Chapter 97

      Ramdam ni Marion ang sakit sa bawat subok niyang gumalaw kaya bumalik siya sa pagkakahiga. Kailangan niya ng stretcher o wheelchair kung gusto niyang makaalis mula sa kama na iyon. Mabilis naman ang reaksyon ni Seojun, tinulungan siya nitong makaupo man lang. Nilagyan nito ng unan ang kaniyang likuran bilang sandalan.
      “Sorry… Mukhang… Hindi ko na dapat ulitin iyon.”


      Para namang film ng pelikula na nag-flashback ang lahat… Gusto sana niyang sabihin na pareho lang sila na nadala sa temptasyon ngunit iba ang sinisigaw ng kaniyang balakang. “Siguro sa susunod… Maghinay-hinay din tayo.”


      “A! Ite-text ko nga pala si Emily. Sasabihin ko sa kaniyang hindi tayo makakapasok ngayon.” Muling kinuha ni Seojun ang cellphone nito.


      “Mabuti pa nga… Pero sabihin mo na lang na bigla akong nilagnat. Alam mo na… Ayoko naman na magkaroon ng weird na tsismis sa opisina o sa mansyon.” Hindi siya makagalaw nang maayos kaya lalo siyang naii-stress sa nangyayari. Nilalamig siya dahil sa aircon pero wala man lang siyang lakas para maghanap ng underwear sa mga oras na iyon.


      Bahagyang bumungisngis si Seojun pero tinakpan din nito ang sariling bibig. “Sorry… Sabi ko nga, hindi pwedeng malaman nila kung gaano kahina ang stamina ng asawa ko –” Kinurot niya ito sa tagiliran para manahimik na ito.


      “Ang dami mo pang sinasabi… Tulungan mo na lang akong magbihis. Saka gusto ko nang kumain ng almusal, gutom na ko.” Pinandilatan niya ito para tumigil na.


      Simula noon, mas lalo silang naging close. Nawala na ang invisible barrier na matagal din nilang pinag-alinlangan. Sa kabilang banda, nakuha na rin sa wakas ni Marion ang one hundred billion pesos na ipinangako ng Daddy niya. Hindi nga lang iyon kagaya ng inaasahan niya. Five hundred million pesos cash at worth five hundred million na assets – shares sa mining company ni Mr. Zafora. Malaki ang risk no’n pero henyo naman si Mr. Zafora pagdating sa negosyo kaya wala na siyang reklamo.


      Kagaya ng ipinangako niya, tinulungan niyang makapunta sa Pilipinas si Hae won. Iyon nga lang, may pasok si Eclaire ng mid-July hanggang August kaya hindi nagkakasama palagi ang magkaibigan. Pero bago umuwi sa South Korea ang dalagita, kasama nila itong mag-celebrate ng birthday niya. Buong buwan ng August kasi ang ibinibigay ng mga magulang ni Hae won para sa kanila. Ngunit bago ito umalis, kailangan munang matapos ni Hae won ang lahat ng assignments nito. Bilang ganti sa kabutihang loob ng mga magulang ng dalagita, pinadadalhan niya ang mga ito ng maraming prutas at pera, pambaon ni Hae won ng ilang buwan.


      Lumipas ang maraming taon na masagana at matiwasay ang kanilang pamumuhay. March 27, 2027. Araw ng sabado. Walang pasok sa opisina sina Marion at Seojun dahil nag-focus sila sa mga thesis nila sa huling taon nila sa kolehiyo. Si Eclaire naman, malapit na ring maka-graduate bilang Grade 12 student. Tila itinadhana ang lahat… Sa taon na iyon, magtatapos sila sa kani-kanilang mga eskwelahan. Si Ethan James naman, ang bunso nilang anak, magsisimula namang mag-aral sa kindergarten sa susunod na pasukan.


      “Sa wakas… Naranasan ko na ring magpahinga.” Tila lumulutang sa alapaap ang pakiramdam ni Marion. Nakapasa kasi siya sa thesis at naghihintay na lang ng graduation ceremony. Dalawang linggo simula sa araw na iyon.


      “Oo nga… Ngayon ko na lang din naa-appreciate kung gaano kaganda ang bahay na ito…” Nakahiga sina Marion at Seojun sa may tabi ng swimming pool ng mansyon. Bilog ang hugis no’n at may maliit na kiddie pool sa may kanan. Nandoon ang magkapatid na Eclaire at Ethan, masayang nagtatampisaw sa tubig. “Tingnan mo ang mga bata, tuwang-tuwa sa paglalaro.”


      “Ganoon talaga. Naging abala tayong tatlo kaya halos hindi na natin naaasikaso si EJ. Mabuti na lang talaga at palaging nandyan si Manang Shirley para umalalay sa atin.” Hindi niya maiwasang ngumiti. Pagkatapos ng graduation niya, hihingi siya ng isang buwang bakasyon mula sa Daddy niya. Deserve ng buong pamilya nila na magkasama-sama naman nang matagal. Sigurado siyang papayagan siya ng Daddy niya dahil paborito siya nitong anak. Well… Wala itong magagawa dahil siya lang ang nag-iisang anak nito.


      “Ang lapad ng ngiti mo, a… Ano na naman kayang tumatakbo riyan sa utak mo?” Umiling-iling si Seojun at kinuha ang baso na may lamang juice. “Mukhang maganda iyan, a?”


      “Wala… Naisip ko lang kung saan magandang magbakasyon ngayon –“ Parang may telepathic powers ang dalawa at kaagad na nagtama ang kanilang mga mata nang lumingon si Seojun. “Bumisita tayo kina Andrew!”


      Mahigit isang taon na rin noong huling pumunta sila sa resort na iyon. Ngunit dahil din sa negosyo na iyon, nagkaroon sila ng pera na nakahiwalay sa assets ni Peterson. Nagkaroon na rin ng confidence si Seojun bilang ‘son-in-law’ ni Peterson dahil nagagawa nitong magawa ang trabaho nito bilang CEO ng resort kahit nasa Pilipinas ito. ‘Yong perang sinasahod nito ang ibinibigay naman nitong pambili ng mga luho para sa mga anak nila.


      “Balita ko, may dini-date na ngayon si Andrew… Anak ng isa sa mga VIP client natin mula sa Seoul.” Kumuha siya ng isang pirasong grape mula sa bowl at isinubo iyon. “Ang galing, ‘di ba? Parang ang perfect ng lahat… Kumbaga sa isang novel, malapit na tayo sa may ending.”


      “Well, hindi naman perfect ang lahat pero… At least, masaya na ang lahat, ‘di ba?” segunda ni Seojun. “Siguradong matutuwa si Eclaire, makikita niya nang mas maaga si Hae won.”


      “At isa pa… Kailangan nating ipakita kay Eomma kung gaano na kalaki si Ethan… Malusog na bata ang apo niya kaya siguradong binabantayan niya sa langit si EJ, ‘di ba?” Hinawakan ni Marion ang kamay ng kaniyang asawa at bahagya ‘yong pinisil. “Sayang lang… Hindi niya nakita nang personal ang anak natin.”


      “Siguradong masaya si Eomma, kahit nasaan man siya ngayon. Kilala ko siya… Mahal na mahal niya si Eclaire, kaya siguradong ganoon din ang mararamdaman niya para kay EJ.” Inilapit nito ang kaniyang kamay sa mga labi nito bago nito iyon hinalikan. “Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit naging mahirap at puno ng pasakit ang kalahati ng buhay ko… Kailangan ko lang palang hintayin ang taong magbabago ng lahat ng mali sa paniniwala ko.”


      “Mom… Dad… Nagugutom na raw po si EJ.” Hindi nila napansin na nasa tabi na nila ang kanilang mga anak. Abalang-abala kasi silang dalawa sa paglalandian. “Gusto niya raw po ng ice cream. Okay lang po ba?”


      Tiningnan muna niya ang kaniyang relong pambisig bago sumagot. Sampung minuto pa lang pagkatapos ng alas-diyes ng umaga. “Masyado pang maaga para kumain ng ice cream. Pero sige… Ipasabi mo sa kitchen na gumawa ng fruit sorbet para sa ating apat. Iba na kasi talaga ang init ngayon sa Pilipinas.”


      “Yes! Thanks, Mom. Kayo na po muna ang bahala kay EJ.” Parang bata si Eclaire, tuwang-tuwa na pumunta sa kusina. Kung umarte ito, hindi mo iisipin na disi-otso anyos na ito.


      “Eclaire! Dahan-dahan sa pagtakbo, madulas ang gilid ng swimming pool!” sigaw ni Seojun. “Grabe talaga itong anak mo. Akala mo naman, matagal nang hindi nakakatikim ng fruit sorbet samantalang iyon din naman ang kinain natin noong nakaraang araw.”


      “Hayaan mo na…” Ngumiti na lang siya at humarap sa bunso nilang anak. “EJ, halika rito. Patutuyuin ka ni Mommy gamit ang tuwalya. Tama na ang paglalaro, okay?”


      “Mom… Saan si ate?” malambing na tanong ng bata.


      “Kumuha lang ng request mong ice cream si ate, anak.” Kinuha ni Seojun ang sun block sa tabi nito. “Pakilagyan nga ‘yong bata, sisilipin ko lang muna si Eclaire.”


      “Thanks, love. Ako na ang bahala.” Hindi na siya nahihiyang magsabi ng word of endearment sa kaniyang asawa, natural na lang na lumalabas iyon sa kaniyang bibig na para bang hindi niya isinumpa ang konsepto ng ‘kasal’ noon. Binuksan niya ang lalagyan at nagpahid sa mukha, mga kamay, at binti hanggang paa ni EJ. Nakasuot ng rash guard ang mga anak niya kaya hindi naman masyadong expose sa araw ang mga ito. Hindi naman lumaking malikot si EJ kaya madali itong alagaan. Dahil na rin siguro sa dami ng stories na binabasa niya habang nagbubuntis siya, mukhang namana nito ang pagiging bookworm niya. Mahilig itong magbasa kaya alam niyang likas ang talino nito.


      “Pagod na po ‘ko. Dito muna ‘ko.” Kusang pumwesto si EJ sa hinigaan ng Daddy nito. Matangkad na bata ito kaya papasa na itong lima o anim na taon kung hindi itatanong ang edad nito. Nagpapasalamat siya dahil hindi nito namana ang height niya.


      “Whoa… Ang galing naman ng anak ko. Na-enjoy mo ba ang pool?”


      “Opo…” Tumango-tango pa ang bata. Halatang naiinip na ito sa paghihintay dahil nasa direksyon na pinuntahan nia Seojun ang tingin nito.


      “Anak, basta, huwag kang maglalaro nang walang kasama. Kailangan na nandiyan si Shirley, Emily, o si Ate Eclaire mo, okay? Saka huwag ka ring tatakbo kapag nasa gilid ka ng pool. Mahirap na, baka bigla kang madulas. Ayaw mo naman sigurong mabagok ang ulo mo, ‘di ba?” bilang nanay, nasanay na siyang magsalita at magtanong nang diri-diretso nang hindi nabubulol. Doon niya na-realize kung gaano ka-talented ang mga ina.


      “Opo…” Malumanay ang tinig ni Ethan pero nagsisimula na itong sumimangot, halatang naiinip na talaga. Mayamaya, tila nagliwanag ang mga mata nito nang makita ang tray na dala ng Daddy nito. “Yes! Ice cream!”


      Bago pa ito tumayo, hinila na ni Marion ang kamay ng anak para manatili itong nakaupo. “Hintayin mo na rito sila Daddy at Ate. Dito rin naman sila pupunta, ‘nak.”


      Ibinigay ni Eclaire ang kutsara sa kapatid nito. “Nandito na rin yung panyo, para hindi malagyan ng ice cream ang damit mo, okay?” malambing na paalala ng dalagita.


      Tumango-tango naman si Ethan at inuna na ang pagkain ng ice cream. Minsan, naiisip niya na mas weird ang anak niya kaysa sa kaniya. Diretso naman itong magsalita pero bihira naman itong sumagot. Napatingnan na niya sa mga eksperto ang bata kaya alam niyang wala itong problema. Kung mayroon man… Masyadong mabilis ang pag-pick up nito ng mga bagay-bagay. Hindi na ito nahihirapang magbasa ng children books, tagalog man o english.


      “Sige, ako na muna ang bahala sa kapatid mo, anak. Magmiryenda ka muna.” Medyo maselan si Shirley sa dumi sa mga damit kaya pinatungan niya ng panyo ang bandang dibdib ni Ethan. “Ikaw, love? Ayaw mo ba ng fruit sorbet? Kumakain ka naman ng banana-blueberry noon, ‘di ba?”


      Imbes na sumagot, itinapat nito ang kutsara na may ice cream sa kaniyang bibig. “Tikman mo ito. Mas gusto ko ‘yong bagong flavor. Strawberry na may chocolate.”


      “Thanks!” Sinunod niya ito at tinikman nga iyon. Hindi siya mahilig sa strawberry pero paborito niya ang chocolate. Wala siyang masyadong malasahan dahil sobrang tamis ng tsokolate.


      “Mom... Dad… Ano pong balak niyong suotin para sa graduation niyo?” kaswal na tanong ni Eclaire habang kumakain


     “Bakit? Ano ba dapat ang isuot doon? Formal wear lang naman, ‘di ba?”


      Napangiti siya sa reaksyon ng kaniyang asawa. “Minsan, ang slow mo talaga sa ganito… Pero okay lang. Love pa rin kita.”

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    WilliamsKatt

    we are up

    24/10/2025

      0
  • avatar
    BeloJhon belo occeño

    nice

    20/10/2025

      0
  • avatar
    FajuraJoyce

    it's so beautiful and fantastic

    04/04/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata