January 17, 2022. Iyon ang araw kung kailan malalaman nila kung naging matagumpay ba ang isinagawang IVF. Kinakabahan nang husto si Marion dahil hindi niya pa alam ang resulta. Nakatingin siya sa puting dingding ng clinic na tila naghahanap ng kahit na anong dumi na pwede niyang tingnan. Nakaupo si Seojun sa tabi niya, tahimik na nakahawak sa kaniyang kaliwang kamay habang nakatingin sa may pintuan kung nasaan ang laboratoryo ng doktor. Binigyan siya ng pregnancy kit, at kinuhanan siya ng dugo para makasiguro. “Kumalma ka nga… Ako ang naii-stress sa iyo.” Ramdam ni Marion ang bawat pagkibot ng asawa niya habang nakaupo. “Lalabas na rin iyon mayamaya.” “Ewan ko ba…” Hinawakan ni Seojun ang buhok nito at bahagya ‘yong ginulo. “Ako itong may anak na pero ako itong takot na takot.” “Bakit ka natatakot?” bulalas niya nang hindi pinag-iisipan. “Kasi… Si Eclaire, hindi naman sa ano… Pero hindi namin inaasahan iyon. Isang beses lang iyon. Tapos… Ayon nga… Nagbago na ang lahat.” Bahagyang pinisil ni Seojun ang kamay niya. “Sa pagkakataong ito, alam ko ang mangyayari at ginusto ko, pinili ko… Kaya mas nakakatakot dahil hindi ko alam kung tama ang desisyon ko. Paano kung dumating ang panahon na hindi ko kayang mawala kayo… Siya… Sa piling ko… Siguradong magagalit ang Daddy mo sa gagawin ko.” Tiningnan niya ang ekspresyon ng mukha nito – para itong constipated na hindi maintindihan. May mga butil ng pawis sa sentido at noo nito, masyadong magalaw ang mga hita na hindi alam kung mananatiling nakaupo o tatayo na. Para bang gusto nitong pumasok na sa loob para makapagtanong sa kahit sinong nurse o doktor na naroon. Bahagya siyang dumikit sa katawan nito upang ipatong ang kaniyang ulo sa braso nito. Dahil sa halos isang metro na pagitan ng mga height nila, si Seojun na ang nag-adjust. Pumihit ito upang pwede siyang humilig sa may dibdib nito. “Sumasakit na ang ulo ko.” “Ganoon ba? Gusto mo bang kumain o uminom ng tubig?” bakas sa tinig nito ang pag-aalala. Sasagot pa sana si Marion nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang doktor nila. May hawak itong papel habang nakangiti na halos umabot hanggang tenga nito. “Congratulations! It’s positive!” “W-what?” gusto niyang makasiguro dahil baka nabibingi lang siya o mali siya ng akala. Bihira kasing may nagtatagumpay sa unang cycle ng IVF treatment kaya baka niloloko lang siya nito. “You’re pregnant. Congratulations!” Nabubulol ito sa huling salita na sinabi nito pero hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. Ipinakita pa nito ang pregnancy kit, pati na rin ang papel kung saan nakalagay ang resulta ng kaniyang laboratory. “Yes! Yes!” Halos magtatalon si Seojun dahil sa tuwa. Agad siya nitong niyakap, pero halatang nag-iingat ito na maipit siya. “Sa wakas! Magkakaanak na tayo!” Nahihilo siya… Hindi niya alam kung anong sasabihin o dapat maramdaman. Pero nang makita niya ang matamis na ngiti ng kaniyang asawa, bumukal ang mga luha sa kaniyang mga mata. Napahawak na lang siya sa damit nito at ninamnam ang mainit nitong yakap. Natatakot siya… Kinakabahan… Hindi pa rin nagsi-sink in sa utak niya na buntis siya… Gusto niyang kwestyunin ang resulta samantalang siya naman ang may gusto no’n. Ito ba ang epekto ng hormonal imbalance sa katawan niya? Pero ano man ang dahilan… Gusto niyang kalimutan ang lahat ng negatibong bagay na pumapasok sa utak niya. Gusto niyang sumaya! Hindi lang para sa sarili, gusto niyang maging masaya ang asawa at anak niya… Hindi na nila napansin na umalis na pala ang doktor. Masuyong hinahaplos ni Seojun ang likod niya, pilit siyang pinapatahan. Dumampi ang pahapyaw na halik nito sa kaniyang noo at bumulong, “Nandito lang ako. Kami ni Eclaire… Kasama mo kaming mag-aalaga sa baby… Sa anak natin. Huwag kang mag-alala, okay?” Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon. Ewan… Bigla na lang kasi siyang naiyak. Saka naging pessimistic siya kaagad, hindi niya agad naramdaman ang impact ng magandang balita. Buntis siya… Magkakaanak na siya… May bagong buhay na nasa loob ng katawan niya kaya hindi na niya masasabing ‘nag-iisa’ lang siya. Kahit na anong mangyari sa hinaharap, mayroon siyang anak na dapat mahalin at alagaan. Iyon ang mahalaga… Kailangan niyang maging isang mabuting ina para sa kaniyang magiging anak. “Siguradong matutuwa nito si Daddy… Saka si Eclaire…” Pinupunasan ni Seojun ang mga liha niya kaya humihinga siya nang malalim. Ayaw na niyang umiyak, baka makasama pa sa bata. “Ang mabuti pa… Sabihin na natin sa kanila mamaya.” “Oo naman. Ang mabuti pa, mag-celebrate tayo! Anong gusto mong kainin? Kahit na ano, iluluto ko para sa iyo.” Niluwagan ni Seojun ang pagkakayakap sa kaniya upang tingnan ang kaniyang mukha. “Sinigang na baboy!” Iyon kaagad ang sagot niya. Dahil naging abala siya sa dami ng mga dokumento na ibinibigay ni Andrew sa kaniya, wala na siyang oras para magsulat, o kahit magluto ng simpleng ulam na kinalakhan niya sa Pilipinas. “Sige… Ako ang bahala. Iyon lang naman ang alam kong Filipino dish kaya kahit paano, alam kong magagawa ko iyon nang tama.” “Of course. Saka sa sinigang, mas maasim ang sabaw, mas masarap!” Ngumiti siya na para bang nanalo siya ng jackpot sa lotto. Ito na! Ito na ang simula ng magandang buhay nila! Nang makauwi sila sa bahay, kaagad na tinawagan ni Marion ang kaniyang ama. Ilang ring pa lang ang nakakalipas nang sagutin nito ang telepono. Pakiramdam niya, sasabog ang dibdib niya sa saya pero pilit niyang pinakapakalma ang sarili. Nasa kusina lang si Seojun, nagsisimulang magluto ng pananghalian nila. Ayaw niyang magulat ito dahil sa bigla niyang pag-iyak o paghagalpak ng tawa habang kausap ang ama kaya nandoon siya sa kuwarto niya, Nakahiga siya sa reclining chair. Unconsciously, para bang ayaw ng sistema niya na maipit ang kaniyang tiyan. “Dad… Bibigyan mo ba ko ng bonus?” bungad niya. Hindi muna sumagot ang nasa kabilang linya. “Why? Kung wala kang magandang balita –” “I’m pregnant!” Muling nanahimik ang Daddy niya, pero naririnig niya ang bumilis na paghinga nito. “S-seryoso ka ba? Are you for real?” Mabilis siyang tumango kahit hindi naman siya nito nakikita. “Opo, Dad. Buntis ako… Magkaka-apo ka na!” “Oh my… God… Thank you! I…” hindi na naituloy ni Peterson ang sasabihin dahil nagsimula itong humikbi. Doon niya na-realize na namana niya sa Daddy niya ang pagiging iyakin. “I’m so happy for you, anak.” Kahit magkalayo sila, naramdaman ni Marion ang sensiridad ng kaniyang ama. Mukhang tuwang-tuwa talaga ito dahil naririnig niya sa kabilang linya na binabalita nito kay Romeo ang pagbubuntis niya. “Thank you, Dad…” “Alam ko na… Ika-cancel ko ang lahat ng meeting ko for today, okay? Hintayin mo ko mamaya sa Seoul. Siguro mga two or three hours, nandyan na ko. Wait for me!” “P-pero… Ang sabi niyo –” Pinatay na nito ang tawag kaya napatingin siya sa screen ng phone niya. “Ilo-launch niyo next week ang bagong mobile app ng FD Bank pero pupunta kayo rito?” Napailing na lang siya. Mukhang wala nang pakialam ang Daddy niya kaya hahayaan niya na lang ito. Malaking milestone para sa company nila ang FDB app. Bukod sa online banking features, magsisilbing electronic wallet na rin iyon ng mga tao. Pwede nang mag-send ng pera ang mga tao. At dahil bank-to-bank transactions, mas madaling ma-trace ang anomaly at scams dahil sa mahigpit na protocol ng bank nila. Dahil sa security reasons, mga affiliated banks lang ng FD Bank ang pwedeng magpasa, mag-withdraw, at mag-deposit gamit ang app na iyon. Tinawagan din niya ang mga magulang na nagpalaki sa kaniya. Kagaya ng kaniyang Daddy, tuwang-tuwa ang mga ito sa magandang balita. Iyon nga lang, abala ang mga ito sa pag-aalaga ng mga apo kaya hindi niya nakakausap nang matagal ang mga ito. Ang importante naman para sa kaniya, maramdaman ng mga ito na hindi niya nakakalimutan ang pag-aalaga at pagmamahal ng mga ito nang halos tatlong dekada. Tumayo na si Marion para pumunta sa kusina. Kailangan niyang sabihin kay Seojun na pupunta ang Daddy niya mamaya. Base sa pagkakakilala niya sa kaniyang ama, hindi ito sisira sa pangako nito. At isa pa, halos apat na buwan na niyang hindi nakikita ang ama. Kahit paano, na-miss niya rin ito. Lalo na ang pagiging impulsive buyer nito ng mga bagay na gusto niya. Gumamit ng seasoning mix si Seojun mula sa Filipino store na pinupuntahan nito tuwing byernes. Mahilig talagang magluto ang lalaki kaya pumupunta ito roon upang maging pamilyar ito sa pagkaing-Pinoy. Pabor naman iyon sa kaniya dahil palagi siyang busog at hindi namo-mroblema sa gawaing bahay. Saan pa ba siya makakahanap ng gwapo, matangkad, mabait at magaling magluto na lalaki sa mundong ito? Sa nobela lang naman uso ang kagaya ni Seojun. Hinintay lang nito na muling kumulo ang sabaw bago nito inilagay ang mga gulay. Para namang nahihipnotismo ng amoy ng sinigang si Marion. Sumilip pa siya sa tabi nito upang tingnan ang itsura ng ulam nia. “Maghahain na ko ng kanin.” Halos mapatalon sa gulat ang asawa niya. Nagko-concentrate ito sa bawat pagbabago ng sabaw dahil alam nito na ayaw niya na masyadong malambot ang dahon. Walang pechay kaya bok choy o chinese cabbage ang inilagay ni Seojun. Nang muling kumulo ang sabaw, pinatay na nito ang apoy at tinikmang muli ang sabaw. “Tikman mo nga… Hindi ako sigurado kung tama na ang asim nito.” Naglagay ng kaunting sabaw sa maliit na tasa si Seojun. Hinipan nito iyon upang lumamig nang kaunti bago nito iyon ibinigay sa kaniya. Inilapit niya muna ang sabaw sa kaniyang bibig, naroon ang pamilyar na amoy ng sampalok na may halong gabi dahil sa seasoning mix. Nilagyan pa ng kamatis ng asawa niya ang sabaw para magkaroon ng iba pang flavor ang sinigang, kagaya sa napanood nito sa isang online video tutorial. “Hmmm… Okay na. Tama na ang asim, pati na ‘yong alat.” Tumango-tango siya at tinapik pa sa braso si Seojun. “Ang galing mo na, ha…” “Salamat… Sige na. Ako na ang bahalang maghain ng kanin at ulam. Ikaw na lang ang bahala sa mga kubyertos at baso.” Simula nang magsama silang dalawa, palagi siya nitong pinagsisilbihan. Minsan, kahit pagtitimpla ng hot chocolate, ito na ang gumagawa. Naging full-pledged house husband si Seojun para sa kaniya. At kahit minsan, hindi ito nagreklamo sa kaniya.” “Salamat sa pag-aalaga mo…” “Wala iyon –” Napahinto si Seojun sa pagsandok ng kanin para tumingin sa kaniya. Hindi na niya napansin ang pag-arko pataas ng kaniyang mga labi. “Ngayon ko lang nakita ang ngiti mong iyan…” Kumunot ang noo niya at mabilis na napahawak sa kaniyang bibig. “Anong ibig mong sabihin?”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
we are up
24/10
0nice
20/10
0it's so beautiful and fantastic
04/04/2025
0Tingnan Lahat