Chapter 15

CHAPTER 15
"Mauna ka nang pumasok. Isabay mo na ang kambal. Excited silang makita si Mama." saad ni Valen pagkaparada ng kotse sa harap ng bahay namin.
"Sigurado ka? Pwede namang sabay-sabay na tayong pumasok." sagot ko.
"Mauna ka na, hon." ulit nito.
Alanganin naman akong tumango bago sinunod ang gusto nito.
Pagkapasok palang namin ng bahay ay agad nang tumakbo ang kambal kay Mama upang mayakap.
"Mommy La!" sabay na sigaw ng dalawa.
"Hala, hoy! Ariane! Anak mo?" gulat na tanong ni Phoebe.
Bago pa ako makasagot ay pumasok na si Valen at doon napunta ang atensyon nila Phoebe.
"Siya?" paninigurado ni Chantal.
Ngumiti lang ako. Lumakad naman si Valen papunta sa gawi ni Mama bago lumapit sa akin.
"Kayo? Gago. Teka, paano? Bro?" nagtatakang tanong ni Kuya Seb.
"Mahabang istorya, bud." natatawang sagot ni Valen sa kanya.
"May oras ako para d'yan. Usap tayo mamaya." agad na sagot nito saka nagtatanong ang matang tumingin sa akin.
"Kasal?" tanong nito.
Itinaas ko nalang ang kamay ko upang ipakita ang singsing.
Sunod-sunod naman ang pagmumura nila.
"Mag-aalburoto na naman ang isa 'pag nalaman 'to." komento ni Danica.
"Sino?" tanong ko.
Agad naman itong umiling. "Wala."
"Magpahinga na muna kayo. Alam naming pagod kayo sa byahe." singit ni Mama habang karga-karga ang kambal.
"Sige po." sagot ko saka kinuha sa kanya yung dalawa.
"Sa ano, uh, iisang kwarto lang kayo?" alanganing tanong ni Phoebe.
"Oo. Mag-asawa naman kami kaya walang masama doon." sagot ko.
"Pahinga na muna kayo. Valen, dude, mag-uusap tayo mamaya." saad ni Seb habang ang mga mata ay nasa akin.
Wow! Valen? Dude? Tapos nasa akin ang paningin. Ayos.
"Sige, Baste." natatawang sagot ni Valen na ikinalukot ng mukha ni Seb.
"Magpapahinga na muna kami." singit ko saka nagpaalam na sa kanila.
Sa dati kong kwarto kami dumiretso.
"Sa 'yo?" tanong ni Valen pagkapasok namin.
"Yep." I answered.
"Mommy? Dito na po ba tayo mag-stay?" nakatingalang tanong sa akin ni Heaven.
"Gusto niyo ba dito? How about your friends?" nag-aalala kong tanong.
"Pwede naman po kaming magkaroon ng new friends sa school, right?" tanong pa nito.
"Of course, baby. Gusto niyo dito?" tanong ko.
They both nodded.
Nag-angat ako nang tingin kay Valen para sa sagot nito.
"Sure. Walang problema sa akin." agad na sabi nito.
"Maninibago kayo sa klima rito pero masasanay din kayo." sabi ko sa kambal.
"Okay po. Mommy, I want to rest na po. I'm so exhausted." nakangusong sabi ni Sky.
Ginulo ko naman ang buhok nito bago kinarga papuntang kama.
"Palit ka muna, baby?" tanong ko paglapag ko sa kanya sa kama.
Umiling lang ito bago nahiga. "Ayaw po. Later nalang po pagkagising ko." inaantok na wika nito.
"Sleep well, my love." sagot ko saka hinalikan ang noo nito.
"How about you, princess?" tanong ko saka hinarap si Heaven.
"Sleep na rin po." agad nitong sagot saka sumampa ng kama bago nahiga sa tabi ng kambal niya.
"Sleep well, baby." nakangiti kong saad saka hinalikan din ang noo nito.
"At ikaw?" tanong ko kay Valen na kanina pa nakamasid sa amin.
Umiling lang ito. "I'm good." sagot nito.
"Sigurado ka?" tanong ko saka lumapit dito.
"Yeah. Magpapahinga nalang ako 'pag nakaramdam ako nang pagod."
"Magpalit ka na muna. Ang baho mo, hon." natatawa kong sagot.
Imbes na sumunod ay umiling lang ito bago ako niyakap.
"Magkikita at magkikita na kayo." mahinang bulong nito sapat lang para marinig ko.
"Alam ko, hon. Pumasok na sa isip ko 'yan bago pa tayo umuwi rito." sagot ko saka hinagod ang likod nito.
"Paano na ako?" tanong nito.
Natawa naman ako. "Ang arte nito. Para namang ano." natatawa kong sagot.
Natawa naman ito bago dumistansya ng konti. "Syempre. ‘Pag kinuha ka niya sa akin, mamimiss kita. Lalo ang kambal." sagot nito.
"Hahayaan mong mangyari 'yon?" nanlalaking matang tanong ko.
"Tinatamad akong makipagtalo sa siraulong ex mo. Hayaan nalang kita." sagot nito saka humagalpak nang tawa.
"Ah." maikling sagot ko saka humiwalay nang yakap sa kanya.
Tumigil ito sa pagtawa saka gulat na tumingin sa akin. "What?" takhang tanong nito.
Umiling lang ako saka bumalik sa kama bago nahiga sa tabi ng kambal.
"Hon, Faye." tawag nito pero hindi ko na nilingon.
Rinig ko ang sunod-sunod at malulutong na mura nito bago lumapit sa amin.
"Hon." malambing na tawag nito.
Tinignan ko lang ito saka pinagtaasan ng kilay.
"Nagtatampo ka?" kunot-noong tanong nito.
Umiling ako bilang pagsagot.
"Eh, ano?" tanong pa nito.
Nagkibit-balikat lang ako saka niyakap ang kambal.
Tumayo ito at naglakad papunta sa kabilang side ng kama kung saan ako naka-pwesto bago ako niyakap.
"Bati na tayo." that's not a question. Tss.
"Hmm."
"Ariane Faye." tawag nito sa buong pangalan ko.
"Oh?" tanong ko.
"Mahal kita." malambing na sagot nito.
"Thank you." sagot ko.
Agad namang nalukot ang mukha nito sa sagot ko. "It should be I love you too not thank you." inis na sagot nito.
"Yeah?" bagot kong tanong.
Lumambot naman ang mukha nito bago ako tinitigan. "You're tired." obserba nito.
Tumango lang ako saka humikab.
"Ang layo nang byahe." mahinang sagot ko.
"Pahinga ka na. Ako na munang bahala." saad nito saka ngumiti ng bahagya.
"Matulog na muna tayo. Tayo." sagot ko.
Ngingiti-ngiti naman ito bago tumabi nang higa sa akin.
"Ba't dito? Sa kabila ka baka mahulog si Heaven." sagot ko.
Ngumuso muna ito bago tumayo upang tumabi kay Heaven. "Sleep well, hon. I love you." saad nito.
"Love you too." sagot ko bago ipinikit ang mata.
————————————————————
Thank you! =)

Komento sa Aklat (24)

  • avatar
    BalquinMilyn

    ganda ng story. basahin nyo rin guys..

    15/01/2025

      0
  • avatar
    John Lydell Tumbucon

    kinikilig Ako

    02/09/2024

      0
  • avatar
    Alayana Dele Cruz

    chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️

    06/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata