Chapter 16

CHAPTER 16
"Hindi mo sinabing uuwi ka." salubong ni Mama sa akin pagkapasok ko ng kusina.
"Biglaan din po, Ma. Gusto ng kambal na umuwi." sagot ko.
"At kasal ka na, huh?" masungit na tanong nito habang seryosong nakatingin sa akin.
Napanguso nalang ako bago sumagot. "Kailangan po."
"Biglaan ka ring nawala."
"Ma, naman. Kakauwi ko lang tapos sinasabon mo agad ako."
"Ariane, naman. Halos mamatay ako kakahanap sa'yo tapos malalaman kong kasama mo pala si Valen sa ibang bansa. Ni hindi ka nagpaalam o tumawag sa akin." mahabang lintanya nito.
"Kailangan lang talaga, Ma. May nangyari lang kasing hindi ko inaasahan." nakatungong sagot ko.
Rinig ko ang pag-buntong hininga nito. "Tungkol ba sa inyo ni Jasper?" mahinahong tanong ni Mama.
Mabagal akong tumango.
"Anak." tawag nito kaya nag-angat ako nang tingin.
"Nandito lang si Mama, okay? Magsabi ka lang sa akin. Hindi mo kailangang sarilihin yung sakit." masuyong saad nito bago lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko.
Yumakap naman ako agad sa kanya at hindi nagsalita.
"It's okay. I know na malalampasan mo rin 'yan." bulong nito.
"Thank you, Ma." sagot ko habang nakayakap pa rin sa kanya.
Ginulo lang nito ang buhok ko bago humiwalay sa pagkakayakap sa akin.
"Nasa labas ang mga kaibigan mo. Puntahan mo na." saad nito habang matiim na nakatitig sa akin.
Ngumiti lang ako at tumango bago naglakad papunta sa garden.
Pagkapasok ko palang ng garden ay napunta na agad sa akin ang atensyon nila.
"What?" tanong ko.
Si Valen ang unang sumagot. "Dito ka sa tabi ko." sagot nito bago tinapik ang bakanteng upuan sa tabi niya.
Kibit-balikat akong naglakad tungo roon.
"Anong ginagawa niyo?" kuryoso kong tanong dahil bigla silang tumahimik.
"Ilang taon na kayong kasal?" tanong ni Danica na hindi ko inaasahan.
"I think... Uh, 6 years? 6 years, right, hon?" tanong ko saka bumaling nang tingin kay Valen.
"Yah think?" salubong ang kilay na tanong nito.
"Yeah. 6 years. " sagot ko.
Ngumiti naman ito bago tumango. "Good. Akala ko ay nakalimutan mo." nakangiting sagot nito.
"Teka nga." singit ni Seb.
"Ano na naman?" salubong ang kilay kong tanong dito.
"Ba't galit? May itatanong lang ako."
"Ano nga?" pag-uulit ko.
"Saan kayo nagkakilala?" tanong nito sa amin.
"Matagal naman na kaming magkakilala ah? Alam mo 'yan, siraulo ka." walang pakialam na sagot ko.
"Pero hindi naman kayo nagpapansinan noon kaya paanong nangyaring ikinasal kayo?" tanong pa nito.
"Akala ko ba ay ayos na tayo d'yan?" kunot-noong tanong ni Valen kay Seb.
Pinandilatan naman ito ni Seb kaya bumuntong-hininga nalang si Valen bago sumagot.
"Niligawan ko siya nang pumunta siya sa ibang bansa." kaswal na sagot nito.
Tumango-tango naman ang mga kaibigan namin.
"S'ya nga pala. Pupunta raw dito si, uhh, Jasper. Nabanggit ko kasing dumating ka na." alanganing singit ni Phoebe.
Tumango naman ako. "Ayos lang." sagot ko.
"Sigurado ka? Pwede ko namang sabihin na h'wag na siyang tumuloy dito." paninigurado pa nito.
Ngumiti ako para ipakitang ayos lang talaga. "Sigurado ako, Fibs."
Nalukot agad ang mukha nito. "Hindi nakakatuwa, Ariane Faye. Ang baho pakinggan." naiinis na sabi nito.
Baho raw tapos pakinggan. May ganoon ba?
Ilang saglit kaming natahimik nang biglang may nagbukas ng pinto sa hardin at iniluwa noon si Jasper.
Speaking of the devil.
"Yow!" bati nito bago naglakad palapit sa amin.
Tinitigan ko naman ito. Walang nagbago sa kanya bukod sa nag-mature lang ang itsura pati ang pangangatawan maliban doon ay wala na.
"Nandito ka na pala." bati nito sa akin bago ibinaba ang tingin sa kamay ko.
"Yeah." sagot ko.
"Kasal?" tanong nito.
"Obvious naman yata." sagot ko.
Tumango lang ito saka mayabang na ngumisi sa katabi ko, kay Valen.
"Valen, pare." anas ni Valen saka inilahad ang kamay kay Jasper.
"Jasper pero h'wag mo akong ma-pare-pare kung si Ariane ang asawa mo." asar na sagot ni Jasper sa kanya.
"Wtf, dude?" rinig kong sabi ni Aquilla at North.
Umismid lang si Jasper bago ibinalik ang tingin sa akin.
"Ano?" tanong ko dahil sa paraan nang titig nito sa akin.
"Masamang tignan ang mahal ko?" nakangising tanong nito.
"Mahal your face. May asawa ako kaya tigilan mo ang kalandian mo." inis kong sagot.
"Talaga?" manghang tanong nito.
Tumango lang ako saka bagot na tinignan ito. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Nandito ang mahal ko kaya dapat na nandito rin ako." nakangiting sagot nito.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng hardin bago siya tinignan ulit.
"Wala naman." sabi ko.
"Anong wala?" tanong nito, bakas ang kaguluhan sa pangit niyang mukha.
"Wala rito ang mahal mo. Wala akong Khalixta na nakikita rito." anas ko. Nawala naman ang ngiti nito saka ako tinignan ng masama.
"Alam mong ikaw ang mahal ko." matigas na sambit nito.
"Sige." sagot ko saka tumango nalang.
"Ehem!" kunwaring ubo ng mga kasama namin.
"I'm thirsty." rinig kong sabi ni Jasper.
"Nasa kusina ang mga maiinom, Jas." sagot ni Chantal.
"Pumunta ka nalang sa kusina. Wala rito ang ref at s—"
Napahinto ako sa pagsasalita ng mabilis itong naglakad papunta sa gawi ko saka ako hinalikan. Hindi lang basta halik ang ginawa nito dahil I felt him sucked my lower lip.
What the fuck?
Maiinom ang hinahanap pero labi ko ang pinuntiryan ng gago.
"I'm good now." saad nito pagkabitaw sa labi ko saka mayabang na ngumisi sa akin.
"What the fuck is your problem?!" inis kong tanong. "Mukha bang tubig ang labi ko, huh?" gigil kong dagdag.
"Ang sabi ko lang ay I'm thirsty." sabi niya. "You didn't ask. Sana ay nasagot ko na ang tanong mo."
"Ang sabi ko ay may asawa ako at —"
"At wala akong pakialam." sansala nito sa sasabihin ko.
"I am thirsty but not for water." binitin nito ang sasabihin bago lumapit sa akin pero agad akong umusog palayo na agad naman niyang kinabig ang bewang ko para mapalapit sa kanya. "For you, of course." bulong nito.
Ramdam ko ang hininga nito na tumatama sa leeg ko kaya itinulak ko siya agad.
Kumindat lang ito bago bumalik sa pwesto niya na para bang walang kalokohan na ginawa sa akin.
Rinig ko ang pagsipol ng mga kasama namin bago ang kanya-kanya nilang pag-ngisi.
Tinignan ko sila isa-isa ng masama bago alanganing tinignan si Valen na kanina pa walang imik.
Ngumiti lang ito sa akin bago tumango. Bumuntong-hininga nalang ako bago ito niyakap sa bewang.
———————————————————
Thank you! =)

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    BalquinMilyn

    ganda ng story. basahin nyo rin guys..

    15/01/2025

      0
  • avatar
    John Lydell Tumbucon

    kinikilig Ako

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Alayana Dele Cruz

    chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️

    06/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata