran.
Hindi ko alam na mapapa-aga pala ang pagkikita namin at hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan pa n'yang mag-effort na pumunta sa bahay namin para lang mag-eskandalo. Oh, well. Ano pa bang bago eh dati naman na n'yang gawain iyon.
"Captain Ariane!" sigaw ni Captain Velasco, co-pilot ko.
"Yes, Cap?" nagtatakang tanong ko.
"Kanina pa kita kinakausap pero mukhang malalim ang iniisip mo." puna nito sa akin habang seryosong nakatingin.
"I'm sorry. Ano ulit 'yon?" napapahiya kong tanong.
Napailing ito. "Ang sabi ko ay tara na." sagot nito.
Tumango nalang ako bago sumunod dito.
Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nasa himpapawid. The flight was smooth but it was tiring. Hindi siya ganon ka-boring dahil maraming kwento si Captain Velasco. He also shared something about our airlines. Kung paano ito nagbago at sa pagkakaroon ng ibang mga bagong piloto. Isa siya sa mga bagong piloto sa AFWIL Airlines. Sa tagal kong nawala ay hindi ko alam na ganoon kadami ang nagbago sa paglipas nang panahon.
He told me alot of things and experiences sa mga naunang flight niya at parehong-pareho kami nang reaction. Ang sabi rin niya ay yung pinaka-unang flight niya ay kinakabahan siya dahil hindi niya raw alam kung magagawa niya ng tama ang trabaho dahil nasa aming mga piloto nakasalalay ang buhay ng mga passengers.
"Good day, everyone. We have arrived in our destination. Thank you for your cooperation. I hope you have enjoyed our flight. On behalf of our cabin crews, thank you for choosing AFWIL Airlines. This is your Captain speaking. Let's have a good day everyone." pagkatapos kong sabihin iyon ay inalis ko na ang mikropong naka-konekta sa loob ng aircraft at saka tumingin sa labas.
Nakita ko ang pagbaba ng mga tao. We patiently wait hanggang sa wala ng natira. Lumabas na kami ni Captain Velasco sa cockpit at bumaba na sa plane.
"I had fun being your co-pilot, Capt. Thank you and take care." nakangiting sabi nito sa akin saka tinapik ang balikat ko. Ngumiti rin ako sa kanya at nagpasalamat.
Sabay kaming lumabas upang magpunta sa parking lot. Nauna akong umalis dahil may kailangan pa raw siyang daanan.
Fuck. I'm tired.
Ilang oras pa akong nag-drive bago nakarating sa amin. Pagkapasok ko palang ay yung kambal ang una kong nakita, kalaro ng mga ito si Mama.
"Mommy!" masayang sigaw ng dalawa pagkakita sa akin.
"Hello, babies." nakangiti kong bati.
"Are you tired po ba?" tanong ni Heaven, nag-aalala.
"Kinda, baby. Magpapahinga muna si Mama and we'll play later, ok?" saad ko.
They both nodded and smile. "Sure po." sabay nilang sagot.
Hinalikan ko lang sila sa noo bago lumapit kay Mama at nagmano.
"Magpapahinga lang po ako saglit, Ma." paalam ko.
"Ako na ang bahala sa mga apo ko. Magpahinga ka na, ‘nak." sagot ni Mama.
Ngumiti nalang ako bago nagpaalam na magpapahinga muna. Pagkadating ko sa kwarto ay ginawa ko muna ang mga dapat kong gawin bago nahiga at natulog.
————————————————————
Thank you! =)

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    BalquinMilyn

    ganda ng story. basahin nyo rin guys..

    15/01/2025

      0
  • avatar
    John Lydell Tumbucon

    kinikilig Ako

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Alayana Dele Cruz

    chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️

    06/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata